You are on page 1of 5

Pagtukoy sa Iba’t Ibang Uri ng

Aralin
7
Akademikong Sulatin
(Sintesis/Buod)
Layunin: Natutukoy ang mahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng
sintesis na napag-usapan. (CS_FA11/12PN-0j-I-92)

Tungkol saan ang aralin na ito?


Sa araling ito, Ipaliliwanag sa mga mag-aaral ang pagtukoy sa wastong pamamaraan sa
pagsulat ng isang sintesis. Ilan sa mga ipauunawa ay ang pagbuo ng paglalahad sa iba't ibang
paksa na nabasa o narinig, Kakayahang mapagsama-sama ang iba't ibang bahagi para makabuo
ng isang bagong anyo ng kaalaman - ang paglilipat ng buong kahulugan ng teksto mula sa orihinal
na wika patungo sa ibang wika. Ang iba’t ibang uri ng akademikong sulatin na makatutulong sa
kanilang kasanayan sa pagsulat upang mahasa ang kanilang kakayahan sa pagbuo ng ilang mga
pahayag sa tulong ng wikang umiiral sa kasalukuyan. Ang akademikong pagsulat ay isang
intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mag-
aaral sa paaralan gaya ng kritikal na sanaysay, term paper o pamanahong papel, lab report at
eksperimento. Isa sa mga batayang ng akademikong pagsulat ay ang masistemang paggamit ng
mga grapikong marka na kumakatawan sa ispesipikong lingguwistikong pahayag na madaling
makaunawa sa paraan ng pagbuo sa isipan ng isang tao sapagkat ito ay isang paraan ng
pagrereserba ng wika na ang pinakalayunin ay magpabatid, mang-aliw at makapanghikayat. Kaya’t
ang modyul na ito ay daan upang unti-unting ipaunawa ang proseso ng pagkatuto sa araling
tatalakayin sa paksang ito.
I. Tuklasin
Panuto: Pansinin ang mga titk na nasa loob ng kahon, magbigay ng salita o parirala sa
bawat titik sa pamamagitan ng AKRONIM. Isulat sa loob ng kahon ang iyong kasagutan.

S I N T E S I S

Pamprosesong Tanong:
➢ Ano ba ang inyong nalalaman mula sa salitang sintesis o pagbubuod?

II. Isaisip

Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa at panonood. Sa pamamagitan kasi ng


mga ito, nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak ang saklaw ng pagkatuto di lamang sa
sariling kultura, kapaligiran, at pamumuhay kundi sa mga lugar sa ibayong-dagat at rnaging sa labas
ng ating daigdig.
Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin
sa Ingles ay put together o combine (Harper 2016). Samantalang sa wikang Filipino ay -Syn =
kasama, magkasama; -tithenai = ilagay, sama-samang ilagay. Makikita ang prosesong ito sa mga
pagkakataong, halimbawa, pag-uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan hindi posible ang
pagbanggit sa bawat kabanata at nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang kahulugan,
layunin, at kongklusyon ng libro. Sa larangan ng Pilosopiya, ang sintesis ay bahagi metodong
diyalektikal ni Georj Wilhemn Friedrich Hegel kaugnay sa pagbuo ng katwiran.
Ang sintesis/buod ay kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan
ng buod ang mga maiklling kwento, mahabang akademikong sulatin at / o kaya naman iba pang
tuluyan o prosa. Isang ebalwasyon o pagsusuri ang sintesis. Inaanalisa’t sinusuri nito ang ebidensya
ng isang partikular na paksa na ginamit upang makatulong sa pagpapasya sa pagbuo ng mga
patakaran. Isa itong pamamaraan kung saan ang isang manunulat, akda, at / o tagapagsalita ay
sinasabi ang mga orihinal na teksto sa mas buod at mas maikling paliwanag pero dapat ay sa
kumpleto at detalyadong paraan. Ang pagbubuod o pagsusulat ng isang sintesis ay di lamang
pagpuputol-putol ng mga pangyayari o hindi lamang basta-bastang pagbabanghay. Ito ay dapat
mas malikhaing paraan kung saan ang mga pinakaimportanteng bahagi ay naibabahagi sa sintesis
sa pamamagitan ng iba pang mga pahayag, salita o mga kataga. Ang mga impormasyon at detalye
sa sintesis ay matagumpay na naipapasa at naipapahayag kahit hindi kasing haba ng orihinal na
teksto ang pagbubuod na gagawin. Madalas na nalilimitahan ng oras ang pagbabahagi ng kaalaman
sa iba’t ibang dahilan. Maaaring oras sa klase, oras ng kuwentuhan, o sukat ng panahon para sa
pagsulat at pagbasa ng artikulo kung nasa anyong babasahin ang pagbibigay ng kaalaman. Sa
ganitong kalagayan, makikita ang kahalagahan na rnatutuhan ang paraan ng paglalagom o
pagbubuod na tinatawag na pagbibigay ng sintesis. Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis ay
ang pagsasama-sama ng mga impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang
napakahabang libro, mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa
sandaling panahon lamang.
III. Mga Gawain
A. Gawain 1: Maraming Pagpipilian (Multiple Choices)
Panuto: Subukan nga natin ang iyong kakayahan sa pagkilala at pagtukoy sa mahalagang
impormasyon tungkol sa pagsulat ng isang akademikong sulatin (sintesis/buod). Tara na’t
basahin at unawain ang isang pagbubuod na ginawa sa isang kwento tungkol sa BAGONG
PARAISO ni Efren Reyes. Basahin at unawain ang mga pahayag. Sagutin ang mga kaugnay
na tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot

BUOD NG SA BAGONG PARAISO


Ang kwentong ito ay tungkol sa magkababatang sina Ariel at Cleofe na nasanay sa
kaluwagan noong sila ay mga bata pa lamang at nang sila ay nasa hustong isip na nakaramdam
ng malaking pagkakaiba sa kanilang kalayaan. Ang kanilang kamusmusan sa mundo na ang
itinuturing na paraiso ay ang malawak na damuhan at dalampasigan. Nagsimula silang
pagbawalan sa madalas nilang pagkikita nang sila ay maging ganap na binata at dalaga na.
Ang payo ng kanilang mga magulang ay atupagin ang kanilang pag – aaral upang
maluwalhating makapagtapos. Dahil sa labis na pagiging malapit sa isa’t isa, nagawa ng dalawa
na suwayin ang bilin ng kanilang mga magulang. Ang tila magkaibigang turingan ay nauwi sa
hindi inaasahan sapagkat si Cleofe ay nagdalang – tao matapos na may mangyari sa kanila ni
Ariel.
Ang kanilang kamumusan ay mabilis na pinawi ng mga pagbabagong pisikal at
emosyonal. Nagawa ng dalawa na buwagin ang pader na naghihiwalay sa kanila at namulat sa
katotohanang sila ay hindi na nga mga bata. Maraming pagbabagong pisikal ang kanilang
naranasan tulad na lamang ng paglaki ng boses ni Ariel at ang kaniyang kamulatan sa pagiging
ganap na lalaki. Samantalang si Cleofe naman ay natutunan na meron siyang kakayahang
magsilang ng isang sanggol mula ng siya ay magkaroon ng kanyang buwanang dalaw. Nabatid
din niya na hindi biro ang nangyari sa pagitan nila ni Ariel.
Sa pagtatapos ng kwento, naihambing ng dalawang bata ang paraisong kanilang
kinalulugdan noon na makikita sa malawak na damuhan at dalampasigan sa di – kalayuan ng
kanilang tahanan at ang paraisong natagpuan nila sa piling ng isa’t – isa. Ngunit, ang malaiking
bahagi ng kanilang kamulatan ay ang katotohanang hindi na sila maari pang umasal bilang mga
bata. Sila, tulad ng kanilang mga magulang ay magkakaroon na rin ng panibagong
responsibilidad.
Ang buhay na nasa sinapupunan ni Cleofe ay ang patunay na sila ni Ariel ay minsang
naging kapos
_____1. Sino ang pang – unawa
satinutukoy sa mga bilin ng
na magkababatang kanilang
kapatid sa mga magulang.
kuwento?
https://www.scribd.com/document/430193642/Pag-Lala-Pat
A. Ariel at Cleofe B. Areil at Cleofe C.
Ariel at Cloefe D. Areil at Cloefe
_____ 2. Ano ang kanilang nakasanayan noong sila ay bata pa?
A. kahirapan B. kasaganahan
C. kaluwagan D. kayamanan
_____3. Ang kanilang kamusmusan sa mundo ay itinuturing na isang:
A. palasyo B. paraiso
C. paraluman D. palaisdaan
_____4. Ang nagbigay ng payo na atupagin ang kanilang pag – aaral upang maluwalhating
makapagtapos, dahil sa labis na pagiging malapit sa isa’t isa, nagawa ng dalawa na suwayin
ang bilin at payo niya.
A. guro B. kamag-anak C. kaibigan D. magulang
_____5. Ang buhay na nasa sinapupunan ni Cleofe ay ang patunay na sila ni Ariel ay minsang
naging kapos sa pang – unawa sa mga bilin ng kanilang mga magulang. Ang tinutukoy ng pahayag
na may salungguhit ay:
A. Si Cleofe ay nagdadalang-tao
B. Masakit ang tiyan ni Cleofe
C. Si Cleofe ay may nararamdamang sakit
D. Nasa panganib ang buhay ni Cleofe
GAWAIN 2:

Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot na makikita sa loob ng kahon batay sa kaalamang
natutunan tungkol sa pagsulat ng buod at sintesis. Pagkatapos, isulat ang titik sa patlang na nasa
kaliwa.
A. KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGBUBUOD
B. HAKBANG SA PAGSULAT NG PAGBUBUOD
C. KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS
D. HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

___________1. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at


gumagamit ng iba’t ibang estruktura at pahayag.
___________2. Nagtataglay ng obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
___________3. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at
ang pangunahing paliwanag sa bawat ideya.
___________4. Linawin ang layunin ng pagsulat.
___________5. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Hindi nagsasama ng mga
halimbawa, detalye, o impormasyongwala sa orihinal na teksto.
___________6. Kung gumamit ng unang panuhan ang awtor, palitan ang kanyang
apelyido, ng “Ang manunulat”, o “siya”.
___________7. Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at
napaialalim nito ang pagunawa ngnagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.
___________8. Isulat ang unang burador.
___________9. Ilista ang sanggunian.
___________10. Ayusin ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.

IV. Tayahin

Panuto: Basahin ang bawat aytem at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o
nabasang artikulo, balita, aklat, panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.
A. Abstrak B. Bionote C. Buod D. Talumpati
2. Ang sintesis ay isang akademikong sulatin na kalimitang ginagamit sa tekstong:
A. Argumentatibo B. Deksriptibo C. Impormatibo D. Naratibo
3. Sa pagbibigay ng sintesis makikita ang kahalagahan na natutuhan ang paraan ng:
A. Pagbubuod B. Pagtalakay C. Prediksyon D. Presentasyon
4. Sa madaling pagpapaliwanag, ang sintesis ay ang pagsasama-sama ng mga:
A. impormasyon at mahahalagang punto
B. ideya upang mabuod ang napakahabang libro
C. mabuo ang isang bagong kaalaman at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon
lamang.
D. impormasyon, mahahalagang punto, at ideya upang mabuod ang napakahabang libro,
mabuo ang isang bagong kaalaman, at maipasa ang kaalamang ito sa sandaling panahon
lamang
5. Sa larangan ng Pilosopiya, ang sintesis ay bahagi metodong:
A. diyalektikal B. Etnolektikal C. Idyolektikal D. Sosyolektikal
6. Si Georj Wihhemn Friedrich Hegel ang nagbahagi na ang sintesis ay kaugnay sa
pagbuo ng katwiran, ito ay mula sa laranagna ng:
A. Eksperimento B. Medisina C. Pilosopiya D. Realidad
7. Ang mga sumusunod ay dapat sundin sa pagsulat maliban sa:
A. Kredibilidad C. Magbigay ng sariling argumento
B. Isangguni sa mas nakakaalam D. Maglagay ng angkop na panitikan
8. Mahalaga ang pagsulat ng sintesis at buod upang higit na maunawaan ang kahulugan
ng:
A. binasa o pinakinggang panayam o sulatin.
B. pinanood na panayam sa telebisyon
C. pinakinggang interbyu sa radyo
D. tinalang impormasyon sa panayam
9. Ang pagkaunawa sa isang sulatin ay higit na magiging sistematiko at:
A. maayos B. malaman C. matibay D. organisado
10. Isa sa mga paraan upang matiyak ang mga akademikong institusyon na nagbasa at
naunawaan ng mga mag-aaral ang kanilang binasa.
A. Pagbabasa B. Pagbubuod C. Paghahawig D. Paglalagom
11. Sila ang nagtala ng 3 mahigpit na pangangailangan sa pagsulat ng isang buod.
A. Georj Friedrich C. Ingrid Butch
B. Harter Wilhem D. Swales at Feat
12. Ito ay pagsasama ng dalawa o higit pang buod at paggawa ng koneksyon sa pagitan
ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
A. Abstrak B. Bionote C. Buod D. Sintesis
13. Ito ay sulating naglalayong tulungan ang nagbabasa o nakikinig na lalong
maunawaan ang mga bagay na tinatalakay at gumagamit ng paglalarawan sa paraang
obhetibo.
A. Argumentativ Sintesis C. Eksporitori Sintesis
B. Eksplenatori Sintesis D. Prosidyural Sintesis
14. Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.
A. Argumentativ Sintesis C. Ekspositori Sintesis
B. Eksplenatori Sintesis D. Prosidyural Sintesis
15. Nangangailang pagsamahin ang ang sanligang impormasyon ukol sa isang paksa.
karaniwang inaayos ayon sa tema at hindi ayon sa paksa.
A. Background Synthesis C. Synthesis for the Literature
B. Driven Synthesis D. Thesis Driven Synthe
V. Karagdagang Gawain

Upang mas mapalalim pa ang kaalaman tungkol sa kahulugan at katangian ng sintesis o


buod bilang isa sa akademikong sulatin na naglalahad sa pagsulat sagutan sa pamamagitan ng
pagsunod-sunurin ang mahahalagang pangyayari sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1
hanggang 10. Pagkatapos, ipaliwanag ang kahalagahan ng gawaing ito sa pagsulat ng buod.
_____Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.
_____Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo sa dagat.
_____Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay naipangako niyang
dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang Amanpulo.
_____Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na lamang silang
napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran.
_____Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na dadalhin.
_____Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak.
_____Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa gitna ng dagat.
_____Nakikita nilang Iumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa dalampasigan.
_____Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rurnagasa ang higanteng alon at sila
ay sinaklot at tinangay.
_____Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na laman ng sariwang
balita.

You might also like