You are on page 1of 7

[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]

019
[PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON]

DOKUMENTASYON
LAYUNIN:
1. Natatalakay ang konsepto ng dokumentasyon
2. Nabibigyang kahulugan ang kahalagahan ng dokumentasyon sa
pananaliksik
3. Natutukoy ang mga pagkakaiba ng gamit ng mga estilo ng
dokumentasyon

PANIMULA
Mahalaga sa larangan ng pananaliksik ang pangangalap ng mga patunay
upang higit na maging matibay at kapanipaniwal ang isinasagawang pag-aaral ,
mahalang bigyang pagkilala ang bawat pinagkunan ng datos at impormasyon sa
pananaliksik, sa Araling ito tuklasin natin ang iba’t ibang paraan ng pagsasagawa ng
dokumnetasyon.

DOKUMENTASYON
Isang maingat na pagpapakilala sa mga hiram na ideya at mga datos sa
pamamagitan ng mga iba’t ibang paraan tulad nito ay ang talababa, talang
parentitikal, bibliograpiya at listahan ng mga sanggunian. mahalaga ang
pagsasagawa ng dokumentasyon at may ilan itong tungkuling ginagampanan sa
isang pananaliksik tulad ng mga,

 Ang dokumentasyon ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon


na nakalap ng mananaliksik
 Ang dokumentasyon ang nagbibigay ng kapani-paniwalang impresyon sa isang
pananaliksik lalo kung binabanggit dito ang mga awtor na pinaghanguan ng mga
datos,

Course Module
 Ang dokumentasyon din ang nagsisilbing ebidensya o patunay na balido ang mga
nailatag na impormasyon sa isang pananaliksik
 Nakatutulong ang dokumentasyon upang makita ang particular na sanggunian
upang maiwan ang plagiarism o plahiyo.

Dalawang Sistema ng Dokumentasyon

1. Talababa – Bibliograpi
 Isang uri ng tekstong inilalagay sa ibabang bahagi ng isang pahina
 Maaring pananaw o komento ng mga akda sa pangunahing nilalaman ng
teksto
 pagkilala sa ginawang batayan na may kaugnayan sa teksto
 Ginagamit bilang karagdagang impormasyon o talang paliwanag upang hindi
lumibis sa paksa.

Pormat ng Talababa

 Paglalagay ng Superscript – ito ay isang nakaangat ng numerong Arabiko

Halimbawa:
1 Antonio, Lilia at Ligaya Tiamson-Rubin. 2003. Sikolohiya ng

Wikang Filipino. Lungsod Quezon: C & E Publishing Inc., p. 73.

 Pagnunumero ng Tala – Sunod-sunod lamang ng paglalagay ng numero sa mga


tala na nagsisimula sa bilang na isa hanggang sa matapos sa papel

Halimbawa:

1. Antonio, Lilia at Ligaya Tiamson-Rubin. 2003. Sikolohiya


ng Wikang Filipino. Lungsod Quezon: C & E Publishing Inc.,
p. 73.
2. Magallona, Ma. Lucia Mirasol. 2004. Manual Para sa mga
CBR Worker at Caregiver. Lungsod Quezon: C & E
Publishing, Inc. p. 79-80.
3. Antonio at Rubin, op. cit., p. 73-74.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
019
[PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON]

 Pagbabantas – Inilalagay rin ang superscript pagkatapos ng anumang bantas


tulad ng tuldok, panipi,gitling (kung nasa loob ang superscript).

 Indensyon – Sa talababa, may indensyong limang espasyo sa kaliwa; sunod ang


superscript, sunod ang isang espasyo at kasunod ang mga impormasyong
bibliograpikal.

2. Parentetikal – Sanggunian
 Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga impormasyong
bibliograpikal sa loob ng parentisis sa long teksto.
 kabahagi nito ang talaan na sanggunian na pinag-sunod-sunod sa tulong ng mga
titik ng alpabeto

Pormat ng Talang Parentitikal


 Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto.
 kung higit sa isa ngunit hindi lalagpas sa tatlo ang awtor banggitin lahat ang
pangalan ng awtor
 kung may apat o higit pang awtor, bangggitin na lamang ang apelyido ng unang
awtor sa sunda ng et.al. at pahina.
 kung pamagat lamang ang naibigay, banggitin ang pinaikling bersyon ng pamagat
at sundan ng pahina.
 kung babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo, banggitin ang
tomo: (tutuldok ang maghihiwalay sa bilang ng tomo at pahina)

Istilong A.P.A (American Pscyhological Association)


Karaniwan itong ginagamit sa larangan ng edukasyon, sikolohiya at mga
agham. tatlo ang pangunahing imporamsyon ang makikita sa istilong APA, ang
apelyido ng manunulat at petsa kung kailan inilimbag, karaniwan itong
tinatawag na awtor-petsa, nakapaloob ito sa teksto mismo. Ang ikatlong
impormasyong makikita ay ang pahina kung ito ay siniping pahayag.

Halimbawa:

Course Module
Ayon kay Nunan (1977), mahalaga ang pagkakaroon ng wika..
Ang Lingua Franca ay anng wikang ginagamit ng mga taong may iba’t ibang
katutubong wika upangn sila’y magkaunawaan (Wardaugh, 1986)
Kung dalawa ang manunulat, kailangan banggitin ang apelyido ng dalawang at
ang taon ng pagkakalimbag.

Halimbawa:
Sa isang pag-aaral na isinagawa nina (Wilson at Kelly 2010), sinasabing kahit
ang batang kilala bilang mahilig bumasa kapag ito ay nasa labas ng paaralan ay
hindi ganoon kataas ang interes na bumasa ng mga babasahing may kaugnayan sa
aralin.
kung tatlo o higit pa ang manunulat kailangan may et.al kasunod ang petsa ng
pagkakalimbag.

Halimbawa:
Ang wika ay napakahalagang instrumento sa pakikipagkomunikasyon (Bernales, et.
al., 2001)

Istilong MLA (Modern Language Assocation)


Ang Istilong ito ay karaniwang ginagamit sa larangan ng Humanidades lalo na
sa wika at panitikan. Gumagamit dito ng maikling sitasyong paretitekal na may lakip
na kompleto at alpabetisadong listahan ng sanggunian sa hulihang pahagi ng papel.

Halimbwa:
Ipinaliwanag ni Cruz ang kahalagahan ng wika sa komunikasyon (102-103)
Ang pagbasa ay nagiging makahulugan kung may interasyon (Goodman p.39)

DOKUMENTASYON: Elektronikong Sanggunian


Ang paggamit ng elektronikong sanggunian sa pananaliksik ay tinatangkilik ng
mga mananaliksik dahil mabilis na nakikita ang mga kinakailangang datos, gayon pa
man kailangan isama ang mga elektronik na sanggunian mula sa mga website at
internet sa pagbuo ng Dokumentasyon.

Maaring gamitin ang dalaawang format na APA at MLA upang bigyang galang ang
mga tao sa likod ng mga datos mula sa mga website at internet.
APA pormat:
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
019
[PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON]

 Apelyido, Unang Pangalan ng may akda (taon ng publikasyon) pamagat ng


artikulo at Internet website.

Radford, Robert (Apr 15, 2013) Kung paano magsulat ng sa isang


wastong format: kahulugan ng a footnote
https://robertradford.com/footnote_filipino/

MLA pormat:
Mula sa website na hindi ipinakilala ang may akda:
 Pamagat ng website, petsa kung kailan nakuha ang impormasyo mula sa website at
address ng website.

medioambiente.coanfi.com/index.php/component/k2/.../299593 April 13, 2015


<http://mediaoambiente.coanfi.com

Mula sa mga website na kung saan ang pangalan ng may akda ay malinaw na kinilala:
Radford, Robert Apr 15, 2013 <https://robertradford.com/footnote_filipino/>

Dapat Tandaan:
 Inilalagay ang talang parentitikal pagkatapos ng salita o ideyang hiram o hinalaw.
 Inilalagay ito bago ang mga bantas sa loob o sa katapusan ng pahayag maging ito
man ay tuldok (.), tandang pananong (?), padamdam (!), Panipi (“ “).
 kung babanggitin ang talang parentitikal pagkatapos ng isang maikling sipi
gagamitan ng panipi.
 Sa mahabang tuwirang sipi naman, ang talang parentetikal ay inilalagay pagkatapos
ng tuldok sa tuwirang sipi. Dalawang espasyo ang naghihiwalay sa talang
parentetikal at sa tuldok at hindi na nilalagayan ng anumang bantas pagkatapos
nito.

Course Module
PAGSASANAY:

Tukuyin kung anong Sistema ng Dokumentsayon ang mga sumusunod.


Isulat sa Patlang ang Talababa-bibliograpi o Talang Parentitikal

1. 2 Morris Freedman. Need for full-time Audio Visual Specialist in every


shool. Audio Visual Instruction.XII:10 (December,1997),1090.
___________________________________________.
2. Best, J.W. (1963). Research Education.Singapore:Pearson Education South
Asia Pte,LTD.
__________________________________________.

3. Aban, Ernesto at Reynaldo J. Cruz (2007). Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang


Disiplina (Batayang aklat sa Filipino 2)
__________________________________________.
4. Radford, Robert Apr 15, 2013 https://robertradford.com/footnote_filipino/
_________________________________________.
5. 6 ang pangalan ng mabuting espiritu sa mga B’laan
7 ang panglan ng masamang espiritu sa mga B’laan
________________________________________.
6. 16 Jun Cruz Reyes, Utos ng Hari at iba Pang kuwento (Quezon City: New Day
Pbulishers, 1981, p.12.
________________________________________.
7. Sa pagbibigay kahulugan sa idyolek , ang uring ito ng wika ay umaayon sa
nakagawiang pagsasalita ng isang tao o pangkay na kaniyang
kinabibilangan (Mag-atas,90)
_________________________________________.

8. Casanova, Arthur P.,et.al., (2003), Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang


Disiplina, Quezon City: Rex Book Store, Inc.
___________________________________________.

9. http://Sanaysay-Filipino.blogspot.com
___________________________________________.

10. Barrio, J. (2010). Isanng kritikal na Pagsusuring Pandiskurso ng Wikang


Filipino sa mga Banner ng Piling mga Tabliod.
_____________________________________________.
[PAGBASA TA PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK]
019
[PAGGAMIT NG IBA’T IBANG SISTEMA NG DOKUMENTASYON]

References

Pacay, Wilmor L III (2016), Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang tekto tungo
sa Pananaliksik, JFS Publishing Services, Inc.
Tanawan-Sunga Dolores, et., al (2013) Lundayan: Pagbasa at Pagsulat tungo sa
Pananaliksik, Olympia Publishing House Taytay, Rizal
Arogante, Jose A. et.al (2010) Pinaunlad na Pagbassa at Pagsulat, Cacho
Hermanos Inc.

Online Supplementary Reading Materials


https://www.slideshare.net/MNOlaguer24/paggamit-ng-iba-t-ibang-sistema-
ng-dokumentasyon
https://www.scribd.com/doc/49391958/6-Dokumentasyon

Online Instructional Materials

Course Module

You might also like