You are on page 1of 10

1

Aralin Akademikong Sulatin: Ang Bionote

6 Isinulat ni John Vincent V. Conde

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang kahulugan ng Bionote gayundin ang mga


katangian, layunin, gamit, nilalaman, at maging ang mga dahilan kung bakit
sumusulat ng ganitong uri ng akademikong sulatin.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


kasanayan na :

1. Nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin


(CS_FA11/12PU-0p-r-94).
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
(CS_FA11/12PU-0d-f-93)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo


muna ang unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang sumusunod na tanong at isulat ang sagot sa sagutang papel


1. Isang maikling paglalarawan kaugnay sa buhay ng isang manunulat na
nasa ikatlong panauhan at kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat.
A. Sanaysay C. Bionote
B. Talambuhay D. Journal

2. Ang Bionote ay ginagamit para sa ng isang tao tulad na lamang


ng paglalahad ng kaniyang academic career at ilan pang mahahalagang
impormasyon ukol sa kaniya.
A. Personal Profile C. Pagpuri
B. Private Account D. Pagpapakilala

3. Tawag ito sa paaralan, degri, at karangalang kaugnay sa buhay ng isang tao


na pinapaksa ng isang Bionote.
A. Personal na impormasyon
B. Kaligirang pang-edukasyon
C. Ambag sa larangang kinabibilangan
D. Kaligirang pangkasaysayan

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
2

4. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nagpapahayag na ang isang Bionote


ay maaaring magsilbing marketing tool?
A. May layon itong ipagmalaki ang natamo ng isang indibidwal
B. Ginagamit ito upang magsilbing pagkilala sa isang taong nagkamit ng
parangal
C. Ito ay naglalayong itanghal ang mga pagkilala at mga natamo ng indibidwal
D. Upang gawing tanyag ang isang taong nagpamalas ng kagila-gilalas na
talento

5. Alin sa mga sumusunod na panauhang pananaw ang ginagamit sa pagsulat


ng isang Bionote?
A. Una B. Ikalawa C. Ikatlo D. Wala sa nabanggit

6. Alin sa mga sumusunod na halimbawa ang nagpapakita na ang isang


Bionote ay kinakailangang nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o
katangian ng isang taong itinatampok?
A. Siya’y isang guro, vlogger, at negosyante.
B. Si Vincent ay isang guro, manunulat, at isa ring manananggol.
C. Si Lance ay isang guro, mang-aawit, at vlogger.
D. Siya’y isang batikang guro, manunulat, at propesor sa isang tanyag na
unibersidad sa bansa.

7. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga katangian ng isang


Bionote?
A. Maikli ang nilalaman
B. Kinikilala ang mambabasa
C. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian
D. Gumagamit ng ikalawang panauhang pananaw

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dapat lamanin ng isang
Bionote?
A. Personal na impormasyon
B. Kaligirang pang-edukasyon
C. Ambag sa larangang kinabibilangan
D. Pangalan ng alagang hayop

9. Bakit nagsusulat ng Bionote?


A. ipaalam sa iba ang karakter ng isang tao
B. isang paraan upang itago ang sarili sa mga mambabasa
C. ipagmayabang ang kredibilidad ng isang tao sa larangang kinabibilangan
D. paraan para sumikat ang isang manunulat

10. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng KATOTOHANAN ukol sa


Bionote?
A. Ito’y isang impormatibong talata na nagpapakita ng kwalipikasyon ng isang
awtor at ng kaniyang kredibilidad bilang propesyonal.
B. Ito’y isang mahabang sulatin na nagpapakita ng impormasyon ukol sa isang
awtor
C. Maaring makita ang Bionote sa harapang bahagi ng pabalat ng isang aklat.
D. Ang mga nakasaad sa isang Bionote ay pawang piksiyon lamang.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
3
Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang
balik-aral sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Isulat ang salitang T kung tama ang isinasaad ng mga pahayag at M naman kung
Mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel
1. Naglalahad ang sintesis ng tala ng isang indibidwal sa sarili niyang
pananalita, ukol sa kaniyang mga narinig o mga nabasa.
2. Ang sintesis ay paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit
pang mga akda ang isang buod.
3. Ang buod ay naglalaman ng subhetibong balangkas ng orihinal na
teksto.
4. Ang sintesis ay nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga ginamit
na sanggunian.
5. Walang ipinagkaiba ang buod sa sintesis.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang mga konsepto ukol sa pagsulat ng


isang Bionote. Kayang-kaya mo ito!

Ang Bionote: Ano, Bakit, Paano?


John Vincent V. Conde

Ano ang Bionote?


Ang Bionote ay isang akademikong sulatin na kinapalolooban ng
mahahalagang impormasyon ukol sa isang manunulat. Inilalarawan dito ang
manunulat gamit ang ikatlong panauhang pananaw. Naglalahad din ito ng
kuwalipikasyon ng isang manunulat at ng kaniyang kredibilidad bilang isang
propesyunal. Gayundin, nagbibigay rin ito ng pangkalahatang impormasyong may
kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel o trabahong nais pasukin. Ito rin ay
nagsisilbing marketing tool upang mas pagkatiwalaan o mas tangkilikin ang isang
partikular na babasahin kung mababatid ng isang mambabasa na ang manunulat ay
isang kilala at may malaking kontribusyon sa larangang kaniyang tinatahak. Sa
maiksing pagsulat, kinakailangang mailahad ang mahahalagang bagay patungkol sa
taong itinatampok.

Bakit Nagsusulat ng Bionote?


Nagsusulat ng Bionote upang ipakilala ang karakter at kredibilidad ng isang
manunulat na may mahalagang kaugnayan sa larangang kinabibilangan. Isa rin itong
paraan ng pagpapakilala sa mga mambabasa. Ginagamit din ito para sa personal
profile ng isang tao, tulad ng kaniyang academic career at iba pang mahahalagang
impormasyon ukol sa kaniya. Madalas itong makikita sa likod na bahagi ng pabalat
ng isang aklat.

Nilalaman ng Isang Bionote:


1. Personal na Impormasyon (edad, pinagmulan, buhay simula pagkabata
hanggang sa kasalukuyan, at iba pa)

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
4
2. Kaligirang Pang-edukasyon (paaralang pinagtapusan, degri/kursong
tinapos, mga karangalang natamo)
3. Ambag sa Larangang Kinabibilangan (kontribusyon at adbokasiya)

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Bionote:


1. Maikli ang Nilalaman. Kadalasang hindi binabasa nang buo ang isang
mahabang Bionote. Pakatatandaang hindi talambuhay ang iyong isinusulat,
kaya huwag nang ilagay ang mga walang kaugnayang impormasyon.
2. Gumagamit ng Pangatlong Panauhang Pananaw. Tandaang kahit ang
nilalaman ng Bionote ay patungkol sa iyong sarili, mananatiling nasa
pangatlong panauhang pananaw ang panghalip.
3. Kinikilala ang Mambabasa. Marapat na isaalang-alang ang magbabasa ng
iyong Bionote. Kinakailangang hulmahing mabuti ang pagsulat. Halimbawa
na lamang ay mga propesyonal sa isang partikular na larang ang iyong
magiging mambabasa. Ilahad mo ang iyong kwalipikasyon at kredibilidad
upang sila ay makumbinsing mapagkakatiwalaan ang iyong isinulat.
4. Gumagamit ng Baligtad na Tatsulok. Tulad ng pagsulat ng balita at iba
pang mga obhetibong sulatin, ang Bionote ay sumusunod sa istruktura ng
isang nakabaligtad na tatsulok. Unahin ang pinakamahahalagang
impormasyon, isunod ang mahahalagang impormasyon, at hindi gaanong
mahalagang impormasyon.
5. Nakatuon lamang sa mga Angkop na Kasanayan/Katangian. Mamili
lamang ng iyong kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng iyong
Bionote.
Halimbawa: Si G. Conde ay isang guro, kuwentista, at negosyante.
Kung nais pasukin ng isang manunulat ang larang ng panitikan, hindi
na dapat isinama ang kaniyang pagiging negosyante.
6. Binabanggit ang Degri kung Kailangan. Kung ikaw ay may PhD sa Wika at
Panitikang Filipino, at nagsusulat ka ng isang antolohiya ng maiikling
kuwento, marapat mong ilagay ang kredensiyal na iyon.
7. Maging Matapat sa Pagbabahagi ng Impormasyon. Walang masama sa
pagbubuhat ng sariling bangko basta’t ito ay totoo. Huwag na huwag mag-
iimbento dahil labag ito sa etikal na pamantayan at maaaring mabahiran
ang iyong reputasyon dito.

Halimbawa ng Bionote:
Bionote ni G. John Vincent V. Conde
Mapangarapin – ganyan niya kung ilarawan ang sarili. Tubong Caloocan si J.V.
at ipinanganak noong 25 Hunyo, 1995 sa Novaliches, Quezon City, at bunso sa
tatlong magkakapatid.

Nag-aral sa Colegio de Sta. Teresa de Avila at nagtapos ng programang Batsilyer


ng Pansekondaryang Edukasyon Medyor sa Filipino bilang isang consistent dean’s
lister. Isang taon mula nang makapagtapos sa kolehiyo, siya’y naging isang
lisensiyadong guro at nag-aral muli sa Our Lady of Fatima University, Quezon City
Campus at nagtapos ng programang Pantas ng Sining sa Pagtuturo ng Filipino.

Noong kolehiyo pa lamang, masigasig siya sa pagsali sa mga patimpalak at nag-


uwi ng karangalan tulad ng Pagsulat ng Sanaysay (Kampeon), Balagtasan (Ikalawang
Karangalan), at Festival of Plays (Best Actor).

Ilan sa mga paaralang pinagturuan niya ay: St. Benedict School of Novaliches,
Our Lady of Fatima University, QC, Colegio de Sta. Teresa de Avila, Sampaguita High
School, at sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa Caloocan City Business High School-
Senior High School.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
5
Mahilig siyang sumulat ng iba’t ibang genre ng panitikan at ito’y kaniyang
ipinapaskil sa kaniyang Facebook account. Sa katunayan, siya ay nakabuo na ng
antolohiya na umani ng maraming reaksyon, likes, at shares sa kaniyang Facebook
page na The Diary. Kilala rin siya sa taguring Ginoong Marikit dahil ito ang ginagamit
niyang ngalan sa kaniyang mga obra.

Sa kasalukuyan, siya ay aktibo sa paggawa ng mga lecture videos na may


kaugnayan sa Wika, Kultura, at Panitikang Filipino na kaniya namang ipinapaskil at
ibinabahagi sa kaniyang Youtube Channel na Ginoong Marikit at sa kaniyang
Facebook page na Filipiknow Lecture Series. Layunin niyang makapagbahagi ng
karunungan sa lahat kaugnay sa Filipino. Ang adbokasiyang ito ay bunsod ng pag-
abolisa sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Paglinang ng Talasalitaan


Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang teknikal na nakita/nabasa sa
ating aralin. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. (2 puntos bawat aytem)

1. Marketing Tool- ginagamit bilang pang-akit o panghikayat upang tangkilikin ang


isang partikular na produkto.

2. Academic Career- may kaugnayan sa takbo ng karera sa akademiya, mga


nakamit sa larang ng edukasyon, mga kontribusyon sa larangan ng edukasyon
at iba pa.

3. Kredibilidad- pagiging katiwa-tiwala sa isang indibidwal.

4. Personal Profile- mga impormasyong may kaugnayan sa iyong sarili.

5. Kuwalipikasyon- mga impormasyong pansarili na magpapatunay na ikaw ay


angkop sa trabahong papasukin.

Gawain 1.2 Character Profiling


Bilang panimulang pagsasanay, nais kong kapanayamin mo ang isa sa mga
miyembro ng iyong pamilya at itala ang kaniyang personal na impormasyon na
nababatay sa nakabaligtad na tatsulok.

Tandaan: Pinakamahalagang
Impormasyon

Mahalagang
Impormasyon

Hindi Gaanong
Mahalagang Impormasyon

Itala sa mga patlang ang impormasyong nakalap:

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
6

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman.

Tandaan

Matapos mong pag-aralan ang mga mahahalagang bagay sa pagsulat ng


isang Bionote, narito ang mga dapat mong tandaan.

Ang Bionote
1. Ang Bionote ay isang akademikong sulatin na kinapalolooban ng
mahahalagang impormasyon ukol sa isang manunulat.
2. Ang mga dapat na nilalaman ng isang Bionote ay: Personal na Impormasyon,
Kaligirang Pang-edukasyon, at Ambag sa Larang Kinabibilangan.
3. Ang isang mahusay na Bionote ay: maikli ang nilalaman, gumagamit ng
pangatlong panauhan, kinikilala ang mambabasa, gumagamit ng baligtad na
tatsulok, nakatuon lamang sa angkop na kasanayan, binabanggit ang degri, at
maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sumulat ng Bionote patungkol sa iyong sarili. Ilapat ang iyong mga natutuhan sa
ating aralin.

Pamantayan Bigat Marka

Nakasusulat ng organisado, 20
malikhain, at kapani-
paniwalang sulatin
Nakasusunod sa istilo at 30
teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin at may
isang mahusay na
pangkalahatang impresiyon.
Kabuoan 50

Mamarkahan ang iyong isinagawang Bionote gamit itong pamantayan:

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
7

Pangwakas na Pagsusulit

Ipaliwanag nang buong husay ang mga sumusunod na katanungan: (5 puntos


bawat aytem)

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng Bionote sa isang aklat o babasahin?

2. Magbigay ng tatlong (3) mahahalagang bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng


Bionote.

3. Ano-ano ang mga katangian ng isang mahusay na Bionote?

Pagninilay

Magsaliksik ng 3 halimbawa ng Bionote ng alinman sa mga sumusunod na


larangan at suriin ang pangkalahatang pagkakaiba ng mga ito. Idikit ang mga
nasalisik na halimbawa sa bond paper at lakipan ng paliwanag ayon sa
isinagawang pagsusuri.
• Sosiyolohiya
• Sikolohiya
• Kriminolohiya
• Accountancy
• Panitikan

Pamantayan sa Pagmamarka:

Pamantayan Bigat Marka

Nakapagsasaliksik ng wastong 40
halimbawa ng Bionote ayon sa
mga ibinigay na larangan.
Nasusuri nang buong husay ang 60
pagkakaiba ng mga nasaliksik
na halimbawa ng Bionote.
Kabuoan 100

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung


mayroong bahagi sa modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring
makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
8
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)-
SAGUTANG PAPEL
Quarter 1- Week 6
Pangalan: Guro:
Baitang at Seksyon: Iskor:
Paunang Pagsubok Pag-alam sa Natutuhan

1 6
2 7
3 8
4 9
5 10
Balik-tanaw
1
2
3
4
5
Mga Gawain Pangwakas na Pagsusulit
Gawain 1.1
1 ____________________________
____________________________
2 ____________________________
3 ____________________________
4 ____________________________
____________________________
5 ____________________________
____________________________
Gawain 1.2 ____________________________

____________________________
____________________________ Pagninilay
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
9

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo
10

Modyul sa Senior High School - Filipino


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Akademik)
Unang Markahan: Ikaanim Linggo

You might also like