You are on page 1of 26

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto tungo


sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Pagbuo ng Maikling Pananaliksik
na Napapanahon ang Paksa
Pambungad sa Pilosopiya ng Tao
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Pagbuo ng Maikling Pananaliksik na Napapanahon ang
Paksa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Name
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Anselma M. Ebero
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Eugenio S. Adrao, EPS In Charge of LRMS
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian
Mario B. Maramot, CID Chief
Rosalinda A. Mendoza, EPS In Charge of LRMS
Rosalinda A. Mendoza, ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro


Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Pagbuo ng Maikling Pananaliksik
na Napapanahon ang Paksa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Fiipino 11 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagbuo ng Maikling Pananaliksik na
Napapanahon ang Paksa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagbuo ng Maikling Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa
!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

iii
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang pagbuo ng maikling pananaliksik na
napapanahon ang paksa. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng
pang-unawa ng mag-aaral na naaayon sa pamantayan nito.

Pamantayang Pangnilalaman:
 Nakasusunod sa pamantayan ng pagsulat ng masinop na pananaliksik.

Pamantayan sa Pagganap:
 Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.
(F11EP – IVij – 38)

1
Subukin

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

1. Isusulat ni Richard ang background ng kaniyang paksa. Nais din niyang


ipaliwanag kung ano ang kalagayan ng paksa sa kasalukuyan. Anong
bahagi ng pananaliksik ang ipinapakita sa sitwasyon?
A. Gamit ng Paksa
B. Kaligiran ng Paksa
C. Layunin ng Paksa
D. Saklaw at Delimitasyon

2. Bakit kailangang isaalang-alang ang mga batayang katangian sa pagbuo ng


pananaliksik?
A. Upang matapos kaagad ang pananaliksik.
B. Upang madaling maunawaan ang nilalaman.
C. Upang malimitahan ang paksang sasaliksikin.
D. Upang malaman ang mga batayan sa pagbuo ng pananaliksik.

3. Anong bahagi ng pananaliksik na kinapapalooban ng mga pangalan ng


indibidwal, pangkat, at institusyong gumabay at tumulong upang
matagumpay na matapos ang pananaliksik?
A. Fly Leaf
B. Gamit ng Paksa
C. Kaligiran ng Paksa
D. Pasasalamat

4. Alin sa pagpipilian ang hanguang makadaragdag ng kaukulang datos sa


pamamagitan ng pagtingin at pagtiyak na makukuha ang buong link upang
madaling balikan ang mga nais pang hanguing impormasyon?
A. Aklat
B. Internet
C. Pahayagan
D. Tesis at Disertasyon

5. Ano ang bahagi ng pananaliksik na nagbibigay kahulugan sa ilang salitang


ginamit sa pananaliksik upang mabigyan ang mga ito ng konteksto?
A. Balangkas Konseptwal
B. Depinisyon ng mga Terminolohiya
C. Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pananaliksik
D. Teoretikal na Balangkas

2
6. Sa pagsulat, alin ang dapat tandaan sa pagpili ng paksa?
A. Bilang mananaliksik, hindi mahalagang may interes sa paksang
pinili.
B. Hindi kailangang iayon ang paksang pipiliin sa strand na
kinabibilangan.
C. Isaalang-alang ang paksa ayon sa lugar na kinaroroonan at edad
ng magiging kalahok sa pag-aaral.
D. Hindi dapat na magtanong at humingi ng payo sa mga kaibigan
at guro kung mahalaga at kawili-wili ang paksang nais saliksikin.

7. Ano ang tawag sa pangkalahatang paglalarawan ng mga konsepto na


makatutulong sa pagsusuri ng mga datos?
A. Balangkas Konseptwal
B. Depinisyon ng mga Terminolohiya
C. Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pananaliksik
D. Teoretikal na Balangkas

8. Alin ang halimbawa ng malawak na paksa?


A. Online na pagnenegosyo gamit ang social media
B. Pag-aaral gamit ang facebook sa pakikipagkomunikasyon
C. Pagkalat ng sakit sa komunidad
D. Pananaw sa Accontancy sa asignaturang General Mathematics

9. Ano ang tinutukoy na maikling panimula bago ang talakay na tuwirang


nagsasaad ng teoryang patuloy na ginagamit o gagamitin na may kaugnayan
sa pananaliksik?
A. Balangkas Konseptwal
B. Depinisyon ng mga Terminolohiya
C. Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pananaliksik
D. Teoretikal na Balangkas

10.Layunin ng pag-aaral na malaman ang mga salik na nakaaapekto sa pagbuo


ng pampaaralang pahayagan. Ano ang pinakaakmang paksa kaugnay ng
ibinigay na layunin?
A. Pahayagan
B. Pampaaralan
C. Pampaaralang Pahayagan
D. Salik na Nakaaapekto

3
Aralin Pagbuo ng Maikling
1 Pananaliksik na
Napapanahon ang Paksa
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang pagbuo ng
isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa. Bago ipagpatuloy ang
pagtalakay sa paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Ano ang halimbawa ng katwirang lohikal at ugnayan ng mga ideya?


2. Bakit mahalagang gamitin ang katwirang lohikal at ugnayan ng mga
ideya sa pagsulat ng pananaliksik?

Mga Tala para sa Guro


Tiyaking malinaw ang pagbibigay ng panuto at nasusunod ito
nang maayos. Ipaalala sa mag-aaral na maging matapat sa
pagsagot.

4
Tuklasin

Bahagi ng Pananaliksik
Upang masimulan ang pagbuo ng pananaliksik, dapat na nababatid ang bawat
bahagi ng pananaliksik na may malaking ginagampanan. Kailangan itong hatiin
upang maayos na maisagawa. Narito ang limang pangunahing bahagi ng isang
maikling pananaliksik at mga nilalaman ng bawat bahagi.

Preliminaryong mga Pahina


 Unang Fly Leaf
 Pahina ng Pamagat
 Pasasalamat
 Talaan ng Nilalaman
 Talaan ng mga Talahanayan
 Ikalawang Fly Leaf
Panimula
 Kaligiran ng Paksa
 Layunin ng Paksa
 Gamit ng Paksa
 Konseptwal na Balangkas
 Balangkas Teoretikal
 Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pananaliksik
 Depinisyon ng mga Terminolohiya
Katawan
 Kaugnay na Literatura
 Kaugnay na Pag-aaral
 Metodo ng Pananaliksik
 Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Konklusyon at Rekomendasyon
Sanggunian

Preliminaryong mga Pahina


 Unang Fly Leaf – ito ay blangkong papel at walang anumang nakasulat.
 Pahina ng Pamagat – naglalaman ito ng pamagat ng pananaliksik, buong
pangalan ng mananaliksik, pangalan ng gurong pagpapasahan ng papel,

5
pangalan ng kurso, petsa ng pagpasa ng pananaliksik at pangalan ng
paaralan
 Pasasalamat - iniisa-isa rito ang pangalan ng indibidwal, pangkat, at/o
institusyong gumabay at tumulong upang matagumpay na matapos ang
pananaliksik.
 Talaan ng Nilalaman - listahan ng mga kabanata at nilalaman na may
nakatapat na kaukulang bilang ng pahina.
 Talaan ng mga Talahanayan - listahan ng mga pamagat ng talahanayan at
na may nakatapat na bilang ng pahina.
 Ikalawang Fly Leaf – blangkong papel at walang anumang nakasulat. Ito ay
naghihiwalay sa preliminaryong mga pahina sa kasunod na bahagi ng
pananaliksik

Panimula
 Kaligiran ng Paksa - ipinapaalam ang background ng paksa at nagtataglay
ng sinopsis ng suliranin ng pag-aaral. Ang pagtalakay ay dapat deductive o
pasaklaw (mula sa malawak papunta sa pinakamaliit na konsepto).
Kailangan na ang huling bahagi ay makapagbibigay ng matibay na
pundasyon na nakabatay sa impormasyon o obserbasyon.

 Layunin ng Paksa - listahan ng mga gawaing isasagawa ng mananaliksik


upang makumpleto ang pananaliksik. Nakapaloob dito ang pangkalahatan
at tiyak na layunin.

 Gamit ng Paksa - listahan ng mga pakinabang ng paksa. Ito ay maaaring


kabilang sa araw-araw na gawain, akademikong gawain, pagnenegosyo, mga
institusyon ng pamahalaan at iba pang institusyon.

 Konseptuwal na Balangkas - pangkalahatang paglalarawan ng mga


konsepto na makatutulong sa pagsusuri ng mga datos. Malinaw na
ipinaliliwanag ang kaugnayan ng mga baryabol at konsepto sa
kasalukuyang pag-aaral. Sa bahaging ito, makikita sa paradim ng pag-aaral
ang iba’t ibang uri ng baryabol sa pag-aaral, mga prosesong ginamit at ang
kapaki-pakinabang na resulta ng pag-aaral.

 Balangkas Teoretikal - maikling panimula bago ang talakay na tuwirang


nagsasaad ng teoryang patuloy na ginagamit o gagamitin na may kaugnayan
sa pananaliksik o maaari ring magamit sa pagbibigay interpretasyon,
pagsusuri at pagbuo ng espisipikong panuntunan o impormasyon na
magiging gabay sa paglikha ng mga bagong kaalaman. Ang teoretikal na

6
paradim ay maaaring opsyunal sa bahaging ito. Ang mga teoryang ito ang
magpapatibay sa pundasyon ng pananaliksik sa suliranin na gagamit ng
mga abstrak, konsepto, baryabol at ang relasyon nito upang maipaliwanag
at mahinuha ang mga naoobserbahan sa mga kaganapan sa kasalukuyan.

 Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pananaliksik - paglalarawan sa


tuon ng paksa at hangganan ng pag-aaral. Ang saklaw ng pag-aaral ay
tumatalakay ng mga impormasyon at ideya na sakop ng pananaliksik. Sa
kabilang banda, sa delimitasyon ng pag-aaral ay inilalarawan ng mga ideya
na hindi sakop ng pag-aaral. Binibigyan ng kabuuang pagtingin ang mga
mambabasa kung saan nakatuon ang pananaliksik. Kaugnay nito hindi na
isasama ang (bilang ng mga hindi kalahok, metodolohiya o pamamaraang
hindi naman ginamit atbp.) Tuwirang ipaliwanag ang mga kabilang sa pag-
aaral at ang dahilan kung bakit hindi kasama ang ibang aspeto. Samantala,
ang limitasyon ng pag-aaral, ay nagpapahayag ng mga ‘di inaasahang
pangyayari o kondisyon na hindi kontrolado ng mananaliksik na
makakaapekto sa pamamaraan at resulta ng pag-aaral. Ang limitasyon (hal.
Kagamitan, mga halimbawa, kakulangan sa panahon, atbp.) na
makaiimpluwensya sa resulta ay kailangang ipahayag sa bahaging ito.

 Depinisyon ng mga Terminolohiya - pagbibigay kahulugan sa ilang


salitang gagamitin sa pananaliksik upang mabigyan ang mga ito ng
konteksto. Ito ay maikling talakay bago ang pagbibigay kahulugang ginamit
sa pananaliksik. Ang bawat termino ay ilalahad sa dalawang paraan
(konseptwal at operasyunal na pagpapakahulugan) na makapagbibigay
linaw sa mga mambabasa. Magkakasunod ang mga termino na nakaayos
paalpabeto.

Katawan
 Kaugnay na Literatura - binubuo ito ng pagtalakay sa mga kaugnay na
konsepto na hango mula sa iba’t ibang limbag na artikulo, libro, dyornal,
magasin, nobela, tula, at iba pang babasahin na may kaugnayan sa
kasalukuyang pag-aaral. Ang kaugnay na literatura ay maaaring mula sa
mga babasahing lokal o banyaga.

 Kaugnay na Pag-aaral - maikling panimula bago ang talakay sa mga


kaugnay na mga pag-aaral na napalimbag at di-napalimbag, na may
kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik. Sa bawat pagtalakay, isasaad
ang layunin, kinalabasan, konklusyon at rekomendasyon ng mga nakaraang
pag-aaral.

 Disenyo at Metodo ng Pananaliksik - pagtatalakay sa kung anong uri ng


pananaliksik ang pag-aaral at kung ano-ano ang ginawang pamamaraan ng
mananaliksik sa pangangalap ng datos. Ang piniling disenyo ay kailangang
suportahan ng pagpapaliwanag mula sa isang manunulat kasama ang taon
ng pagkakalimbag ng pinaghanguan.

7
 Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos - presentasyon ng mga
nasuring datos sa paraang patalata o patabyular. Inilalahad ang mga
kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa lahat ng
katanungan na nakita sa layunin ng pananaliksik.

Konklusyon - paglalagom sa mga nasuring datos at pagtatalakay sa kung


paanong nakamit ang mga layunin ng pananaliksik. Tuwiran ang paglalahad na
may iisang pangungusap lamang.

Rekomendasyon - pagbibigay ng rekomendasyon para sa ibayong pagpapabuti


ng pag-aaral ng paksa. Nakatuon ang rekomendasyon sa mga resultang lumabas
sa pananaliksik. Isaalang-alang ang paggamit ng awtput at ang dadag na pag-aaral
na may kaugnayan sa isinagawa.

Sanggunian - paglilista ng mga pinagkuhanan ng datos partikular na ang mga


nailimbag na teksto, nabasang website, napanood na programa o pelikula,
napakinggang audio clip, at iba pang materyales na pinaghanguan ng
impormasyon. Inihihiwalay rito ang aklat, tesis at desirtasyon, hanguang
elektroniko at iba pang sanggunian.

Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa


Sa pagbuo ng isang maikling pananaliksik, mahalagang isaalang-alang na ang
paksa ay dapat na napapanahon. Narito ang mga halimbawa upang madaling
maisagawa ang pananaliksik kaugnay ng paksa.

8
 Pag-alam sa mga Batayang Katangian ng Isang Mainam na Paksa
sa Sulating Pananaliksik
May mga batayang katangian ang isinasaalang-alang sa pagbuo ng pananaliksik.
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.
Tungkol saan? Halimbawa ng Paksang Napapanahon
 Pagnenegosyo (ABM) online na pagnenegosyo

 Pag-aaral gamit ang Teknolohiya paggamit ng facebook (sa anunsyo,


(STEM) pagpo-post at pag-aaral)

 Pagsasagawa ng Eksperimento kagamitan sa laboratoryo


(STEM)

 Balita (HUMSS) pagkalat ng fake news

 Paghahanda ng Pagkain (TVLE) resipe o sangkap sa pagluluto

Paalala: Maaaring magkaroon ng kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan


upang mapaunlad ang pagpili ng paksa.

 Pagkuha ng Sapat na Impormasyon Kaugnay ng Paksa


Upang matiyak na may sapat na dami ng impormasyon, iminumungkahi
ang ilang maaaring pagkunan ng mga datos.
1. Aklat. Makatutulong nang malaki ang pagbabasa ng iba’t ibang mga aklat na
kailangan sa pananaliksik, lalo na sa Kabanata II.

2. Internet. Makadaragdag ng kaukulang datos ang pagtingin sa internet.


Tiyaking makukuha ang buong link upang madaling balikan ang mga nais pang
hanguing impormasyon.

3. Tesis at Disertasyon. Makapagbibigay ito ng ideya at datos sa isasagawang


pag-aaral. Naglalaman ito ng mga pag-aaral na isinagawa ng iba. Sa
pamamagitan nito, hindi maikakailang mapagtitibay ang kaugnayan sa
kasalukuyang pag-aaral.

4. Pahayagan at Iba pang Sanggunian. Makalilikha ng panibagong pagtingin


gamit sa tulong ng pagkuha ng mga datos. Ito ang mga babasahing maaaring
hanguan ng mga impormasyon kaugnay ng paksang pinag-aaralan.
 Pagpili ng Paksang Kawili-wili o Nakapupukaw ng Interes
Sa pagsulat, may mga dapat tandaan sa pagpili ng paksa at ito ang mga
sumusunod:

9
1. Iayon ang paksang pipiliin sa strand na kinabibilangan gaya ng Science,
Technology, Engineering and Mathematics (STEM) at Accountancy, Business
and Management (ABM) o sa iba pang strand.
2. Bilang mananaliksik, tiyakin na may interes sa paksang pinili.
3. Isaalang-alang ang paksa ayon sa lugar na kinaroroonan at edad ng
magiging kalahok sa pag-aaral.
4. Magtanong at humingi ng payo sa mga kaibigan at guro kung mahalaga at
kawili-wili ang paksang nais saliksikin.
5. Huwag matakot na magsagawa ng pananaliksik. Sa halip, tingnan ito sa
anggulong interesado at makatutulong sa kapwa mag-aaral at ibang tao.
6. Panatilihin ang tiyaga sa gawaing pananaliksik sapagkat nakadaragdag ito
ng motibasyon upang maisakatuparan ang sulatin.

Pag-iwas sa Malawak na Paksang Pag-aaralan


Sa pagpili, mainam na iwasan ang malawak na paksa. Nakasasagabal ito sa
mabilis na pagbuo ng pag-aaral. Narito ang ilang halimbawa ng espisipikong
paksa.
Tungkol saan? Malawak na Paksa Espisipikong Paksa
 Pagnenegosyo (ABM) online na pagnenegosyo online na pagnenegosyo
gamit ang sosyal medya

 Pag-aaral gamit ang paggamit ng facebook pag-aaral gamit ang


Teknolohiya (STEM) facebook sa
pakikipagkomunikasyon

 Accountancy (ABM at benepisyo ng pananaw sa Accontancy


STEM) accountancy sa asignaturang General
Mathematics

Paalala: Higit na mapauunlad pa ang espisipikong paksa kapag nilimitahan at


binuo ang pamagat gamit ang mga batayan sa pagpili ng paksa.

 Pagtukoy ng Paksa Kaugnay ng Layunin


Upang matukoy ang paksa ng pananaliksik, isaalang-alang ang binuong layunin ng
pag-aaral. Tingnan ang halimbawa sa ibaba sa pagtukoy ng paksa.

10
Halimbawa ng Layunin Paksa
 Ang pag-aaral ay isinagawa upang
matukoy ang kalagayan ng Wikang Kalagayan ng Wikang Filipino
Filipino sa mga paaralan.

 Ang pag-aaral ay isinagawa upang


malaman ang mga salik na Salik na Nakaaapekto sa
nakaaapekto sa pagbasang may pag- Pagbasang may Pag-unawa
unawa ng mga mag-aaral sa Baitang

 Layunin ng pag-aaral na malaman


ang mga salik na nakaaapekto sa Pampaaralang Pahayagan
pagbuo ng pampaaralang
pahayagan.

Paalala: Magiging isang mabigat na suliranin ang paghahanap ng mga kaugnay na


pag-aaral sa mga silid-aklatan kung hindi magiging malinaw ang paksa
kaugnay ng layunin ng pananaliksik.

Narito ang isa pang halimbawa ng detalyadong layunin ng kasalukuyang pag-aaral


kaugnay ng paksa.

Paksa: Sulating Pananaliksik


Ang pangunahing layunin sa pag-aaral ay bumuo ng gabay sa sulating
pananaliksik para sa Senior High School.
Nilalayon din ng pag-aaral na sagutin ang sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral sa sumusunod na gawaing
pananaliksik ayon sa mga guro:
1.1. pagpili ng paksa;
1.2. paglalahad ng tentatibong balangkas;
1.3. pagsulat ng literaturang konseptwal at kaugnay na pag-aaral;
1.4. paggamit ng instrumento sa pangangalap ng datos;
1.5. pagpili at pag-aanalisa ng angkop na istadistika;
1.6. paghahanay ng mga datos at pagbibigay-interpretasyon; at
1.7. pagbuo ng lagom, konklusyon at rekomendasyon?

2. Ano ang kinalabasan ng kabuuang antas ng kahandaan ng mga mag-aaral


ayon sa mga guro?

3. Ano ang mga suliraning nararanasan ng mga mag-aaral sa sulating


pananaliksik?
4. Gamit ang nakalap na datos, anong gabay sa sulating pananaliksik ang
nabuo?

 Paghanap ng Paksang Napapanahon

11
Mahalagang papel ang ginagampanan ng strand na kinabibilangan ng mga mag-
aaral upang maiangkla ang paksang nais sasaliksikin. Makaaapekto ito sa
paghuhusga sa mga ideya o pananaw ayon sa kahalagahan at kaugnayan sa
paksa. Alamin kung tungkol saan ang isasagawang pag-aaral at isipin ang paksang
napapanahon. Pansinin ang halimbawa sa ibaba.

Tungkol saan? Halimbawa ng Paksang


Napapanahon
 Pagnenegosyo (ABM) online na pagnenegosyo

 Pag-aaral gamit ang Teknolohiya paggamit ng facebook (sa anunsyo,


(STEM) pagpo-post at pag-aaral)

 Pagsasagawa ng Eksperimento kagamitan sa laboratoryo


(STEM)

 Balita (HUMSS) pagkalat ng fake news

 Paghahanda ng Pagkain (TVLE) resipe o sangkap sa pagluluto

Mungkahi:
Ang paksang napapanahon ay isang konsiderasyon sa sulatin upang hindi mawala
ang interes o gana sa pananaliksik. Narito ang ilang mungkahi sa pagpili ng
paksang napapanahon.
1. Iugnay ang paksa sa strand na kinabibilangan.
2. Pumili ng paksa na nakatatawag ng pansin at kakikitaan ng organisasyon ng
teksto.
3. Isipin na kailangan ang sapat na dami ng literaturang konseptwal.
4. Suriin kung ito ay makabuluhan at makatutulong sa indibidwal o komunidad.
5. Isaalang-alang ang saklaw ng panahon kaugnay ng napiling paksa

Suriin

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Suriin kung ito ay umaayon sa


pagbuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.

1. Ang paksang napapanahon ay isang konsiderasyon sa sulatin upang hindi


mawala ang interes o gana sa pananaliksik.

12
2. Upang masimulan ang pagbuo ng pananaliksik, dapat na nababatid ang bawat
bahagi ng pananaliksik.
3. Magiging isang mabigat na suliranin ang paghahanap ng mga kaugnay na pag-
aaral sa mga silid-aklatan kung hindi magiging malinaw ang paksa kaugnay ng
layunin ng pananaliksik.
4. Huwag matakot na magsagawa ng pananaliksik. Sa halip, tingnan ito sa
anggulong interesado at makatutulong sa kapwa mag-aaral at ibang tao.
5. Maaaring magkaroon ng kumbinasyon ng dalawa o higit pang batayan upang
mapaunlad ang pagpili ng paksa.

Pagyamanin

Pagbuo ng Isang Maikling Pananaliksik na Napapanahon ang Paksa

Panuto: Basahin at unawain ang panuto sa bawat bahagi ng gawain. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
Gawain 1.1: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang makabuo ng
pangungusap na maaaring magamit sa pananaliksik.
1. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay _____________________________.
2. Nilayon din ng pananaliksik na ___________________________________________.
3. Gumamit ng talatanungan ang pananaliksik upang _______________________.
4. Nakaangkla ang pananaliksik sa kwantitatibong metodo na ________________.
5. Sa huling bahagi ng pananaliksik, inirerekomenda na _______________.
1. A cat is a mammal.
2. All living things can reproduce
3. Green plants carry out photosynthesis.

13
Gawain 1.2: Isulat sa nakalaang patlang ang pamagat ng pananaliksik na nais
mong saliksikin kaugnay ng paksang ibinigay.
1. COVID-19
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bulkang Taal
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Fake News
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Taunang Pagtatapos
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Senior High School
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Isulat ang halimbawa ng paksang napapanahon sa bawat bilang.

Paksang Napapanahon
Tungkol Saan?

1. Accountancy (ABM)

2. Teknolohiya

3. Food and Beverages (TVLE)

4. Mobile Legends

5. Eksperimento (STEM)

14
Isagawa

Panuto: Sumulat ng isang tentatibong maikling pananaliksik na napapanahon ang


paksa batay sa mungkahing bahagi ng pananaliksik. (Pangkatang Gawain)

Panimula
 Kaligiran ng Paksa
 Layunin ng Paksa
 Gamit ng Paksa
 Konseptwal na Balangkas
 Balangkas Teoretikal
 Saklaw, Delimitasyon at Limitasyon ng Pananaliksik
 Depinisyon ng mga Terminolohiya

Katawan
 Kaugnay na Literatura
 Kaugnay na Pag-aaral
 Metodo ng Pananaliksik
 Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Konklusyon at Rekomendasyon
Sanggunian

Tayahin

Panuto: Piliin ang hindi kabilang sa pangkat ng mga salita at isulat ang patunay o
paliwanag sa iyong sagutang papel. (2 puntos)

1. Panimula, Preliminaryong mga Pahina, Pasasalamat, Katawan

2. Unang Fly Leaf, Ikalawang Fly Leaf, Pahina ng Pamagat, Layunin ng


Paksa
3. Gamit ng Paksa, Kaligiran ng Paksa, Layunin ng Paksa, Pagpili ng Paksa
4. Kaugnay na Literatura, Kaugnay na Pag-aaral, Metodo ng Pananaliksik,
Balangkas Konseptwal

5. Kasarian, Lugar, Mag-aaral, Panahon

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Isulat ang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa bilang pinal
na awtput o kahingian ng asignatura batay sa mungkahing pormat.
Sukat ng Papel : A4 (8 ¼ x 11 ¾ pulgada)
Oryentasyon ng Papel : Patayo
Mardyin sa Itaas : 1 pulgada
Mardyin sa Ibaba : 1 pulgada
Mardyin sa kaliwa : 1.5 pulgada
Mardyin sa Kanan : 1 pulgada
Indensyon ng Talata : 0.5 pulgada
Istilo ng Font : Arial
Sukat ng Font : 11
Pagitan ng Linya : Doble
Posisyon ng Pahina : Sa itaas na bahagi, katapat ng
margin sa kanan

16
Susi sa Pagwawasto

Tayahin
Pagyamanin Subukin
1. Pasasalamat dahil ito 1. B
ay kabilang sa Gawain 1.1
2. C
preliminaryong mga (maaaring magkakaiba ng
3. D
pahina. sagot)
4. B
2. Layunin ng paksa dahil 5. B
ito ay nasa bahagi ng 6. C
Gawain 1.2
panimula at hindi
(maaaring magkakaiba ng 7. A
kabilang sa
preliminaryong mga sagot) 8. C
pahina. 9. D
3. Pagpili ng Paksa dahil 1. 10. C
ito ay isa sa mga
hakbang sa
pananaliksik.
4. Balangkas Konseptwal
dahil ito ay kabilang sa
panimula at hindi sa
katawan ng
pananaliksik.
5. Mag-aaral dahil ito ay
halimbawa ng grupong
kinabibilangan bilang
batayan ng
pananaliksik.

17
Sanggunian

Metrillo, Alvin P. (2018). Pagbuo ng Gabay sa Sulating Pananaliksik sa Senior High


School. Tesis Pangmasteral.Pambansang Pamantasan ng Batangas
https://learn.quipper.com/en/topics

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like