You are on page 1of 8

MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

` FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

____________________________________________

Facebook: aaribe@facebook.com 1
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Inaasahang Pagganap:
 Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa
 Natutukoy ang kahulugan at katangian ng mahahalagang salitang ginamit ng iba’t ibang
uri ng tekstong binasa
 Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa
 Nakasusulat ng sariling tekstong persuweysib
PAALALA:
 Upang manatiling nasa inyo na ang MODYUL. Aking hinihiling na sundin lamang ang panuto na aking
ipinagagawa. Sikaping masagutan ang bawat LAS o Learning Activity Sheet.
 Ang Learning Activity Sheet o LAS na lamang ang iyong ibabalik sa paaralan. Salamat sa iyong malawak
na pag-unawa.
 Asahang hindi makakabalik ng maaga ang inyong modyul.

TEKSTONG PERSUWEYSIB
PAGPAPALALIM NA GAWAIN:

Sa araling ito’y masusubukan mong sumulat ng sarili mong halimbawa ng tekstong persuweysib.

MAHALAGANG TANONG:

Bilang isang mambabasa at manunulat, bakit mahalagang pag-aralan at matutong bumuo ng


tekstong ?

PROSESONG TANONG:

1. Mayroon ka bang natatandaang mga linya sa patalastas na tumatak sa iyong isipan at humikayat
sa iyong bumili ng produkto? Kung mayroon, isulat mo ito sa ibaba.
2. Masasabimo bang naging epektibo ang paraan ng panghihikayat kaya tumatak ito sa iyong isipan
at humikayat sa iyong bumili? Ipaliwanag ang iyong sagot.

PROPAGANDA DEVICES

Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboto ng isang kandidato ay isang bagay na
dapat ay masusing pinag-iisipan, ang mga patalastas sa telebisyon, sa mga diyaryo at magasin ay
kinakailangang ito ay may mga ginagamit na propaganda devices. Ating alamin kung ano-ano ito:

1. NAME CALLING- Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o
katunggaling politiko, upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng politika.
Halimbawa: pekeng sabon, bagitong kandidato, trapo (traditional politician)
2. GLITTERING GENERALITIES- ito ay ang magaganda at naksisilaw na pahayag ukol sa isang
produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mbabasa. Halimbawa: Mas
makatitipid sa bagong ________. Ang iyong damit ay mas magiging maputi sa __________ puting-
puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

Facebook: aaribe@facebook.com 2
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

3. TRANSFER- Ang paggamit ngnisang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o
tao ang kasikatan. Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ –Grace Poe; Manny
Pacquiao gumamit ng _______ kapag nasasaktan.
4. TESTEMONIAL- Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o
produkto.
5. PLAIN FOLKS- Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o
tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo.
6. CARD STOCKING- Ipinakikita nito ang magagadang katangian ng produkto ngunit hindi
binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: Instant noodles na ito ay
nakapagbubuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura na, masarap pa. ( Ngunit hindi nito
sinasabing kakaunti lang ang sustansiyang taglay, maraming tagong asin at kung araw-araw itong
kakainin ay maaring magdulot ng sakit.)
7. BANDWAGON- Panghihikayat kung saan hihimok ang pahat na gamitin ang isang produkto o
sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumasali na. Halimbawa: Buong bayan ay nag peso
padala na.

ANG TEKSTONG PERSUWEYSIB

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto.


Isinusulat ng tekstong persuweysib upangabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang
punto ng manunulat at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasang tanggapin
ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso.

Ang tekstong persuweysib ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat
ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na
opinyon at paniniwala ng may-akda.

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa
eleksiyon at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.

Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o


pangungumbinsi. Ito ay ang mga sumusunod:

1. ETHOS- ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang


manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa
kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito. HALIMBAWA, ang
isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas gayong hindi
pa siya nakapupunta rito ay maaring maging kaduda-duda. Gayunman, may iba pang paraan
upang magkaroon ng kredibilidad. Ang estilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng
kredibilidad.
Dapat na maisulat nang malinaw at wasto ang teksto upang lumabas na hitik sa kaalaman at
mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pasisipi ng sanggunian ay maaring makatulong sa
pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang mapatunayan sa mga mambabasa na ang mga datos at
impormasyon ay wasto at napapanahon upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at
mapagkakatiwalaan.

Facebook: aaribe@facebook.com 3
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

2. PATHOS- tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa.
Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala ng kanilang emosyon.
Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay epektibong paraan upang
makumbinsi sila. HALIMBAWA, ang pagsasalaysay ng isang kuwentong makaaantig ng galiy o
away ay isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa manunulat.
3. LOGOS- ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang
mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay da mga impormasyon at datos na
kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto ang siyang dapat paniwalaan. Gayunman, isa sa
mga madalas na pagkakamali ng mga manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali
at hindi sa pinaniniwalaan.

Kailangang tandaan na sa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang kung sino o anong uri
ng mga mambabasa. Halimbawa, kung ang babasa ng teksto ay mga taong may hawak na mataas na
posisyon o mga negosyante, makabubuting gumamit ng may kredibilidad at mga wastong impormasyon
at datos upang sila ay makumbinsi, habang mayroon namang mga mambabasa na nahihikayat kung
mayroon pang naiisip na ibang paraan na magiging epektibo sa uri ng inaasahan mong mambabasa.

HALIMBAWA:

TRANSCRIPT NG TALUMPATI NI SENATOR GRACE POE NANG MAGDEKLARANG TATAKBO SA


PAGKAPANGULO

(BAHAGI LAMANG)

Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuuan ng aking mga mithiin at adhikain. Sa
mga susunod na araw, ihahain ko po ang isang komprehensibong programa na naka-sentro sa simpleng
prinsipyo at paniniwala: walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay-sabay
tayong aangat at sama-sama tayong uunlad!
Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit sya at sinabi na wala syang karanasan at hindi sya Pilipino. Ngunit
buong tapang nyang hinarap ang hamon at di nya inurungan ang pagkakataon na tumulong na mapabuti
ang buhay ng kapwa-Pilipino.
Ang kanyang katapatan, tapang at kabaitan ay naging inspirasyon at gabay sa akin. Ang nanay ko
naman,sinabi nya: “Anak, sa lahat ng ingay ng pulitika, huwag mo walain ang iyong sarili.”
Ang aking buhay ay isang bukas na aklat.
Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natagpuan ay makatutuntong sa Senado. Salamat sa
pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin.
Huwag nyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino. Mapagmahal, malikhain at marunong gumawa ng
paraan.
Kaya nating marating ang ating mga mithiin para sa bayan kung magsisipag, magmamatyag at
siguraduhin na may tapat na gagabay sa atin.
Dapat sama-sama tayo. Hindi kaya ng iisang tao.
Ang mangangako niyan ay nagsisinungaling na.
Sa ating lahat nakasalalay ang magiging kwento ng Pilipinas sa darating na panahon.
Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang
bayang Pilipinas

Facebook: aaribe@facebook.com 4
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong
lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo.

SANGGUNIAN: https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2015/09/16/1500523/basahin-talumpati-ni-grace-poe-sa-pagtakbo-sa-2016

PATALASTAS PARA SA PELIKULANG TAYO MUNA HABANG

Facebook: aaribe@facebook.com 5
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _______________


Baitang at Seksyon: ______________________________

LAS 3
FILIPINO 11
IKATLONG MARKAHAN-MODYUL 2

PANUTO: Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong.


1. Ano ang layunin ng tekstong persuweysib?

2. Bakit sinasabing subhetibo ang tono ng tekstong persuweysib?

3. Saan karaniwang ginagamit ang tekstong persuweysib?

4. Ano-ano ang tatlong paraan ng pangungumbinsi ayon kay Aristotle? Alin sa palagay mo ang
pinakamabisang gamitin sa pangungumbinsi sa mga kabataang tulad mo?

5. Kung susulat ka ng isang tekstong persuweysib, ano-ano ang dapat mong isaalang-alang?

6. Mula sa talumpating iyong binasa, ano ang pakay nito? Anong paraan ng panghihikayat ang
ginamit?

7. Sa iyong palagay ano-anong damdamin ang naantig ng kanyang isinulat?

Facebook: aaribe@facebook.com 6
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

8. Sa iyong palagay, magiging sapat ba upang naisin ng makakabasang panoorin ang pelikula?
Ipaliwanag.

9. Kung bibigyan ka ng pagkakataong dagdagan ito, ano kaya ang iyong idadagdag? Bakit?

Sa panahon ngayon maraming mga produkto, balita, propaganda, networking at maging politiko ang
ipinakikilala sa atin ng mga taong matatamis ang dila at maghabi ng salita. Sa madaling salita, sa husay
nilang manghikayat at mangumbinsi, hindi na tuloy natin alam kung ano talaga ang totoo at dapat
paniwalaan. Mayroon ka bang natatandaang ganitong tekstong persuweysib (maaring komersiyal o
patalastas, talumpati, propaganda at iba pa) na sa itong palagay ay hindi nagsasabi ng totoo? Isulat ito o
ang bahagi nito sa kahon sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa unang pagkakataong nabasa mo ito, nagduda ka ba agad? Ipaliwanag ang iyong sagot.

2. Ano-anong dahilan ang iyong naisip at hindi ka nakumbisi ng tekstong ito?

3. Sa ngayon ay laganap pa rin ang mga tekstong persuweysib na nagtataglay ng mga huwad na
pangakong nagliligaw sa madla Sa iyong palagay, ano ang nararapat mong gawin bilang isang
mapanuring mambabasa o matalinong botante at mamimili?

4. Anong aral ang iyong natutuhan at nais ibahagi sa iba pagdating sa mga ganitong uri ng teksto?

Facebook: aaribe@facebook.com 7
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 1 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _______________


Baitang at Seksyon: ______________________________
LAS 4
FILIPINO 11
IKATLONG MARKAHAN-MODYUL 2
MINI-PERFORMANCE TASK
(PAGGAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB)

Ikaw ay tatakbo sa pagiging meyor ng inyong bayan o lungsod. Sa iyong miting de


avance, nais mong hikayatin ang iyong mga kababayang ibibigay sa iyo ang kanilang
boto. Naihayag mo na sa kanila ang iyong plataporma. Ngayon paano mo sila
makukumbinsing ikaw ang ihalal sa darating na eleksiyon? Sumulat ng maikling
talumpati na hihikayat sa mga botanteng Pilipinong ikaw ang karapat-dapat at hindi
ang ibang kandidato. Gamitan ang paraan ng panghihikayat.

 PARA SA MGA HARD COPY


Ilagay ito sa malinis na bond paper (short) ipasa ito ng maayos. Lagyan ito ng tig-
1inch na espasyo sa bawat sulok. Kung hindi magkasya ay gumamit ng iba pang
papel. Maaring ito nakasulat o printed.

RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG IMPORMATIBO


 Malinaw na nailahad ang layunin sa pagsulat ng teksto= 25pts
 Lantad ang pangunahing ideya na tatalakayin= 10pts
 Himay-himay na inilahad ang mga suportang ideya= 10pts
 Organisado ang mga ideya gamit ang isang angkop nahulwarang organisasyon= 20pts
 Matibay na nailahat ang mga ideya nang may sapat nabatayan/sanggunian at walang
kinikilingan upang maipakita ang kredebilidad ng impormasyong isinaad sa isinulat
na teksto=20pts
 Nakakasunod sa panuto=15

Facebook: aaribe@facebook.com 8
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 1 SCHOOL OF RAMON, INC.

You might also like