You are on page 1of 24

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Kalikasan ng Iba’t ibang Uri ng
Teksto

CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 3: Katangian at Kalikasan ng Iba’t ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Glaiza B. Dela Peña
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana T. Macalangay, Alexandra Jane C. Briones, Blessie S. Samson,
Melanie Mae N. Moreno, Ricardo R. David III, Waela Ahmed Khalif D. Al Ayed
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras, Julienne F. De Mesa
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan, Reden M. Cruzado, Remylyn P. Hernandez
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr.
Ramonito O. Elumbaring
Reicon C. Condes
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Rosemarie D. Torres
Ivan Brian I. Inductivo
Glenda DS. Catadman
Feliz A. Tayao
Josephine P. Canlas

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON

Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: lrmd.calabarzon@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Katangian at Kalikasan ng Iba’t
ibang Uri ng Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng pagtalakay sa mga katangian at kalikasan ng


iba’t ibang tekstong iyong napag-aralan na sa mga naunang modyul. Makatutulong
ito sa iyo upang lumawak pa ang iyong kaalaman sa iba’t ibang uri ng teksto.
Naglalaman ang modyul na ito ng paksang:
 Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
(F11PS-IIIb-91)

Layunin:
1. Natutukoy ang mga katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng teksto,
2. Nakasusuri ng iba’t ibang teksto batay sa katangian at kalikasan nito, at
3. Naibabahagi ang sariling pananaw batay sa napag-aralan sa pamamagitan ng
isang graphic organizer.

1 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Anong katangian ng tekstong impormatibo ang pagkuha ng


makatotohanang datos o impormasyon mula sa
mapagkakatiwalaang batayan?
a. Obhetibo C. Naratibo
b. Subhetibo D. Deskriptibo

2. Anong uri ng paglalarawan ang nakabatay sa mayamang


imahinasyon ng manunulat at hindi sa katotohanan?
a. Obhetibo C. Naratibo
b. Subhetibo D. Deskriptibo

3. Ano ang tawag sa elemento ng tekstong naratibo kung saan may maayos na
daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa teksto upang
mabigyang- linaw ang temang taglay ng akda?
a. Tagpuan C. Tauhan
b. Banghay D. Panauhan

4. Saan nabibilang ang pagsasalaysay ng pangunahing tauhan sa


mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig sa
kwento?
a. Unang Panauhan C. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang Panauhan D. Kombinasyong Pananaw

5. Anong uri ng tauhan ang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangiang


madaling matukoy?
A. Tauhang Bilog C. Antagonista
B. Tauhang Lapad D. Protagonista
6. Anong katangian ng tekstong persuweysib ang nagpapakita ng
personal na opinyon at paniniwala ng may-akda?
A. Obhetibo C. Pagpapahayag
B. Subhetibo D. Pagsasalaysay
7. Anong teksto ang may layuning mangumbinsi batay sa datos o
impormasyong nakalap?
A. Argumentatibo C. Naratibo
B. Persuweysib D. Prosidyural

2 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
8. Anong uri ng teksto ang may katangiang kagaya ng larawang ipininta kung
saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan?
A. Impormatibo C. Prosidyural
B. Deskriptibo D. Persuweysib

9. Anong teksto ang naglalahad ng makatotohanang pagpapaliwanag sa mga


paksang tulad ng isports, kasaysayan, siyensiya, panahon, heograpiya, at
iba pa?
a. Impormatibo C. Prosidyural
b. Deskriptibo D. Argumentatibo

10. Anong uri ng teksto ang maaaring maging subhetibo at obhetibong


paglalarawan?
a. Naratibo C. Prosidyural
b. Deskriptibo D. Impormatibo

11. Anong katangian ng teksto ang ipinapakita sa pahayag na “Siya ay balat-


sibuyas”?
a. Obhetibo C. Pagpapahayag
b. Subhetibo D. Pagpapaliwanag

12. Anong uri ng teksto ang may layuning patunayan ang isang pahayag sa
pamamagitan ng matibay na pangangatwiran batay sa lohika at
katotohanan?
a. Argumentatibo C. Impormatibo
b. Persuweysib D. Naratibo

13. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tekstong persuweysib?


a. Debate C. Balita
b. Patalastas D. Maikling Kuwento

14. Anong damdamin ang nakapaloob sa pahayag na “Para akong sinukluban


ng langit at lupa”?
a. Kalungkutan C. Pagkainis
b. Kalituhan D. Pagkatakot

15. Anong uri ng teksto ang may layuning magsalaysay o magkuwento?


a. Impormatibo C. Prosidyural
b. Naratibo D. Persuweysib

3 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Aralin
Katangian at Kalikasan ng
1 Iba’t ibang Uri ng Teksto
Sa modyul na ito ay tatalakayin ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang uri ng
teksto. Dito ay pagtutuunang-pansin ang mga katangian ng teksto sa tulong ng mga
gawain upang lalo pang lumawak ang iyong kaalaman ukol dito.

Balikan

Bago natin simulan ang iyong magiging paglalakbay sa modyul na ito, muli mong
balikan ang iyong natutuhan sa naunang aralin. Punan ang concept map ng mga
salitang may kaugnayan sa nasa loob ng bilog.

Paraan ng
Pagpapakahulugan
ng mga Salita

Mga Tala para sa Guro


Halina at ipagpatuloy ang iyong pag-aaral. Tuklasin mo na
ang katangian at kalikasan ng mga tekstong iyong napag-
aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng iba’t ibang tekstong
iyong mababasa

4 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Tuklasin

Basahin ang isang teksto at sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba sa sagutang
papel.

PAPEL-PANGKAALAMAN
ANG KAILANGAN MONG MALAMAN TUNGKOL SA CORONAVIRUS (COVID-19)

Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang bagong virus. Kabilang
sa mga sintomas ang lagnat, pag-ubo, namamagang lalamunan at pangangapos ng
hininga. Ang virus ay maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa ibang tao,
ngunit ang tamang kalinisan ay makakatulong upang maiwasan ang impeksiyon.
Alamin kung sino ang nasa panganib at kung ano ang dapat mong gawin kung sa
tingin mo ay may COVID-19 ka.

Ano ang COVID-19?

Ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagiging sanhi ng
mga impeksyon sa paghinga. Ang mga ito ay maaaring karaniwang sipon hanggang
sa mas malubhang sakit.

Ang COVID-19 ay isang sakit na sanhi ng isang bagong uri ng coronavirus. Ito ay
unang iniulat noong Disyembre 2019 sa Wuhan City sa China.

Mga sintomas ng COVID-19

Ang mga sintomas ng COVID-19 ay maaaring isang bahagyang sakit hanggang sa


malubhang pulmonya.

Ang ilang mga tao ay mabilis at madaling gagaling, at ang iba ay maaaring mabilis
masyadong magkakasakit.
Ang mga sintomas ng COVID-19 ay kinabibilangan ng:

• lagnat
• ubo
• namamagang lalamunan
• pangangapos ng hininga

Kung ikaw ay nababahala, maaaring mayroon ka ng COVID-19:

• i-access ang symptom checker sa website ng healthdirect


• humingi ng medikal na payo sa pamamagitan ng pagkontak sa National
Coronavirus Helpline sa 1800 020 080. Ang linya ng impormasyon na ito
ay bukas ng 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Kung ikaw
ay hindi nagsasalita ng Ingles, maaari mong gamitin ang Translating and
Interpreting Service sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450
• tumawag muna para magpa-book ng appointment sa iyong doktor o ospital
• alamin ang tungkol sa testing (pagpapasuri) sa pamamagitan ng pagkontak
sa kagawaran ng kalusugan sa inyong lokal na estado o teritoryo

5 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Gabay na tanong:
1. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?
2. Kailan at saan nanggaling ang sakit na ito?
3. Paano inilarawan ang pagkakaroon ng sakit na ito?

Suriin

Hilig nating mga Pilipino ang magbasa – mapakomiks man, libro, pahayagan o ang
mga nauuso ngayon na babasahing elektroniko. Ngunit, ano ba ang layon natin at
tayo ay nagbabasa? Sa yunit na ito, tatalakayin natin ang iba’t ibang uri ng teksto.
Makikilala natin ang kaniya-kaniyang paraan ng pagkakasulat ng bawat uri.

Pagtalakay sa Katangian at Kalikasan ng Iba’t Ibang Uri ng Teksto


1. Tekstong Impormatibo

Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag na ekspositori, ay


isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon.

Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan, saan,
sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag sa
mga mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig.

Naglalahad ito ng kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga


konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa
ng tekstong impormatibo ay biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa
diksyunaryo, encyclopedia, almanac, papel-pananaliksik, sa mga journal,
siyentipikong ulat at mga balita sa radyo at telebisyon.
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napapaunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,
pagtatala, pagtukoy ng mahahalagang detalye, pakikipagtalakayan, pagsusuri at
pagpapakahulugan ng impormasyon.

2. Tekstong Deskriptibo

o May layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, karanasan at iba pa


o May malinaw at pangunahing impresyon na iniiwan sa mga mambabasa
o Ito ay maaring Obhetibo o Subhetibo
 OBHETIBO- may direktang pagpapakita ng katangian ng
makatotohanan at di mapasusubaliang paglalarawan
 SUBHETIBO- May pagkiling sa sariling damdaming ipinahahayag at
kinapapalooban ng matalinhagang paglalarawan.
o Mahalagang maging ispesipiko at naglalaman ng konkretong detalye

3. Tekstong Naratibo
Ang tekstong naratibo ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari
sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan
nang may maayos na pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

6 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Pangunahing layunin ng ganitong uri ng teksto ang makapagsalaysay ng mga
pangyayaring nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o say. Gayundin naman, ang
naratibo ay nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahahalagang aral, at mga
pagpapahalagang pangkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat,
na ang kasamaan ay hindi nagtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at
pagtitiyaga ay nagdudulot ng tagumpay, at iba pa.

Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong


naratibo at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay. May iba’t
ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan,
mitolohiya, alamat, tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng
kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba pa. Iba’t ibang uri subalit
may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y nagkukuwento.

May Iba't Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo

a) Unang Panauhan—Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang


nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya
gumagamit ng panghalip na ako, tayo, akin, at kami.
b) Ikalawang Panauhan—Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang
tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na
ka o ikaw subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga
manunulat sa kanilang pagsasalaysay.
c) Ikatlong Panauhan—Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay
isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kay’a ang panghalip na
ginagamit niya sa pagsasalaysay ay siva. Ang tagapagsalaysay ay tagapag-obserba
lang at sa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang ganitong uri ng
pananaw:

• Maladiyos na panauhan—Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat


ng mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at
naihahayag niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa
mga mambabasa.
• Limitadong panauhan—Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa
sa mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
• Tagapag-obserbang panauhan—Hindi niya napapasok o nababatid ang
nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga
nakikita o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang
kanyang isinasalaysay.
d) Kombinasyong Pananaw o Paningin—Dito ay hindi lang iisa ang
tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga
pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang
naipakikilala sa bawat kabanata.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

Ang isang katangiang taglay ng lahat ng tekstong naratibo ay ang


pagkukuwento kaya naman taglay ng mga ito ang mahahalagang elementong lalong
magbibigay daan sa nakalilibang, nakaaaliw, at nakapagbibigay-aral na
pagsasalaysay. Sa mga elementong ito rin makikita kung paano naihahabi o
pumapasok ang mga tekstong deskriptibo.

7 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
1. Tauhan

Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga tauhan. Ang dami o bilang


ng tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda. ang bilang ng
tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang pangangailangan lknang ang
maaaring magtakda nito. May dalawang paraan sa pagpapakilala ng tauhan—ang
expository at ang dramatiko. Expository kung ang tagapagsalaysay ang
magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan at dramatiko naman kung
kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag. Ang
karaniwang tauhan sa mga akdang naratibo ay ang sumusunod:

a. Pangunahing Tauhan

Sa pangunahing tauhan o bida umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula


simula hanggang sa katapusan. Karaniwang iisa lamang ang pangunahing tauhan.
Ang kanyang mga katangian ay ibinabatay sa tungkulin o papel na kanyang
gagampanan sa kabuoan ng akda.
b. Katunggaling Tauhan
Tauhan Ang katunggaling tauhan o kontrabida ay siyang sumasalungat o
kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel ng tauhang ito sapagkat sa
mga tunggaliang nangyayari sa pagitan nila, nabubuhay ang mga pangyayari sa
kuwento at higit na napatitingkad ang mga katangian ng pangunahing tauhan.

c. Kasamang Tauhan
Gaya ng ipinahihiwatig ng katawagan, ang kasamang tauhan ay karaniwang
kasftna o kasangga ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing papel o tungkulin
niya ay sumuporta, magsilbing hingahan, o kapalagayang-loob ng pangunahing
tauhan.

d. Ang May-akda
Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay lagi nang
magkasama sa kabuoan ng akda. Bagama’t ang namamayani lamang ay ang kilos
at tinig ng tauhan, sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.

Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri ng
tauhan ang maaaring makita sa isang tekstong naratibo tulad ng:

• Tauhang Bilog (Round Character)—Isang tauhang may multidimensiyonal o


maraming saklaw ang personalidad. Tulad ng isang tunay na katauhan,
nagbabago ang kanyang pananaw, katangian, at damdamin ayon sa
pangangailangan. Ang isang tahimik at mapagtimping tauhan, halimbawa, ay
maaaring magalit at sumambulat kapag hinihingi ng sitwasyon o pangyayari
sa kuwento at pangangailangang magbago ang taglay niyang katangian at
lumutang ang nararapat na emosyon o damdamin.
• Tauhang Lapad (Flat Character)—Ito ang tauhang nagtataglay ng iisa o
dadalawang katangiang madaling matukoy o predictable. Madaling mahulaan
at maiugnay sa kanyang katauhan ang kanyang mga ikinikilos at maituturing
na stereotype tulad ng mapang-aping madrasta, mapagmahal na ina, tin-
edyer na hindi sumusunod sa magulang, at iba pa. Karaniwang hindi
nagbabago o nag-iiba ang katangian ng tauhang lapad sa kabuoan ng
kuwento.

8 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Sinasabi rin ni Forster na kinakailangang makita ang dalawang uring ito ng
tauhan sa tekstong naratibo. Bagama’t madaling matukoy o predictable ang
tauhang lapad ay hindi niya iminumungkahi ang pagtatanggal sa ganitong uri
ng tauhan sa pagsulat ng akda upang masalamin pa rinnito ang tunay na
kalakaran ng mga tauhan sa ating mundo.
2. Tagpuan at Panahon
Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ang mga
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng
kasayahang daM. ng pagdiriwang sa isang kaarawan, tffl(ot na umiiral dahil sa
malakas na hampas ng hangin at ulang 61a ng bagyo, romantikong paligid sanhi ng
maliwanag na buwang nakatunghay sa magkasintahang naghahapunan sa isang
hardin, matinding p4od ng magsasakang nag-aararo sa ilalim ng tirik na tirik na
araw, kalungkutan ng pamilyang nakatunghay habang ibinababa sa kanyang huling
hantungan ang isang minamahal, at iba pa.

3. Banghay
Ito ang tawag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa mga tekstong naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

Makikita sa ibaba ang karaniwang banghay o balangkas ng isang naratibo:

1. Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakikilala ang


mga tauhan, tagpuan, at tema (orientation or introduction)
2. Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan
partikular ang pangunahing tauhan (problem)
3. Pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng
aksiyong gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
4. Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humahantong sa isang kasukdulan
(clitnax)
5. Pababang pangyayaring humahantong sa isang resolusyon o kakalasan
(falling action)
6. Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)

Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas.


May mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na
anachmny o mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-
sunod. Mauuri ito sa tatlo:

 Analepsis (Flashback)—Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap


sa nakalipas.
 Prolepsis (Flashfbrward)—Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
 Ellipsis—May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal
o hindi isinama.
4. Paksa o Tema
Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo. Mahalagang malinang ito nang husto sa kabuoan ng akda upang
mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang

9 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
maiparating sa kanyang mambabasa. Dito rin mahuhugot ang mga pagpapahalaga,
mahahalagang aral, at iba pang pagpapahalagang pangkatauhang nagagamit sa
mabuting pamumuhay at pakikisalamuha sa kapwa.

1. Tekstong Prosidyural
o Isang espesyal na uri ng tekstong expository (nagpapaliwanag)
o Naglalahad ng serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang
matamo ang inaasahan

Mga dapat taglayin sa pagsulat ng tekstong prosidyural:


o may malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin
o may malinaw at tamang pagkaka-sunod-sunod ng dapat gawin
o paggamit ng mga payak ngunit angkop na salita
o paglakip ng mga larawan o ilustrasyon

2. Tekstong Persuweysib
o pagpapahayag na may layuning mahikayat ang mambabasa na
makiayon o tanggapin ang pananaw ng manunulat.
o ito ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga
mambabasa na paniwalaan ang kaniyang mga sinasabi sa isang
partikular na paksa.
o Sa pagsulat ng tekstong ito, hindi dapat magpahayag ng mga personal
at walang batayang opinyon ang isang manunulat.
o Layon nitong sumang-ayon ang mambabasa at magpakilos ito tungo
sa isang layunin.

3. Tekstong Argumentatibo
Ang tekstong argumentatibo ay isang uri ng teksto kung saan
kailangan ipagtanggol ng manunulat ang kanyang posisyon patungkol sa
isang paksa, isyu o usapin. Ang posisyon ng manunulat ay nakabatay sa sa
mga ebidensya na maaaring hango mula sa personal na karanasan, mga
literatura, pag-aaral o pananaliksik. Ang isang mahusay na tekstong
argumentatibo ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:

a.) Mahalaga at Napapanahon ang Paksa


Ang pagpili ng paksa sa isang argumento ay mahalaga. Ang tekstong
argumentatibo ay dapat tungkol sa isyu na napapanahon at may kabuluhan.
Mahalaga rin na may interes ang manunulat sa isang paksa para mas
makapagbigay siya ng magandang posisyon at pangangatwiran.

b.) Maikli Ngunit Malaman at Malinaw na Pagtukoy Sa Tesis Sa Unang


Talata ng Teksto
Ang unang talata ng teksto ay dapat nagbibigay impormasyon sa paksa.
Mababasa dapat dito ang kahalagahan kung bakit kailangan talakayin ang
napiling paksa. Ang unang talata rin ay dapat nakakapukaw ng atensyon ng
isang mambabasa.
c.) Malinaw at Lohikal na Transisyon sa Pagitan ng mga Bahagi ng
Teksto
Ang transisyon ay tumutukoy sa pagbubuod ng ideya sa nakaraang
bahagi ng teksto at magbigay ng introduksyon sa susunod na bahagi ng teksto.

10 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Ito ang nagpapatatag sa pundasyon ng teksto. Kailangang lohikal na sunod-
sunod ang mga kaisipan sa teksto upang maintindihan ng mambabasa ang
bawat bahagi.
d.) Maayos na Pagkakasunod-sunod ng Talatang Naglalaman ng mga
Ebidensya ng Argumento
Kinakailangan ding naglalaman ng ebidensiya ang teksto. Kasabay ng
pagsasaad ng ebidensiya ay kailangang ipaliwanag ng manunulat ang kanyang
posisyon o opinyon sa mga ito lalo na kung taliwas ang kanyang paninindigan
sa ebidensiya.
e.) Matibay na Ebidensiya Para sa Argumento
Tandaan na ang tekstong argumentatibo ay dapat nagtataglay ng tama,
detalyado at napapanahong impormasyon mula sa pananaliksik. Huwag mag-
imbento ng ebidensiya at banggitin ang pinagmulan ng ebidensiya.

Subukin natin kung naunawaan mo ang ating tinalakay.

Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat sa sagutang papel ang titik
ng wastong sagot.

Hanay A Hanay B
Katangian ng Teksto Uri ng Teksto

1. Ang mga mambabasa ay direktang A. Prosidyural


isinasama ng manunulat at nagiging
saksi sa mga pangyayaring kanyang B. Naratibo
isinasalaysay.

2. May maayos na pagkakasunod- sunod C. Deskriptibo


ng talatang naglalaman ng mga ebidensya
ng argumento D. Argumentatibo

3. Naglalahad ng serye o mga hakbang sa


pagbuo ng isang gawain upang matamo E. Impormatibo
ang inaasahan

4. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na F. Persuweysib


naglalayong magpaliwanag at magbigay
ng impormasyon.

5. May layuning maglarawan ng tao, bagay,


lugar, karanasan at iba pa.

Binabati kita at napagtagumpayan mo ang maikling pagsasanay. Kung hindi man,


balikan ang tinalakay, basahin mo itong muli at suriin mong mabuti ang mga
paglalarawan at pagpapaliwanag sa mga bilang na ikaw ay nagkamali.

11 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Pagyamanin

Halina at pagyamanin pa ang iyong kaalaman tungkol sa katangian at kalikasan ng


iba’t ibang uri ng teksto sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay na nasa ibaba.

PAGSASANAY
Panuto: Basahin ang mga pahayag na halaw sa iba’t ibang teksto.
Punan ang kahon sa ibaba ng mga kasagutan.

1. MAYNILA (UPDATE) -- Ipinagbunyi ng mga Pilipino ang pagkapanalo ng


weightlifter na si Hidilyn Diaz ng kauna-unahang Olympic gold medal para sa
Pilipinas sa Tokyo Olympics sa Japan, Lunes ng gabi. Nakamit ng Zamboanga
native ang ginto matapos talunin ang 8 ibang atleta para sa kategorya, kabilang
ang world record holder na si Liao Qiuyun ng China.
https://news.abs-cbn.com/sports/07/27/21/pagpugay-bumuhos-
para-kay-hidilyn-diaz-matapos-ang-historic-olympic-gold-win

2. May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig.
Saka ako napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit
bumalong sa aking mata. Ngayon ko lamang nadamang kilala ko ang silid ng
aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na ito.
Mula sa”Dayuhan: ni Buenaventura S. Medina

3. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong.


Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang
gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil
sa naroroon katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang
kabuluhan sa kaniya kung naroon man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Sanggunian: Khadija L. Sarael, “Mabangis na Lungsod ni Efren R.
Abueg,” G7Fil Ira & Khads, Pebrero 2013,
http://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com

4. Hindi man sapilitan ang pagbabakuna, hinihikayat ang publiko na


magpabakuna ayon sa prayoritisasyon hangga’t maaari at kung may sapat na
supply ng bakuna. Prayoridad na mabakunahan ang mga health workers,
matatanda, at may mga ibang sakit o karamdaman dahil sila ang may
pinakamataas na posibilidad na mahawa o magkaroon ng malubhang COVID-
19 na maaari nilang ikamatay. Ang pagbabakuna, kasama ang pagsusuot ng
mask, palagiang paglilinis ng kamay, physical distancing at pag-iwas sa
matataong lugar, ay mahahalagang hakbang para mapabagal ang pagkalat ng
sakit na ito.
https://rilhub.org/wp-content/uploads/2021/07/WHO-Usapang-
Bakuna_HCW-Communication-Guide-Tagalog-2021.06.pdf

12 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
5. Mga hakbang para sa mabuting paghuhugas ng kamay
 Basain ang mga kamay sa tumutulong tubig
 Maglagay ng likidong sabon at pagkuskusin ang mga kamay para
makagawa ng bula
 Alisin mula sa tumutulong tubig, pagkuskusin ang mga palad, likod
ng mga kamay, pagitan ng mga daliri, likod ng mga daliri, mga
hinlalaki, dulo ng mga daliri at mga pupulsuhan. Gawin ito nang kahit
20 segundo
 Banlawan nang mabuti ang mga kamay sa tumutulong tubig
 Patuyuin ang mga kamay nang mabuti gamit ang alinman sa malinis
na cotton na tuwalya, papel na tuwalya o ang pantuyo ng kamay
 Dapat na huwag muling direktang hawakan ang gripo gamit ang
malilinis nang kamay
 Maaaring isara ang gripo gamit ang tuwalya na ibabalot sa gripo; o
 pagkatapos sabuyan ng tubig ang gripo upang linisin; o sa
pamamagitan ng ibang tao

https://www.chp.gov.hk/en/wapdf/34134.html?page=2

Paksa Layunin Uri ng Katangian Patunay na


teksto pahayag

Hal. Pagbibigay Impormatibo Nakabatay sa Nagsimula ang


COVID19 impormasyon tunay na COVID19 sa
pangyayari Wuhan China
noong Disyembre
2019

1.

2.

3.

4.

5.

13 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Isaisip

Upang lubos na maisaisip ang napag-aralan ay iyong sagutin ang mga katanungan
sa ibaba.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ito sa sagutang papel.

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang mga katangian at


kalikasan ng iba’t ibang teksto?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Paano makatutulong sa iyo bilang mag-aaral ang kabatiran sa


mga katangiang ito?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Masasabi mo bang naging makabuluhan ang panahong


ginamit mo sa pag- aaral ng iba’t ibang uri ng teksto?
Ipaliwanag ang sagot.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Isagawa

PAGSASANAY 1

Panuto: Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita.


Basahin at suriin ang balitang nasa ibaba at tukuyin ang mga
katangian. Gawing gabay ang kahon sa ilalim. Isulat ito sa
sagutang papel.

Enrollment sa mga pampublikong paaralan umarangkada na


Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Pagdating ng enrollment drop box ng Mandaluyong Elementary


School sa barangay hall ng Barangay Poblacion nitong Lunes, kumuha
agad ng form si Cosme Gonowon.

Ie-enroll niya ang kaniyang anak, na isa sa 9 na pag-aaralin niya


sa parating na school year 2021-2022.

"Mas [magaan] ang proseso dahil nandito sa barangay kaysa


pupunta pa ng eskuwelahan," ani Gonowon.

14 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Ini-scan naman ni Emelyn Campos ang QR Code sa Facebook
page ng Mandaluyong Elementary School para i-enroll ang anak sa
Grade 6 sa pasukan.

"Mas convenient kasi hindi ka na kailangang umalis, mas safe,"


ani Campos, na ikinuwento ring nami-miss ng kaniyang anak ang face-
to-face classes.

Ang Mandaluyong Elementary School ang magpoproseso ng mga


isinumiteng enrollment form sa tulong ng mga gurong pinapapasok sa
ilalim ng skeletal workforce.

Nakiusap ang Department of Education (DepEd) sa inilabas


nitong enrollment guidelines na hangga't maaari ay mga fully
vaccinated na tauhan ang mangasiwa ng enrollment.

Sa guidelines, remote enrollment ang gagamitin sa enrollment


period mula Agosot 16 hanggang umpisa ng klase sa Setyembre 13.

Kasama rito ang pagtatalaga ng mga dropbox para roon kumuha


at punan ang enrollment form, at online na pagsumite ng form, na
maaaring ma-download sa websites ng DepEd at mga paaralan.

Maaari rin umanong mag-ugnayan ang mga magulang at guro sa


pamamagitan ng tawag, text at social media.

Bilang konsiderasyon ngayong may pandemya, puwedeng


kumpletuhin hanggang Disyembre 31 ang documentary requirements
tulad ng birth certificate, resulta ng mga assessment exam at iba pa.

Muling iginiit ng DepEd na sa pagbabalik-eskuwelahan ng mga


bata, wala pa ring face-to-face classes maliban na lang kung
papayagan ni Pangulong Duterte.

Noong nagdaang school year, umabot sa 22.7 milyon ang


enrollment sa public schools.

Nasa 26.6 milyon naman ang kabuuang enrollment sa Pilipinas,


kasama ang public at private schools, Alternative Learning System,
state at local universities na nag-aalok ng basic education, at
Philippine schools sa ibang bansa.

Uri ng Teksto Katangian ng Teksto Mga Patunay na Pahayag mula sa


Tekstong Binasa

15 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung ito ay


Tama o Mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Isang halimbawa ng tekstong impormatibo ang balita


kung saan naglalaman ito ng mga makatotohanang
impormasyon na maingat na sinaliksik at tinaya.

______________2. Nais ng tekstong persuweysib na mabago ang takbo ng


isip ng mambabasa at tanggapin ang posisyon ng may-
akda.

______________3. Ang tekstong naratibo ay may katangiang manghikayat


o mangumbinsi ng mambabasa.

______________4. Lahat ng tekstong naratibo ay nagtataglay ng mga


tauhan.

______________5. Ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo ay maaaring


subhetibo at obhetibo.
______________6. Obhetibo ang paglalarawan kung ito ay nakabatay sa
mayamang imahinasyon ng manunulat at hindi sa
katotohanan.

______________7. Isa sa mga katangian ng tekstong impormatibo ang


makatotohanang pagpapaliwanag sa mga paksang
tulad ng isports, kasaysayan, siyensiya, panahon,
heograpiya, at iba pa.

______________8. Isa sa katangian ng tekstong persuweysib ang pagiging


subhetibo kung saan nagpapakita ng personal na
opinyon at paniniwala ang may akda.

______________9. Ang tauhang lapad ay tauhang may multidimensiyonal


o maraming saklaw ang personalidad.

______________10. Impormatibo ang isang teksto kung ito ay di-piksiyon.

______________11. Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o


magkuwento.

______________12. Ang mga tekstong argumentatibo at persuweysib ay


parehong may layuning manghikayat sa mambabasa.

______________13. Ang tekstong impormatibo ay maaaring maging bahagi


ng tekstong naratibo.

16 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
______________14. Ang salitang “balat-sibuyas” ay isang halimbawa ng
obhetibong paglalarawan.
____________15. Isang halimbawa ng tekstong argumentatibo ang debate
kung saan ay layunin nitong manghikayat ng mababasa
batay sa mga katotohanan at lohika.

Karagdagang Gawain

Alam na alam mo na ang kakanyahang katangian ng mga teksto kaya naman huling
gawain ngayon ay tiyak kong iyong kawiwilihan.

Panuto: Pumili ka ng isang teksto na nais mong suriin. Isaalang-alang sa iyong


pagsusuri ang mga sumusunod:

a. Uri ng teksto
b. Katangian ng teksto
c. Patunay na pahayag mula sa tekstong binasa

Rubrics sa Pagsusuri ng Teksto

10 8 6 4
 Natukoy ang  Natukoy ang  Natukoy ang  Natukoy ang
uri ng teksto uri ng teksto uri ng teksto uri ng teksto
 Lantad ang  Lantad ang  Lantad ang  Lantad ang
pangunahing pangunahing pangunahing pangunahing
ideya na ideya na ideya na ideya na
tinalakay tinalakay tinalakay tinalakay
 Malinaw na  Malinaw na  Malinaw na  Malinaw na
nailahad ang nailahad ang nailahad ang nailahad ang
layunin ng layunin ng layunin ng layunin ng
teksto teksto teksto teksto
 Matibay na  Matibay na  Matibay na  Matibay na
nailahat ang nailahat ang nailahat ang nailahat ang
mga ideya mga ideya mga ideya mga ideya
nang may nang may nang may nang may
sapat na sapat na sapat na sapat na
batayan batayan batayan batayan
maipakita ang upang upang upang
kredebilidad maipakita ang maipakita ang maipakita ang
ng kredebilidad kredebilidad kredebilidad
impormasyong ng ng ng
isinaad sa impormasyong impormasyong impormasyong
teksto (5) isinaad sa isinaad sa isinaad sa
teksto (4) teksto (3) teksto (2)

17 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Module 3
CO_Q3_PPIITTP SHS 18
Subukin Suriin Pagyamanin
1. A 1. B Manwal na pagwawasto
2. B ng guro sa ibang
2. D
3. B bahagi
3. A
4. A 4. E Uri ng Teksto
5. B
5. C
6. B 1. Impormatibo
7. A
8. B
2. Deskriptibo
9. A 3. Naratibo
10. B 4. Persuweysib
11. B 5. Prosidyural
12. A
13. B
14. A
15. B
Isagawa Tayahin Karagdagang Gawain
Manwal na pagwawasto 1. Tama Manwal na pagwawasto
ng guro 2. Tama ng guro
3. Mali
4. Tama
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10. Tama
11. Tama
12. Tama
13. Mali
14. Mali
15. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Aklat

Dayag, Alma. M. at Mary Grace G. del Rosario. Pinagyamang Pluma


11 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa
Pananaliksik). Quezon City: Phoenix Publishing House, 2017.

B. Sangguniang Elektroniko

Perez, Arra. “Enrollment sa mga pampublikong paaralan


umarangkada na” ABS-CBN News, Agosto 16, 2021,
https://news.abs-cbn.com/news/08/16/21/enrollment-sa-mga-
pampublikong-paaralan-simula-na

BusinessTips.ph. “List of Famous Filipino Brand Names and


Slogans.” Nakuha noong Mayo 22, 2020.
https://businesstips.ph/list-of-famous-filipino-brand-
names-and-slogans/

Sarael, Khadija L.. G7Fil Ira & Khads. Pebrero


2013.http://filipinoeinsteinirakhads. blogspot.com/

https://www.health.gov.au/sites/default/files/documents/2020/
06/papel-pangkaalaman-ang-kailangan-mong-malaman-
tungkol-sa-coronavirus-covid-19-coronavirus-covid-19-what-
you-need-to-know.pdf

https://rilhub.org/wp-content/uploads/2021/07/WHO-Usapang-
Bakuna_HCW-Communication-Guide-Tagalog-2021.06.pdf

https://www.chp.gov.hk/en/wapdf/34134.html?page=2

19 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 3
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like