You are on page 1of 6

Pagsulat ng Panukalang Proyekto

TUKLASIN NATIN...

Ayon kay Dr. Phil Bartle ng The Communication Empowerment Collective, isang
samahang tumutulong sa mga non-governmental organizations (NGO) sa paglikha ng
mga pag-aaral sa pangangalap ng pondo, ang panukala ay isang proposal na
naglalayong ilatag ang mga plano o adhikain para isa komunidad o samahan.
Nangangahulugang ito’y kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng
gawain ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nitong siyang tatanggap at
magpapatibay nito. Ayon naman kay Besim Nebiu, may-akda ng Developing Skills of
NGO Project Proposal Writnig, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong
deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang problema o
suliranin.
Mahalagang maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo ng panukalang proyekto.
Kaya naman, masasabing ang paggawa nito ay nangangailangan ng kaalaman,
kasanayan, at maging sapat na pagsasanay. Una sa lahat , ito ay kailangang maging
tapat na dokumento na ang pangunahing layunin ay makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago. Ayon kay Bartle (2011), kailangang nitong magbigay ng
impormasyon at makahikayat ng positibong pagtugon mula sa pinag-uukulan nito.
Walang lugar sa sulating ito ang pagsesermon pagyayabang o panlilinlang ,sa halip ito
ay kailangang maging tapat at totoo sa layunin.

KAHULUGAN NG PANUKALANG PROYEKTO


Ang panukalang proyekto ay karaniwang gawain ng mga taong nanunungkulan sa
pamahalaan o pribadong kumpanya na naghahain ng bagong programa o mga gawain
na layunin na magbigay ng dagdag na kita, trabaho o kaayusan sa pamayanan at iba pa.
Ang panukalang proyekto rin ay isang uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para
maipaliwanag at kumbinsihin ang namumuhunan o sponsor. Ang mga pakay ng
proyekto na ito ay kadalasang solusyon sa iba't ibang oportunidad o problema ng ating
bayan. Mahalaga na mainam na pagsulat ng panukalang proyekto dahil dito binabatay
ang ideya na minsan ay umaabot ng malaking halaga.
Sa pagsulat ng isang panukalang proyekto, ito ang mga katanungan ang dapat isaalang-
alang sa paghahanda nito:
1. Ano ang nais mong maging proyekto?
2. Ano ang mga layunin mo sa panukalang proyekto?
3. Kailan at saan mo ito dapat isagawa?
4. Paano mo ito isasagawa?
5. Gaano katagal mo itong gagawin?
6. May sapat bang puhunan o kapital para sa proyekto?

ANG MGA DAPAT GAWIN SA PAGSULAT NG PANUKALANG PROYEKTO


Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner sa kanilang aklat na “A Guide to Proposal
Planning and Writing,” sa pagsasagawa ng panukalang papel, ay kailangang magtaglay
ng talong mahahalagang bahagi at ito ay ang sumusunod:

1. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


• Tukuyin ang pangangailangan ng komunidad, samahan, paaralan, klasrum, o
kompanyang paguukulan ng project proposal upang makatulong at makalikha ng
positibong pagbabago.
• Gawing tiyak ,napapanahon, at akma ang gagawing panukalang proyekto.
• Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.
• Ang panukalang proyekto ay isang nakasulat na mungkahi at siyang ihaharap sa
mga taong makatutulong sa pagkamit ng layunin para sa pamayanan.
• Ang panimula, ang unang bahagi ng iyong panukalang proyekto, ang magiging
paksa ng araling ito. Dito mo tutukuyin ang kaukulang pangangailangan ng iyong
pamayanan. Batay dito, maaari mo nang mailahad ang layunin ng iyong proposal.
Dapat ay nakasaad din kung bakit mo ipinapalagay na ito ay mahalagang
pangangailangan.
• Ang bahaging ito ay dapat na maikli lamang ngunit malinaw at direkta ang punto.
Dapat na nakapaloob dito ang paglalarawan ng iyong pamayanan at kung paanong
makatutulong sa pangangailangan ng pamayanan ang panukalang proyektong
iyong ibinigay.
HALIMBAWA
Suliranin # 1 Paglaganap ng sakit
Suliranin # 2 Kakulangan ng
na dengue
suplay ng tubig
Mga bagay na kakailanganin:
Mga bagay na kakailanganin:
a. Pagtuturo sa mga
a. Pagtuturo sa mga
mamamayan tungkol sa
mamamayan sa wastong
pangangalaga
paggamit
sa kalinisan ng
at pagtitipid ng
kapaligiran upang maiwasan ang
tubig
dengue
b. Pagpapagawa ng poso
b. Pagsagawa ng fumigation
para sa bawat purok ng barangay.
apat nab eses sa isang tao.

2. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


Ito ay binubuo ng:
A. Layunin - Kailangang maging tiyak at isulat batay sa inaasahang resulta ng
panukalang proyekto. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2005) , ang
layunin ay kailangang maging SIMPLE.
• Specific – bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
• Immediate – tiyak na petsa kung kailan ito matatapos
• Measurable – may basehan o patunay na naisakatutuparan ang nasabing proyekto
• Practical - solusyon sa suliranin
• Logical - paraan kung paano makakamit ang proyekto
• Evaluable – nasusukat kung paano makatutulong ang proyekto.

B. Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buuin
ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa
upang malutas ang suliranin. Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito kasama ang mga taong kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan at kailangang
ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito. Makakatulong kung gagamit ng tsart o
kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.
Plano ng Paggawa ng Breakwater o Pader para sa Ilog ng Barangay
Bacao

1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)


2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga kontraktor o mangongontrata sa paggawa
ng breakwater o pader (2 linggo)
▪ Ang mga kontraktor ay inaasahang magpapasa o magsusumite ng
kanikanilang tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang
gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng kontraktor na gagawa
ng breakwater. (1 araw )
▪ Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng
napiling kontraktor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay
Bacao (3 buwan)

C. Badyet – pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ang


badyet ay ang talaan ng mga gastusin ( tulad materyales at sweldo sa manggagawa,
allowance sa magbabantay at iba pang kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin.
Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang makatipid sa mga gugugulin. Maaaring
magsagawa ng bidding sa mga kontraktor na kadalasan ay may panukalang budget para
sa gagawing proyekto. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder na
pagpipilian.Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa kontraktor na magbibigay ng
pinakamababang halaga ng badyet.Sa mga karagdagang kagamitan o materyales ,mas
makabubuti kung maghahanap muna ng murang bilihan para makatipid din sa mga
gastusin. Huwag ding kaligtaang isama sa talaan ng badyet ang iba pang mga gastusin
tulad ng sweldo ng mga manggagawa ,.allowance para sa mga magbabantay sa
pagsasagawa nito. Ano ang natutuhan mo sa paghahanda ng isang panukalang badyet?
Sa palagay mo ba ay mahirap itong gawin? Hindi ito mahirap kung isasaisip mo ang mga
sumusunod:

1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng


ahensiyang magtataguyod ang mga bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng
gastusin ay dapat na malinaw ang pagkakasaad.
2. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon
sa klasipikasyon ng mga ito. Siguraduhing nakahanay ang mga halaga upang
madaling sumahin ito.
3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin
ang mga bagay na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan
upang makasama ang iyong panukala sa kanilang itataguyod. Sa ganitong paraan mas
malaki ang tsansang maaprobahan ang iyong proyekto. Maaari ka ring manghingi ng
kopya ng mga naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang gawa mo.

4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang
nagtataguyod ng mga proyekto ay kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa
itataguyod nilang proposal.

5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong


integridad at karapat-dapatna pagtitiwala para sa iyo.

3. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito.


Mahalagang maging espesipiko sa tiyak na grupo ng tao o samahang makikinabang sa
pagsasakatuparan ng layunin hal. Mga bata, mamamayan, kababaihan, magsasaka,
mahihirap na pamilya, mga negosyante at iba pa.Maaari na ring isama sa bahaging ito
ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala. Sa bahaging ito, ay maaaring ilahad
ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang proyekto.
Tunghayan ang halimbawang nakasulat sa ibaba.

Paano Mapakinabangan ng Barangay Bacao ang panukalang proyekto?

Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa


lahat ng mamamayan ng Brgy.Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa
panganib na dulot ng baha ay masoso-lusyunan. Di na makararanas ang mga
mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga kagamitan na tunay na
nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit sa lahat,
magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan
dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng mga opapatayong
mga pader.
BALANGKAS NG PANUKALANG PROYEKTO

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto -


Hinango sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin

2. Nagpadala-tirahan ng sumulat ng paanukalang proyekto

3. Petsa -
Araw kung kailan ipinasa ang panukalang papel isinama na rin kung gaano katagal
gagawin ang proyekto.
4. Pagpapahayag ng Suliranin -
Nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang
pangangailangan,
5. Layunin –
Dahilan o kahalagahan kung bakit isagawa ang panukala
6. Plano na dapat gawin -
Talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing para pagsasakatuparan ng
proyekto gayundin ang petsa at bilang ng araw na gagawin ang bawat isa.
7. Badyet -
Kalkulasyon ng mga guguling gagamiti sa pagpapagawa ng proyekto
8. Paano mapakinabangan ng pamayanan o samahan ang panukalang proyekto
- Konklusyon ng panukala kung saan nakasaad dito ang mga taong makikinabang
ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.

You might also like