You are on page 1of 19

11 SENIOR HIGH SCHOOL

Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO
Filipino – Ikalabing-isang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kakayahang Sosyolinggwistiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lilet M. Namacpacan
Editor: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagasuri: Shem Don C. Fabila, Ana Melissa T. Venido, Maria Chona S. Mongcopa
Tagalapat: Romie G. Benolaria, Rodjone A. Binondo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, EdD., PhD Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, CESE Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Renante A. Juanillo, EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino

Ikalawang Markahan – Modyul 5:


KAKAYAHANG
SOSYOLINGGWISTIKO
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Kakayahang Sosyolinggwistiko!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 11 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Kakayahang Sosyolinggwistiko!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIKO

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan


(F11PT-IIe-87)
2. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga
usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-usapan, lugar, panahon,
layunin at grupong kinabibilangan. (F11PS-IIe-90)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta?


Ang kakayahang sosyolingguwistik ay pagsasaalang-alang ng
isang tao sa ugnayan niya sa kausap, ang impormasyong pinag-uusapan,
at ang lugar na kanilang pinag-uusapan. Sa komunikasyon, marami ang
mahuhusay magsalita subalit mali sa pagpipili ng salitang gagamitin na
maaaring magbigay ng impresyon sa tagapakinig na siya’y walang
galang, mayabang o naiiba.
Sa pag-aaral nito, mas mabibigyang linaw mo hindi lamang ang
iyong sarili kundi pati na rin ang taong kausap. Magiging maunlad at
maganda ang iyong pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Naiaangkop ang
mga gamit ng mga salita sa sitwasyon, kausap, panahon, pinag-uusapan
at grupong kinabibilangan.

1
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

1. Nakapapaliwanag sa kahulugan ng kakayahang sosyolingguwistiko.


2. Nakatututukoy sa mga sitwasyong komunikatibo batay sa pagtukoy
sa sino, paano, kailan, saan, at bakit nangyari ang gawaing
pangkomunikasyon.
3. Nakabubuo ng konsepto sa kakayahang sosyolinggwistik.
4. Nakasusulat ng isang maikling iskrip ng isang dula- dulaan na
makikita ang iba’t ibang konsiderasyon sa mabisang komunikasyon.
5. Napapahalagahan ang kakayahang sosyolingguwistiko sa
pamamagitan ng isinagawang gawain tungo sa mabisang
pakikipagkomunikasyon.

SUBUKIN

PANIMULANG
PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin lamang ang
tamang sagot mula sa kahon na makikita sa ibaba. Isulat sa sariling kuwaderno.
____1. Ito ay tumutukoy sa diskursong ginagamit.
____2. Tumutukoy sa lugar na ginaganap
____3. Nagsasaad ng pakay o layunin ng pag-uusap
____4. Tumutukoy sa takbo ng usapan
____5. Isang kakayahang ginagamit ang angkop na wika depende sa sitwasyon
____6. Ang umiiral na panuntunan sa pagtatalakay ng paksa
____7. Nagsasabi ng tsanel na ginagamit, pasalita man o pasulat.
____8. Nagsasaad sa tono ng pag-uusap pormal o di-Pormal.
____9. Ang kalahok sa pag-uusap o sa pakikipagtalastasan
Genre Setting Participants Act Sequence Keys Norms
Instrumentalities Kakayahang Sosyolinggwistik Ends Speaking

2
Magaling! Nasubukan mong gawin
ang panimulang pagtataya. Ngayon ay
magsisimula na kayo sa iyong pagtuklas ng
bagong kaalaman tungkol sa kakayahang
sosyolingguwitik.
B. 180 C.
170 D. 160
2. Batay sa sensus noong 2000, ang
pinakalaganap na mga wika sa Pilipinas sa
dami ng taal na tagapagsalita
ay____________.
A. Tagalog B. Cebuano
TUKLASIN C. Ilokano D. Hiligaynon
3. Ang ________________ay isang
sistemang komunikasyon na madalas
ginagamit ng tao sa isang partikular na lugar.
GAWAIN 1 A. aklat B. pagsasalita
C. pasulat D. wika
4. Ang itinuturing na ikalawang wika ng
nakararaming Pilipino ay ___________.

A. Chinese B. Ingles
C. Korean D. Filipino
Naku, oo naman pala!
Tawagin mo ang tatay
5. Ang ibig sabihin sa acronym na SWS
mo! Inatake ang lola
ay___________. mo’t kelangang dalhin
sa ospital diyan. Wala
A. Social Weather Stations
kaming mahanap na
B. Social Welfare and Sciences
sasakyan! Dalian mo
C. Science Weather Station
iha!!
D.Wala sa nabanggit

6. Si ____________ ang nagsasabi na


patuloy na lumaganap ang wikang Ingles
bilang wikang panturo sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig.
https://www.google.com
A. Nolasco (2008)
B. Mc.Farland (2014)
C. Macaro (2014)
D. Montano (2019)
3

7. Ang Pambansang wika ng Pilipinas


ay________.
Natutuwa ako sa
pagkamatay ng iyong
Wala na ang
ina, maraming pagkain Nanay…Huhuhu
at inumin habang ang
lahat ay nagluluksa…

https://www.google.com

GABAY NA TANONG!
1. Ano ang masasabi mo sa una at pangalawang dayalogo?
2. May pagkakatulad ba o pagkakaiba ang pagkakabuo ng mga pahayag?
3. Tama ba ang ginawang tugon ng mga nag-uusap sa dayalogo?
4. Bakit kailangan mong pag-aralang mabuti ang tamang
pakikipagtalastasan?
5. Sa iyong palagay, paano nakatutulong ang tama o angkop na salitang
gagamitin sa pakikipagkomunikasyon sa iba?
6. Mahalaga bang bigyan mong pansin ang pag-aaral sa mga
konsiderasyon para sa mabuting pakikipagkomunikasyon?

SURIIN

PAGSUSURI

GABAY NA TANONG!
1. Paano nakatulong ang Gawain 1 sa paksang tatalakayin sa modyul
na ito?
2. Nakasisiguro kaba na ito ay angkop na Gawain sa paksang
nabanggit?

4
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

KAKAYAHANG SOSYOLINGGWISTIK

Ito ay kaalaman kung kailan angkop gamitin at tumugon nang naaayon sa


wika na isinasaalang-alang ang tagpuan, ang paksa at ang ugnayayan ng mga
taong sangkot. Ang taong may mataas na kakayahang sosyolingguwistik ay
magtatanong (Teaching Goals and Methods,2004).
Sa pagpapaliwanag ni Savignon (1997), sinabi niyang ang kakayahang
sosyolinggwistik ay isang kakayahan na gumamit ng wika na nangangailangan ng
pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit. Kabilang sa pag-
unawang ito ang kaalaman sa gampanin ng mga sangkot sa komunikasyon, ang
mga ibinahagi nilang kaalaman, ang ang tunguhin ng pag-uugnayang nagaganap.
Sinasabi rin niyang sa sapat lamang na kaalaman sa mga bagay na ito masasabing
angkop ang isang pahayag
(Bernales, et al.,2016).

Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon ni Dell Hymes 1974


1. Setting -Saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao?
2. Participants- Sino-sino ang mga kalahok sa pag-uusap o
pakikipagtalastasan?
3. Ends – Ano ang pakay o layunin ng pag-uusap o pakikipagtalastasan?
4. Act sequence- Paano ang takbo ng usapan?
5. Keys- Ano ang tono ng pag-uusap Pormal o di pormal?
6. Instrumentalities- Anong tsanel ang ginagamit? Pasalita ba o pasulat?
7. Norms- Ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa
pagtatalakay sa nasabing paksa?
8. Genre- ano ang diskursong ginamit? Nagsasalaysay ba, nangangatuwiran o
nakikipagtalo? Ano ang espesipikong sitwasyong ginamit?

Mahalagang pag-ibayuhin ang kakayahang unawain ang mga


ekspektasyon sa lipunan at kung kailan ang akmang panahon ng pagpapahayag.
Kaakibat nito, lagi ring isaisip kung ano ang dapat sabihin at kung paano ito
sasabihin. Umaayon ito sa pahayag nina Jocson, et al., (2014) na upang mas
maging epektibo sa pakikipag- ugnayan sa lipunang ginagalawan.
Dapat na pahalagahan ang lugar ng usapan, igalang ang kausap, maging
konsistent sa paksang pinag-usapan, isaalang-alang ang genre ng usapan gayon
din ang layunin ng pag-uusap, at higit sa lahat, pasalita man o pasulat ang

5
komunikasyon, linawing mabuti ang mga mensaheng pinag-uusapan kapag
mabisang konsiderasyong ito na ipinapahayag ay masusunod at magagawa ng
isang indibiduwal, hindi magiging mahirap ang ganap na pag-unawa. Buong -layang
magkakaroon ng palitan ng mga kaalaman, komprehensibong impormasyon tungkol
sa kaganapan sa paligid at paggalang sa damdamin ng kausap (Bernales, et
al.,2016).

Mga Gawain

Picture ko! Ikuwento Mo!

A. Panuto: Bumuo ng sariling konsepto, istorya/ dayalogo. Batay sa mga


larawang iyong makikita sa ibaba. isaalang-alang ang SPEAKING ni Dell
Hymes.Isulat sa sariling kuwaderno.

https//www.google.com

6
B.

ISAISIP

Laging tandaan!
Ang sosyolinggwistik ay
kakayahan ng isang tao na makipag-usap
o makipagtalastasan na kung saan ang
alam niya kung paano at ano ang
nararapat sabihin upang maging angkop
sa sitwsyon kausap, panahon, lugar at
grupong kinabibilangan. At para na rin
hindi magiging iba ang maging dulot ng
mga sinasabi mo sa iyong kinakausap.

7
ISAGAWA

PAGLALAPAT

A. Panuto: Bumuo at sumulat ng isang maikling iskrip batay sa iyong sariling


konsepto na tumutugon at nagsasaalang-alang ng mga konsiderasyon tungo sa
mabisang komunikasyon. Isulat ito sa sariling kuwaderno.

Maaaring pumili sa mga sumusunod na sitwasyon:


1. May dumating na isang Amerikano sa iyong lugar. Siya ay isang guro at
nais kumuha ng mga bata na maging iskolar. Paano mo kakausapin siya?
2. Sa isang job interview, paano mo ipakilala ang iyong sarili, at ano ang
tamang pagpapahayag?
3. Sa isang silid-aralan na may pagpupulong ang isang guro sa mga
magulang na galing sa bundok, paano kakausapin ng guro ang mga
magulang?

Pamantayan sa Pagwawasto Napakahusay Mahusay Di-Gaano

Kaangkupan ng paksa 5 3 2

Kabatiran ng Wika 5 3 2

Pagkamalikhain 5 3 2

Nilalaman 10 8 6

KARAGDAGANG
GAWAIN

8
PAGPAPAYAMAN

Panuto:
Ipagpalagay na ikaw ay isang opisyal ng Departamento ng Kalusugan at
inanyayahang dumalo bilang kinatawan na magbigay ng kamalayan tungkol sa
kinakaharap na problema ng mga kabataan. Isaalang-alang din ang konsiderasyon
sa mabisang pakikipagkomunikasyon ni Dell Hymes (“SPEAKING”) Isulat sa
sariling kuwaderno.

REFLEKSIYON

Panuto: Lagyan ng tamang sagot. Isulat ito sa sariling kuwaderno.

9
TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawain. Isulat ang salitang “Heal” kung tama ang pahayag,
at “As One” naman ang isulat kapag mali. Isulat ito sa kuwaderno.
_______1. Ang pag-aaral ng kakayahang sosyolinggwistik ay mas higit na
magkaunawaan ang nag-uusap.
_______2. Hindi tama na piliin lamang ang sasabihin sa kausap at iangkop sa
kinapapaloobang sitwasyon.
_______3. Nakatutulong ang pag-aaral ng sosyolinggwistik sa pagkakaroon ng
matiwasay na pamumuhay at pakikipagtalastasan ng bawat tao.
_______4. Napipili ang mga angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa
kausap o talakayan o maging sa sitwasyon, lugar, panahon at grupong
kinabibilangan.
_______5. Hindi mahalagang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral ng
sosyolinggwistik sa pagkat pinag-aralan naman natin ang wastong gamit ng mga
salita.

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang salitang
Tama kung tumpak ang pahayag at Mali kung hindi sa sariling kuwaderno.
________6. Ang taong may mataas na kakayahang sosyolingguwistik ay hindi
nagtatanong.
_________7. Sa kakayahang sosyolingguwistik, binibigyang-pansin ng ispiker ang
iba’tibang konteksto ng diskurso.
_________8. Ang keys ay pangkalahatang tono at pamamaraan ng pagsasalita at
iniaayon din sa buong sitwasyon kung ito ba ay pormal o di-pormal.
_________9. Ang genre naman ay maaaring nagsasalaysay, naglalahad,
naglalarawan o nangangatwiran.
_________10. Ang norms ay ang mga pamantayang kultural at ang pagtiyak ng
kaangkupan at kaakmaan ng usapan sa isang sitwasyon.
__________11. Ang act sequence ay tumutukoy sa hindi pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa isang sitwasyon ng komunikasyon.
__________12. Ang setting ay tumutukoy sa lugar na ginaganap.
__________13. Ang ends ay nagsasaad ng pakay o layunin ng pag-uusap.
__________14. Ang kakayahang sosyolingguwistik ay gumagamit ng wika na
nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito
ginagamit.
__________15. Ang participants ay tumutukoy sa mga tao at lugar na sangkot sa
komunikasyon.

10
11
Panimulang Pagtataya
PANIMULANG PAGTATAYA
1. Genre
2. Setting
3. Ends
4. Act Sequence
5. Kakayahang Sosyolinggwistik
6. Norms
7. Instrumentalities
8. Keys
9. Participants
MGA GAWAIN (PICTURE KO! IKUWENTO MO!)
(Maaaring iba-iba ang magiging sagot ng mag-aaral. Bahala na ang guro sa pagtatasa).
PAGLALAPAT
(Ang guro ay ang magmamarka batay sa kriteryang ibinigay.)
PAGPAPAYAMAN
(Ang guro ay ang magmamarka sa bahaging ito.)
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. Heal 6. Mali 11.Mali
2. As one 7.Tama 12.Tama
3. Heal 8. Tama 13. Tama
4. Heal 9.Tama 14.Tama
5. As one 10.Tama 15. Mali
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN

Aklat:

Taylan, Dolores R., Petras, Jayson D., and Geronimo, Jonathan.Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.856 Nicanor Reyes, Sr. St. Manila,
Philippines: REX Books Store
Baronda, Andrew John. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.
Manila, Philippines: JFS Publishing Services, 2016.
Reyes. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino.Makati Cit: Diwa
Learning Systems Inc. Pp. 122-124.

Mula sa Internet

https://www.slideshare.net/DanrebConsul/kakayahang-pangkomunikasyon-ng-mga-
pilipino
https://prezi.com/p/8sxqwovdfqna/kakayahang-linggwistikoistrukturalkomunikatibo/

12
LILET M. NAMACPACAN-NUICO. Siya ay nagtapos ng
kursong BSED sa Larangan ng Filipino mula sa Negros
Oriental State University (NORSU)-BSC noong 2016. Siya rin
ay kumukuha ng kanyang MAEd Filipino sa Unibersidad ng
Foundation Siyudad ng Dumaguete.Sa kasalukuyang
konektado sa pampublikong paaralan ng Nagbalaye High
School bilang isang guro sa Senior High School.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like