You are on page 1of 25

Pagbasa at Pagsusuri

SHS sa Ibat Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

236
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagsulat ng Reaksyong Papel :

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Liway A. Derla
Editor: Pilita A. Villanueva
Tagasuri: Elma H. Ilagan
Helen G. Magnaye
Tagaguhit: Agnes Manaig
Tagalapat: Reden M. Cruzado
Tagapamahala: Wilfredo E. Cabral, Regional Director
Job S. Zape Jr., CLMD Chief
Elaine T. Balaogan, Regional ADM Coordinator
Fe M. Ong-ongowan, Regional Librarian

Department of Education – Region IV-A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Barangay San Isidro

Cainta, Rizal 1800
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: region4a@deped.gov.ph

237
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Pagsulat ng Reaksyong Papel

238
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto

tungo sa Pananaliksik Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Pagsulat ng Reaksyong Papel!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang buuin, idisenyo at matamang sinuri ng mga

piling guro sa Filipino mulas sa pambulikong paaralan upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at

malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong

ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral

kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

239
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik Baitang 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Pagsulat ng Reaksyong Papel!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa

pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

240
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

241
Week

8
Alamin

Handa ka na bang maglakbay? Kung handa ka na, sundin lamang ang isinasaad ng
akrostik na PAGBASA.
P-animulang Pagtataya ay sagutan
A-lamin ang bawat bahagi ng modyul
G-awin ang mga aktibiting nakalaan sa bawat bahagi
B-awat bahagi ay may nakalaang icon bilang representasyon
A-t habang nagsasagot ng modyul, kinakailangang basahin at unawain ang
mga teksto upang makapagbigay ka ng iyong opinyon at reaksyon
S-agutan ang pangwakas na pagtataya at iwasto ito upang malaman mo ang
lebel ng iyong kakayahan
A-t sa huli, binabati kita sa matagumpay mong paglalakabay, maaari ka ng
magtungo sa susunod na modyul.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa
katangian at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

Layunin:
A. Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian
at kabuluhan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
B. Nakasusulat ng reaksyong papel batay sa binasang teksto.
C. Maibahagi ang sariling impresyon tungkol sa binasang teksto.

242
Subukin

Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na
maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman sa
gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
A. Liham C. Tekstong Naratibo
B. Reaksyong Papel D. Pagsulat ng Pananaliksik

2. Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong papel sa iba

pang sulatin?
A. Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
B. Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
C. Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
D. Ito ay naglalahad ng mga opinion at sariling ideya tungkol sa
binasa.

3. Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga

mambabasa?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

4. Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito

ipamahagi sa mga mambabasa?
A.Upang hindi malito ang mambabasa
B. Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
C. Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
D. Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.

5. Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang

babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
A. Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
B. Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
C. Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
D. Masakit Makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.

6. Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

243
7. Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
A. Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
B. Uunawain ko ang aking guro para hindi siya magalit.
C. Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
D. Susundin ko ang komento ng aking ng aking guro upang maging
maayos ang aking sulatin.

8. “Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.

Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon
ng isang nagkaka-isang pamilya.”
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

9. Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pag-

iisip bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para
sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak na
pag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang mga
Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa anong
bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

10. “Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa makabagong
Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng pagpuna at
batikos ng bibig.

Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”

Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani

Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?

B. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

244
11-13 Ano ang tinatalakay sa reaksyong papel ng sumusunod?

11. Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi

malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
A. bansa B. daigdig C. komunidad D. pamilya

12. Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
A. bansa b. sarili C. komunidad D. pamilya

13. Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya
14. Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa
____________.

A. mga pangungusap na naglalahad ng panunudyo o pambubuska sa

kapuwa.
B. isang panimula na nagtataglay ng pagganyak sa mambabasa.
C. pangungusap na nagtataglay ng magandang bagay na mapupulot
sa paksa.
D. pagtalakay na nagpapakita ng makabuluhang pananaw tungkol sa
paksa.

245
15. Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý tumigil
na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot,
ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso,
at ng diwa. Anong reaksyong ang ipinahihiwatig ng manunulat?

A. matinding galit B. panghihinayang C. kalungkutan D. kasiyahan

Aralin
10 Reaksyong Papel
“Bago mo simulan ang mga gawain. Hayaan mo munang ilibot kita sa iba’t ibang lugar
sa pamamagitan ng mga pahayag mula sa iba’t ibang bansa. Subalit
kailangang bigyan mo ng maikling reaksyon ang bawat kasabihan.”
. 1. Pagkatapos ng ulan, hindi na kakailanganin ang payong. (Bulgaria)
2. Ang aklat ang nagbibigay ng kaalaman ngunit ang buhay ang nagbibigay
ng pag-unawa. (Hebreo)
3. Mas mainam na ang bumalik kaysa maligaw. (Russia)
4. Mapapaamo ang anomang uri ng hayop ngunit ang hindi ang dila ng tao
(Pilipinas)

Balikan

Ngayon tayo namang magbalik –aral. Handa ka na ba? Ating balikan ang mga
nakaraang aralin na ating napag-aralan.

Maaari mo bang sagutin ang mga katanungan para sa ating balik aral?

1. Ano ano ang mga pamamaraan sa pagbuo ng reaksyong papel?

2. Sa pagsusuri ng isang maikling kwento ano ba ang mga dapat isaalang
alang para maisagawa ito?

Magaling! Iyong naunawaan ang nakaraang aralin. Ngayon naman ating aralin ang
Pagsulat ng Reaskyong Papel. Halika ka na at ating simulan ang aralin.

246
Mga Tala para sa Guro

“Alam kong makatutulong ito sa iyo upang magkaroon ka ng gabay at

mapadali sa iyo ang daloy ng modyul na ito.”

Basahin ang sumusunod na pangungusap.

1. Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakagamit na ng mga

gadgets na produkto ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng mga gadgets
gaya ng cellphone, laptop, smartphone at iba pa, malaya tayong
nakakapagpahayag ng ating saloobin o damdamin at makapagbigay ng
reaksyon sa pamamagitan ng facebook, instagram, tweeter, blog/vlogsites,
youtube at iba pa.

2. Sa panahon ngayon, marami na sa atin ang nakakagamit na ng mga

gadgets na produkto ng makabagong teknolohiya. Sa tulong ng mga gadgets.
3. Ngunit ano nga ba ang tamang pagbibigay ng reaksyon sa isang pahayag
o babasahin.

4. Maari bang lagi ka nalamang sasaangyon dahil iyon ang gusto ng

nakakarami? O sasalungat ka dahil iyon ang nais mo?

5. Sa araling ito matutunan mong maunawaan paano ba ang tamang

pagbibigay at pagsulat ng isang reaksyon. Sa pamamagitan ng mga tamang
proseso sa pagsulat nito.

Handa ka na bang matuto? Halika ating umpisahan ang sesyon na ito.

247
Kahit nasa bingit ng kamatayan
Usal na dasal makaligtas sana.

Gapiin ang kamandag ni Corona

Tuklasin Huwag magwagi bagsik ni Corona

Naririnig namin usal ninyong hiling

Tara na’t simulan natin ang sesyon. Taimtim na panalangin
T-ulang alay sa mga frontliners sa Covid- Matapos na sana, salot ni Corona
19 ating basahin Matigil na ang mga palahaw ng mga
U-pang kabayanihan nila ay kilalanin naulila
L-inya ng mga tula ay ating namnamin
At marapat na isapuso at isaisip natin Matigil na ang salot na dulot
Matigil na bumabalot na lungkot!
Naririnig namin, taimtim nyong
TULA: panalangin
Mailigtas ang buhay, di na madagdagan
dumaragsang bangkay…
Alay sa mga Frontliners sa COVID-19 Naririnig namin taimtim
By MALOU TIANGCO nyong panalangin

-APRIL 6, 2020 12:44 AM

Matapos na
Magapi na
(Para sa kawani sa kalusugan, Kamandag ni Corona
lansangan, basurero, panadero/a, taga Upang makauwi naman
palengke, boluntaryo, tagapagpaganap Makapiling mga mahal sa buhay!
sa barangay, social workers, taga gawa
ng batas, nagpapatupad ng batas,
bumubutas sa batas, pamilya ng mga Dalangin nyo, tumatagos sa hangin
pumanaw at lumalaban na wag Dalangin nyo, aming naririnig
pumanaw, tagadasal, nagsusulat at Sinasabayan namin inyong panalangin
naglalathala, nagugutom at namatay sa Sana’y makamtan nga inyong
gutom dahil sa lockdown, atbp) hinihiling…

Sa inyo aming alay Matapos na

Kayong nagliligtas ng buhay Magapi na
Meron din kayong pangamba Kamandag ni Corona
Bagsik na dala ni Corona Matigil na bumabalot na lungkot
Matigil na takot na dulot
Matigil na…!
Kayong humaharap sa nakaambang
panganib
Nanaig ang katapatan sa sinumpaang https://www.mindanews.com/arts-
katungkulan culture/2020/04/tula-alay-sa-mga-
frontliners-sa-covid-19/
Gabay na tanong:

 Ano ang iyong saloobin tungkol sa tula na Alay sa mga Frontliners sa

COVID19 ni Malou Tiangco?
 Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa iyo habang binabasa mo
ito?

248
Suriin

Kahulugan ng Reaksyong Papel

Alam mo ba na ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung
saan ang may akda ay makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa
binasang teksto. https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php

Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang
isang reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang
manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring

isaalang-alang ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang
mismong pamilya, komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong
isinulat, lalo pa sa panahon ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan
na ang bawat isa ay mayroong responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng

ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan.
Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga pangungusap mula
sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan. Kailangan ding maglagay ng
iyong maikling thesis statement ukol sa papel.

2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.
Dito sinusuri ang orihinal na papel.

3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng

impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.

4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan

nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon na iyong nailahad.
https://kingessays.com/reaction-paper.php

249
Pagyamanin

Basahin Natin Ito…

Ang babasahin nating teksto na may pinamagatang “Istranded” na akda ni Niel
Ambion ng Pinoy weekly noong Mayo 1, 2020
Panuto: Bumuo ng maikling reaksyong papel para sa tekstong iyong binasa. Gamitin
ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng reaksyon. Alalahanin ang tinalakay na
saligan sa pagsulat ng akademikong papel at gumamit ng iba’t ibang uri ng teksto
sa pagbuo ng suliranin. Isulat ang reaksyong papel sa iyong kwaderno.
 Ano-anong katanungan ang lumitaw sa aking binasa?
 Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa akin habang binabasa
ang teksto?
 Kawili-wili ba ito para sa akin?
 Naniniwala, sumasang-ayon, o nahikayat ba ako sa layunin ng teksto?
 Paano ko maiuugnay sa aking sarili ang mga kaisipan o damdaming
ito?
 Paano sinasalamin ng paksa o tema ng teksto ang lipunan o
kasalukuyang mga pangyayari?

Istranded
Dobleng dagok naman ang nararanasan ng OFWs na istranded sa National
Capital Region mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ).
Bukod pa kasi sa libu-libo nang narepatriate na OFWs mula sa iba’t ibang bansa na
istranded ngayon sa quarantine facilities, mahigit 30,000 pang istranded sa
Kamaynilaan na seafarers at land-based OFWs na nagsasanay o nag-aayos pa lang
ng papeles at mga kontrata nang abutan ng ECQ. Daing nila, hindi na nga sila
makapagtrabaho, wala pa silang natatanggap na tulong mula sa gobyerno. Hindi
kasi kasama sa prayoridad na bigyang ayuda ang mga gaya nilang hindi pa
nakakaalis o paalis pa lang. Dahil mga OFWs, hindi rin isinasama ang pamilya nila
sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD). Kuwento ng seaman na si Jevy Garsilva, isa sa libu-libong
nag-aplay para sa AKAP, naka-ilang balik na sila sa OWWA para humingi ng tulong.
Nilalakad lang nila mula sa boarding house sa Maynilapapunta sa tanggapan ng
ahensiya sa Pasay pero ipinapasa lang sila sa Maritime Industry Authority (Marina)
na ipapasa lang din sila sa kani-kanilang manning agency. “Pagpunta namin sa
OWWA ituturo kami sa Marina tapos sasabihing hindi mandatory (ang pagbigay ng
tulong), kasi wala pang badyet. Nasaan ’yung pondo namin? Ang tulong kailangan
namin ngayon, hindi pagkatapos pa ng lockdown,” ani Jevy. Lampas isang buwan
nang stranded si Jevy sa Maynila. Kakatapos niya lang magsanay dito at pasampa
na sana ng barko nang abutan ng lockdown. Dahil hindi nakaalis, problema niya
ngayon kung saan kukuha ng panggastos sa araw-araw at ang ipapadala sa pamilya
sa probinsiya na hindi rin makapaghanap-buhay dahil sa ECQ. Ang naipon niya
kasi, naubos na sa training at pagaayos ng mga papeles. “Buti yung mga nakaalis,
kahit papaano may maiuuwi pa. Eh, paano naman kaming mga istranded? Dapat
bigyan din kaming prayoridad,” giit ni Jevy.

250
Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata

1. Ang isang reaksyong papel ay naglalahad ng ______, ________ at mga

natutunan ng isang manunulat patungo sa isang teksto o pangyayari.
2. Sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang ang _____at
ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong ______,
________, _______ at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa
sa panahon ngayon na napakabilis ng _________.
3. Sa bahagi ng reaksyong papel, ang __________ ay ang pumupukaw sa interest
ng mga nagbabasa. Sa parting ito kailangang ilarawan ang papel at may-akda
ng iyong pinag-aralan.
4. Ang ________ naman ay maikli lamang ngunit naglalaman ito ng impormasyon
ukol sa binasa.
5. Sa proseso naman ng pagsulat ng reaksyong papel ang ____________ sa
bahaging ito ay kailangang mangalap ng mga ideya o imporamsyon tungkol
sa pkasa na nais isulat.

Isagawa

Subukan mo naman na ikaw ang magbigay ng sariling reaksyon sa napapanahong

isyu sa inyong komunidad. Ano ang iyong opinyon/reaksyon sa iyong naging
karanasan o maging karanasan ng ibang tao.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

251
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Itiman ang bilog ng napiling sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na

maaring sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman
sa gawi ng mga tao, bagay, pook at pangyayari.
A. Liham C. Tekstong Naratibo
B. Reaksyong Papel D. Pagsulat ng Pananaliksik

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong

papel sa iba pang sulatin?
A. Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
B. Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
C. Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
D. Ito ay naglalahad ng mga opinyon at sariling ideya tungkol sa binasa

3. Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga

mambabasa?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

4. Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito

ipamahagi sa mga mambabasa?
A. Upang hindi malito ang mambabasa
B. Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
C. Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
D. Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.

5. Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang

babae sa kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya
siya iniwan. Alin sa sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
A. Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
B. Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
C. Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
D. Masakit makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.

6. Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling
kaisipan ukol sa pangunahing ideya.
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

252
7. Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel.
Nang maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo
itong iwasto batay sa ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong
maging tugon?
A. Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
B. Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
C. Pag-aaralan ko ang mga komento at isasagawa.
D. Uunawain ko ang mga ito para para hindi siya magalit.
8. “Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya.
Totoo nga ang kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga
dumarating ang pagkakataon na nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa
buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas lumalim pa ang relasyon
ng isang nagkaka-isang pamilya.”
Ito ay mula sa reaksyong papel na may pinamagatang Sandigan ito ay
tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong papel
napapaloob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

9. Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pag-

iisip bilang mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating
kilos at salita na siyang kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para
sa ating sarili at para sa ating bansa. Dahil nakatuon ang atensyon natin sa
nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-usapan ang mga
pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak
nap ag-mumuni-muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila
naming nambubuyo sa ating pakiramdam ng kaibigan.
Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at ang
mga Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa
anong bahagi ng reaksyong papel napaploob ang talata?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

10. “Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni
Juan kung ano at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay
nahahati sa kani-kanilang partido at sumisigaw ng kanya-kanyang
pagkakaisa.
Kung kailangan natin ng pagbabago, at pagkakaisa tungo sa
makabagong Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil ng
pagpuna at batikos ng bibig.

Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.”

Ito ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani
Michaels. Sa anong bahagi ng reaksyong papel napapaloob ang talata?

A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

253
11-13. Ano ang tinatalakay sa reaksyong papel ng sumusunod?

11. Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi

malilimutan. Sa tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking
isipan. Una aanhin ko nga naman ang maraming salapi kung hindi ko naman
kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay sa mundong ito ng
may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay.
Nagbigay ito ng inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.
A. bansa B. daigdig C. komunidad D. pamilya

12. Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang
naman si Dr. Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating
bansa. Pero bakit parang nawalan na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa
likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam nila
na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang tatanungin hindi
ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito
ng hustiya. Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya

13. Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon
ng panayam para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito
dahil marami akong naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong
magiging maayos ang aking pananamit at maging ang aking itsura para sa
panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa harap ng salamin.
Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya

14. Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa

__________________.

A. pangungusap na naglalahad ng personal na pag-atake o pagtuligsa.

B. isang panimula na nagtataglay ng isang pagganyak para sa
mambabasa.
C. pagbibigay at pag-iiwan ng isang magandang bagay na mapupulot
sa paksa.
D. pagtalakay na nagpapakita ng iyong malalim at makabuluhang
pananaw sa paksang tinatalakay

15. Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang
“nabansot”. Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý
tumigil na sa paglaki, ang bagay na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng
pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri raw ay ang pagkabansot ng
isipan, ng puso, at ng diwa. Ano ang damdamin ang ipinakikita ng manunulat
sa reaksyong papel na ito?
A. matinding galit B. panghihinayang C. kalungkutan D. kasiyahan

254
Karagdagang Gawain

Ang babasahin nating teksto na may pinamagatang “Sa Aking Pagtanda (Sulat ni
Nanay at Tatay)” na akda ni Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL.

Si Rev. Fr. Ariel F. Robles ay ang CWLSpiritual Director ng St. Augustine

Parish sa Baliuag, Bulacan. Napakaganda ng kanyang isinulat na talaga namang
nakakurot sa mga taong makakabasa nito. Sana sa iyong pagbabasa iyo mo ring
mabigyan ng kahalagahan ang mensahe ng tesktong ito. Atin ng umpisahan ang
pagbabasa, Handa ka na ba?

Panuto: Bumuo ng maikling reaksyong papel para sa tekstong iyong binasa. Gamitin
ang mga gabay na tanong sa pagbuo ng reaksyon. Alalahanin ang tinalakay na
saligan sa pagsulat ng akademikong papel at gumamit ng iba’t ibang uri ng teksto
sa pagbuo ng suliranin. Isulat ang reaksyong papel sa iyong kwaderno.
 Naging kawili-wili ba para sa akin ang binasang sanaysay?
 Ano-anong katanungan ang sumagi sa akin matapos basahin ang
sanaysay?
 Anong kaisipan o damdamin ang napukaw sa akin habang binabasa
ko ang sanaysay?
 Paano ko maiuugnay sa aking sarili ang mga kaisipan o damdaming
ito?
 Naniniwala, sumang-ayon, o nahikayat ba ako sa layunin ng binasang
sanaysay?
 Mayrooon, na ba akong nabasa, napanood, napakinggan, nalalaman,
o naranasan na tulad nito? Paano sila nagkatulad o nagkaiba?
 Paano sinasalamin ang paksa o tema ng binasa ang lipunan o
kasalukuyang mga pangyayari? Ano ang maaring ibunga nito sa akin?

255
Tekstong Babasahin

Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay)

Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng

kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.
Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at
hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
"binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak.
Matanda na talaga ako. Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang
lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-

ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.

Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo. Pagpasensyahan mo na rin sana ang

aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo.
Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana
akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin
Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito

ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali
lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy
ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong
makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko.

256
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear. At kapag
dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman,
huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga
huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang
mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na
pagpalain ka sana ...Dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Pamantayan para sa pagsulat ng Reaksiyong Papel

Pamantayan Puntos Natamong puntos

Mabisa ang ginamit na panimula ng sanaysay upang
makuha ang atensiyon at interes ng mambabasa.
7
Malinaw ang argumento ng teksto sa pamamagitan ng
mahusay na pagkakalahad ng tesis o pananaw ng may-
akda.

Nasagot ang karamihan sa mga gabay na tanong at

nakapagbibigay ng matibay na suportang detalye.

Gumamit ng iba-ibang uri ng teksto upang palawakin 10

ang mga suportang detalye ng sanaysay.

Nagtataglay ng kaisahan at kaayusan ang paghahanay

ng mga kaisipan.

Nakahanay sa isang makatwirang pagkakasunod –sunod

ang mga ideya.

Nagbigay ng makabuluhang reaksiyon tungkol sa

nabasang teksto.

Nagbigay ng sapat na patunay o suportang detalye upang

pagtibayin ang pananaw ng may-akda.
Maayos na nailagom ang nilalaman ng buong teksto.
Napagtahi-tahi ang lahat ng ebidensyang tinalakay at 3
argumentong isinasaas ng tesis
Nakaramdam ng pag-sang-ayon o pakikiisa sa layunin ng
teksto.
Sumunod sa wastong balarila at baybay, at mga
panuntunan sa pagsulat ng sanaysay. 5
Angkop at wasto ang mga ginamit na salita.
Mahusay ang paggamit ng wika.

Kabuoan 25 pts.

257
258
Subukin Isaisip Tayahin
1. B 1. opinion, at pakiramdam 1. B
2. D 2. sarili, pamilya, 2. D
3. D komunidad, bansa at 3. D
4. C teknolohiya 4. C
5. B 3. Introduksiyon 5. B
6. B 4. Konklusyon 6. B
7. C 5. Bago magsulat 7. C
8. B 8. B
9. D 9. D
10. C 10. C
11. D 11. D
12. A 12. A
13. B 13. B
14. A 14. A
15. C 15. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Atanacio, Heidi C. et al., (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-ibang Teksto tungo sa

Pananaliksik, Quezon city, C & E Publishing Inc.

Rhoderick V. Nuncio, Ph.D et al., (2016), SIDHAYA 12 Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-

ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, Quezon city, C & E Publishing Inc.
Kahulugan ng mga salita , https:// www.Brainly.ph , https:// www.coursehero.com
at https://www.scribd.com

Tesktong binasa Sa Aking Pagtanda (Sulat ni Nanay at Tatay) ni Rev. Fr. Ariel F.
Robles, CWL ;https://www.pinoyexchange.com/discussion/327174/sulat-ni-tatay-
at-nanay-sa-atin ( Tekstong binasa )

Istranded ( sulat ni Niel Ambion ) https://www.pinoyweekly.com

259
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex

Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

260

You might also like