You are on page 1of 1

Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Polangui ay isa sa mga papaunlad na lugar sa Albay na kung saan pagdating sa mga pasilisad ay hindi
ito mapagiiwanan. Ang bayang ito ay maunlad sa aspetong pang imprastraktura lalong lalo na sa usaping
pang-industriya.

Ngunit sa kabila ng pagyabong ng pamayanan nalilimitahan naman nito ang kakayahan ng mga may
kapansanan na kung saan hindi ito nabibigyang pansin at madalas ay nababalewala ang kanilang
kakayahan at talento ng nakararami.

Dahil dito nangangailangan ang mga may kapansanan sa bayan ng Polangui ng atensyon at pasilidad
para sa pagpapaunlad ng kanilang talento at kasanayan sa mga gawain. Higit sa lahat mabigyan ng sapat
na kaalaman o edukasyon, kailangang maisagawa agad ang proyekto para sa mabilis na kasanayan.

Layunin

Makagawa ng isang aktibidad kagaya ng workshop na kung saan matutulingan nito ang mga may
kapansanan na mas malinang ang mga talento sa larangan ng pagkanta, pagsayaw, pagsulat, pagpinta at
iba pa.

Plano ng Dapat Gawin

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badget.


2.
3.
4.
5.

Badget

1. Halaga ng gagamiting materyales katulad ng lapis, papel, acrylic paint, paintbrush at iba pang
kakailanganing kagamitan batay sa kung anong talento mayroon ang estudyante.
2. Gagastusin para sa sahod ng magtuturo.
3. Lokasyon ng gaganaping workshop
4. Pagkain

Benipisyo

Ang pagkakaroon ng workshop para sa mga may kapansanan ay hindi lamang naglalayong magbigay
kaalaman at maglinang ng kakayahan kundi madiskubre ang tinatagong talento. Sa pamamagitan nito
nabibigyan sila ng tyansang maibahagi sa iba ang kanilang talento na maaring magbigay oportunidad
upang makilala at mabigyan pansin ng nakararami.

Bukod rito, di na sila makararanas ng pangungutya o pang-aapi dahil sa

You might also like