You are on page 1of 8

Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Filipino Modyul 3: Konseptong Pangwika: Kaalaman,


Pananaw at Karanasan
Talasalitaan

1. Fashion – Sunod sa uso (moda, anyo, ayos, kaugalian).


2. Pananaw – Paniniwala, pangitain, sariling pagkakaunawa, perspektiba.
3. KWF – Komisyon sa Wikang Filipino. Ahensyang nangangalaga sa wikang pambansa.
4. CHED – Commision on Higher Education. Ahensyang nangangasiwa sa kolehiyo.
5. Wika – Ginagamit na instrumento sa komunikasyon ng sinuman

PANIMULANG GAWAIN:

Panuto: Basahin ang talata at subuking sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Huwag Maging Anino – Reaksyon sa CHED Memo No. 20, 2013

(1) Ayon sa Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6, “Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.” Maliwanag ang isinasaad ng Saligang Batas na
kailangang payabungin ang Wikang Filipino sapagkat ito ang ating pambansang wika. Ito ay bahagi
ng pagkakakilanlan natin bilang Pilipino – pagkakakilanlan na kaakibat ng ating kalayaan mula sa
mga mananakop noong unang panahon.

Ang ating tinatamasang kalayaan ay bunga ng dugo at pawis sa pakikibaka ng ating mga bayani.
Ito ay bahagi ng ating kasaysayan at kultura. Ano nga ba ang pinakamabisang paraan ng
pagpapayabong at pagpapayaman ng wikang Filipino? Walang iba kundi ang paggamit at pag-aaral
ng mabisang paggamit nito. Sa pag-alis ng Filipino bilang asignatura sa kolehiyo na kasama sa
implementasyon ng K to 12 Curriculum, marami ang nilalabag. Sinasalungat ng CHED Memo Blg. 20
ang Saligang Batas.

(2) Nakalulungkot isiping ang wikang Filipino na siya nating pambansang wika ay itinuturing ng
ibang Pilipino na wika lang ng masa, wika ng ordinaryong mamamayan. Upang maging kabilang sa
alta-sosyodad, kailangang iwaksi ang sariling wika kahit magkandabalu-baluktot ang dila sa
pagsasalita ng wikang banyaga para lang masabihang maalam.

Ang itinuturing na wikang pang-mayaman, pang-sosyal at pang-edukado ay Ingles kaya naman


pilit na ipinatutupad sa mga pribadong paaralan ang “Speak English Campaign” upang sa
pagtuntong ng kolehiyo o sa paghahanap ng trabaho ay mahusay magIngles. Ano kaya ang
mangyayari sa ganitong sitwasyon? Isang batang Pinoy, kinamulatan ang salitang Ingles dahil
propesyonal ang mga magulang, sa pagtuntong ng elementarya at hayskul ilang minuto lang
pwedeng gamitin ang wikang Filipino, pagdating sa kolehiyo, wala nang asignaturang Filipino, paano
niya maipapasok sa sistema niya ang pagpapahalaga sa sariling wika? Malamang hindi niya
papangarapin ang magtrabaho o tumira sa Pilipinas. Sa ganitong sitwasyon, nakabuo ng isang Pinoy
na hindi gustong maging Pinoy. Siya ba ang may sala o ang sistema?

1
1. Ayon sa unang talata, ang wikang Filipino ay itinuturing na_____________ ng mga Pilipino.
a. Unang wika
b. Pangalawang wika
c. Pambansang wika
d. Wikang inaaral ng ibang etnikong grupo
2. Bakit pinag-aaralan ang wikang Ingles sa ating bansa?
a. Dahil wika ito ng mga matatalino.
b. Isa ito sa opisyal na wika ng bansa bukod sa Filipino
c. Upang gawin tayong mga edukado
d. Para palakasin ang industriyalisasyon at globalisasyon.
3. Sa binasang talata, anong uri kaya ito ng babasahin?
a. Sanaysay na nagbibigay ng opinion o reaksyon tungkol sa pagtanggal ng Filipino sa
kolehiyo.
b. Kuwento tungkol sa Filipino at Ingles.
c. Pananaw tungkol sa wika
d. Karanasan bilang isang Pilipino
4. Anong konseptong pangwika ang makikita sa talata?
a. Mariing paninindigan tungkol sa wika.
b. Tinalakay ang unang wika, pangalawang wika at kung paano pahalagahan ang
wikang pambansa.
c. Barayti ng wika
d. Antas ng wika
5. Sa anong bahagi ng talata makikita ang pananaw ng sumulat?
a. Una b. Ikalawa c. Gitna d. Hulihan
Mga Gawain sa Pagkatuto
Iba Pang kaalaman Hinggil sa wika
Ayon sa mga lingguwista, may mahigit 5,000 wika na sinasalita sa buong mundo. Ang Pilipinas
ay isa sa mga bansang biniyayaan ng maraming wika: di kukulangin sa 180 ang wikang sinasalita sa
Pilipinas.

Kaya ba tinawag na Heterogenous ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas?


Tumpak! Dahil maraming wika ang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang
ito. Nakapaloob sa palagay na ito ang iba’t ibang konsepto ng dayalektal na baryasyon sa wika dahil
sa magkakaibang katayuan sa lipunan, pook na tinitirihan, paguugali at interes ng mga Pilipino.
Samantala, kapag ang isang bansa ay tanging iisang wika ang sinasalita ng mga mamamayan
dito, ito ay tinatawag na Homogenous.

Ang salitang homogenous, ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ay nagmula sa salitang


Griyego na homogenes mula sa hom- na nangangahulugan ng uri o klase at genos na
nangangahulugan ng kaangkan o kalahi. Kung ilalapat sa wika, tumutukoy ito sa pagkakaroon ng
iisang anyo at katangian ng wika.
Halimbawa:
At paano kung ang "self-expression" mo ay maging baduy? Na 'yan ang siguradong mangyayari
dahil 'yan naman talaga ang natural na kapalaran ng kahit anong nauuso-nalalaos at pinandidirihan.
Tanungin na lang ang lahat nang nagsuot ng shoulder pads at lagpas-bewang na sinturon noong
medieval '80s.
2
Tanungin na lang ang lahat ng nagsuot ng oversized (at overpriced) Giordano na polo shirt.
Tanungin na lang ang lahat ng sumakay sa uso at nagsuot ng baggy-baston na acid-wash na
maong nung high school. Halaw sa : https://www.spot.ph/this-is-a-crazy-planets/57276/sermon-sa-mga-
fashyown?ref=section_feed_1

Dito ba pumapasok ang wikang Filipino?

Tama. Ito ang katutubong wika, pasalita at pasulat sa Metro Manila, ang Pambansang Punong
rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa archipelago na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng
mga etnikong grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng
paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram ng mga wika sa Pilipinas at mga ‘di katutubong wika
at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryabilidad ng wika para sa iba’t ibang sitwasyong sosyal at para sa
mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag {KWFResolusyon Blg. 92-1)

Siyempre, maaaring sa pamamagitan ng sanaysay, editoryal, talumpati, tula at maging sa


pamamagitan ng modernong teknolohiya. Dahil sa teknolohiya ay nagiging madali na sa atin ang
ibahagi natin ang mahahalagang impormasyon, pananaw at karanasan katulad ng blog, facebook,
youtube atbp.

Ang blog ay isang uri ng website na regular na ina-update gamit ang bagong nilalaman.
Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng maikli, impormal na artikulo na tinatawag na blog post.
Ang mga post na ito ay karaniwang naglalaman ng ilang kombinasyon ng teksto, mga larawan, video,
at iba pang media. Sa kanyang Core, ang isang blog ay lamang ng isang puwang sa web na maaari
mong lumikha upang itala at ipahayag ang iyong mga opinyon, karanasan, at interes.

Hal.
Mga minamahal kong fashionista, Alam ko ang nasa isip ninyo ngayon. Hinuhusgahan niyo ang aking
kasuotan. Ang ilan sa inyo ay sumisimple ng tingin sa sapatos ko. Ang ilan sa inyo ay nagtataka kung
bakit wala akong relo. Ang ilan naman marahil ay gustong malaman kung ano ang tatak ng salamin
ko.

Isang bagay lang ang sigurado ako: wala sa inyo ang hindi nag-effort sa wardrobe. Lahat kayo,
lalo na ikaw na nasa harap, sa second row, ‘yong naka-itim na sleeveless na may salamin na ahit
‘yong gilid ng buhok-gaano niyo katagal pinlano 'yang mga suot ninyo? Heto ang gusto kong
malaman: ilang araw niyong pinagpaplanuhan ang mga OOTD ninyo? Naka-kalendaryo na ba ’yang
mga 'yan? Pino-problema niyo ba kung sinosino na ang mga nakakita ng mga damit niyo? O kung
nagmumukha kayong mataba sa suot ninyo by asking the existential question: "Does this make me
fat?" Alam niyo naman ang simpleng sagot diyan, 'di ba? It's fat that makes you fat. Magtataka ka pa
kung bakit ka lumolobo-tingnan mo nga ang mga Instagram posts mo: Puro pagkain. Sa mga
nakaitim dito, alam ko ang dahilan kung bakit. Bawas-bawas din ng pasta at cake 'pag may time.

Ano naman ang tinatawag na Wikang katutubo?


Ito ay tinatawag ding Unang wika – wikang natutuhan at ginamit ng isang tao mula
pagkapanganak hanggang sa panahon kung kailan lubos nang naunawaan at nagagamit ng isang tao
ang nasabing wika. Kabilang dito ang mga pangunahing wika gaya ng Tagalog o Waray o ang maliliit
gaya ng Higaynon o Ivatan.

Tinatawag din itong Mother Tongue bilang wika ng isang etnolingguwistikong grupo kung saan

3
nabibilang ang isang indibiduwal, at hindi ang unang natutuhang wika. Halimbawa kung ang
isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng mga taal na Iloko, ngunit simula pagkapanganak ay
tinuruan ng wikang Ingles, mananatiling Iloko ang kanyang katutubong wika.
Paano malalaman kung ang isang tao ay katutubong tagapagsalita ng isang wika?
Una, ito ay nalalaman niya sa murang edad pa lamang. Pangalawa, siya ay may likas na’t may
instinktibong kamalayan sa wika. Pangatlo, may kakayahan siyang makabuo ng matatas at
ispontanyong diskurso na gamit ng wika. Pang-apat, kinikilala ang sarili bilang bahagi at kabahagi ng
lingguwistikong komunidad. Panghuli, may puntong dayalektal ang indibiduwal na taal sa
katutubong wika.

Sa kabilang dako, ang ikalawang wika naman ay ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang
tao labas pa sa kaniyang unang wika. Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa
tagapagsalita ngunit isang wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita. Iba ang ikalawang
wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang wika ay tumutukoy sa iisang wikang
inaral lamang ngunit hindi ginagamit o sinasalita sa lokalidad ng taong nag-aral nito.
Maituturing ba na ikalawang wika ang wikang Ingles?
Tumpak! Sapagkat bukod sa isa ito sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ay laganap ang paggamit
dito sa sistema ng edukasyon at iba pang larangan habang banyaga ang wikang Aleman sapagkat
hindi ito natural na ginagamit sa anumang larangan o lugar sa Pilipinas, liban na lamang kung sadya
itong pag-aaralan.

Kinilala si Krashen (1982) sa teorya ng Second Language Acquisition (SLA) na nagpalawig sa


pagkakaiba sa acquiring (likas o natural na pagtatamo) at learning (pagkatuto) ng wika. Ang
acquisition o pagtatamo ay isang natural na proseso habang ang learning o pag-aaral ay
kinasasangkutan ng malay o sadyang desisyon napag-aralan ang wika.
Dito ba pumapasok ang Lingguwistikong komunidad?
Tama! Ito ay isang termino na sosyolingguwistiks na tumutukoy sa isang grupo ng mga taong
gumagamit ng iisang uri ng barayti ng wika at nagkakaunawaan sa mga ispesipikong patakaran o
mga alituntunin sa paggamit ng wika. Ayon kay Yule (2014), ang wika at pamamaraan ng paggamit
nito ay isang porma ng panlipunang identidad at ginagamit, malay man o hindi, upang ipahiwatig o
maging palatandaan ng pagiging kasapi ng isang tao sa isang tiyak an grupong panlipunan.

Lahat ba ng nagsasalita ng isang wika ay kasapi ng isang lingguwistikong komunidad?


Hindi, sapagkat ang isang Aleman ay maaaring mag-aral ng wikang Tagalog ngunit hindi siya
mabibilang sa lingguwistikong komunidad ng mga taal na tagalog sapagkat iba rin ang paraan ng
paggamit niya sa wikang ito.
Ano kaya ang dahilan na kahit tayo ay nakatira lamang sa bansang Pilipinas, marami tayong
ginagamit na wika?
Ang ating bansa ay binubuo ng mga pulo, kaya’t magkakaiba ang tawag sa mga bagay na sila
mismo ang nagbigay ng pangalan dahil na rin sa kanikanilang kultura.

Ano-ano ang mga pangunahing wikang umiiral sating kapuluan?


Ang Pilipinas ay isang bansang gumagamit ng magkakaibang wika at wikain. Ito ay ang
sumusunod: Tagalog, Cebuano, Ilocano, Hiligaynon, Bikol, Waray, Kapampangan at Pangasinense.
4
Matatawag bang katutubong wika ang Filipino
Resolusyon Blg. 96-1 ng KWF: Ang Filipino ay katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas
bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo
Ano ang tuon ng Filipinong wika ngayon?
Ang tuon ng wikang Filipino ngayon ay intelektuwalisasyon o modernisasyon upang ito’y
magamit nang mabisa sa mga pangangailangan at sa mga pagbabago sa kasalukuyan at sa darating
na milenyo.

Pagsasanay 1
Panuto: Tukuyin kung ang pangungusap ay nagpapakita ng Unang Wika, Pangalawang Wika,
Lingguwistikong Komunidad.

1. Ang mga taong nagsusulat ng mga blog ay tinatawag na mga blogger. ____________

2. Depende ito sa nais mong ibahagi, at kung paano mo gustong ibahagi ito. Maaari mo kahit na
malaman na gusto mo sa halip ibahagi sa isang microblogging serbisyo tulad ng Tumblr o Twitter, o
isang social network tulad ng Facebook. _____________
3. Okay din ang self-expression mo, 'no? Designed in Milan, made in China, overpriced in the
Philippines. ____________

3. Wala kaming pakialam kung Thom Browne 'yan, pero 'pag naligaw ka sa Project 2 na naka-
Amerikana habang naka-shorts ay siguradong gugulpihin ka ng mga tambay. ______________
5. Kung ikaw ay tradisyonal na blog, ang Twitter ay maaaring maging isang magandang paraan
upang itaguyod ang iyong blog sa pamamagitan ng pagkonekta sa iba pang mga blogger at pag-
uugnay sa iyong sariling mga post blog. ______________

Panuto:Tukuyin kung ang mga pangungusap na may bilang ay nagpapakita ng Homogenous o


Heterogenous.

(1) Ang fashion ay isang malaking ilusyon. O kung sa Hinduism, "maya," na maaaring ihambing sa
isang kurtina na tumatakip sa katotohanan.

(2) Hindi ako nanghuhusga... Actually, well, hinuhusgahan ko kayo-kahit hindi ako huwes.

(3) Mas maganda siguro ay may gawin din tayong kapaki-pakinabang sa lipunan bukod sa magdamit
nang maganda.

Kung self-expression lang din naman ang pag-uusapan,


(4) 'di ba't mas naaappreciate natin ang porma nila Jorge Luis Borges at Ernest Hemingway dahil sa
kanilang iniwang mga panulat? 'Di ba't mas may kabuluhang tingnan ang malaking tiyan ni Pablo
Picasso kesa sa mga muscles ni Jack Lalanne?

Naniniwala ako sa kahagahan ng kalusugan etc., pero mas naniniwala ako na hindi ito pahabaan ng
buhay kundi pagandahan ng kalidad ng paano ka namuhay-at hindi ito usapin ng palakihan ng bank
account, o pagandahan ng kotse at condo.
(5) Ang buhay na may saysay ay ang yung nagpabuti o nagpaganda sa buhay ng iba kahit sa maliit
lang na paraan.
5
Panuto: Suriin ang tula kung ito ay nagpapahayag ng kaalaman, pananaw at karanasan.

PATALIM
Cirilio F. Bautista

(1) Araw-araw
sinusubok naming mag-asawa ang talim
ng aming balaraw

Halimbawa
(2) Kung umiiyak
ang bunsong anak
at hindi kumikilos ang sintang mahal
sasaksakin ko siya sa likod
at patawang pagmamasdan
habang duguang
pasususuhin niya
ang bunso

Kung pundi ang bumbilya


sa aming kusina
at ako’y abala
sa paglikha ng tula
(3) hindi niya ako titigilan
ng saksak sa batok
hangga’t ang ilaw ay di napapalitan
Patas lang ang aming labanan
Lagot kung lagot walang dayaan
Kaya’t
(4) sa katapusan ng araw magbibilang kami ng
sugat
(5) at tila mga gulanit na kaluluwa
ay magtatawanan magsusuntukan pa
Ganito kaming lagi sapagkat
labis ang pag-ibig namin sa isa’t isa.

Panapos na Pagsubok

Panuto: basahin ang talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

(1) Wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto ng mga Filipino kundi nasa sariling wika.
Pagpapatunay nga ng isang edukador na Canadian na si Phil Bartle, “Sa pag-aaral ng basikong
literasiya, ang wikang gagamitin ay base sa kung ano ang karaniwang na iintindihan at alam ng
pamayanan.

(2) Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba. Kung babalikan din natin ang kasaysayan ng
Pilipinas, nang ipinag-utos ng mga Amerikano noong 1901 na gawing opisyal na wikang panturo ang
Ingles sa mga paaralan sa Pilipinas, makalipas lamang ang dalawampu’t limang taon ay nabatid
agad ng mga Amerikano
6
(3) Sa pamamagitan ng pag-aaral Monroe Educational Survey Commission na hindi naging
matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles sa kanilang pag-aaral. Dahil
dito ipinag-utos din noong 1931 na wikang bernakular na ang wikang gagamiting wikang panturo sa
elementarya.

(4) Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng pagkaligaw nating
mga Pilipino sa daan ng karunungan. Noon pa sinasabi at ipinaalala ng isa pang Pambansang alagad
ng sining para sa panitikan na si Virgilio Almario na kailangang

(5) kailangan natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Pero ayaw nating harapin ang
tawag ng tagumbayan
Halaw sa :”Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa” Romeo Palustre Peňa
www.resesarchgate.net

1. Ano ang ibig ipahiwatig ng sumulat sa kanyang pahayag sa unang talata?


a. Wikang pambansa ang magdadala sa karunungan
b. Walang puwang ang wikang dayuhan sa Pilipinas.
c. Huwag pag-aralan ang ibang wika.
d. Wikang Filipino ang dapat nating tangkilikin.

2. Walang isang wika ang pinakamahusay kaysa sa iba. Ito ay nangangahulugang?


a. Lahat ng wika ay pantay-pantay.
b. Espesyal ang wikang Filipino
c. Para lamang sa matatalino ang wikang Ingles.
d. Tanggapin natin na laos na ang wikang Filipino.

3. Sa pamamagitan ng pag-aaral Monroe Educational Survey Commission na hindi naging


matagumpay ang pagkatuto ng mga Pilipino gamit ang wikang Ingles sa kanilang pag-aaral. Ano ang
implikasyon nito?
a. Hindi kailanman mapapalitan ang wikang katutubo.
b. Nahihirapan ang mga Pilipino na unawain ang Ingles.
c. Noon pa man ayaw nan g ninuno natin na tanggapin ang ibang wika.
d. Makitid ang isipan ng mga Pilipino.

4. Matagal na dapat nating alam na ang wikang dayuhan ang isa sa dahilan ng pagkaligaw nating
mga Pilipino sa daan ng karunungan. Masasabi ba nating pananaw ito?
a. Oo, sapagkat totoo naman.
b. Oo, dahil nagbubulag-bulagan tayo sa tunay na mga pangyayari.
c. Hindi, dahil walang katotohanan.
d. Hindi, sapagkat paninirang puri ito.

5. Kailangan natin ang Filipino sa edukasyon at opisyal na talastasan. Ano ang tinutukoy nito?
a. Fipino ang opisyal na wika ng mga Pilipino.
b. Filipino lang ang gagamitin na wika sa Pilipinas.
c. Ibandila ang wikang Pilipino.
d. Mahalin ang wikang pambansa.
7

You might also like