You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Dibisyon ng Dumaguete
Ramon Teves Pastor Memorial-Dumaguete Science High School

Isang KOMPILASYON SA MGA URI NG TEKSTO

Gawaing Kailangan sa Pagtatamo Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Ipinasa kay
CHARLENE D. REPE, MAED-Filipino

Enero 2020
IMPORTMATIBO
ang tekstong ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano,
kailan,saan, sino at paano.Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng
anomang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad ito ng mga kuwento ng mga
tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari,
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad
nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga
mahahalagang detalye at pagpapakahulugan ng impormasyon.

Katangian ng Tekstong Impormatibo:

 Makatotohanan ang mga datos.


 May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.
 Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at may
kaisahan.
 Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at sa mga
pangkalahatang sanggunian

May iba't ibang uri ang tekstong impormatibo depende sa estruktura ng


paglalahad nito:
a) Sanhi at Bunga - ito ay estruktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkaka-ugnay ng mga
pangyayari at kung paanong ang kinalabasan ay naging resulta ng mga naunang pangyayari. Sa
urng ito, ipinaliliwanag ng manunulat ang malinaw na relasyon sa dalawang bagay at nagbibigay
ng pokus sa kung bakit nangyari ang mga bagay (sanhi) at ano ang resulta nito (bunga)
b) Paghahambing - ang mga tekstong nasa ganitong estruktura ay kadalasang nagpapakita ng
mga pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anomang bagay,konsepto o pangyayari.
c)Pagbibigay-depinisyon - ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita,
termino at konsepto. Maaaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng uri ng
hayop, puno o kaya naman ay mas abstraktong mga bagay gaya ng katarugan o pag-ibig.
d) Paglilista ng Klasipikasyon - ang estrukturang ito ay kadalasang naghahati-hati ng isang
malaking paksa o ideya sa iba't ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ng
pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at
pagkatapos ay bibigyang-depinisyon at halimbawa ang iba't ibang klasipikasyon o grupo sa
ilalim nito.
HALIMBAWA:
1. Ang kalikasan ang nagbibigay kula sa ating kapaligiran na sadyang pinagkaloob ng
ating panginoon. Dapat natin itong ingatan at alagaan. Pahalagahan natin ang kalikasan, dahil
pinagkukunan ito ng pagkain, malinis na hangin at pangsangga sa anumang kalamidad na
darating. At ito ay mahalagang bagay na dapat nating palaguin at huwag abusuhin para sa
kapakanan sa susunod na henerasyon.
Ang kalikasan ay pinagmulan ng iba't-ibang pinagkukunang yaman. Ang mga yamang ito
ay maaring renewable at non-renewable. Ano nga ba ang renewable at non-renewable? Ang
renewable energy ay mga energy na napapalitan ng mabilis, hindi katulad ng non-renewable
energy na aabutin pa ng milyong taon. Ibig sabihin ang renewable energy ay isang bagay na
mabilis lamang itong palitan at halimbawa nito ay tulad ng tubig, hangin, at solar energy.
Kabaliktaran naman nito ang non-renewable , dahil ang non-renewable ay matagal na mawala o
maglaho. Halimbawa nito ay carbon-based, organic na nagmula sa gasolina at oil o gas. Dito rin
nagmula ang materyales sa paggawa ng mga bahay at iba't-ibang mga gusali. Ang kalikasan ay
tumutulong na mabawasan ang mga dumi at usok na dulot ng proseso ng produksiyon at
pagkonsumo.
2.
NOON O NGAYON
(Tekstong Impormatibo)
ni Nelson Guzman Jr.
Masusing tinitingnan ng mga magulang kung ano ang naiibang galaw na napapansin
ngayon ng karamihan. Ilan ay maganda ngunit karamihan nito ay hindi naangkop sa pagtingin ng
iba.
Kabataan ang tinuturing na pag-asa ng ating bayan .Ang kabataan sa bansa ay magsisilbing susi
sa pag unlad ng ating minanmahal na bayan, ang tutularan ng mga susunod na henerasyon, ang
mag babago sa ating bayan, mag papatuloy sa mga nasimulan ng ating mga bayaning nagsikap
na nagtaguyod sa bansa.Ano na nga ba ang sitwasyon ng kabataan sa kasalukuyan?Tama pa nga
ba ang sabi n gating bayaning si Jose Rizal na sila ang pag-asa ng ating bayan?

Oo, kabataan ang pag-asa ng ating bayan ang salitang binitawan nuon pa’t nagsimulang
sumulat ng mga lathalain ang ating bayaning si Dr. Jose Rizal. Isa lamang yan sa mga salitang
binitawan nuon ni Dr. Jose Rizal. Mga salitang totoo at nagsasaad nga na ang kabataan ay dapat
na ituwid at huwag pabayaan nang marami ang inaagusang henerasyon at gawing modelo ang
kabataan sa mga susunod na henerasyon.

Ayon kay Socrates " Children today are tyrants, they contradict their parents ,gobble their
foods,and tyrannize their teachers". Sinasaad sa impormasyon o mga salitang ito na ito na ang
kabataan ngayon ay kakaiba na at nakakabahala na ang ugali at kilos. Mga kabataang mga
mapupusok,matatapang,walang takot na nilang inihahayag at ipaskil ang kanilang katauhan
katulad ng mga bata. Mga kabataang nadadawit na rin sa mga iba't ibang krimenalidad katulad na
lamang ng snatchers, batang hamog sa kalye,ginagamit narin ng mga sindikato ang mga kabataan
upang mag tulak ng droga at ang iba sa kanila at ang siyang na mumuno narin sa mga krimeng
nangyayari.

Maraming nag sasabi ibang iba na ang kabataan noon at ngayon napaka layo ng agwat.
Sa bawat pag bago ng henerasyon mga kabataan umiiba narin. Noon, hindi nakaka pag salita
kung may pabalang sinabi ng magulang sa mga kabataan. Mayroon silang respeto sa matatanda
noon, ngayon ang mga kabataan hindi na marunong rumespeto at marunong ng sumagot ng po at
opo o mga salitang kagalang-galang. Siguro nga dahil Ito sa moderno nating panahon na kung
saan pati ugali ng mga kabataan ay na aapektuhan narin. Masarap balikan ang noon kumpara
ngayon. Noon mga kabataan mababait at masunurin, at ngayon matitigas na ang ulo.
Ako'y kabilang sa mga kabataang unti-unti naring nilalamon ng makabagong teknolohiya at unti-
unti ng na aapektuhan ngunit alam kong hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito kung hindi
pati mga kapwa ko kabataan

MGA SANGGUNIAN:
http://uringteksto.blogspot.com/2016/12/tekstong-deskriptibo.html

https://www.coursehero.com/file/p1p07hf/Katangian-ng-Tekstong-Impormatibo-
Makatotohanan-ang-mga-datos-May-malawak-na/

http://srnhshumssnews.blogspot.com/2016/11/kalikasanay-dapat-pangalagaan.html

https://www.facebook.com/290823284653885/posts/noon-o-ngayontekstong-impormatiboni-
nelson-guzman-jrmasusing-tinitingnan-ng-mga-/304524649950415/

DESKRIPTIBO

You might also like