You are on page 1of 4

TALUMPATI

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan
ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na mga tao. Layunin nitong humikayat,
tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap
ng tagapakinig. Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang pagsagot
sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng sariling pananaw.
Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati. Tinatawag na impromptu sa
wikang Ingles ang talumpating walang paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng
pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang talumpati, inihanda
at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin nang malakas sa harap ng mga
tagapakinig. Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng
mga tagapakinig. Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na
talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
Paghahanda sa talumpati
Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung saklaw ng paksang napili ang kaalaman, karanasan at
interes at mapukaw sa sarili o sa makikinig ng talumpati. Kapag nakapili na ng paksa, maaaring
magtitipon ng mga materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na siya namang
gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating
kaalaman at mga karanasan na may kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng paksa, mga
awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos makatipon ng mga materyales na gagamitin sa
talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga ideya at hatiin sa tatlong bahagi: panimula,
katawan at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang talumpati sa paglinang ng kaisipan na kung
saan nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga pangunahing kaisipan na
inilahad sa balangkas.
Para maging epektibo ang talumpati, pinapayuhan ang mananalumpati na magkaroon ng
magandang personalidad, maging malinaw ang pananalita, may malawak na kaalaman sa
paksang tinatalakay, may mahusay na paggamit ng kumpas, at may kasanayan sa pagtatalumpati.
Dapat din tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw, pagbigkas, pagbibigay din at kaugnayan
(rapport) sa madla.
Layunin at bahagi
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o impormasyon,
magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa isang kilusan o

paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring pagpasyahan
ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksyon ng pagdiriwang o
okasyon.
Nahahati sa tatlong bahagi ang talumpati:
1. Pambungad - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang
kunin ang atensyon ng madla.
2. Katawan - kakasaad dito ang paksang tatalakayin ng mananalumpati.
3. Katapusan - ang pagwawakas ang pinakasukdol ng buod ng isang talumpati. Dito
nakalahad ang pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran upang makahikayat
ng pagkilos sa mga tao ayon sa layunin ng talumpati.
Uri ng Talumpati
Talumpati ng Pagtatanggap (Acceptance Speech)
Talumpating Panghikayat (Persuasive Speech)
Talumpating Pangkaarawan (Birthday Speech)
Talumpating Pangkaalaman (Informative Speech)
Talumpating Pagkasal (Wedding Speech)
Talumpating Pagtatapos (Graduation Speech)
Talumpating Pamasko (Christmas Speech)
Talumpating Pam Bagong Taon (New Year's Speech) ---Mga Uri ng Talumpati
1. Nagbibigay aliw
2. Nagdaragdag kaalaman
3. Nagbibigay sigla
4. Nanghihikayat
5. Nagbibigay galang
6. Nagbibigay Puri ---- == ==
Mga Uri ng Talumpati:
1.) Talumpating Pampalibang - ang ganitong uri ng talumpati a mga salosalo, mga pagtitipong sosyal.
2.) Talumpating Pampasigla - sa aniersaryo ng mga bantayig na pag-alala
sa pagtatanaga ng mga guasli,pagtatapos sa mga paaralan at sa iba pang
pagkakataong katulad ngmga ito.

3.) Talumpating Panghihikayat- talumpating nagmamatid angkop ito sa


sermon sa simbahan sa pagkampanya sa panahon nh halalan sa
pakikipagtalo,abogado o kongresso
. 4.) Talumpating Nagbibigay Galang- kaanib ang mga kapisaran, mga
bagong dating na dalaw pagsalubong pagtanggap ng tungkulin, alalang handog.
5.) Talumpating Papuri- uri ng Parangal, pagpatalaga pamamaalampaghahandogat pagmumungkahi.
6.) Talumpating Kabatiran- Nakikinig ng isang bagay ginagamit
nagbibigay ulat,nakikinig ng isang bagay panuto panayam
Ibat-ibang Kumpas ng Kamay sa Pagtatalumpati

1.Palad na itinataas habang nkalahad - nagpapahiwatig ito ng dakilang damdamin


2. nakataob na palad at biglang ibababa - nagpapahiwatig ito ng marahas na damdamin.
3. Palad na bukas at marahang ibababa - nagpapahiwatig ito ng mababang uri ng kaisipan o
damdamin.
4. Kumpas na pasuntok - nagpapahayag ng pagkapoot o galit o pakikilaban.
5. Paturong Kumpas - nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghahamak.
6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga darili at unti-unting ititikom - nagpapahiwatig ng
matimping damdamin.
7. Ang palad ay bukas, paharap sa nagsasalita - pagtawag ng pansin sa alinmang bahagi ng
katawan ng nag sasalita.
8. Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad- ipinahihiwatig nito ang pagtanggi, pagkabahala at
pagkatakot.
9. kumpas na pahawi o pasaklaw - nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang diwa, tao o pook.
10. Marahang pagbaba ng dalawang kamay - ginagamit sa pagpapahiwatig ng kabiguan o
kawalan ng lakas.

You might also like