You are on page 1of 25

PAGBASA AT PAGSUSURI

NG IBA’T-IBANG TEKSTO
TUNGO SA PANANALIKSIK
TEKSTONG IMPORMATIBO
LAYUNIN
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:
- nakikilala mo ang mga tekstong nasa uring impormatibo;
- nabubuo mo ang halimbawang pangungusap na nagtataglay
ng katangian ng tekstong impormatibo; at
- nasusuri mo ang mga pahayag sa bawat tekstong
impormatibo.
Tekstong Impormatibo

Nagbibigay at nagtataglay ang ganitong uri ng


teksto ng tiyak na impormasyon patungkol sa bagay,
tao, lugar, o pangyayari. Ito rin ay kadalasang
sumasagot sa mga tanong na ano, sino,
at paano tungkol sa isang paksa. Masasabi ring ang
tekstong impormatibo ay hindi nagbibigay ng
opinyong pabor o sumasalungat sa posisyon o
paksang pinag-uusapan. Samakatuwid, ang
kadalasang tono ng tekstong impormatibo ay
obhetibo (objective).
BASKETBOL
Inimbento ni Dr. James Naismith ang larong Basketol noong 1891. Physical
Education teacher si Naismith sa YMCA International Training School na ngayon ay
kilala na bilang Springfield College sa Estados Unidos. Dahil nais nitong gumawa ng
indoor game o larong maaaring gawin sa loob ng building gamit ang bola ng soccer
at dalawang peach basket ay sinimulan nito ang unang basketball game sa
larangan ng sports. May labing tatlong rules at hindi pa noon nauuso ang pag
dribble sa bola.
Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan
na may limang manlalaro bawat isa. Layunin ng laro na maihulog ang bola sa net na
nakasabit sa backboard sa bawat dulo.
Ang isang koponan ay makakapuntos ng isang field goal sa paghulog ng bola sa
basket habang naglalaro. Ang field goal ay may dalawang puntos para sa koponang
nakahulog ng bola kung ang manlalaro ay nasa o malapit sa basket kaysa sa linya
ng tatlong puntos, at ang tatlong puntos (higit na kilala bilang 3 pointer) kung ang
manlalaro ay makapuntos sa labas ng linyang ito. Ang koponang may
pinakamaraming puntos sa pagtatapos ng laro ay mananalo, subalit maaaring
magdagdag ng oras (overtime) kung naging tabla ang puntos. Maaaring isulong ang
bola sa loob ng kort sa pamamagitan ng pagtalbog nito habang naglalakad,
tumatakbo o sa pagpasa sa kakoponan.
Noong 1936 nasilayan ang basketball sa Olympic Games at ngayon ay hindi na
maipagkakaila ang laki ng impluwensya ng basketball sa mga sports fanatic. Isa
ang basketbol sa pinakatanyag at pinapanood na laro sa daigdig.
Para sa katanungang Ano:
Katanungan: Ano ang basketbol?
Sagot: Ang basketbol ay isang larong pampalakasan na binubuo ng dalawang koponan na may limang
manlalaro bawat isa.

Para sa katanungang Sino:


Katanungan: Sino ang nakaimbento sa larong basketbol?

Sagot: Ang nakaimbento ng larong basketbol ay si Dr. James Naismith.

Para sa katanungang Paano:


Katanungan: Paano nilalaro ang basketbol?

Sagot: Ang bawat manlalaro ay kailangang maipasok ang bola sa net na nakasabit sa backboard sa bawat
dulo. Ang isang koponan ay makakapuntos ng isang field goal sa paghulog ng bola sa basket habang
naglalaro.
Sumulat ng sariling halimbawa ng tekstong
impormatibo. Dahil katotohanan at hindi sariling
opinyon ang pagbabatayan sa tekstong isusulat,
mangangailangan ito ng pagkuha at pangangalap
ng datos at o impormasyon upang mapaunlad
ang tekstong isusulat. Maaaring mag-isip ng
sariling paksa o pumili ng alinman sa mga
sumusunod na paksa.

You might also like