You are on page 1of 13

Pagkilala sa Iba’t ibang

Akademikong Sulatin
G. Joven B. Makiling
Temple Hill International School
Mga Layunin sa Akademikong
Pagsulat
- nagbibigay ng kaalaman at paliwanag
- halimbawa ang balita, lahok sa
encyclopedia , ulat na nagpapaliwanag sa
estadistika, papel na nagpapaliwanag ng
konsepto, sulatin tungkol sa kasaysayan,
tesis, at iba pa.
- Mayroong mga kritikal o akademikong akda na
naisusulat sa paraang malikhain gaya ng rebyu,
pagsusuri, o talang pangkasaysayan. Bukod sa
pagbibigay ng impormasyon, nagbibigay din ng
aliw ang mga tekstong ito sa mambabasa.
Mga Layunin sa Akademikong
Pagsulat
 
Ang sulating nanghihikayat naman ay may
layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang
mambabasa na pumanig sa isang paniniwala,
opinion, o katuwiran. Halimbawa ng ganitong
akademikong sulatin ang konseptong papel,
mungkahing saliksik, posisyong papel,
manifesto, editorial, talumpati, at iba pa.
Tanong
Bakit mahalagang malaman ang layunin
kapag nagsusulat ng akademikong teksto?

Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kung


hindi malinaw sa iyo ang layunin ng
isinusulat.
Mga Gamit sa Akademikong
Pagsulat
Depinisyon- pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng “kalayaan,” mga salitang
kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito.

Enumersayon- pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang


nabibilang sa isnag uri o klasipikasyon. Halimbawa, ayon sa lahi, uri,
kulay, kasarian, panahon,interes at iba pa.

Order- pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o proseso. Halimbawa,


kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896 hanggang 1898,
proseso sa pagluluto ng adobo, at pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na nagdudulot sa paglubog ng barkong MV Dona Paz.
 
Mga Gamit sa Akademikong
Pagsulat
Paghahambing o Pagtatambis- pagtatanghal ng pagkakatulad o
pagkakaiba ng mga tao (Benigno Aquino III at Gloria Macapagal-Arroyo), lugar
(Coron at El Nido), pangyayari (EDSA I, EDSA II, at EDSA III), konsepto
(katarungan at hustisya), at iba pa.

Sanhi at Bunga- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang


kaugnay na epekto nito. Halimbawa, dahil sa kawalan ng disiplina sa
pagtatapon ng basura (sanhi), lagging bumabaha sa kalakhang Maynila
(bunga).

Problema at Solusyon- paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga


posibleng lunas sa mga ito. Halimbawa, edukasyon ang sagot sa kahirapan.

Kalakasan at Kahinaan- paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng


isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari. Halimbawa, ang mga
kalakasan at kahinaan ng programang K to 12 sa Sistema ng edukasyon ng
Pilipinas.
Mga Katangian ng Akademikong
Sulatin
 Pormal ang tono
 Karaniwang sumusunod sa tradisyonal na
kumbensiyon sa pagbabantas, grammar, ay
baybay
 Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod
ng mga ideya.
 Hindi maligoy ang paksa.
 Pinahahalagahan ang kawastuan ng impormasyon
 Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita
upang maunawaan ng mga mambabasa
 Hitik sa impormasyon
 Bunga ng masinop na pananaliksik
Anyo ng Akademikong Sulatin
Akademikong Sulatin Layunin at Gamit Katangian

Abstrak Ito ay karaniwang Hindi gaanong


ginagamit sa pagsulat ng mahaba, organisado
akademikong papel para ayon sa pagkakasunod
sa tesis,papel siyentipiko
at teknikal, lektyur at
sunod ng nilalaman.
report.
Sintesis Ang kalimitang ginagamit Kinapapalooban ng
sa mga tekstong naratibo overview ng akda.
para mabigyan ng buod, Organisado ayon sa
tulad ng maiklling kwento.
sunod sunod na
pangyayari sa kwento
Bionote Ginagamit para sa May makatotohanang
personal profile ng isang paglalahad sa isang tao
tao, tulad ng kanyang
academic career at iba
pang impormasyon ukol
sa kanya.
Anyo ng Akademikong Sulatin
Akademikong Sulatin Layunin at Gamit Katangian
Memorandum Maipabatid ang mga Organisado at malinaw
impormasyon ukol sa para maunawaan ng
gaganaping mabuti.
pagpupulong o
pagtitipon. Nakapaloob
dito ang oras, petsa at
lugar ng gaganaping
pagpupulong
Agenda Layunin nitong ipakita Pormal at organisado
o ipabatid ang paksan para sa kaayusan ng
tatalakayin sa daloy ng pagpupulong
pagpupulong na
magaganap para sa
kaayusan ng at
organsadong
pagpupulong.
Anyo ng Akademikong Sulatin
Akademikong Sulatin Layunin at Gamit Katangian
Panukalang Proyekto Makapaglatag ng Pormal, nakabatay sa
proposal sa proyektong uri ng mga tagapakinig
nais ipatupad. at may malinaw ang
Naglalayong mabigyan ayos ng ideya.
ng resolba ang mga
prolema at suliranin.
Talumpati Ito ay isang sulating Pormal, nakabatay sa
nagpapaliwanag ng uri ng mga tagapakinig
isang paksang at may malinaw ang
naglalayong ayos ng ideya.
manghikayat, tumugod,
mangatwiran at
magbigay ng kabatiran
o kaalaman.
Anyo ng Akademikong Sulatin
Akademikong Sulatin Layunin at Gamit Katangian
Katitikan ng Pulong Ito ay ang tala o rekord Ito ay dapat na
o pagdodokumento ng organisado ayon sa
mga mahahalagang pagkakasunud-sunod
puntong nailahad sa ng mga puntong napag-
isang pagpupulong. usapan at
makatotohanan.
Posisyong Papel Ito ay uri ng sanaysay Isang replektib na
kung saan nagbabalik karanasang personal
tanaw ang manunulat sa buhay o sa mga
at nagrereplek. binasa at napanood.
Nangangailangan ito
ng reksyon at opinyon
ng manunulat.
Anyo ng Akademikong Sulatin
Akademikong Sulatin Layunin at Gamit Katangian
Pictorial Essay Kakikitaan ng mas Organisado at may
maraming larawan o makabuluhang
litrato kaysa sa mga pagpapahayag sa
salita litrato na may 3-5 na
pangungusap.
Lakbay Sanaysay Ito ay isang uri ng Mas madami ang
sanaysay na teksto kaysa sa mga
makakapagbalik tanaw larawan
sa paglalakbay na
ginawa ng manunulat.
Mga Katanungan para sa
Malayang Talakayan
1.) Ano ang mas madaling isulat, ang
akademikong teksto o malikhaing teksto?
Bakit?
2.) Kapag nagsusulat ng pormal na sulatin sa
Filipino, sumusunod ka ba sa kumbensiyon sa
pagbabantas, grammar, at baybay?
3.) Alin sa mga nakalistang anyo ng
akademikong teksto ang pinapangarap mong
sulatin? Bakit?

You might also like