You are on page 1of 37

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
TANZA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
SENIOR HIGH SCHOOL
DAANG AMAYA II, TANZA, CAVITE

Grade 11-12
Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Learner’s Packet

Ikalawang Semestre ( 5-8 Linggo)

Unang Kwarter, 2020-2021
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

TANZA NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

Address: Daang Amaya II, Tanza, Cavite 4108
Telephone No.: (046) 450-0253 / (046) 454-5532 (Senior High School)
E-mail: tnchstanza@gmail.com / tnchsshs@gmail.com

Paunang Salita
Mabilis ang pagpapalit ng pilas ng panahon, kasabay nito ang
pagbabagong nararanasan ng mga mag-aaral. Mula sa karunungan at kasanayang
kanilang patuloy na nililinang hanggang sa pamamaraang ginagamit ng guro upang
makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa ating paligid. Lahat ng ito ay
nagpapalit ng anyo. At sa lahat ng ito, dapat tayo’y sumabay upang matamo ang lubos
na paglinang ng ating kakayahan at magamit ito sa ikatatagumpay ng ating
kinabukasan.
Ang Learner’s packet na ito ay naglalayong mapalalim ang pag-unawa ng mga
mag-aaral sa paggamit ng wikang sa kanila’y naghasa ng talino at talento, sa paraang
pasalita o pasulat man. Nais nitong malinang ang husay ng mga mag-aaral sa
paggamit ng matatalinghagang salita at maging kagamit-gamit ito sa pang-araw-araw
nilang pamumuhay upang muli pang mapagyabong ang wikang ipinaglaban ng ating
mga bayani mula sa paninikil ng mga dayuhan.
Inaasahang makatutulong ang Learner’s packet na ito upang lubos na
malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral at mapagyaman pa ang
kanilang mga karanasan.

Panimula Ang bahaging ito, ang bagong aralin ay ipapakilala sa

iyo sa iba`t ibang paraan tulad ng isang kuwento, isang
kanta, isang tula, tagapagbukas ng problema, isang
aktibidad o isang sitwasyon

Pagpapaunlad Ang seksyon na ito ay nagbibigay ng isang maikling

talakayan ng aralin. Nilalayon nitong matulungan kang
matuklasan at maunawaan ang bago konsepto at
kasanayan

Pagpapalihan Nagsasama ito ng mga gawain para sa

Independiyenteng kasanayan upang
patatagin ang iyong pag-unawa at kasanayan ng paksa.

Paglalapat Ang seksyong ito ay nagbibigay ng isang aktibidad na

makakatulong sa iyo ilipat ang iyong bagong kaalaman
o kasanayan sa totoong buhay sitwasyon o alalahanin

PAGNINILAY Ito ay isang gawain na naglalayong suriin ang iyong

antas ng master sa pagkamit ng kakayahan sa pag-
aaral.

2
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

DAPAT TANDAAN

1. Dapat mong ingatan ang Learner’s Packet na ito kung kaya’t huwag mo itong
dumihan, sulatan o itupi man sapagkat maaari pa itong gamitin ng iba pang
mag-aaral na tulad mo.
2. Makabubuti rin na sa pag-uumpisa mo ay maihanda mo na ang isang malinis
na papel na susulatan mo ng iyong sagot.
3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga tekstong iyong babasahin. Iwasang
may malampasang bahagi.
4. Maging matapat sa pagsasagot sa mga tanong upang makasiguro na ikaw ay
natuto.
5. At higit sa lahat, anuman ang iyong natutuhan sa modyul na ito, lagi itong
pakatandaan at matutong ibahagi sa iyong kapwa ang anumang kaalaman na
makukuha mula rito.

IKALIMANG LINGGO (Ikalimang Aralin):

Pamantayang Natitiyak ang nagkop na proseso ng pagsulat ng piling

Pangnilalaman sulating akademiko
Pamantayan sa Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na
Pagganap nakabatay sa pananaliksik

Pinakamahalagang Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng

Kasanayan sa Pagkatuto akademikong sulatin
(MELC)
• Natutukoy ang estilo at teknikal sa pagsulat ng isang
akademikong sulatin
Specific Learning
• Nasusuri ang estilo at teknikal ng isang akademikong
Outcomes
sulatin
• Nakasusulat isang akademikong sulatin
Nilalaman Pagkilala sa Iba’t Ibang Sulatin (Panukalang Proyekto)
Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

3
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

PANIMULA

Aralin 5
Pagsunod sa Estilo at Teknikal na Pangangailangan ng Akademikong Sulatin
(Panukalang Proyekto)

SURIIN

Panuto: Basahin ang halimbawa ng panukalang proyekto sa ibaba. Ilagay ang O sa mga
bilang kung nagpapahayag ng nilalaman ng binasa at N kung hindi.
Pamagat ng Proyekto:
Pinamagatang ‘Talentadong Guro (Mini Concert)’ ang gawaing ito kung saan lalahukan ito
ng mga piling guro sa Lagro High School at ang mga estudyante ang magsisilbing madla.

Proponent:
John Andrei C. Arollado
2200 Admi site Saint Benedict Street Tala Caloocan City
09359631086 Maria Eunice V. Dacumos
B 91 L85 Domingo De Ramos St. Lagro Nov. Q.C.
092122327021

Kategorya ng Proyekto:
Ang gawain ay isang mini concert na pagbibidahan ng mga piling guro ng Lagro High School
kung saan ipapakita ng mga guro ang kanilang mga tinatagong talento.

Petsa:

Gaganapin ang gawain sa Oktubre 5, 2018 bilang pagdiriwang na rin sa araw ng mga guro.

Rasyonal:

Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makapagpahinga at mailabas ang talent
at para na rin magkaroon ng ibang paraan sa pagdiriwang ng Araw ng mg Guro, ang
gawaing ito ay iminumungkahing maimplimenta at mabigyang katuparan. Kinakailangang
gamitin ang stage ng Lagro High School pati na rin ang open grounds para sa mga
manunuod o audience. Kakailanganin din ng mga sound system, lightings at iba’t ibang
instrumento na nais gamitin ng mga guro upang maipakita ang kanilang talento.
Makatutulong ito sa mga gurong makapagpahinga sa akademikong usapin at mag-aliw sa
pagpapakita ng talento at pagnuod sa mga talento ng kapwa guro.
Deskripsyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay maituturing na mini concert ng mga piling
guro ng Lagro High School kung saan sila ay magpapakitang gilas ng kanilang mga talento.
Ito ay gaganapin sa Lagro High School Quadrangle sa Oktubre 5, 2018 araw ng Biyernes
mula 3:00 pm – 8:00 pm. Ang mga estudyante ay aanyayahang bumili ng tiket upang
makadalo sa gawain at magsisilbing madla ng mga guro.

4
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Badyet:

Benepisyong Dulot ng Proyekto:

Unang-unang makikinabang dito ay ang mga guro, bukod sa makapagpapahinga sa gawaing

pampaaralan, mailalabas din nila ang talentong nais ipakita sa madla. Isa rin sa mga
makikinabang sa proyektong ito ay ang mga mag-aaral ng Lagro High School. Itong mini
concert na ito ay magsisilbing pahinga nila mula sa mga aktibidad nila sa paaralan. Ikalawa
ay ang paaralan ng Lagro High School. Dahil ang ito ay concert, magkakaroon ng entrance
fee o bayad sa tickets ang mga nais dumalo na mga estudyante. Ang malilikom na pera ay
gagamiting pondo ng paaralan para sa mga susunod pang mga proyekto.

1. Ang proponent ay ang mga kalahok sa proyekto.

2. Kung walang budget ang proyekto ay possible pa rin itong matuloy.
3. Mahalaga na ang lugar na pagaganapan ay maipaalam sa kinauukulan bago gamitin.
4. Kinakailangan ang mahabang oras at panahon sa pagpaplano ng programa.
5. Ginawa ang concert upang makapagpahinga sa akademikong trabaho ang mga mag-
aaral.
6. Gagamitin ang kikitain sa pagpapagawa ng paaralan.
7. Ang kategorya ng proyekto at kung ano ang gagawing programa.
8. Ang principal ay proponent ng proyekto.
9. Sa labas ng paaralan gagawin ang programa.
10. Nais nitong masoluyunan ang kawalan ng talento ng mga guro.

PAGPAPAUNLAD

SUBUKIN
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat bilang.
1. Isa sa mga batayan sa pagpapanukala ng proyekto ay ang pangangailangang
pangkomunidad.
2. Ito ay panukalang naisagawa na.
3. Ito ay gawaing di basta-basta.
4. Nangangailangan ito nang mabilis na pagkilos at pagpaplano.
5. Hindi na nangangailangan ng ibayong pananaliksik.

Tuklasin
BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO:

1.Panimula- dito inilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin, layunin o motibasyon sa
proyekto.
2. Katawan- dito inilalagay ang mga detalyeng gagawin at ang iminumungkahing badget para
sa mga ito.
3. Kongklusyon- dito inilalahad ang mga benepisyong maaaring maidulot ng proyekto.

5
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

MGA ESPISIPIKONG LAMAN NG ISANG PANUKALANG PROYEKTO:

1.Pamagat - dapat malinaw at maikli

2.Proponent ng Proyekto- tumutukoy sa mga tao o organisasyon na nagpapanukala ng
proyekto.
3.Kategorya ng proyekto- kung ito ba ay isang seminar, palihan, fund raising at iba pa.
4. Petsa- kung kailan ipapadala ang proposal at ang haba ng pagsasagawa ng proyekto

5. Rasyonal- inilalahad dito ang pangangailangan sa pagsasakatuparan ng proyekto at ang

mga kahalagahan nito.
6. Deskripsiyon ng proyekto- inilalahad ang panlahat at tiyak na detalye at kung paano ito
isasakatuparan
7. Badyet - lahat ng inaasahang gagastusin sa proyekto
8. Pakinabang - ano ang maaaring bunga at kung kanino ito magbebenepisyo.

Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka lang sa iyong kliyente at

ang layunin mo ay itanghal ang serbisyo o produkto sa kanya upang tangkilikin.

PAGYAMANIN

Panuto: Tukuyin ang bahagi sa panukalang proyekto ang inilalarawan sa bawat bilang?
1. Humihiling kami ng 40,000 sa pagsasakatuparan ng proyekto.
2. Tatagal ng tatlong araw ang seminar worksyap na ito
3. Konsultasyon ng lahat ng manggagawa kaugnay ng iminumungkahing proyekto
4. Panukala para sa medical mission sa Enrile, Cagayan
5. Hinihiling namin na maipagawa ang aming opisina at mapalakihan ito.

PAGPAPALIHAN

Isagawa

Panuto: Sumulat ng balangkas ng panukalang proyekto upang masolusyunan ang

paglaganap ng Covid 19 sa inyong lugar.

_________________

___________________________________________________________________

6
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Linangin

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang mga nakikita mong problema sa inyong lugar ang kayang solusyunan ng
kabataang tulad mo?
2. May naiisip ka ba kung paano ito masosolusyunan?
3. Paano ka magiging bahagi sa mga proyekto sa inyong pamayanan?

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng maikling bidyo presentasyon ng iyong panukalang proyektong

ginawa.

PAGLALAPAT

ISAISIP
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Ibigay ang iyong ideya ukol dito.
1. Ang panukalang proyekto ay pinaghahandaan at pinaglalaanan nang mahabang panahon.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Mahalaga ang pondo sa pagsasakatuparan ng anumang proyekto.

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

4. Nagsasagawa nito upang magresolba sa isang problema o magsagawa ng proyektong

kapaki pakinabang.
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
TAYAHIN

Pagsasanaya A:
Panuto: Isulat ang tinutukoy sa bawat bilang.
____________ 1. Nilalaman nito ang mga halagang kakailanganin sa pagsasakatuparan ng
gawain.
_____________ 2. Kinalalagyan ng mga taong sangkot sa proyekto.
_____________ 3. Inilalarawan kung paano gagawin ang proyekto.

7
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

_____________ 4. Inilalagay kung anong uri ng programa ang gagawin.

_____________ 5. Inilalagay ang maaaring kahinatnan o kapupuntahan ng programa.
Pagsasanay B:

Panuto: Mula sa balangkas na ginawa mo sa bahaging Isagawa, ilapat ito sa iyong

posisyong papel. Siguraduhing nabigyan ng pansin ang istilo at etikal sa pagbuo nito.

________________
_________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Napakahusay Katamtamang Husay Nangangailangan

pang paghusayin
6 4
2
Orihinalidad Gumamit ng larawan Gumamit ng alinmang Hindi gumamit ng
at ideyang orihinal orihinal sa pagsulat, orihinal na larawan at
maaaring larawan o ideya
ideya
Organisasyon Malinaw ang Hindi masyadong Hindi malinaw ang
pagkakahanay ng malinaw ang organisasyon ng ideya
mga larawan at organisasyon ng mga
kaisipan ideya
Nilalaman Napapanahon at Napapanahon ngunit Hindi napapanahon
interesante ang hindi masyandong ang paksang napili
nilalaman o mensahe interesante
Wastong gamit Mahusay na nagamit May ilang pagkakamali Hindi wasto ang gamit
ng wika ang wika sa gamit ng wika ng wika

PAGNINILAY

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa.

1. Mahalaga ang pagsulat ng panukalang proyekto dahil ____________________________
2. Pinili ko ang panukalang proyektong ito sa paniwala kong _________________________
3. Magagamit ko rin ito sa karerang aking tutunguhin dahil ___________________________
4. Madali lamang ang pagbuo ng isang panukalang proyekto kapag tao ay may___________.
5. Ang mga panukalang proyekto ay maaaring magbigay din ng ______________________,

8
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Susi sa Pagwawasto

Deskripsyon
10. N Pamagat
9. N Pakinabang
8. N Petsa
Badyet
7. O Pagyamanin
6. N Pakinabang 5.
5. N Proyekto
4. O Mali 5. Kategorya ng 4.
Mali 4. Proyekto
3. O
Tama 3. Deskripsiyon ng 3.
2. N Mali 2. Proponent 2.
1. O Tama 1. Badyet 1.
Suriin Subukin Tayahin

Sanggunian

Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro

• Lolita T. Bandril at Voltaire M. Villanueva.Pagsulatsa Filipino sa Piling Laangan (Akademik
at Sining).Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al.Filipinosa Piling LaranganAkademik.
Malabon City. Jimczyville Publications. 2016
•Google
https://www.google.com/search?q=halimbasa+ng+bionote&tbm=isch&ved=2ahUKEwjXhPm
HgsDpAhWVet4KHYBzCB4Q2-
cCegQIABAA&oq=halimbasa+ng+bionote&gs_lcp=CgNpbWcQAzoECAAQQzoCCAA6BggA
EAoQGFCzgw1Y16QNYNanDWgAcAB4AYAB4wWIAbEtkgENMC43LjYuMi4zLjEuMZgBAK
ABAaoBC2d3cy13aXotaW1n&sclient=img&ei=39zDXpeZEpX1-
QaA56HwAQ&bih=616&biw=1173#imgrc=d1vdUPxiZT4yVM

9
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

IKANIM NA LINGGO (Ikaanim na Aralin):

Pamantayang Natitiyak ang nagkop na proseso ng pagsulat ng piling

Pangnilalaman sulating akademiko
Pamantayan sa Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na
Pagganap nakabatay sa pananaliksik

Pinakamahalagang Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng

Kasanayan sa Pagkatuto akademikong sulatin
(MELC)
• Natutukoy ang estilo at teknikal sa pagsulat ng isang
akademikong sulatin
Specific Learning
• Nasusuri ang estilo at teknikal ng isang akademikong
Outcomes
sulatin
• Nakasusulat isang akademikong sulatin
Nilalaman Pagkilala sa Iba’t Ibang Sulatin (Panukalang Proyekto)
Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

PANIMULA

Aralin 6
Pagsunod sa Estilo at Teknikal na Pangangailangan ng Akademikong Sulatin
(Panukalang Proyekto)

SURIIN
Suriin

Panuto: Basahin ang halimbawa ng panukalang proyekto sa ibaba. Ilagay ang O sa mga
bilang na nagpapahayag ng nilalaman ng binasa at N kung hindi.
Pamagat ng Proyekto:
Pinamagatang ‘Talentadong Guro (Mini Concert)’ ang gawaing ito kung saan lalahukan ito
ng mga piling guro sa Lagro High School at ang mga estudyante ang magsisilbing madla.

Proponent:
John Andrei C. Arollado
2200 Admi site Saint Benedict Street Tala Caloocan City
09359631086 Maria Eunice V. Dacumos
B 91 L85 Domingo De Ramos St. Lagro Nov. Q.C.
092122327021

Kategorya ng Proyekto:
Ang gawain ay isang mini concert na pagbibidahan ng mga piling guro ng Lagro High School
kung saan ipapakita ng mga guro ang kanilang mga tinatagong talento.

10
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Petsa:
Gaganapin ang gawain sa Oktubre 5, 2018 bilang pagdiriwang na rin sa araw ng mga guro.

Rasyonal:
Upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na makapagpahinga at mailabas ang talent
at para na rin magkaroon ng ibang paraan sa pagdiriwang ng Araw ng mg Guro, ang gawaing
ito ay iminumungkahing maimplimenta at mabigyang katuparan. Kinakailangang gamitin ang
stage ng Lagro High School pati na rin ang open grounds para sa mga manunuod o audience.
Kakailanganin din ng mga sound system, lightings at iba’t ibang instrumento na nais gamitin
ng mga guro upang maipakita ang kanilang talento. Makatutulong ito sa mga gurong
makapagpahinga sa akademikong usapin at mag-aliw sa pagpapakita ng talento at pagnuod
sa mga talento ng kapwa guro.

Deskripsyon ng Proyekto: Ang proyektong ito ay maituturing na mini concert ng mga piling
guro ng Lagro High School kung saan sila ay magpapakitang gilas ng kanilang mga talento.
Ito ay gaganapin sa Lagro High School Quadrangle sa Oktubre 5, 2018 araw ng Biyernes
mula 3:00 pm – 8:00 pm. Ang mga estudyante ay aanyayahang bumili ng tiket upang
makadalo sa gawain at magsisilbing madla ng mga guro.

Badyet:

Benepisyong Dulot ng Proyekto:

Unang-unang makikinabang dito ay ang mga guro, bukod sa makapagpapahinga sa gawaing

pampaaralan, mailalabas din nila ang talentong nais ipakita sa madla. Isa rin sa mga
makikinabang sa proyektong ito ay ang mga mag-aaral ng Lagro High School. Itong mini
concert na ito ay magsisilbing pahinga nila mula sa mga aktibidad nila sa paaralan. Ikalawa
ay ang paaralan ng Lagro High School. Dahil ang ito ay concert, magkakaroon ng entrance
fee o bayad sa tickets ang mga nais dumalo na mga estudyante. Ang malilikom na pera ay
gagamiting pondo ng paaralan para sa mga susunod pang mga proyekto.

1. Makatutulong ang paghubog sa kasanayan sa pagsolusyon sa mga problema ng

paaralan.
2. Madaling matatapos ang gawain kung pinagtutulung-tulungan.
3. Ang pagpapanukala ay sa iisang tao lamang nakasalalay.
4. Kapag naipanukala ang isang proyekto, ito ay agad na isasakatuparan.
5. Detalyado at masusi ang pagpapanukala ng proyekto.

PAGPAPAUNLAD

SUBUKIN
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat bilang.
1. Masusing sinusuri ni Malou ang mga datos na kanyang ilalagay sa panukala.
2. Ginagawa ang pagpapanukala upang masolusyunan ang nakikitang problema.
3. Kinakailangang angkop ang mga detalye na gagamitin sa pagpapanukala
4. Mahalagang may sapat na plano sa gagawin.
5. Nakasalalay sa husay ng plano at suhestiyon ang panukala

11
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

TUKLASIN

Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka lang sa iyong kliyente

at ang layunin mo ay itanghal ang serbisyo o produkto sa kanya upang tangkilikin.

Tiyakin din ang PAGGAWA NG PLAN OF ACTION

1. Pag-apruba at paglabas ng budget - 7 araw

2. Pagbuo ng mga opisyal at puno ng komite 1 araw
3. Reserbasyon ng pagdarausan 1 araw
4. Pagkontak samga kalahok 7 araw
5. Paggawa ng patalastas 3 araw
6. Pagpapadala ng liham imbitasyon 1 araw
7. Pag-aayos ng venue kalahating araw
8. Programa kalahating araw

Tiyaking lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga planong gagawin upang maipakita sa

mag-aapruba na ito ay organisado at sigurado

Huwag magkakamali sa pagtutuos ng kinakailangang badyet

TIPS SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO

1.Alamin ang mga bagay na makapagkokombinsi sa nilalapitang opisina o ahensiya sapag-

apruba ng panukalang proyekto
2.Bigyang diin ang mga kahalagahan ng panukalang ito.
3.Tiyaking malinaw, makatotohanan at angkop ang badyet na hinihingi
4. Alalahaning nakaaapekto ang paraan ng pagsulat sa pag-apruba ng proyekto.

PAGYAMANIN

Panuto: Magsaliksik ng mga panukalang proyekto na maari mong gamitin. Himayin ang
mga bahagi nito sa ibaba. 10 puntos

PAGPAPALIHAN

ISAGAWA
Panuto: Suriin ang pangunahing suliranin sa inyong barangay. Sumulat ng balangkas ng
panukalang proyekto na tutugon sa pangangailangan ng inyong barangay

12
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

__________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

LINANGIN
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Anong suliranin sa iyong paaralan ang iyong nakikita upang solusyunan ng kabataang
mag-aaral na katulad mo?
2. Anong solusyon ang iyong naiisip na isagawa tungkol dito?
3. Paano ka magiging bahagi sa mga proyekto sa iyong paaralan?

IANGKOP/KARAGDAGANG GAWAIN
Panuto: Sumulat ng isang panukalang proyekto para sa iyong paaralang pinapasukan.
Sundin ang estilo at teknikal na pangangailangan sa pagsulat nito.

PAGLALAPAT

ISAISIP

1. Mahalagang isipin ang magbebenepisyo sa isasagawang proyekto.

2. Tiyakin na ang mga plano ng gawain ay may pagakasunud-sunod at organisado.
3. Ang pagtutuos sa badyet ay kinakailangang makatotohanan.
4. Ang mga bagay na makakahikayat sa nilalapitang mga tanggapan ay dapat na pinag-
aaralan
5. Ang pagpapatibay sa proyekto ay nakasalalay sa paraan ng pagsulat nito.

TAYAHIN

Panuto: Isulat ang T kung wasto at M kung mali ang tinutukoy sa bawat pahayag.
1. Kinakailangang ang badyet sa proyekto ay pinagkasunduan ng lahat.
2. Tiyaking malinaw, makatotohanan, at angkop ang proyekto sa pangangailangan ng
isang lugar.
3. Ang pagpapatibay sa proyekto ay nakabatay sa karisma ng taong nagplano nito.
4. Layunin ng proyekto na makapagbigay serbisyo sa mga taong nangangailangan nito.
5. Ang paggawa ng plano ng gawain ay isang hadlang sa pagsasakatuparan ng
proyekto
6. Ang halagang kakailanganin sa pagsasakatuparan ng gawain ay nakaayon sa kita ng
isang organisasyon.

13
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

7. Ang mga taong sangkot sa proyekto ay ang pangulo at pangalawang pangulo ng

organisasyon.
8. Inilalarawan sa pamamagitan ng pag-uulat kung paano gagawin ang proyekto
9. Tiyak at malinaw kung anong uri ng programa ang gagawin.
10. Inilalahad ang maaaring kahinatnan o kapupuntahan ng programa.

PAGNINILAY

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa.

1. Mahalaga ang pagsulat ng panukalang proyekto dahil ____________________________
2. Magagamit ko rin ito sa karerang aking tutunguhin dahil ___________________________
3. Madali lamang ang pagbuo ng isang panukalang proyekto kapag tao ay may
______________________________________________________________________.

14
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Susi sa Pagwawasto

T
T

M
T

M Tama
T Tama
M Tama
T Tama
T Tama
Tayahin Subukin

Sanggunian:

Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro

• Bandril ,Lolita T. l at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Laangan
(Akademik at Sining). Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al. Filipino sa Piling
LaranganAkademik. Malabon City. Jimczyville Publications. 2016

15
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

IKAPITONG LINGGO (Ikapitong Aralin):

Pamantayang Natitiyak ang nagkop na proseso ng pagsulat ng piling

Pangnilalaman sulating akademiko
Pamantayan sa Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na
Pagganap nakabatay sa pananaliksik

Pinakamahalagang Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang

Kasanayan sa Pagkatuto halimbawa.
(MELC)
• Natutukoy ang mga paraan sa pagsulat ng talumpati
batay sa napakinggan.
Specific Learning • Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggan.
Outcomes
• Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagsulat ng
talumpati batay sa napakinggan.
Nilalaman Pagsulat ng Talumpati Batay sa Napakinggan
Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

Aralin 7
Pagsulat ng Talumpati Batay sa Napakinggan

PANIMULA

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang mag-aaral ng Baitang 11. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang aralin. Ito ay magsisilbing panukat upang malaman ang
antas ng inyong kaalaman tungkol sa pagsulat ng talumpati mula sa napakinggang
halimbawa. Makatutulong din ito upang makita ang husay mo sa pagsulat mula lamang sa
halimbawang napakinggan. Ang sakop ng modyul ay magamit sa anomang kalagayan ng
mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral
na naaayon sa pamantayan nito.
Bilang isang mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng pagkatuto sa iba’t ibang pagsasanay
kung saan ay mahahasa ang iyong kaalaman at magagamit ang iyong mapanuring pag-iisip
tungo sa ikauunlad ng kakayahan sa pagsulat ng talumpati. Inaasahan din na matutulungan
ka ng modyul na ito na makatuklas ng mga bagong kaalaman tungkol sa sarili na magagamit
mo sa pang-araw-araw na buhay.

16
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

SURIIN
Panuto: Humanap ng kasama sa bahay na maaaring magbasa ng talumpati para sa iyo.
Sagutin ang tanong sa ibaba.

TALUMPATI NG PAGKILALA
Akda ni B.S. Atlas
Sa mga tagapakinig, panauhin, guro, magulang at kapwa ko mag-aaral, isang
magandang araw po sa ating lahat!

Sa panahong tayo ay nagpapahinga na sa bahay, nanonood ng paboritong Korea

Novela o ano pa mang programa sa telebisyon, sa mga panahong nakataas pa ang ating
mga paa habang naglalaro ng ML, COC o DOTA, sa mga panahong ang iniintindi lang natin
ay magpaantok sa pagbabasa sa Wattpad. May mga taong mula sa maghapong
pagpapagal ay hindi magkumahog sa paghahanda ng ituturong aralin at gagamitin sa klase
sa susunod na araw. Mga taong kain at ihi lang ang pahinga hanggang sa bahay. Mga
taong pinipiga ang isip at lakas upang makabuo nang makabuluhang kagamitan sa susunod
na araw. Sila ang ating mga guro.

Madalas hindi natin napapansin ang mga sakripisyong ito ng ating mga guro.
Madalas pa nga binabansagan natin sila at minumura nang talikuran. Madalas nagagalit
tayo sa pangungulit nila na tayo ay magpasa, makinig at mag-aral. Marami pa nga
sinasagot-sagot sila nang pabalang.

Hindi ba natin naisip na nagbubuhos sila ng kanilang kaalaman upang tayo lamang
ay matuto? Gumagastos sila mula sa sariling bulsa kapag wala kang pagkain o pamasahe.
Naririyan sila sa tuwing may mga problema ka. Handa ka niyang saluhin at itama sa
madalas mong pagbagsak at pagkakamali. Iniintindi tayo sa kabila nang paulit-ulit kang
nagtatanong sa pahayag na kasasabi niya lamang. Ilan lamang ito sa sanlibong ginagawa
nila para sa ating mga mag-aaral

Sa kabila nito, nagagawan pa natin sila ng pagkakamali. Sa halip na matuwa sa mga

pabor at panahong ibinibigay ay nagagawa pa natin silang saktan at hamakin. Sa halip na
magpasalamat ay galit ang isinusukli. Sa halip na pagmamahal ay pagsasawalang bahala
ang ipinalit.

Sa tuwing darating tayo sa ganitong sitwasyon, balikan natin ang mga sakripisyo at
pagmamahal na ibinibigay natin sa kanila. Alalahanin natin na sa halip na bigyan nila ng
oras ang kanilang pamilya ay madalas itong nauubos pa sa atin. Simpleng “salamat”
lamang at ngiti ay siguradong ikagagaang na ng kanilang pagsasakripisyo. Muli, mga kapwa
ko mag-aaral, biglang parangal natin ang ating mga guro! Ang mga bayani sa likod ng ating
pagtatagumpay!

1. Anong pagpapakahulugan mo tekstong narinig?

2. Ano-anong bahagi ang binubuo nito?

17
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

3. Ilahad ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng talumpati?

4. Anong mga hakbang kaya ang ginawa ng may-akda sa pagbuo nito?

PAGPAPAUNLAD

SUBUKIN

Bago ka tuluyang maglakbay sa ating aralin ay sukatin muna natin ang inyong naaalala
tungkol sa talumpati. Sagutan ang pagsasanay sa abot ng iyong makakaya.

Panuto: Itala sa kahon ang mga nabasa mong mahahalagang datos mula sa talumpati na
narinig sa itaas.

Mahahalagang Datos Mula sa Talumpating Binasa

1.
2.
3.
4.
5.

TUKLASIN

Sa bahaging ito ay dagdagan pa natin ang mga kaalamang taglay mo sa talumpati.

Makatutulong ito upang mabigyang-linaw pa ang mga ideyang malabo pa sa iyong isipan.

Tara! Pag-aralan at unawain natin ang mga kaisipan sa pagsulat ng talumpati.

TANDAAN:

18
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

HAKBANG SA PAGSULAT NG TALUMPATI:

1. Pagpili at paglimita sa paksa- Siguraduhing sa pagpili ng paksa ay mayroon kang

sapat na kaalaman rito, kawili-wili upang pakinggan at limitado lamang ang sakop
nito upang hindi masyadong mahaba ang makonsumong panahon.

2. Pagtiyak sa layunin- Sikaping matiyak kung anong partikular na layunin ang gusto
mong bigyang pansin sa talumpati.

3. Pagsusuri sa tagapakinig-gulang, katayuan, kasarian, at iba pa. Tiyakin na bigyang

konsiderasyon sa pagsulat ang mga ito upang maging akma sa makikinig.

4. Pagsusuri sa okasyon- Mahalagang malaman ang okasyon na ipinagdiriwang sa

pagtatalumpatian upang maiangkop mo ang iyong mga sasabihin.

5. Paglilikom ng materyal- Magsagawa ng pananaliksik, obserbasyon, pagbabasa at

panayam upang makakalap ng mga datos na susuporta sa talumpati. Mahalagang
may bagong kaalaman silang marinig upang pakinggan ka hanggang sa dulo ng
iyong pagsasalita.

6. Paghahanda ng balangkas- Upang magkaroon nang maayos na sistema ang iyong

pagtatalumpati, mahalaga na nakagawa ka ng balangkas dahil nakatutulong ito sa
organisadong daloy ng talumpati.

7. Paghahanda sa talumpati- Ihanda ang isip, siguraduhing batid mo ang iyong mga
sasabihin. Ihanda rin ang pisikal na pangangatawan, magpahinga at matulog upang
magkaroon ng lakas sa pagtatalumpati. Maaari ring magsanay sa pagsasalita.

PAGYAMANIN

Nais ng mga sumusunod na gawain na mapalalim pang lubos ang iyong kaalaman at magamit
ito sa mga susunod pang aktibiti.

Pagsasanay

Panuto: Kung dadagdagan mo ng datos o karanasan ang pinakinggang talumpati, ilahad ang
mga maaari mong isama rito. Maaari ring kapanayamin ang kasama sa bahay upang
makapagdagdag ng kaalaman dito. Sumulat ng maikling katawan ng talumpati.

______________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

19
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

PAGPAPALIHAN

ISAGAWA

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon sa ibaba ang pasok sa mga konseptong ito at
MALI kung hindi.
1. Masusing pinag-iisipan ni Maria ang magiging sentro ng kanyang susulating
talumpati.
2. Kapag may naisip ka nang paksa ay isulat na agad ito.
3. Tinutukoy niya kung ano ang layunin mo sa gagawing talumpati.
4. Sinisiguro niya na naunawaan niya at napili ang mga narinig na magagamit sa
susulatin.
5. Sumulat ng talumpating angkop sa lahat ng okasyon.
6. Inaalam ni Maria kung anong pagdiriwang ang kanyang dadaluhan.
7. Iniisa-isa niya ang mga datos at materyal na gagamitin sa pagsulat.
8. Isinusulat na diretso ang pinal na sulatin na babasahin.
9. Bumubuo ka ng balangakas upang maihanay ang mga ideyang gagamitin.
10. Natutulog ka nang maayos, nag-eensayo sa salamin, sinasanay ang pagbigkas,
ilang araw bago ka magsagawa ng talumpati.

LINANGIN

Tasahin pa natin ang inyong kaalaman upang higit na mapahusay. Ipagpatuloy mo lamang
ang pagsasagot sa mga pagsasanay.

Panuto: Mula sa napakinggang talumpati sa Subukin, tukuyin kung anong elemento o bahagi
ang mga nasa bawat bilang. Gamiting gabay ang mga letra sa bawat bilang.
__ O __ __ __L __ __ Y __ __ 1. Kaya hinahamon ko ang mga kapwa ko magsisipagtapos
ngayong araw na ito. Patunayan natin sa ating mga magulang na di nasayang ang kanilang
pagtitiis at pagbibigay. Patunayan natin sa ating mga guro at administrasyon ng paaralan na
hindi natin binalewala ang pagsusumikap nilang pandayin ang ating pagkatao at kaalaman.
Higit sa lahat patunayan natin sa Diyos na higit kailanman, ngayon tayo higit na manalig at
kumapit sa Kanya.
P __ __ B__ __ __ A __ 2. Mabigat ang pinagdaraanan ng buong mundo sa kasalukuyan pero
natutuwa ako na sa tulong ng makabagong teknolohiya ay maitatawid natin ang ating
pagtatapos sa araw na ito.
__ A __ I __ __ __ D __ __ __ __ 3. Patunayan natin sa ating mga magulang na di nasayang
ang kanilang pagtitiis at pagbibigay.
__ __ T __ W __ __ 4. Marami sa atin ang hindi biro ang pinagdaanan, matapos lamang ang
mataas na antas ng sekondarya. Marami rin ang mga magulang na nagtiis ng maraming
gutom, halos lumuha at magpawis ng dugo, mga guro na halos lumuwa ang lalamunan upang

20
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

tayo lamang ay makatawid sa bahaging ito ng ating buhay. Kaya para sa inyo po ang kauna-
unahang palakpak naming lahat.
Sa sitwasyon na ating kinakaharap ngayon masasabi kong dito masusubok ang mga
natutunan natin sa ating pag-aaral. Kung paano natin mapagtatagumpayan ang sitwasyon sa
kabila ng Covid 19. Kung paano lalabanan ang sikolohikal, pisikal, sosyal at mental na epekto
ng pandemiyang ito. Dito natin mailalapat kung paano natin ilalapat sa ating pamumuhay ang
ating mga natutunan sa Gen. Bio, Gen. Math, Oral Com., DRR, UCSP at mga pananaliksik
na hinulma sa atin ng ating paaralan. Dahil ang tagumpay natin sa kabila ng krisis ay matibay
na resulta ng pagpapagal sa mahabang panahon ng pag-aaral.
P __ __ __ U __ __ H __ __ __ I __ __ __ __5. Sa panahong kinakaharap sa kasalukuyan,
pilitin nating ilapat ang ating mga natutunan upang mapagtagumpayan ang problemang
kinakaharap.

PAGLALAPAT

IANGKOP

Panuto: Makinig sa mga balita at mga pagsasalita ng pangulo. Maaari ring tumingin at
magbasa sa Facebook page ng inyong mga namumuno sa barangay, munisipalidad at
probinsya. Itala ang kasalukuyang kaso o sitwasyon ng Covid 19 sa inyong lugar. Gamitin ito
sa pagsulat ng mapanghikayat na talumpati.

Tandaan: Isaalang-alang sa iyong gagawin ang mga pinag-aralan.

Pamantayan sa Pagmamarka:
Pamantayan Napakahusay Katamtamang Nangangailangan pa
5 Husay ng pagsasanay
3 1
Elemento ng Mahusay na Nakapaglahad ng Hindi naging
talumpati nailahad ang ilang elemento sa maayos ang
wastong elemento isinulat na talumpati pagkakanay ng mga
ng talumpati elemento sa isinulat
na talumpati
Nilalaman Mahusay na Nakapaglahad ng Hindi naging
nakapaglahad ng nilalaman ngunit maayos ang
angkop na nilalaman hindi lahat ay paglalahad ng
sa talumpating angkop ditto nilalaman
isinulat
Wastong gamit ng Mahusay at wasto Nagamit ang wika Hindi naging
wika at gramatika ang pagkakagamit ngunit may ilang maayos ang
ng wika at gramatika pagkakamali sa pagkakagamit ng
gramatika wika at gramatika.
Kahalagahang Naipakita ang Nagpakita ng ilang Walang naipakitang
panlipunan kahalagahang kahalagahang kahalagahang
panlipunan ng panlipunan sa panlipunan sa
talumpating isinulat talumpating isinulat talumpating isinulat.

21
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

ISAISIP

Pagsasanay A:

Panuto: Mula sa mga natutuhan sa napakinggang mga talumpati sa naunang mga bahagi ng
modyul, punan ang graphic organizer ng mga angkop na datos ukol sa mga hakbang sa
pagsulat ng talumpati.

Hakbang
1

Hakbang
2

Hakbang
3

Hakbang
4

Hakbang
5

Hakbang
6

Hakbang
7

Pagsasanay B:

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa.

1. Magagamit ko ang mga elemento ng talumpati sa _____________________________

2. Mahalaga na masunod ang mga hakbang sa pagsulat upang ____________________
3. Nakatutulong ang kaalaman sa paraan ng pagsulat ng talumpati sa _______________

TAYAHIN
Mula sa iba’t ibang pagsasanay na ating isinagawa ay sukatin natin ang iyong mga
natutuhan.

Pagsasanay A:

Panuto: Basahin ang salaysay sa ibaba. Tukuyin mo ang wastong pagkakasunod-sunod

ng mga hakbang na dapat kong isagawa upang matagumpay na makagawa ng talumpati.

Naatasan ako na maging kinatawan ng aming klase para sa gaganaping paligsahan

sa pagtatalumpati. Ano kaya ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang na
dapat kong gawin? Lagyan mo ng bilang 1-7 sa patlang.

22
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

___ Pagtiyak sa layunin

___ Paghahanda ng balangkas

___ Pagsusuri sa okasyon

___ Pagpili at paglimita sa paksa

___ Paghahanda sa talumpati

___ Pagsusuri sa tagapakinig-gulang, katayuan, kasarian, etc

___ Paglilikom ng material

PAGNINILAY

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito.

1. Natutuhan ko sa araling ito _____________________________________________.

2. Gagamitin ko ito sa ___________________________________________________.

3. Magagamit ko rin ito sa karerang aking tutunguhin dahil

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

23
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Susi sa Pagwawasto

Tama

Tama
Mali

5 Tama

3 Tama

7 Pangunahing Ideya Mali

1 Katawan Tama

4 Paninindigan Tama
6 Pambungad Mali

2 Kongklusyon Tama

Tayahin Linangin Isagawa

Sanggunian:

Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro

• Bandril, Lolita T. l at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Laangan
(Akademik at Sining). Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al. Filipino sa Piling
LaranganAkademik. Malabon City. Jimczyville Publications. 2016

24
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

IKAWALONG LINGGO (Ikawalong Aralin):

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng

Pamantayang
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t
Pangnilalaman
ibang larangan
Pamantayan sa Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
Pagganap ibang anyo ng sulatin

Pinakamahalagang Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang

Kasanayan sa Pagkatuto halimbawa.
(MELC)
• Natutukoy ang mga paraan sa pagsulat ng
talumpati batay sa napakinggan.
Specific Learning • Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggan.
Outcomes • Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagsulat ng
talumpati batay sa napakinggan.

Nilalaman Pagsulat ng Talumpati batay sa Napakinggan

Learner’s Materials
Pages
Textbook Pages
Learning Resources N/A

PANIMULA

Aralin 8
Pagsulat ng Talumpati

Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang mga
paraan ng pagsulat ng talumpati batay sa napakinggan. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa
paksa ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyo bilang mag-aaral ng Baitang 12. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang aralin. Ito ay magsisilbing panukat upang malaman ang
antas ng inyong kaalaman tungkol sa pagsulat ng tamumpati mula sa napakinggang
halimbawa. Makatutulong din ito upang makita ang husay mo sa pagsulat mula lamang sa
halimbawang napakinggan. Ang sakop ng modyul ay magamit sa anomang kalagayan ng
mag-aaral. Ang mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral
na naaayon sa pamantayan nito.
Bilang isang mag-aaral ay inaasahang magkakaroon ng pagkatuto sa iba’t ibang
pagsasanay kung saan ay mahahasa ang iyong kaalaman at magagamit ang iyong
mapanuring pag-iisip tungo sa ikauunlad ng kakayahan sa pagsulat ng talumpati. Inaasahan
din na matutulungan ka ng modyul na ito na makatuklas ng mga bagong kaalaman tungkol sa
sarili na magagamit mo sa pang-araw-araw na buhay.

25
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

SURIIN
Panuto: Basahin ang talumpati. Pagnilayan at sagutin ang mga tanong na kasunod nito.

PAGTATAPOS SA KABILA NG PANDEMIYA

TALUMPATI NG PAGTATAPOS
Akda ni B.S. Atlas
Sa ating panauhing pandangal, punong guro, mga ulong guro, mga guro, magulang,
panauhin at kapwa ko mag-aaral, isang mapagpalang araw po sa kabila ng pandemiyang
ating pinagdadaanan.

Mabigat ang pinagdaraanan ng buong mundo sa kasalukuyan subalit natutuwa ako na

sa tulong ng makabagong teknolohiya ay maitatawid natin ang ating pagtatapos sa araw na
ito.
Matagal tayong nagsumikap, nagpagal, at nag-antay sa araw na ito at kahanga-
hangang pinatunayan nating hindi tayo mahahadlangan ng pandemiyang ito. Upang
namnamin ang bunga ng ating pagtatanim.

Marami sa atin ang hindi biro ang pinagdaanan, matapos lamang ang mataas na
antas ng sekondarya. Marami rin ang mga magulang na nagtiis ng maraming gutom, halos
lumuha at magpawis ng dugo, mga guro na halos lumuwa ang lalamunan upang tayo lamang
ay makatawid sa bahaging ito ng ating buhay. Kaya para sa inyo po ang kauna-unahang
palakpak naming lahat.

Sa sitwasyon na ating kinakaharap ngayon masasabi kong dito masusubok ang mga
natutunan natin sa ating pag-aaral. Kung paano natin mapagtatagumpayan ang sitwasyon sa
kabila ng Covid 19. Kung paano lalabanan ang sikolohikal, pisikal, sosyal at mental na epekto
ng pandemiyang ito. Dito natin mailalapat kung paano natin ilalapat sa ating pamumuhay ang
ating mga natutunan sa Gen. Bio, Gen. Math, Oral Com., DRR, UCSP at mga pananaliksik na
hinulma sa atin ng ating paaralan. Dahil ang tagumpay natin sa kabila ng krisis ay matibay na
resulta ng pagpapagal sa mahabang panahon ng pag-aaral.

Kaya hinahamon ko ang mga kapwa ko magsisipagtapos ngayong araw na ito.

Patunayan natin sa ating mga magulang na di nasayang ang kanilang pagtitiis at pagbibigay.
Patunayan natin sa ating mga guro at administrasyon ng paaralan na hindi natin binalewala
ang pagsusumikap nilang pandayin ang ating pagkatao at kaalaman. Higit sa lahat patunayan
natin sa Diyos na higit kailanman, ngayon tayo higit na manalig at kumapit sa Kanya. Muli,
magandang araw ng pagatatapos sa lahat!

Sagutin ang mga katanungan:

1. Anong paksa ng talumpating napakinggan?

2. Anong mga kaalaman ang nakuha mo mula rito?
3. Anong paraan ang ginamit sa pagpapahayag?
4. Paano mo mailalapat ang iyong karanasan sa pagsulat ng talumpati?
5. Anong simbolo ang maaari mong iugnay sa napakinggan?

26
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

PAGPAPAUNLAD

SUBUKIN

Pagsasanay A:

Panuto: Balikan ang binasang talumpati sa bahaging Suriin. Itala sa kahon ang mga nabasa
mong mahahalagang datos mula sa talumpati sa itaas.

Mahahalagang Datos Mula sa Talumpating Binasa

1.
2.
3.
4.
5.

Pagsasanay B:
Panuto: Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga larawan sa talumpating binasa sa pamamagitan
ng pagpapaliwanag sa ibaba ng mga ito.

____________________________ _____________________________

________________________ ____________________________

27
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

_____________________________

TUKLASIN
Sa bahaging ito ay dagdagan pa natin ang mga kaalamang taglay mo sa talumpati. Nawa ay
makatulong ito upang mabigyang-linaw pa ang mga ideyang malabo pa sa iyong isipan.

Tara! Pag-aralan at unawain natin ang mga kaisipan sa pagsulat ng talumpati.

.
TANDAAN:

28
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

PAG-ARALAN NATIN ITO:

• Batay sa napakinggan mong talumpati sa naunang bahagi, ano-anong mga hakbang

kaya ang isinagawa ng may-akda sa pagsulat nito?
• Nasunod kaya niya ang wastong hakbang at bahagi sa pagsulat nito?
• Naiparating kaya nang malinaw ng mananalumpati ang mensahe at layunin nais
niyang iparating sa mga tagapakinig?
• Gumamit ba siya ng tayutay sa talumpati? Ipaliwanag.
• Nasunod ba ang wastong pormat sa talumpating kanyang ginawa?
• Malinaw mo bang nakita ang bawat elementong dapat taglayin sa napakinggang
talumpati?

Laging tandaan na: Mahalagang masunod ang tamang hakbang sa pagsulat. Upang
makabuo nang maayos na talumpati ay kinakailangang taglay nito ang mga elemento at
pormat. Matagumpay ang talumpati kung may natutunan o naitimong ideya ang mga
tagapakinig at nakamit ang kanyang dahilan sa Gawain

PAGYAMANIN
Upang mapagyaman pa ang kaalamang taglay mo na, ay ipagpatuloy mo pa ang
pagsasagawa sa mga pagsasanay sa ibaba.
Pagsasanay A:
Panuto: Mula sa binasang talumpati sa Suriin, ipaliwanag kung paano isinulat ang bawat
bahagi sa ibaba. Kung mahirapan kang tukuyin ang sagot sa bawat bahagi ay muli mong
balikan ang bahaging Tuklasin.

29
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Pagsasanay B:

Panuto: Iugnay ang narinig na talumpati sa poster na nasa ibaba. Ilahad ito sa pamamagitan
ng pagsulat ng maikling talumpati tungkol dito. Kung hindi ka pa sigurado sa iyong isusulat ay
maaari kang manood sa telebisyon o internet ng mga talumpati.

PAGPAPALIHAN

ISAGAWA
Pagsasanay A:

Panuto: Mula sa napakinggang talumpati sa naunang bahagi, bilugan sa loob ng kahon ang
mga dapat mong isaalang - alang kapag gumagawa ka ng talumpati. Isangguni rin ito sa iyong
kasama sa bahay at makipagpalitan ng paliwanag.

Haba ng talumpati uri ng wikang gagamitin

Mabisang pagpapakahulugan paggamit ng balbal na salita
Paggamit ng tayutay kaugalian at paniniwala

Pagsasanay B:
Panuto: Suriin ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng bilang 1-7 ang bawat larawan ayon sa
dapat na pagkakasunod-sunod ng hakbang sa pagsulat ng talumpati na ginawa ng may akda
sa binasang talumpati sa Subukin. Maglahad ng payak na paliwanag para rito.

30
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

__ __

__ __

____ __

LINANGIN
Pagsasanay A.
Panuto: Humingi ng tulong sa kasama sa bahay at ipaliwanag mo sa kanya ang pormat na
ginamit sa binasang talumpati sa Suriin. Talakayin ito sa pamamagitan ng paghimay sa mga
datos at ilapat ayon sa pormat na hinihingi sa ibaba.
I. Panimula.

A. Isyu

B. Suliranin

II. Katawan-

A. Mungkahing solusyon

31
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

B. Mga resulta/ epekto

III. Kongklusyon
Pamantayan sa pagmamarka:

Pamantayan Mahusay Katamtamang Nangangailangan pa

3 Husay ng pagsasanay
2 1
Panimula Nailahad ng mag- Nailahad ang Hindi matukoy ang
Isyu at suliranin aaral ang mga isyu alinamn sa isyu o isyu at suliranin sa
at suliranin sa suliranin ngunit binasang talumpati
binasang talumpati kulang ng paliwanag
Katawan Malinaw na Nailahad ang Hindi naipahayag
Mungkahing naipahayag ang alinman sa ang solusyon,
solusyon, resulta at mga solusyon, solusyon, resulta o resulta at epekto sa
epekto resulta at epektong epekto ngunit kulang binasang talumpati
binanggit sa ang pagpapaliwanag
binasang talumpati
Kongklusyon Malinaw na natukoy Nailahad ang Hindi matukoy ang
at naipaliwanag ang kongklusyon ngunit kongklusyon sa
kongklusyon sa kulang sa paliwanag binasang talumpati
binasa

Pagsasanay B:
Naranasan mo na ba ang nasa larawan?
Panuto: Sumulat ka ng maikling talumpati upang makaiwas sa pagkakasakit, lalo na ngayong
laganap ang Covid 19. Maaari kang magsaliksik sa mga patalastas sa telebisyon, poster,
brochure na ipinamimigay ng health center o nababasa at naririnig na balita.

Mula sa mga pagsasanay, nakita natin na kaya mo nang makalikha ng talumpati mula sa
iyong napakinggan.

32
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

IANGKOP
Panuto: Makinig sa mga balita at mga pagsasalita ng pangulo at kalihim ng Kagawaran ng
Edukasyon. Maaari ring tumingin at magbasa sa Facebook page ng inyong mga namumuno
sa barangay, munisipalidad at probinsya. Itala ang kasalukuyang datos ng bilang ng mga
kabataang nag-aaral sa inyong lugar o tala mula sa iyong paaralan. Gamitin ito sa pagsulat
ng mapanghikayat na talumpati.

Tandaan: Isaalang-alang sa iyong gagawin ang mga pinag-aralan

__________________
Pamagat

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Napakahusay Katamtamang Nangangailangan pa

5 Husay ng pagsasanay
3 1
Elemento ng Mahusay na Nakapaglahad ng Hindi naging
talumpati nailahad ang ilang elemento sa maayos ang
wastong elemento isinulat na talumpati pagkakanay ng mga
ng talumpati elemento sa isinulat
na talumpati
Nilalaman Mahusay na Nakapaglahad ng Hindi naging
nakapaglahad ng nilalaman ngunit maayos ang
angkop na nilalaman hindi lahat ay paglalahad ng
sa talumpating angkop ditto nilalaman
isinulat
Wastong gamit ng Mahusay at wasto Nagamit ang wika Hindi naging
wika at gramatika ang pagkakagamit ngunit may ilang maayos ang
ng wika at gramatika pagkakamali sa pagkakagamit ng
gramatika wika at gramatika.
Kahalagahang Naipakita ang Nagpakita ng ilang Walang naipakitang
panlipunan kahalagahang kahalagahang kahalagahang
panlipunan ng panlipunan sa panlipunan sa
talumpating isinulat talumpating isinulat talumpating isinulat.

33
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

PAGLALAPAT

ISAISIP

Pagsasanay A:

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang mabuo ang diwa.

1. Magagamit ko ang mga elemento ng talumpati sa _____________________

2. Mahalaga na masunod ang mga hakbang sa pagsulat upang _____________
3. Nakatutulong ang kaalaman sa paraan ng pagsulat ng talumpati sa ________

Pagsasanay B:

Panuto: Anong mga imahe ang naiisip mo kung sakaling magamit mo ang iyong mga
natutunan sa araling ito? Iguhit ito.

Batay sa mga pagsasanay at pagtalakay na ginawa,

paano ka susulat ng isang talumpati?

Saang mga pagkakataon natin maaaring magamit ang

kaalaman sa pagsulat nito? Paano?

Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa

pagsulat ng talumpati sapagkat magagamit mo ito sa
pagpapakilala ng tao sa programa, pagpapahayag ng
iyong kaalaman ukol sa isang paksa sa ibang tao at sa
marami pang pagkakataon na maatasan kang magsalita
sa harap ng mga tao. May pagkakataon din na mapili kang
kumamdidato sa samahan ng mga mag-aaral o sa politiko
sa hinaharap. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman
dito ay magagamit mong lubusan.

TAYAHIN

Pagsasanay A:

Panuto: Makinig ng balita o mga dokumentasyon tungkol sa New Normal setting. Kung ikaw
ay pasusulatin ng talumpati tungkol dito, bumuo ka nga ng balangkas na maaari mong maging
batayan sa gagawin pagsulat sa temang napakinggan.

34
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

____________________

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay B:

Panuto: Mula sa mga larawan, anong mga larawan o konsepto ang maaari mong gamitin sa
pagsulat sa isyu ng new normal. Ilapat sa talumpati ang balangkas na ginawa sa Pagsasanay
A at idagdag ang mga kaalaman na nakuha mula sa mga larawan.

____________________
Pamagat
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

35
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan Napakahusay Katamtamang Nangangailangan pa ng

5 Husay pagsasanay
3 1
Elemento ng Mahusay na Nakapaglahad ng Hindi naging maayos
talumpati nailahad ang ilang elemento sa ang pagkakanay ng mga
wastong elemento isinulat na talumpati elemento sa isinulat na
ng talumpati talumpati
Nilalaman Mahusay na Nakapaglahad ng Hindi naging maayos
nakapaglahad ng nilalaman ngunit ang paglalahad ng
angkop na nilalaman hindi lahat ay nilalaman
sa talumpating angkop dito
isinulat
Wastong gamit Mahusay at wasto Nagamit ang wika Hindi naging maayos
ng wika at ang pagkakagamit ngunit may ilang ang pagkakagamit ng
gramatika ng wika at gramatika pagkakamali sa wika at gramatika.
gramatika
Kahalagahang Naipakita ang Nagpakita ng ilang Walang naipakitang
panlipunan kahalagahang kahalagahang kahalagahang
panlipunan ng panlipunan sa panlipunan sa
talumpating isinulat talumpating isinulat talumpating isinulat.

PAGNINILAY

Panuto: Kumpletuhin ang mga pahayag upang mabuo ang diwa nito.

1. Natutuhan ko sa araling ito _____________________________________________.

2. Gagamitin ko ito sa ___________________________________________________.

3. Magagamit ko rin ito sa karerang aking tutunguhin dahil

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

36
Learner’s Packet Filipino sa Piling Larang Grade 11-12 Second Semester 1st Quarter.

Susi sa Pagwawasto

Kaugalian at paniniwala
Uri ng wikang ginamit

Paggamit ng Tayutay
Pagpapakahulugan
Mabisang
Haba ng Talumpati

Isagawa

Sanggunian

Filipino sa Piling LarangAkademik- Patnubay ng Guro

• Bandril, Lolita T. l at Villanueva Voltaire M. Pagsulat sa Filipino sa Piling Laangan
(Akademik at Sining). Quezon City, Phillippines.Vibal Group, Inc.2016.
• Ariola, Ma. Elizabeth M, Galeon, Kristine Joy S., et.al. Filipino sa Piling LaranganAkademik.
Malabon City. Jimczyville Publications. 2016

37

You might also like