You are on page 1of 2

Denise Anne J.

Tiempo

HUMSS 11-A

Panuto sa Pagkuha ng Birth Certificate o Sertipiko ng Kapanganakan

Ang birth certificate ay isang legal na dokumento na naglalahad ng impormasyon


tungkol sa pagkatao ng isang mamamayan. Ito ay ginagamit upang patunayan ang iyong
pagkatao at pagkakakilanlan. Mahalaga ang birth certificate sapagkat isa ito sa mga
kinakailangan sa pag-apply sa trabaho, pagkuha ng legal IDs, pagkuha ng passport,
pagpapakasal, at iba pa. May tatlong paraan upang makakuha ng birth certificate. Ang
una ay ang pagpunta sa opisina ng Philippine Statistics Authority (PSA), online
application, at pagkuha ng isang representative.

Ang unang paraan ng pagkuha ng birth certificate ay ang pagpunta sa opisina ng


Philippine Statistics Authority o PSA Office. Narito ang mga hakbang na dapat mong
sundin:

1. Maghanap ng pinakamalapit na PSA Office sa inyong lugar. Maaari mo itong


mahanap sa kanilang website.
2. Kailangan mong magpakita ng isa o higit pa sa mga sumusunod na valid IDs:
passport, driver’s license, SSS ID, PRC ID, PhilHealth ID, voter’s ID, o Postal ID.
3. May bayad na 155php para sa pagkuha ng kopya ng iyong birth certificate.
4. Panghuli, antayin ang iyong turn sa pagkuha ng iyong birth certificate.
Ang pangalawang paraan upang kumuha ng birth certificate ay sa pamamagitan
ng online application. Narito ang mga hakbang na dapat mong sundin:

1. Pumunta sa https://psa.gov.ph o sa website ng PSA at mag-register.


2. Piliin ang birth certificate sa listahan ng mga dokumento na nais mong irequest o
kuhain.
3. Kailangan mong i-fill out ang application form. Siguraduhin na walang mali sa
iyong ilalagay upang maging maayos ang daloy ng pagkuha mo ng dokumento.
4. Magbayad ng fee gamit ang credit card, debit card, o online banking.
5. I-print ang acknowledgement receipt at antayin ang delivery ng birth certificate
sa iyong bahay.

Ang pangatlong paraan upang kumuha ng birth certificate ay sa pamamagitan ng


pagpapadala ng isang representative. Narito ang mga hakbang na dapat mong sundin:

1. Magbigay ng sulat ng permiso sa representative na magpapakita ng valid ID.


2. Magbibigay din ang representative ng kanilang sariling valid ID.
3. Magbayad ng fee na P155 para sa isang kopya ng birth certificate.
4. Antayin ang delivery ng birth certificate sa iyong bahay.

Ang birth certificate ay isang importanteng legal na dokumento sapagkat


kinakailangan ito sa pag-apply ng trabaho, pagkuha ng legal IDs, pagkuha ng passport, at
marami pang iba. Kung nais mong kuhain ang iyong birth certificate, maaari mong
sundin ang mga hakbang na nabanggit sa itaas at siguraduhing magdala ng mga
kinakailangang dokumento.

You might also like