You are on page 1of 8

PANGALAN: ____________________________________

ARALIN 1 - PAGSASAAYOS NG DOKUMENTASYON

Sa pangkalahatang terminolohiya, ang dokumentasyon ay pangangalap at


pagsasaayos ng mga materyal tulad ng mga teksto, bidyu, aklat, magasin at iba
pang ginamit sa isang akademikong sulatin (Bernardino, et al., 2016).
Ayon sa AMA Online Education (2020), mahalaga ang pagsasagawa ng
dokumentasyon at may ilan itong tungkuling ginagampanan sa isang pananaliksik:

• Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon


na nakalap ng mananaliksik;

• Ito ang nagbibigay ng kapani-paniwalang impresyon sa isang pananaliksik lalo


kung binabanggit dito ang mga awtor na pinaghanguan ng mga
datos,

• Ito ay ang nagsisilbing ebidensya o patunay na balido ang mga nailatag na


impormasyon sa isang pananaliksik

• Nakatutulong ang dokumentasyon upang makita ang partikular na sanggunian


upang maiwan ang plagiarism o plahiyo.

In-text Citation

Ang in-text na dokumentasyon ay makikita sa loob ng pagtalakay ng


pananaliksik. Sa pagkakataong gumamit ang mananaliksik ng ideyang hinango sa
iba, kailangang malaman ng mga mambabasa kung saan nagsimula ang ideyang
hiniram at saan nagtapos. Samakatuwid, kailangang ipakilala ng mananaliksik
ang pinaghanguan ng datos sa pamamagitan ng pagbibigay ng apelyido at taon ng
pagkalimbag ng aklat na pinaghanguan sa dalawang pamamaraan, ang parentikal
na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang signal (Bernales, et al., 2012).

Uri ng In-text na Dokumentasyon sa paraang APA

1. Signal na kataga. Ginagamitan ito ng mga signal tulad ng Ayon


kay/kina/sa, Batay kay/kina/sa, Binigyang diin ni/nina/sa at iba pa. Ang signal
na kataga ay nasa unahan ng ideya makikita at tanging ang taon ng
pagkakalimbag ang nakapaloob sa panaklong. Kung dalawa ang awtor, dapat
gamitin ang at at hindi ampersand (&) bilang panghiwalay sa dalawang awtor.
Madalas na gamitin ito maliban na lamang sa mga hanguang walang mga awtor.

Halimbawa:

Binigyang diin ni Santos (2008) na ang wika ay isang behikulo upang


magkaunawaan ang…

5
2. Talang Parentetikal- Ang talang parentetikal ay sa katapusan ng ideya
makikita at parehong nakapaloob sa panaklong ang apelyido ng awtor at ang taon
ng pagkaalimbag ng aklat. Kung dalawa ang awtor, gamitin ang ampersand (&)
bilang panghiwalay sa dalawang awtor. Maaaring gamitin ang talang parentetikal
sa iba’t ibang hanguan subalit tanging sa parentetikal na pamamaraan lamang
pwedeng maitala ang mga hanguang walang awtor, gaya ng website o aklat na
walang awtor.

Halimbawa:
Ang wika ay isang pangunahing behikulo upang magkaunawaan ang… (Santos,
2008).

Maraming pamamaraan ang in-text na dokumentsayon, at ilan dito ay


nakadepende sa uri ng hanguan ng ideya. May mga pangkalahatang pormat sa
pagtatala ng in-text tulad ng mga sumusunod:

A. Isang awtor

Ayon kay Halliday (1973), may gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito
sa mga tao upang maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin.

May gamit na instrumental ang wika. Tumutulong ito sa mga tao upang
maisagawa ang mga bagay na gusto niyang gawin (Halliday, 1973).

B. Dalawang awtor

Batay sa pag-aaral na ginawa nina Carpenter at Readman (2006), ang pisikal na


kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag, pagkapipi at iba pa
y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga ito.

Ang pisikal na kapansanan tulad ng kapansanan sa mga paa, pagkabulag,


pagkapipi at iba pa y isang malaking hadlang sa mga aktibidades sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng mga ito (Carpenter & Readman, 2006).

C. Tatlo hanggang limang awtor

Sa pananaliksik nina Oller, et al. (2007) ay nagmungkahi na ang mga bilinguwal


na mga mag-aaral ay maaaring magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo
kumpara sa mga hindi bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa
pagtuturo ng bokabularyo.

Iminumungkahi na ang mga bilinguwal na mga mag-aaral ay maaaring


magkaroon ng maliit na leksyon sa bokabularyo kumpara sa mga hindi
bilingguwal na siyang dapat mas pagtutuunan sa pagtuturo ng bokabularyo
(Oller, et al., 2007).

6
D. Grupo o Institusyon
Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (2009), ang muling pagrebisa ng Ortograpiya
ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang Pangkagawaran ng 1987.

Ang muling pagrebisa ng Ortograpiya ay ibinunsod ng di-ganap na pagtupad sa


Kautusang Pangkagawaran ng 1987 (Komisyon sa Wikang Filipino, 2009).

E. Walang awtor

Sa pangkalahatan, sa bawat stick ng sigarilyo na nauubos ng mga naninigarilyo


ay labindalawang minuto ang nababawas sa buhay ng mga ito (A Fistful of
Risks, 1996, pp. 82).

F. Di-direktang hanguan

Binigyang diin ni Gleason (1995, sa Bernales, 2009) na ang wika ay isang


masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong nasa iisang komunidad.

Ang wika ay isang masistemang balangkas na pinili at isinaayos sa paraang


arbitraryo upang magamit ng mga taong nasa iisang komunidad (Gleason, 1995,
sa Bernales, 2009).

G. Website na walang awtor o hanguang elektroniko

Ang AIDS ay isang seryosong karamdaman at isang nakamamatay na sakit. Sa


mahigit na 20 taon na nakalipas, ang mga manggagamot sa Estados Unidos ang
unang nakakilala ng naturang sakit at kinakitaan ng unang kaso lalo na sa San
Francisco. Sa kasalukuyan, mayroong naitala na 42 milyong kaso ng sakit na
HIV AIDS sa buong mundo at mahigit na tatlong milyon ang namamatay sa
ganitong sakit sa bawat taon (http://www.kidshealth.org).

Basahin ang mga sumusunod na pahayag at ibigay ang hinihinging tamang


sagot.
____________ 1. Makikita ito sa loob ng pagtalakay ng pananaliksik.
____________ 2. Ito ay makikita sa unahan ng impormasyon.
____________ 3. Ito ay in-text na dokumentasyon na ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 4. Ito ay makikita sa hulihan ng impormasyon.
____________ 5. Ito ay in-text na dokumentasyon na hindi ginagamitan ng
ampersand (&).
____________ 6. Ito ay nilalagay pagkatapos ng apelyido ng awtor.
____________ 7. Ito ang tanging paraan na pwedeng itala ang hanguan na
walang awtor.

7
____________ 8. Ano ang isusulat kung mahigit sa dalawa ang awtor?
____________ 9. Ito ay pangangalap at pagsasaayos ng mga materyal.
____________10. Ito ay nagbibigay ng kredibilidad sa mga datos o
impormasyon na nakalap.

Para sa dagdag na impormasyon hinggil sa paksa maaaring bisitahin ang kasunod


na link https://www.slideshare.net/MNOlaguer24/paggamit-ng-iba-t-ibang-
sistema-ng-dokumentasyon

Ngayong alam mo na ang pagsasaayos ng iyong mga datos at tala ay maari mo ng


balikan muli ang iyong burador upang maisulat ang pinal na sipi ng iyong
pananaliksik. Para maisagawa ito nang maayos basahin at suriin muna ang kasunod
na aralin.

ARALIN 2 - PAGBUO NG PINAL NA DRAFT

Sadyang napakahalaga sa isang sulating pananaliksik ang nilalaman o ang


ideyang pinaabot niyon sa mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang matuto at
masanay ang mananaliksik sa wasto at mabisang presentasyon nito - ang wastong
pormat, margin, indensiyon, at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng isang
mananaliksik. Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at
sinop sa paggawa.

Isa sa pinakamainam na gagawin sa pagsulat ng teksto ay ang pagpuna sa


kakulangan at kahinaan ng isinulat. Sa bahaging ito nagaganap ang pag-eedit at
pagrerebisa ng draft o burador batay sa wastong gramatika, bokabularyo at
pagkakasunod- sunod ng mga ideya o lohika ( Bernales, et al., 2009). Maaaring
ang pagbabago sa isinulat ay ang nilalaman o istruktura ng papel (Magracia, et al.,
2008).

Paraan upang madaling mabago, mapaunlad ang pinal na draft sa papel


pananaliksik

▪ Ang tuntunin sa gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang


istriktong masunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng sa simula ng
mga pangungusap, pangngalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong
pantawag tulad Mang, Aling, Padre at iba pa. Ang tanging ekspresyon sa mga
tuntuning ito ay pamagat bilang at pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng
pamanahong-papel na isinusulat ng buo sa malalaking titik (all caps)
▪ Basahing mabuti ang papel pananaliksik.

▪ Mainam na iprint ang papel upang mas maging madali ang pag-edit ng papel
pananaliksik
▪ Tingnan din ang bahaging layout ukol sa ayos ng pahina, laki ng font na gagamitin,
spacing, ilustrasyon kung mayroon at iba pa

8
Organisasyon ng Papel

Matapos mong isaayos at suriin ang mga nakalap mong tala, ang susunod
mo namang gagawin ay kung paano mo i-o-organisa ang mga kaisipang ito upang
maisulong mo ang tesis ng iyongsulating pananaliksik. sa pag-oorganisa ng papel,
isinasaalang-alang ang tesis at ang mga datos o impormasyong nasuri.

Mahalaga ang organisayon ng papel sa pagsulat ng pananaliksik sapagkat


ito ang susi upangmadaling maunawaan ang iyong papel, kaya nararapat lamang
na humanap ng paraan upangmahusay na mapagtagni-tagni ang mga talang
nakalap.Maaari mong gamitin ang alinman sa sumusunod na mga prinsipyo sa
pag-oorganisa ng papel:

▪ Kronolohikal– Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay


ayon sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung ang iyong paksa ay
naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan
Halimbawa: Ang political dynasty sa Pilipinas
Ang ebolusyon ng telepono

▪ Heyograpikal o batay sa espasyo–Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag


anglokasyon, lugar, o iba pang paggamit ng espasyo

Halimbawa: Ang mga Internet café sa paligid ng mga paaralan at Pamantasan


Ang sistema ng edukasyon sa kabihasnan

▪ Komparatibo – Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o


angpagkakaiba ng dalawang bagay, tao, prinsipyo o kaisipan.

Halimbawa: Ang paggamit ng e-book at ng tradisyonal na aklat


Ang mano-manong pagbilang ng boto at PCOS machine

▪ Sanhi/Bunga - Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga ng isang


paksang sinisiyasat.

Halimbawa: Ang kahihinatnan ng mga mag-aaral na nalululong sa Computer


Games Ang dahilan ng maagang pag-aasawa

▪ Pagsusuri – Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay
ng isang buong kaisipan.

Halimbawa: Ang katotohanan sa likod ng modus na “tanim/laglag – bala”

Ang mga nabanggit ay isa ilan lamang sa mga prinsipyong ginagamit sa


organisasyon ng papel. Maaaring gumamit ng higit sa isang prinsipyo upang ma-
debelop ang iyong papel.

9
Piliin ang tamang pagkakasulat ng dokumentasyon. Titik lamang ang isulat.
1. a. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga
bilang signal (Bernales, et al., 2012).
b. Ang parentikal na pamamaraan at ang paggamit ng kataga bilang
signal (Bernales, et al., (2012).

2. a. Ayon kay (Klazema, 2020), Ang pamanahong-papel na nasa


kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal.
b. Ayon kay Klazema (2020), Ang pamanahong-papel na nasa
kwantiteytib na pananaliksik ay isang emperikal.

3. a. Ayon sa (CHED, 2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong-


aralan na ito.
b. Ayon sa CHED (2020), wala munang tatanggapin na iskolar sa taong-
aralan na ito.

4. a. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng


karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na
plagyarismo (Phurr at Busemi, 2005).
b. Ang paggamit ng ideya at/o salita na hindi nagbibigay ng
karampatang pagkilala ay isang seryosong krimen na tinatawag na
plagyarismo (Phurr & Busemi, 2005).

5. a. Walang rehiyonal na mga patimpalak Deped, 2020.


b. Walang rehiyonal na mga patimpalak (Deped, 2020).

6. a. Huwag magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng


karampatang pagkilala (Atienza, et al., 1996, sa Bernales et al., 2008).
b. Ayon kina Atienza et al. (1996) sa Bernales et al., (2008) huwag
magnakaw ng mga salita; sipiin ang mga ito at bigyan ng karampatang
pagkilala

7. a. Ayon kina Bernales, et al. (2000), ang sumusumod ay mga katangian


ng isang mabuting mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat,
sistematiko at kritikal/mapanuri.
b. Ayon kina, ang sumusumod ay mga katangian ng isang mabuting
mananaliksik: masipag, matiyaga, maingat, sistematiko at
kritikal/mapanuri Bernales, et al. (2000).

8. a. Ang pananaliksik ayon kay O’Hare at Funk (2000) ay isang


pangangalap ng impormasyon galling sa iba’t ibang hanguan sa
pamamaraang impormatibo obhetibo.
b. Ang pananaliksik ay isang pangangalap ng impormasyon galling sa
iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo obhetibo (O’Hare at
Funk, 2000).

10
PAGYAMANIN

I. Sipiin ang mga sumusunod na pangungusap at lagyan ang bawat isa ng


wastong dokumentasyon. Gamitin ang dalawang uri ng in-text na dokumentasyon
sa paraang APA. Dawalang (2) puntos bawat bilang.

1. Gabay sa Ortograpiyang Filipino, 2007

Ang Batas Komonwelt Blg. 579 na pinagtibay ng Kongreso ay nagpapahayag na


ang Wikang Pambansang Pilipino ay isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Mula sa Komisyon sa Pagsulat sa Pilipinas, 2003

Ang suporta ng gobyerno at pribadong sektor sa komisyon ay napakalaking


tulong lalo na sa larangan ng pagsulat.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Mula kay Cooney, 2008

Sa kabila ng kahinaan ng tula, mababanaag pa rin ang kalakasan ng proyekto sa


mga huling bahagi ng suri. Dito natanto na maaari pa lang makaapekto ang isang
reyalisasyon sa isang kritik na isinagawa sa mga buhay ng mga mambabasa nito.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Mula sa akdang Webster’s New Biblical Dictionary, 1998

Inilarawan si William James bilang “American psychologist and philosopher”.


Ang paglalarawang ito ay napakalaking tulong upang tuluyang umangat ang
karera niy.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

11
5. Mula sa website ng Social Security Administration ng Gobyerno, 2010
“Kapag nahuli na umaabuso sa katungkulan ang isa ng empleyado ay papatawan siya nang
nauukol na kaparusahan upang di pamarisan ng iba.”

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

6. Sinabi ng McCullough sa Truman’s Campaign, 2009

“No President in history had ever gone so far in quest of support from the people, or with less
cause for the effort, to judge by informed opinion.”

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7. Mula sa akda nina Cassambre at Alcantara, 200 sa Santos, 2006

Walang makabuluhang kaibahan ang pag-unawa ng mga nakinig ng mensahe sa wikang


Filipino at sa mga nakinig ng mensahe sa Ingles.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

8. Mula sa akdang Kapag Pumula ang Tubig, 2001

Nagaganap ang red tide kapag biglaan at mabilisan ang pagdami o pagkapal ng bilang ng
pagkaliliit na mga dinoflagellate.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

9. Mula sa akda nina Bernales, Gabuya, Gonzales, Ledesma at Tuazon, 2001 May boom

ngayon sa real estate bunga ng pagdami ng nag-i-invest dito.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

10. Mula sa akda nina Atienza, et al., 1996, sa Bernales, et al., 2010

Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng mga hiram na salita/ideya ay isang uri ng pagnanakaw
ng intelektuwal na pag-aari ng iba sa larangan ng pananaliksik, pamamahayag at literatura
na tinatawag na plagyarismo.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

You might also like