You are on page 1of 17

Filipino sa Piling

Larang (Akademik)
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagsulat ng Talumpati
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Pagsulat ng Talumpati
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Luvy John A. Flores

Editor: Mary Ann F. Vidallo


Maria Fe C. Balaba

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
(Akademik)
Unang Markahan – Modyul 3:
Pagsulat ng Talumpati
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Akademik) Baitang


12 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagsulat ng Talumpati!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Akademik) Baitang 12 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagsulat ng Talumpati!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw,
bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na
kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa
iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi
ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Marahil nalalapit na ang pagsulat mo ng iyong kauna – unahang talumpati, at


nauunawaan ko na ikaw ay hindi sigurado at mayroong agam – agam sa pag-iisip ng
paghahanda at paghahatid ng unang talumpati. Ang mga bagong nagsasalita ay
madalas na nasosobrahan sa proseso ng pagsasama-sama ng mga ideya sa pagsusulat
nito mula simula hanggang katapusan. Saan ka magsisimula? Paano mo malalaman
kung aling paksa ang pinakamahusay na ipapahayag mo sa iyong madla o awdiyens?
Gaano karaming impormasyon ang sapat? Maaari ka bang magkaroon ng maraming
impormasyon sa mga tagapakinig?
Huminga ka muna! Hindi kita pagsusulatin at pagsasalitain ng iyong talumpati
sa puntong ito. Ituturo sa iyo ng modyul na ito ang mga pangangailangan sa pagsulat
ng isang talumpati upang maging matagumpay ang unang talumpati na iyong isusulat
at kinalauna’y mabibigkas mo sa harap ng iyong mga kaklase.

Ang modyul na ito ay magiging gabay mo upang makabuo ng sariling talumpati.


Handa ka na ba sa iyong bagong aralin?

Pagkatapos ng modyul na ito, malilinang na sa iyo ang layuning ito:


• Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.
(CS_FA11/12PN-0g-i-91)

Subukin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang titik ng tamang sagot
sa patlang.
1. Ano ang tawag sa isang proseso ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang isyu?
a. posisyong papel C. talumpati
b. replektibong sanaysay D. bionote
2. Anong bahagi ng talumpati ang responsibilidad sa pagkuha ng atensyon ng mga
tagapakinig?
A. simula C. ideya/punto
B. katawan D. kongklusyon
3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kaluluwa, buod, at pahayag na nais
ipahatid ng mananalumpati?
A. tesis ng pangungusap C. pamagat
B. tesis sa pangungusap D. pansuportang detalye
4. Anong bahagi ng talumpati ang nangangailangan ng kawastuhan ng impormasyon
at ngangailangan ng masusing pananaliksik para maging kapani – paniwala ang
susulating talumpati?
A. simula B. katawan C. ideya/punto D. kongklusyon
5. Anong bahagi ng talumpati ang nagbibigay ng hamon o tanong sa mga tagapakinig?
A. simula B. katawan C. ideya/punto D. kongklusyon

1
Aralin

1 Pagsulat ng Talumpati

Ibibigay ng modyul na ito ang mga pangangailangan mo sa pagsusulat ng isang


talumpati. Ang paghahanap ng isang paksa ay maaaring maging pasanin kaya
minumungkahi na ikaw ay mag-isip ng isang paksa na aakma sa personal mong interes.
Maaaring isaisip ang mga katanungang ito: Ano ang gusto kong gawin? Ano ang mga
libangan at kasanayan na mayroon ako na maaari kong ibahagi? Mayroon ba akong
pinagkakadalubhasaang isang partikular na field o area? Ang pagbabahagi ng iyong
libangan ay maaaring maging isang mahusay na paraan upang matukoy ang isang
paksa. Ngunit hindi ka lamang titigil doon. Tandaan, mahalaga na sa paksang pipiliin
mo ay himayin pa ito upang mas maging tiyak ito sa iyong pagsusulat.

Balikan

Sa paglipas ng mga linggo ay natutuhan mo ang maayos na pagsulat ng mga


akademikong sulatin tulad ng bionote, sintesis, abstrak, at panukalang proyekto. Nais
kong alalahanin mo ang isa sa mga ito.
Mula sa mga nabanggit, mamili ng isang akademikong sulatin at sagutin ang
tanong sa ibaba.

Bumuo ng isang talata na mayroong 5 pangungusap. Ano – ano ang mga


tagubilin sa pagsulat ng akademikong sulating iyong napili?
________________________________
(Akademikong Sulatin)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2
Tuklasin

Nakarinig ka na ba ng bumibigkas ng talumpati? Inaabangan mo ba kung ano


ang sasabihin ng mga nanalo sa isang gabi ng parangal? Isinasapuso mo ba ang sermon
ng pari kapag misa o ng pastor sa isang prayer service? Isa ka ba sa mga tumututok sa
telebisyon habang nagtatalumpati ang isang pinuno ng pamahalaan?
Ano na ang mga talumpating iyong narinig at tumatak sa iyong kamalayan? Itala
ang mga ito sa ibaba at ibahagi ang katangiang naibigan mo sa bawat talumpati. Kung
wala pa, maaaring manood ng ilang talumpati sa Youtube.

Tagapagsalita Layunin ng Talumpati Saan o Paano


Natutunghayan

Halimbawa: Christian Bables Pagtanggap ng parangal Napanood sa telebisyon


bilang Best Supporting
Actor sa gabi ng parangal
ng MMFF

1.

2.

Kumusta ang pagsagot mo sa mga gawain? Naging madali ba ito para sa iyo? Bilugan
ang pinakaangkop mong emosyon para dito. Ipaliwanag.

1. Nahirapan ka ba sa pagsagot sa unang gawain? Oo o hindi? Ipaliwanag


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3
Suriin

Basahin ang sumusunod na punto sa pagkatuto.


Sa pagsulat ng talumpati ay mahalagang malaman mo ang mga bahaging nito.
Ang unang bahagi ng talumpati ay ang simula (introduksiyon). Kinakailangang dito
makuha ng mananalumpati ang atensyon ng kanyang tagapakinig at umisip ng estratehiya
upang makuha kaagad ang atensyon ng madla. Sa bahagi ng introduksyon ay kinakailangang
banggitin ang pangunaging pangungusap ng gagawing talumpati o ang tesis nito. Mahalaga
ang nagiging papel ng tesis ng pangungusap dahil ito ang pinakakaluluwa, pinakabuod, at
pahayag na nais ipaabot sa tagapakinig. Karaniwang inilalagay ito sa huling bahagi ng
introduksiyon bilang simula sa pagtalakay ng nilalaman ng talumpati.
Ang ikalawang bahagi na dapat lamanin ng iyong binubuong talumpati ay ang
katawan (nilalaman). Sa pagsulat ng bahaging ito, kinakailangang isaalang – alang ang mga
wastong impormasyon. Huwag lang basta kuhanin ang nilalaman na makikita sa mga
elektronikong sanggunian. Mahalagang tingnang mabuti ang kredibilidad ng pagkukuhanang
impormasyon upang hindi magkamali. Karaniwan sa mga aklat at dalubhasa sa
pagtatalumpati, iminumungkahi ng mga ito na magkaroon ng dalawa - tatlong punto at sa
bawat punto ay nangangailangan ng paliwanag upang mas mapalawak pa ang tinutumbok
ng iyong talumpati. Mahalagang maging sistematiko at organisado ang paglalatag ng mga
punto, ideya, at iba pang nais sabihin. Halimbawa: unang punto at paliwanag, ikalawang
punto at paliwanag, at ikatlong punto at paliwanag. Kalimitan ganito rin ang ginagawa sa
mga paligsahan sa pagtatalumpati. Maaaring gumawa ka ng balangkas upang mas
magabayan ka sa pagbuo ng talumpati. Isa rin sa mga hinihintay ng madla ay ang mga
panayam mula sa ibang tao upang mapatotohanan ang mga ipinapahayag mo sa iyong
tagapakinig. Isa ring puntos sa mga tagapakinig ang paghahayag ng iyong sariling karanasan
bilang materyal sa isasagawang talumpati.
Ang huling bahagi ng iyong talumpati ay ang kongklusyon. Dito mo muling uulitin
ang mga naging punto mo at dito rin ilalagay ang mga mahahalagang ideya na nais mong
bigyang – diin sa iyong mga tagapakinig. Maaari mo rin ilagay sa bahaging ito ang tesis ng
pangungusap na sinabi mo sa introduksyon upang maipaliwanag mo nang husto at hindi
makalimutan ng mga nakikinig. Sa pag – ulit mo ng tesis ng pangungusap ay mailalarawan
mo rin nang husto ang iyong pinupunto. Batay rin sa mga dalubhasa sa larangan ng
pagtatalumpati ay mahalagang sa nilalaman ng talumpati sa bahagi ng kongklusyon ay ang
pag – iiwan mo ng hamon o tanong sa madla o di naman ay mag – imbita o manghikayat sa
madala na kumilos tungo sa pagbabago.
Narito ang ilan pa sa mga tagubilin sa pagsulat ng talumpati:
• Alamin ang magiging tagapakinig at okasyon
• Alamin kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa pagbigkas ng talumpati
• Pumili ng paksang malapit sa karanasan, may natatanging halaga sa iyong buhay, o
mayroon kang sapat na kaalaman
• Tukuyin ang mga layunin ng pagsusulat at paghahanda ng talumpati at ng isasagawang
pagbigkas
• Kumalap ng datos at mga kaugnay na babasahin
• Alamin ang magiging halaga ng isusulat na talumpati
• Ibalangkas at suriin ang mga nakalap na datos
• Itala ang tatlo hanggang pitong mahahalagang punto
• Talakayin, pagyamanin, at paunlarin ang mga ideya
• Ihanda ang mabisang kongklusyon
• Huwag kalilimutang kilalanin ang sanggunian sa talumpati
• Kapag nasulat na ang unang borador, basahin ang teksto nang ilang ulit.
• Pagkaraan ng rebisyon at kapag handa na ang pinal na borador, mag – imprenta ng kopya

4
Pagyamanin

Gawain 1 Pagbuo ng Balangkas

Gamit ang mga konseptong nalaman mo sa modyul na ito, oras na para


pagyamanin mo ang iyong mga natutuhan. Maaari mo ring balikan ang modyul sa
sintesis/sinopsis bilang gabay mo sa gawaing ito. Basahin ang halimbawa ng talumpati
ni Dr. Jose V. Abueva na pinamagatang “Pambansang Wika at ang Isyu ng
Intelektwalisasyon”
Bumuo ng isang balangkas upang matukoy ang pangunahing pangungusap o
tesis ng pangungusap ng teksto. Alamin din ang mahahalagang ideya o punto mula sa
teksto at tukuyin ang ideya ng kongklusyon sa talumpati ni Dr. Jose V. Abueva.
Sundan ang balangkas sa ibaba:

Pamagat: _________________________________________________

I. Pangunahing ideya/Tesis
____________________________________________________________________
II. Mga Mahahalagang punto/ideya
A. (unang punto)__________________________________________________
1. Isulat ang kabuuang nilalaman ng unang punto
B. (ikalawang punto)__________________________________________
1. Isulat ang kabuuang nilalaman ng ikalawang punto
C. (ikatlong punto)____________________________________________
1. Isulat ang kabuuang nilalaman ng ikatlong punto
III. Kongklusyon
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Gawain 2 Pagbasa ng Teksto

Basahin ang isang halimbawang talumpating isinulat ni Onofre Pagsanghan na


pinamagatang “Sa Kabataan.” Suriin at kilalanin ang mga katangian ng mahusay na
talumpati sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
http://filipinolibrarian.blogspot.com/2006/08/talumpati-onofre-pagsanghan.html

1. Ang mga kabataan nga lang ba ang dapat na makinig o magbasa ng


talumpating ito? Ipaliwanag ang kasagutan.
2. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating ito?
3. Nakapukaw ba kaagad ng iyong interes sa simula pa lamang ng talumpati?
4. Taglay ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng talumpati gaya
ng kawastuhan, kalinawan, hindi paligoy – ligoy, at iba pa? Ilahad ang iyong
sagot.
5. Maayos ba ang pagkakalagom o kongklusyon nito kaya’t mapakikilos kang
gawin ang nakasaad dito?
6. Masasabi mo bang nakikilala mo na ngayon ang katangian ng isang mahusay
na talumpati batay sa halimbawang iyong sinuri? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 3 Awtput

Mula sa nabasang talumpati. Pumili ka ng isang paksa na nais mong gawan ng


talumpati. Sumulat ka ng isang talumpating nanghihikayat sa kabataaang Pilipino.
Hikayatin mo silang makinig at maniwala sa iyong ideya, pananaw, at paniniwala.

5
Isaalang – alang sa pagsulat ang lahat ng tinalakay sa araling ito. Isulat ang iyong
kasagutan sa maikling short bondpaper.
Pamantayan sa pagmamarka

Pamantayan Puntos
Naisasagwa nang mataman ang mga 5
hakbang sa pagsulat ng talumpati
Nakasusulat ng organisado, malikhain, 5
at kapani-paniwalang talumpati
Naksusulat ng talumpating batay sa
maingat, wasto, at angkop na paggamit 5
ng wika
Nakabubuo ng talumpating may
batayang pananaliksik ayon sa 5
pangangailangan
Kabuuang puntos 20

Isaisip

Sa gawaing ito, nais malaman ng modyul na ito ang iyong saloobin dahil
naniniwala ang iyong guro na #MEMASASABI ANG KABATAAN.

Ano ang iyong repleksyon sa pagsulat mo ng iyong kauna – unahang talumpati?


Ano – ano ang mga suliranin na natamasa mo sa pagsulat ng iyong talumpati? Ibahagi
mo ito sa modyul na ito.
Ang mga talumpati ay may layunin din kung bakit sila naisulat at bibigkasin sa
harap ng madla. Magturo, magpaliwanag, magbigay-impormasyon, manghikayat,
magpapaniwala o lumibang ang ilan sa mga layunin ng isang talumpati. Mayroon ding
tinatawag na talumpating pinaghandaan kung saan nangangailangan ito ng oras,
pananaliksik at impormasyong naibalangkas bago ito bigkasin sa harap ng madla.
Samantalang mayroon naman tayong dagliang talumpati kung saan ang pagtatalumpati
ay agaran at di pinaghandaan o isinaulo. Nasusukat ang lawak ng kaalaman at diskurso
ng nagtatalumpati sa uring ito dahil ang mga salita at pahayag na sasabihin niya ay
hango sa kaniyang malawak na kaalaman, kasanayan at karanasan sa paksang
kaniyang tinatalakay.

Isagawa

Palawakin ang Kaalaman!


Ihanda ang iyong sarili sa pagsulat ng talumpati. Magbigay ng dalawang paksang
sa palagay mo ay magandang gawan ng talumpating makatutulong sa inyong
henerasyon upang mas maging responsible sa pagpapahayag ng saloobin at paggamit
ng social media at mga makabagong teknolohiya. Maglahad ng tigdalawang paraan
kung paano ito makatutulong sa inyo. Tandaang dapat na nakabatay sa pananaliksik
ang talumpating isusulat kaya’t isaalang – alang ito sa pagbibigay ng magandang paksa.

Paksa 1 Paksa 1

6
Tayahin

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Ikahon ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
1. Ano ang tawag sa isang proseso ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang isyu?
A. Posisyong Papel C. Talumpati
B. Replektibong sanaysay D. Bionote
2. Anong bahagi ng talumpati ang responsibilidad sa pagkuha ng atensyon ng mga
tagapakinig?
A. simula C. ideya/punto
B. katawan D. kongklusyon
3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kaluluwa, buod, at pahayag na nais
ipahatid ng mananalumpati?
A. Tesis ng pangungusap C. Pamagat
B. Tesis sa pangungusap D. Pansuportang Detalye
4. Anong bahagi ng talumpati ang nangangailangan ng kawastuhan ng
impormasyon at nangangailangan ng masusing pananaliksik para maging
kapani – paniwala ang susulating talumpati?
A. simula C. ideya/punto
B. katawan D. kongklusyon
5. Anong bahagi ng talumpati ang nagbibigay ng hamon o tanong sa mga
tagapakinig?
A. simula C. ideya/punto
B. katawan D. kongklusyon

Karagdagang Gawain

Gawain1 Basahin ang talumpati ni Krisel Mallari sa kaniyang graduation speech


(welcome remarks). Mababasa ito sa
https://drive.google.com/file/d/1N1pXxiTP5c_cEK92PniX_soLcezwMnDs/view?usp=shari
ng.
Gumawa ng insight batay sa artikulong nabasa. Bilang mambabasa/tagapakinig,
naging epektibo ba ang paglalahad ng kaniyang talumpati? Batay sa tinatalakay sa modyul
na ito, kumpleto ba ang mga bahagi nito? Ano kaya ang layunin ng kaniyang talumpati?
Kanino niya iniaalay ang talumpating ito? Ilagay ang sagot sa talaan.
Mga Bahagi Layunin Awdiyens Mga Punto
1. Simula

2. Gitna

3. Kongklusyon

Gawain 2
Ikaw ay naanyayahang maging panauhing pandangal sa Pagtatapos sa paaralang
pinagtapusan mo noong ikaw ay nasa elementarya. Sumulat ng talumpati hinggil sa paksa
ng pagtatapos na “Sulong Edukalidad: Pagtataguyod sa Kinabukasan ng Bayan.” Gawing
gabay na balangkas ang pamantayan sa Gawain 1. Ipasa sa iyong guro bilang bahagi ng
iyong e-portfolio.

7
Rubriks sa Pagmamarka

Pamantayan Mahusay na Mahusay Kainaman


mahusay (5) (4) (3)
Mga Bahagi -naipakita sa -naipakita sa -naipakita sa
1. Simula talumpati ang mga talumpati ang 2 talumpati ang isang
2. Gitna o katawan bahagi nito bahagi nito bahagi nito
3. Kongklusyon o
wakas
Mga punto -malinaw, -malinaw, -maligoy, hindi
organisado, may bahagyang masyadong
pagkakaugnay- organisado at organisado ang mga
ugnay ang mga magkakaugnay ang kaisipan at pahayag
pahayag at kaisipan mga pahayag at
kaisipan
Gamit ng Wika -naayon sa paksa, -di gaanong napili -di kinakitaan ng
wasto ang gamit at at nagamit ang mga mahusay o maayos
paglalapat ng mga salita sa pagtalakay na paglalapat ng
salita at angkop ang ng mga punto. wika sa pagtalakay
gramatika sa sa mga punto
pagtalakay ng mga
punto.

8
9
Subukin Tayahin
1. C 1. C
2. A 2. A
3. A 3. A
4. B 4. B
5. D 5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Sangguniang Aklat
Julian, Ailene Baisa, and Nestor S. Lontoc. 2017. “Ang Kalahagahan Ng Pagsusulat at Ang Akademikong
Pagsulat.” In Pinagyamang Pluma (K to 12): Filipino Sa Piling Larang (Akademik), 1–8. Quezon City,
Philippines: Phoenix Publishing House, Inc.
Evasco, Eugene Y., and Will P. Ortiz. 2017. “Pagsulat Ng Abstrak.” In FILIPINO PAGBASA AT
PAGSULAT SA PILING LARANGAN, 8–12. Quezon City: C&e Publishing.

Elektronikong Sanggunian

Jacksonville, F. (n.d.). Fundamentals of Public Speaking. Retrieved August 02, 2020, from
https://courses.lumenlearning.com/atd-fscj-publicspeaking/chapter/module-introduction-4/

10
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212

Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862

Email Address: makati.city@deped.gov.ph

You might also like