You are on page 1of 2

QUINLOGAN SENIOR HIGH SCHOOL

Quinlogan, Quezon Palawan


School Year 2018- 2019
2nd Semester

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK


SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at Piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay isang tekstong kinakailangan ng mahusay na pagtatanggol ng manunulat.


a. Tekstong argumentatibo b. tekstong prosidyural c. tekstong naratibo
d. pananaliksik
2. Ito ay uri ng teksto na naglalahad ng impormasyon at instruksyon.
a. tekstong prosidyural b. tekstong impormatibo c. tekstong deskriptibo
d. pananaliksik
3. ito ay paraan ng pagtuklas ng mga partikular na katanungan ng tao tungkol sa kanyang
lipunan o kapaligiran .
a. Pananaliksik b.metodo c.protokol d. prosidyural
4. ito ay pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na isinasagawa.

a. kagamitan b. ebalwasyon c. layunin d. metodo

5. ito ay serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.

a. eblwasyon b. kagamitan c. metodo d. layunin

6. Ito ay ang tekstong, magsasalaysay o pagkukwento batay sa isang tiyak na pangyayari, hindi.

a. Tekstong naratibo b. Tekstong persuweysib c. Tekstong Oryentasyon d. Paksa

7.Ito ay isang uri ng di-piksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-

ayon sa manunulat hinggil sa isang isyu.

a. Tekstong persuweysib b. Tekstong naratibo c. anotasyon d. tekstong Oryentasyon


8. Nakapaloob dito ang kapaligiran ng mga tauhan, linan o setting, at oras o panahon kung kalian
nangyayari ang kwento.
a. Oryentasyon b. Narasyon c. Diyalogo d. Kwento
9. Ito ay ang pagpili ng mahalaga at makabuluhan kahit na nakabatay sa personal na karanasan.
a. Paksa b. Estruktura c. Primarya d. Diyalogo
10. Ito ay kailangang malinaw at lohikal ang kabuang estruktura ng kwento.
a. Estruktura b. paksa c. Diyalogo d. primarya

II.Panuto: Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinapahayag sa sumusunod na pahayag at M kung
hindi. Kung M ang sagot , ipaliwanag kung bakit mali ang pahayag.(2pts.)
1. __________ Hindi maituturing na maka-Pilipinong pananaliksik ang isang paksa kunghindi ito
gagawin sa kumonidad.
2. __________ Maaring pumili ng tanong sa pananaliksik na sa Internet lamang makikita ang
kasagotan bukod tangi sa atin.
3. __________ Maraming hamon sa mga mananaliksik na gagawa ng maka-Pilipinong pananaliksik
kung kaya’t kailangan niya munang hintayig mamulat na ang mga Pilipinong iskolar bago ito
gawin.
4. __________ Ayon kay Neuman 1997, ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga partikulara n katanungan ng tao tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.
5. __________ Bukod sa mga dakilang layunin ng pananaliksik maraming kapakinabangan ang
mananaliksik mula sa proseso ng pagtuklas.
6. Hindi maapektuhan ng pagtanggal sa kursong Pilipino sa kolehiyo ang pananaliksik na maka-
Pilipino.
7. __________ Ang anomang kaalaman na nakuha mula sa masa ay kinakailangang suriin ng
mananaliksik ngunit hindi na kailangan pang ibalik o ibahagi sa kanila.
8. Nagbibigay ng bigat na halaga ang pamimili ng angkop na wika at paksa sa pananaliksik.
9. __________ Nalilimitahan din ang paksa sa pamamagitan ng pamimili ng panibagong
populasyon ng pananaliksik kahit duplikasyon lamang ito ng nakaraang pananaliksik.
10. __________ Maaring paliitin ang paksa sa pamamagitan ng pagpili ng ibang disenyo ng
pananaliksik.
11. __________ Mahalaga ang mahusay na pagbibigay ng dekripsiyon at narasyon sa paggawa ng
teksyong prosidyural.
12. __________ Ang protokol ay naglalaaman ng mga gabay kung paanong isasagawa ang isang
bagay at kailangang may pagkasunod-sunod.
13. __________ Ang gamit ng wika ay nakabataysa kung anong larangan kabilang ang teksto. Kung sa
siyensya at medisina, hindi maiiwasan ang paggamit ng mabigat na wika.
14. __________ Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga
tekstong prosidyural.
15. __________ Mahalaga ang mahusay na pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng
tekstong prosidyural.

III. Maglahad ng mga pagkakataon o sitwasyon na nangangailangan ng iyong pangangatuwiran. Tiyaking


malinaw ang proposisyon at ang iyong mga argumento . Isulat sa ibaba ang iyong karanasan sa bawat
sitwasyon.(2pts.)

1. Sa Pamilya-
2. Sa Barkada-
3. Sa PaaralaN-

IV. Ipaliwanag(5pts.)

1. Ano ang katangian ng wikang dapat gamitin sa isang tekstong prosidyural.


2. Paanong Magiging ligtas sa Paggamit ng Internet?

You might also like