You are on page 1of 41

TUNGKULIN AT

RESPONSIBILIDA
D NG
MANANALIKSIK
INTRODUKSYON
Tulad ng anumang gawain, ang
pananaliksik ay isang malaki at mabigat
na responsibilidad.May mga katangian,
pagpapahalaga at konsiderasyong dapat
malaman at mabigyang halaga ng
mananaliksik.
Ang Mananaliksik sa
Larangan ng
Pananaliksik
Malaki ang papel mo bilang
mananaliksik sa paggawa ng
pananaliksik.Nakasalalay sa iyo ang
kredibilidad ng iyong gagawin/ginagawa.

Dahil sa malaki ang papel


mo bilang mananaliksik, may
mga inaasahang katangian
na dapat mong angkinin.
Sa pag-aaral mo sa unibersidad, ang pagiging
matiyaga, masipag, at maparaan ay nakakatulong sa
lalong ikahuhusay ng iyong pag-aaral.Ang mga
katangiang ito ay lalo mo pang kakailanganin sa
gawaing pananaliksik.

Gayundin, kailangan ang ingat, katapatan,


pagiging sistematiko, mapanuri, kritikal at
responsible.Medyo mabigat ang tungkulin ng
mananaliksik, pero kaya mo ito.Linawin pa natin.
KATANGIAN NG MANUNULAT/MANANALIKSIK
Matiyaga
Maparaan
Sistematiko
Maingat
Analitikal
Matapat
Responsable
Kailangan mong maging:
Matiyaga sa paghahanap ng mga datos
01 mula sa iba’t ibang mapagkukunan maging
ito’y sa aklatan, upisina, institusyon, tao,
media, komunidad at maging sa Internet;

Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi


02 mdaling kunin at nag-iisip ng sariling paraan
para makuha ang mga ito;
03 Sistematiko sa paghahanap ng materyales,
sa pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul
ng mga gawain tungo sa pagbubuo ng
pananaliksik. Kailangang nakaprograma ang
mga gagawin para hindi masayang ang
panahon. Sa kursong ito, halimbawa, isang
semestre lang ang panahong ibinibigay sa
iyo para matapos mo ang pananaliksik;
04 Maingat sa pagpili ng mga datos
batay sa katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkunan sa
pagsiguro na lahat ng panig ay
sinisiyasat; at sa pagbibigay ng
mga konklusyon, interpretasyon,
komento at rekomendasyon.
04 Maingat sa pagpili ng mga datos
batay sa katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkunan sa
pagsiguro na lahat ng panig ay
sinisiyasat; at sa pagbibigay ng
mga konklusyon, interpretasyon,
komento at rekomendasyon.
04 Maingat
• Ang katotohanan ay mahirap pasubalian
kung ito’y napatunayan ng mga ebidensya.
Halimbawa, ang isang pangunahing
dokumento na may awtentikong pirma ay
mas solido at matibay na patunay kaysa sa
sekondaryong dokumento ng pahayag ng
isang tagamasid lamang;
04 Maingat
• Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay
napapatunayan sa motibo, awtoridad, at
realidad (pagiging totoo) ng datos.
Halimbawa, lalong may kredibilidad ang
sinulat ng isang historyan kaysa ng isang
matematisyan kung tungkol sa yugto ng
kasaysayan ang datos;
04 Maingat
• Lahat ng panig ay sinisiyasat kung
matiyagang hahanapin ang lahat ng
datos ukol sa paksa kahit na may
makitang negatibong epekto sa
ginagawang pananaliksik;
04 Maingat
• Ang mga konklusyon, interpretasyon, puna at
rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o
ibibigay kung hindi mo pa nabibistay, natitimbang, at
nasusuri ang mga argumento at mga batayang
datos. Hlimbawa, hindi ka basta gagawa ng
konklusyon na TV ang dahilan ng bayolenteng
pagkilos o karahasan ng kabataan ngayon
kunghindi ito napatunayan ng mga datos at hindi mo
nasuri ang mga argumento.
05
Analitikal sa mga datos at interpretasyon
ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na
paksa. Halimbawa, analitikal ka kung
malinaw mong nakita na ang isyu ng rape
ay may iba’t ibang dimensyon – pisikal,
emosyonal, moral, ekonomiko, sosyal at
politikal.
06
Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at
rekomendasyon sa paksa. Hindi lahat ng datos at mga pagaaral
ay basta mo tinatanggap kung hindi sinusuri muna at tintingnan
ang mga implikasyon, kabuluhan, pinagmulan, at kaugnayan ng
isang ideya sa iba pang ideya o kaya’y ng mga partikular na
ideya sa kabuuang ideya. Halimbawa, magiging kritikal ka kung
makikita mo na ang EDSA Revolution ay hindi lamang isang
pangyayaring naganap noon Pebrro 25, 1986 kungdi bunga ito
ng matagal na panahon ng paninikil sa karapatan, kolonyalismo,
at iba pang mga kadahilanan;
Matapat sa pagsasabing may
nagawa nang pag-aaral ukol sa
paksang pinag-aaralan mo; sa
pagkuha ng mga datos nang walang
itinatago/iniiwasan/ipinagkakaila nang
walang pagkilala at permiso sa
kinunan; at sa pagtanggap sa
limitasyon ng pananaliksik.
Halimbawa, dapat mong banggitin na
may nagawa nang pag-aaral ukol sa iyong
paksang “Isang Pag-aaral sa Persepsyon sa
Kababaihan sa mga Nobela ni Amado V.
Hernanadez” kung kaya ang aspektong hindi pa
natatalakay ang siya mo na lang
talakayin.Banggitin mo din kung sino ang
gumawa ng gayong pag-aaral kasama ang
ibang impormasyon ukol dito.
Responsable sa paggamit
ng mga nakuhang datos, sa mga
tao/institusyong pinakunan mo ng mga
ito, at sa pagsisigurong maayos at
mahusay ang mabubuong
pananaliksik mula pormat hanggang
sa nilalaman at sa prosesong
pagdadaanan.
Etika at
Responsibilidad ng
Mananaliksik
Sa kahit na anong gawain, may etikang
sinusunod upang masanay at maisaayos ang
mga gawain.

Sa larong golf, bahagi ng etika ang hindi


pagtawanan, kutyain o paringgan ang
kasamang manlalaro kahit hindi mahusay
ang pagtira nito sa bola.
Sa pananaliksik, mayroon ding mga
ganito. Anu-ano ang mga etikang ito?

1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.


Anumang hindi iyo ay ipaalam mong hindi
iyo sa pamamagitan ng mga tala at
bibiliograpiya.
2. Huwag kang kumuha ng datos kung
hindi ka pinapayagan o walang permiso.
Sa mga bukas na salansan ng libro sa aklatan, dyaryo,
magasin, programa sa radio, TV, pelikula at teatro,hindi
kinakailangang hingin ang permiso ng mga sumulat/may-ari
para banggitin, sipiin o magamit na materyal sa
pananaliksik.Kailangan lang silang kilalanin sa
bibliograpiya.
Gayunpaman, may mga materyal na kailangang ihingi
ng permiso ng may-ari. Halimbawa, may mga pribadong
koleksyon ang mga indibidwal o kaya’y mga
kumpidensyal na dokumento na hindi basta ipinahihiram
ng may-ari.Hingin din ang permiso sa pag-teyp ng mga
interbyu.Kung ayaw ng iniinterbyu na mai-video siya o
kaya’y mai-teyp ay huwag pilitin.Pero huwag namang
gawin ito nang patago
Ang hindi pagsunod sa hinihingi ng etika
ay maaring humantong sa di ninyo
pagkakasundo ng taong kinukuhanan ng
materyal.Mas malala, maaaring humantong
ito sa korte.Iwasan mong mangyari ito para
hindi makaabala sa iyong pag-aaral.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal
na obserbasyon, lalo na kung negatibo ang
mga ito o makakasirang-puri sa taong
iniinterbyu.
Maging obhetibo at maingat sa pagbibigay ng
obserbasyon, kung kinakailangang gawin ito.Pero
kung maiiwasan, manatili sa paksa ng interbyu .
4. Huwag kang mag-shortcut.
Anumang pag-shortcut ay masasabing bunga ng
katamaran.Ayaw nang magpagod pa.Tinatamad
na.Gusto na agad matapos.Pero anumang pag-
shortcut ay magbubunga rin ng di-kasapatan ng
datos na magreresulta sa di rin sapat na
pagsusuri.Bitin, ika nga.Paano nga ba ginagawa ang
pag-shortcut? Narito ang ilang halimbawa:
 Kulang/hindi tapos ang paghahanap
ng materyales.
 Hindi na sinusuri nang malalim ang
materyales.
 Mabilisang nagbibigay ng
konklusyon/rekomendasyon para
matapos lang.
5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang
pandaraya sa pananaliksik.

Sa mga grabeng sitwasyon, maaring maging dahilan ito


ng pagpapatalsik sa iyo bilang estudyante.Sa susunod na
seksyon, mas detalyado mong makikita ang mga uri ng
pandaraya sa pananaliksik.Tandaan mo na hindi ito
ipinapakita sa iyo para gayahin kundi para hindi gawin nang
makaiwas ka rin sa anumang problemang idudulot nito.
Bakit Nga Ba
marami ang
madalas na
gumagawa ng
Plagiarism?
1. Kamangmangan o
kawalan ng Ideya
2. K AMALAYAN SA
PANUNTUNAN NGUNIT SADYA O
HINDI SADYANG BINABALEWAL
A ANG MGA ITO
3. LABIS NA PAGMAMADALI
NG MATAPOS SA
PANANALIKSIK
4. HINDI NABIBIGYAN NG SAPAT
NA PAGTALAKAY UKOL
SA PLAGIARISM
PLAGIARISM
Activity 1
Why don’t you exercise your rhyme abilities?
Write at least 6 words that rhyme with the first ones!

1. Hand 1. Mug 1. Cow


Activity 1
Why don’t you exercise your rhyme abilities?
Write at least 6 words that rhyme with the first ones!

1. Hand 1. Mug 1. Cow


Ano ang Plagiarism?
Ayon sa Diksyunaryo ng Merriam Webster, ang plagiarize
ay nangangahulugang:

• Magnakaw at ipasa (ang mga ideya o salita ng iba)


bilang sariling
• Gumamit ng (produksyon ng iba) nang hindi kinukredito
ang mapagkukunan
• Magsagawa ng pagnanakaw sa panitikan
• Ipakita bilang bago at orihinal ang isang ideya o
produkto na nagmula sa isang umiiral na mapagkukunan

You might also like