You are on page 1of 2

GRAMATIKA

TANDAAN MO
Ang mga Cohesive device ay maraming gamit tulad ng pagpapaliwanag sa pagbibigay-
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan.
Iba pang gamit ng cohesive device ay pagpapahayag ng pandaragdag na madalas Makita
sa unahan ng pangungusap bagama’t makikita rin sa gitna ng pangungusap bilang pang-ugnay sa
dalawang sugnay. Halimbawa: ganoon din, gayundin, at/at saka, bilang karagdagan, dagdag pa
rito/riyan/ roon.
May pagdaragdag din sa tulong ng at/at saka, hindi lamang…pati na.
Pagpapahayag ng kabawasan sa kabuuan tulad ng maliban sa, sa mga, kay, kina, bukod
sa, sa mga, kay, kina.
Pagpapahayag ng dahilan na resulta ng isang pangyayari o kaganapan tulad ng kaya/ kaya
naman, dahil/ dahil sa, sa mga, kay/ kina, pagkat/ sapagkat, dahil ditto, bunga nito.
Pagpapahayag ng kondisyon na bunga ng kinalabasan tulad ng sana, kung, kapag, sa
sandaling, basta’t.
Pagpapahayag ng taliwasan/ salungatan/ contrast tulad ng pero, ngunit, sa halip, kahit
(na).
Pagpapahayag ng d- pagsang-ayon, pag-sang-ayon at di-ganap nap ag-sang-ayon tulad ng
kung gayon, kung ganoon, dahil ditto, samakatuwid, kung kaya.
Pagpapahayag ng pananaw/ punto-de- bista tulad ng mula sa paningin ng, ng mga,
alinsunod sa, ayon sa, para kay, sa paningin nina, batay sa.
Pagpapahayag ng probabilidad, kakayahan, o paninindigan tula ng maaari, puwede,
possible, marahil, siguro, sigurado, tiyak, Malaki ang posibilidad.
Pagpapahayag ng pagbabago ng paksa o tagpuan tulad ng gayunman, ganoon pa man,
gayunpaman, sa kabilang dako, sa isang banda, samantala.
Pagpapahayag ng pagbibigay-linaw sa isang ideya, pagbubuod at paglalahat tulad ng, sa
madaling salita, sabi, bilang paglilinaw, kung gayon, samakatuwid, kaya, bilang pagwawakas,
bilang kongklusyon.
Pagpapahayag ng halimbawa tulad ng bilang halimbawa, ilan sa mga halimbawa.
Pagpapahayag ng patunay tulad ng bilang pagpapatunay, patunay nito.
Pagpapahayag ng kabaligtaran at taliwasan tylad ng kataliwas nito, rito, riyan, taliwas sa
ulat, paniniwala, bagkus.
Pagpapahayag ng pag-uugnayan ng mga pangungusap o talata tulad ng kaugnay nito,
riyan.
Pagpapahayag ng sabay na kalagayan o pangyayari tulad ng kasabay nito, niyan,
kaalinsabay nito/ niyan.
Pagpapahayag ng pagsusunuran ng kalagayan o pangyayari tulad ng kasunod nito/ niyan.

MGA POKUS NA TANONG (Sagutan sa kwaderno)


1. Paano gagamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at pagbibigay-
halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan?
2. Bakit mahalagang gamitin ang mga cohesive device sa pagpapaliwanag at
pagbibigay- halimbawa sa mga gamit ng wika sa lipunan?

ILAHAD MO (Sagutan sa kwaderno)


Basahin ang sumusunod na pangungusap. Salungguhitan ang mga cohesive device.
1. Hindi lamang ang direktor ang dumating, pati na ang producer ng pelikula.
2. Maliban sa pagbibigay ng alokasyon ng pamahalaan sa industriya ng pelikulang
Pilipino, magkakaroon ng Foundation para sa mga anak ng taga- industriya sakaling
wala na silang trabaho.
3. Binigyan ng Kalayaan ang MTRCB sa pagsusuri ng mga pelikula, bunga nito nagging
mingat ang mga producer.
4. Mabilis na umuunlad ang industriya ng pelikula, ngunit nang magkaroon ng iba’t
ibang eskandalo sadali itong lumamig.
5. Malaki ang paniniwala ng mamamayan sa husay ng pagkakalikha ng mga pelikulang
Pilipino dahil ditto, pinaghuhusay ng mga artista ang pagganap nila.

SURIIN MO (Gawin sa kwaderno)


1. Ilang ideya maroon ang bawat pangungusap na may cohesive device?
2. Surriin ang gamit ng bawat cohesive device sa mga naibigay na pangungusap (Ilahad
Mo). Tukuyin ang gamit ng mga ito, nagpapaliwanag ba,nangangatwiran,
nagsasalaysay o naglalarawan.

GAWIN MO
Gamitin sa sariling pangungusap ang bawat cohesive device. Sa pagsulat ng
pangungusap, isaalang- alang ang mga halimbawang sitwasyonna gamit ang wika sa
lipunan bilang paksang pagbabatayan ng magiging ideya ng pangungusap. (Gawin sa
kwaderno)
1. Marahil
2. Samantala
3. At saka
4. Bilang karagdagan
5. Hindi lamang
6. Bukod sa
7. Dahil sa
8. Kapag
9. Dahil dito
10. Para sa

You might also like