You are on page 1of 8

Abra High School

SENIOR HIGH SCHOOL


Bangued, Abra

WORKSHEETS IN
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG
TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Quarter 3 –Week 2:
Mga Uri ng Teksto (Tekstong Deskriptibo)
Kasanayang Pampagkatuto:

Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tektong binasa

(F11PS-IIIb-91)

Grade Level : 11

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik

Name of Learner: ___________________________

Date of Delivery: ___________________________

Date of Retrieval: ___________________________

Subject Teacher: EMALYN A. YAHIN


Teacher III

Checked and Validated:

1
Lesson

2 Tekstong Deskriptibo

Layunin:
a. Natatalakay ang katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo,
b. Naiisa- isa ang katangian ng tekstong binasa,at
c. Natutukoy ang uri ng paglalarawang ginamit sa tekstong binasa.

Balikan
Sagutin ang mga sumusunod na tanong hinggil sa nakaraang aralin:

1. Ano ang tekstong impormatibo?


2. Ano ang layunin ng tekstong impormatibo?
3. Ibigay ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?
4. Ano- ano ang tatlong uri ng maanyong depinisyon?

Suriin
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan na nagpapahayag ng mga kaisipan o pala- palagay.
Sa diskursong ito ay napapagalaw ng isang tagapagpahayag ang kanyang imahinasyon, maging sa
kanyang mambabasa at tagapakinig. Sa pangkalahatan, ang diskursong ito ay nagbibigay ng malinaw
na imahen ng isang tao, bagay, pook, damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o
kakintalan. Bunga ng kakintalang nilikha ng limang pandama ng tao.

Ang tekstong Deskriptibo ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng


mahusay na eksposisyon. Ang uri ng sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag- aaral na
bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng
pagkakataon na mailabas ng mga mag- aaral ang masining na pagpapahayag.

Ang tekstong Deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon at iba pa.

Narito ang tatlong katangian ng tekstong deskriptibo na maaaring maging gabay mo sa


pagsusuri pati na rin sa pagsulat ng ganitong uri ng teksto.

1. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nilikha sa mambabasa. Halimbawa: Sa


paglalarawan kay Tano sa bahagi ng isang nobela namili ang awtor ng lilikhaing impresyon tungkol sa
tauhan ng isang magsasaka. Ang pagsasaka ba ay masayang gawain gaya ng mga nakapinta sa obra
ni Fernando Amorsolo kung saan nakangiti lagi ang mga magsasaka, o ito ba ay isang mahirap at
mabigat na gawain? Sa paglikha ng dominante at pangunahaing impresyon dapat na magdesisyon
ang manunulat kung ano ang mas magsisilbi sa kuwentong kanyang ilalahad.

2
2. Maaaring maging Obhetibo o Subhetibo, at maaari ding magbigay ng pagkakataon sa
manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan. Ang obhetibong paglalarawan
ay mga direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian.

Halimbawa: kung ilalarawan ang isang ina, maaaring ibigay ang taas, haba ng buhok, kulay ng
balat o hanapbuhay o ang mahilig na pinagkakaabalahan sa buhay.

Ang subhetibong paglalarawan naman ay maaaring kapalooban ng matatalinghagang


paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat
sa inilalarawan.

Halimbawa: maaaring ilarawan ang ina bilang hingahan ng mga suliranin, madalas na
nakapagpapagaan ng mga pasakit, o kaya ay mahaba ang pisi sa lahat dahil sa mapang- unawa at
mapang- aruga nitong katangian.

3. Mahalagang maging espisipiko at maglalaman ng mga konkretong detalye. Ang pangunahing


layunin nito ay ipakita at iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.

Gawain
Gawain 1. Isulat sa patlang ang A kung obhetibo ang sumusunod na
paglalarawan at B kung subhetibo.

____1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Brianna.

____2. Alon- alon ang kanyang buhok na bumagay naman sa kainggit- inggit niyang katawan at taas.

____3. Di pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.

____4. Sa paggamit ng teknolohiya sadyang gumaan ang mga gawain.

____5. Ang maamo niyang mukha ay tila anghel na nakapagpapagaan ng aking damdamin.

____6. Ang mga ina ang ilaw ng bawat tahanan na siyang gumagabay sa kanyang pamilya.

____7. Paskong- pasko na sa aming bahay dahil sa makukulay na palamuting nakasabit sa aming
pintuan.

____8. Mababaw ang luha ng aking nakababatang kapatid kaya kaunting pang- aasar ay hahagulgol
na ito.

____9. Sinasabing bukas ang palad si Don Diego sa lahat ng taong nangangailangan ng tulong.

____10. Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso.

3
Gawain 2. Basahin ang teksto sa ibaba at gawin ang mga hinihingi sa mga kasunod na mga
aytem.

Ang Kawayan
BANTAY KAPWA- Cielito Mahal Del Mundo/ Sept. 25, 2002

Kapag bumabayo maraming puno ang nababali at nabubuwal ngunit ang kawayan ay nananatili
sa kanyang kinatatayuan at hindi napipinsala. Mapupuna na kahit na anong lakas ng hangin at ulan,
ang kawayan ay hindi matinag dahil hinahayaan nito na hampasin siya ng hangin. Hindi niya
sinasalungat o kinokontra.
Isang makata ang nag- uugnay sa katangiang ito ng kawayan sa buhay ng tao na kadalasan ay
maraming bagyo ng mga problema ang nararanasan subalit nananatiling matatag at matibay at hindi
hinayaang matalo ng mga pagsubok. Sa dakong huli ay muling nakatatayo sa pagkakadapa at
malakas ang loob na hinaharap ang anumang suliranin..
Maraming gamit ang kawayan. Sa pagtatayo ng bahay gamit ang kawayan bilang sahig at
dingding. Gamit din ito bilang bakod at balag para sa mga gumagapang na halaman. Ginagawa rin
itong lamesa, silya, laruan ng bata at iba pa.
Lunas din ang kawayan sa maraming sakit. Ang nilagang dahon ng kawayan ay ginagamit na
panglanggas sa sugat. Ang labong ay mayaman sa iron at carbohydrates kaya mabuti sa mga anemic.

1. Tungkol saan ang tekstong binasa?______________________________


2. Anong katangian ng tekstong deskriptibo ang ginamit sa teksto?___________________.
3. Maglista ng mga salitang ginamit sa teksto na tumutugon sa ginamit na katangian ng
tekstong deskriptibo.
a.
b.
c.
d.
e.
f.
g.

Sa araling ito, matututuhan mo ang karagdagang konsepto tungkol sa tekstong deskriptibo.


Inaasahang magagamit mo ang mga sumusunod na kasanayang pampagkatuto sa pagsulat.

Kasanayang Pampagkatuto:

Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng tekstong. (F11PU-IIIb-89)

Layunin:
1. Nakapipili ng paksa sa pagsulat ng tekstong deskriptibo.
2. Nakabubuo ng balangkas sa pagsulat ng tekstong deskriptibo.
3. Nakasusulat ng tekstong deskriptibo.

4
SURIIN
Ayon kay Bernales, sa aklat niya noong 2001, ang Pagsulat ay ang pagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at
ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang kanya- kanayng kaisipan. (BERNALES et al.,
2001)
Ito ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin ayon pa din kay
Bernales.
Ayon kina XING at JIN (1989), ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang
naglalaman nang wastong gamit ng pananalita, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba
pang nga elemento.
Sinabi ni BADAYOS (2000), na ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na
totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika.
Masasabi rin ang pagsulat ay kapwa isang komunikasyong intrapersonal at interpersonal.

Mga Hakbang sa Pagsulat

Panimulang pagsulat

Mga dapat gawin sa paghahanda ng pagsulat:


 Pagpili ng paksang tatalakayin.
 Pangangalap ng datos o impormasyong kailanagn sa pagsulat.
 Pagpili ng istilo o hulwarang gagamitin.
 Pagsasaayos ng balangkas.

Sa panimulang pagsulat ay nagaganap ang Pagpili ng paksa, Pangangalap ng


impormasyon o datos na kakailanagnin mo sa pagbuo ng iyong teksto, gayudin ang pagpili ng istilong
gagamitin mo sa pagsulat ang pinakamahalaga sa lahat ay ang pagbuo ng balangkas na magsisilbing
gabay mo sa pagsulat ng teksto.

Mga Gawain sa Panimulang Pagsulat


 Pagsulat ng journal Sounding- out friends
 Brainstorming Pag- iinterbyu
 Questioning Pagsasarbey
 Pagbabasa Obserbasyon
 Pananaliksik Imersyon

Pagsulat
Isinasagawa sa bahaging ito ang mga sumusunod:
 Pagsulat ng burador o draft
 Pagsasaayos ng panimula, katawan at pangwakas na talata.

Sa bahaging ito sisimulan na ang unang bersyon ng iyong sulatin, tinatawag itong burador.
Isinasaayos din sa bahaging ito ang panimula, katawan at pangwakas na bahagi ng iyong teksto.

Muling Pagsulat

5
 Nagaganap ang PAG- EEDIT at PAGREBISA ng draft batay sa wastong grammar o balarila,
bokabularyo o talasalitaan, at pagkakasunud- sunod ng mga ideya o lohika ng mga kaisipan.

Ang pagsulat ay hindi nagaganap sa isang upuan lamang. Sa bahaging ito nagaganap ang
pagrerebisa ng sulatin. Ang pagwawasto sa balarila, bokabularyo at pagkakasunud- sunod ng ideya o
lohika ng kaisipan ay maaari ding paunlarin sa bahaging ito sa proseso ng pagsulat.

Narito ang mga batayang tanong na mahalaga mong masagot sa paghahanda mo sa


pagsulat ng teksto.
1. Ano ang tekstong aking isusulat?
2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging mahigit na makahulugan ang
aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang naalaman ko sa aking paksa?
7. llang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
8. Paano ko pa mapapagbuti ang aking teksto? Anu-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa
layuning ito?

Gawain 3

Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang tekstong aking isusulat? ___________________________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?______________________________________________
_________________________________________________________________________________
3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?______________
_________________________________________________________________________________
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging mahigit na makahulugan ang
aking paksa?_______________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?_____________________________________
__________________________________________________________________________________
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalaman ko sa aking paksa?_____________

7. llang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?___________________
__________________________________________________________________________________
8. Paano ko pa mapapagbuti ang aking teksto? Anu-ano ang mga dapat ko pang gawin para sa
layuning ito?________________________________________________________________________

Nasagot mo na lahat ng katanungan? Magaling! Ang mga katanungang ito ay makatutulong sa iyo at
magsisilbing gabay mo sa pagsulat ng tekstong deskriptibo. Halina’t simulan mo na ang sumulat ng
tekstong deskriptibo tungkol sa iyong napiling paksa.

Gawain 4
6
Panuto: Subukang sumulat ng sulating deskriptibo na maaaring tungkol sa kaibigan, pamilya,
isang pasyalan na naibigan mo at nais mong balikan kung may pagkakataon pa, ang iyong
iniidolo o hinahangaan, o kahit ano pa man.

Halimbawa

Paksa:____________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________
(Pamagat)

Pani __________________________________________________________________________________
mula __________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Kata __________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
wan
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
________________________________.
Pang
wak
as
__________________________________________________________________________________
na
__________________________________________________________________________________
Talat __________________________________________________________________________________
a __________________________________________________________________________________
____________________________.

7
Huling Pagtataya
Gawain 1. Punan ang patlang ng tamang sagot.

________1. Sa diskursong ito ay napapagalaw ng isang tagapagpahayag ang kanyang


imahinasyon, maging sa kanyang mambabasa at tagapakinig.

________2. Ito ay direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at di mapasusubalian.

________3. Ang tekstong ito ay may layuning maglarawan ng tao, bagay, lugar, at
pangyayari.

________4.Ito naman ay maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at


naglalaman ng personal na persepsyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan.

_________5. Ito ay isang anyo o paraan na nagpapahayag ng mga kaisipan o pala- palagay.

_________6. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag- aaral
ang masining na pagpapahayag.

_________7. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag- aaral
ang masining na pagpapahayag.

Tukuyin kung obhetibo o subhetibo ang ginamit na katangian ng paglalarawan sa sumusunod


na pangungusap.

1. Katulad ng isang namumukadkad na bulaklak ang ngiti ng dalagang dumaan sa aming


hardin.

2. Si Leony ay laging malinis sa kanyang kapaligiran, araw- araw siyang naglilinis ng kanyang
bakuran.

3. Ang dalaga ay nakasuot ng ternong pulang blusa na bumabagay sa maputi niyang balat.

4. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa akin sa panahong maraming suliranin ang pamilya,
nagsilbi siyang liwanag sa madilim na landas.

5. Sariwa at malalago ang aking mga halaman sa hardin. Makukulay ang mga bulaklak nito.

6. Siya si Beto, isa siyang batang bibo. Matalino at magalang.

7. Napakataas at matarik ang bundok na inakyat ng mga kaibigan ko noong nakaraang araw.

8. Magaling magturo ang guro namin sa Filipino noong kolehiyo ako. Malakas ang boses niya at
mahusay magpaliwanag ng aralin.

You might also like