You are on page 1of 4

Ikalimang Pangkat – Talumpati

Talumpati - Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o


opinion ng isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa
at nagtatatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.
Layunin ng Talumpati
1. Magbigay ng kaalaman o impormasyon
2. Tumugon
3. Humihikayat
4. Mangatwiran
5. Maglahad ng isang paniniwala

Mga Sangkap ng Talumpati


1. Kaalaman
2. Kahandaan
3. Kasanayan

Mga Uri ng Talumpati


1. Talumpating Pampalinang
Ang mananalumpati ay nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o
maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas pagkatapos ng isang salo-salo.
2. Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang maikli
lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong
ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa husay ng
kanilang tagapagsalita.
3. Talumpating Pangkabatiran
Ito anag gamit sa mga panayam kumbensyon at mga pagtitipong pang
siyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t
ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang makatutulong para
lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.

4. Talumpating Nagbibigay Galang


Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa panauhin, pagtanggap
sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay o aalis.
5. Talumpating Nagpapangaral
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa
mga kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod na
ginagamit ang gantong uri ng talumpati
a. Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak.
b. Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi.
c. Pamamaalam sa isang yumao.
d. Parangal sa natatanging ambag ng kasapi.
6. Talumpating Pampasigla
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan
kalimiting binibigkas ito ng:
a. Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro
b. Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa
c. Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani

Uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan


1. Dagli
2. Maluwag
3. Pinaghandaan
Bahagi ng Talumpati
1. Simula
2. Katawan o Gitna.
3. Katapusan o Wakas

Mga Dapat Isaalang- alang sa Pagtatalumpati


1 Ang Mananalumpati
2 Ang Talumpati
3 Ang Tagapanood/ Tagapakinig
Paraan ng pagsulat ng Talumpati
1. Paghahanda
2. Pananaliksik
3. Pagsulat
Paraan upang maging maganda ang Talumpati
1. Pumili ng magandang paksa
2. Tipunin ang impormasyon
3. Magbalangkas ng mga ideyang na tipon
4. Hatiin sa tatlong bahagi
5. Maging sensitibo
6. Iwasang maging boring ang gagawing talumpati

You might also like