You are on page 1of 6

PANGALAN: _________________________________

Ikatlong Kwarter - Modyul 1 & 2

PANIMULANG PAGTATAYA

Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa modyul na ito, subukin mong sagutin ang pagsusulit na ito
upang malaman natin kung ano na ang iyong nalalaman.

Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat sa inilaang patlang ang salitang
TUMPAK kung tama ang pahayag at salitang WASAK kung mali.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad ay nakabatay sa sariling
opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginamit sa tesktong
impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa
pagbibigay- diin sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang
nakadiin, nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang
impormasyon patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at mga
pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa
paborito mong isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at
bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
_____ 10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang
representasyon.
_____ 11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____ 12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, facebook post at sanaysay.
_____ 13. Naglalayon ang tekstong impormatibo na magbigay o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t-ibang paksa tulad ng hayop, isports, agham o siyensiya, kasaysayan,
gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin,
aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng ensiklopedya at sa ibat’ ibang website sa
internet.
_____ 15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

BALIKAN
Sa nakaraang semestre, natutunan mo ang tungkol sa “Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino”. Isulat sa loob ng diyamante ang kahalagahan nito.

__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________.
Gawain 1

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang tesktong impormatibo?

2. Ano-ano ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?

3. Ano-ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo?

4. Ano ang iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo?

5. Bakit kailangang ilahad ng talasangguniang ginamit sa tekstong impormatibo?

6. Sa paanong paraan magiging mas epektibong maipararating ng manunulat


ang mahahalagang impormasyon sa kanyang mga mambabasa?

Gawain 2

Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga tanong:


(F11PS-IIif-92 Naipapaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa tesktong binasa)

1. Ano ang cyberbullying? Paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?

2. Paano nakaaapekto ang cyberbullying sa nagiging biktima nito?

3. Ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo? Ano- anong katangian ng tekstong binasa ang
magpapatunay na ito ay isang tekstong impormatibo?
4. Mabisa ba ng pagkakalahad ng mga impormasyon?

5. Bilang mag-aaral, paano mo maipakakalat ang mga impormasyong inilahad sa tekstong binasa?
Anong mga hakbang ang maaari mong gawin ukol dito?

Gawain 5
Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng tauhan sa
bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat ito sa inilaang
patlang.
(F11PB-IIIa-98 Natutukoy ang paksang tinalakay sa tekstong binasa)

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na “Ang
Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”
____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at
napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na
magkaroon ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong
may pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”

____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin ang
dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod ng
pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng
Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.
11 sa hawak niyang pahayagan ang
____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita balitang ito: “51st
International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”
____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak niya.
Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2015.”

PANGHULING PAGTATAYA

Batay sa sariling paghihinuha, isulat sa inilaang patlang ang salitang Tama kung tama ang
pahayag at isulat naman ang salitang MALI kung mali ito.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayong magbigay ng impormasyon.


_____ 2. Ang mga impormasyon o kabatirang inilalahad sa tekstong impormatibo ay
nakabatay sa sariling opinyon ng may-akda.
_____ 3. Laging may nadaragdag na bagong kaalaman ang tekstong impormatibo.
_____ 4. Maituturing na tekstong impormatibo ang isang balita o sulating
pangkasaysayan.
_____ 5. Hindi kailangang ilahad ang talasangguniang ginagamit sa tesktong
impormatibo.
_____ 6. Isinasaalang-alang sa tekstong impormatibo ang paggamit ng estilo sa
pagbibigay-diin sa mahalagang salita tulad ng pagsulat nang nakadiin,
nakahilis at nakasalungguhit.
_____ 7. Ibinabahagi ng tekstong impormatibo ang mga mahahalagang
impormasyong patungkol sa tao, hayop at iba pang mga nabubuhay at
mga pangyayari sa paligid.
_____ 8. Ang tekstong impormatibo ay naglalahad ng impormasyon tungkol sa
paborito mong isports.
_____ 9. Isang uri ng tekstong impormatibo ang nagpapaliwanag kung paano at
bakit nagaganap ang isang bagay o pangyayari.
_____10. Mabibigyang-diin ang teksto kung gagamitan ito ng mga palarawang
representasyon.
_____11. Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng babasahing di-piksyon.
_____12. Halimbawa ng tekstong impormatibo ay tula, mga facebook post at
sanaysay.
_____13. Layunin ng tekstong impormatibo ang magbigay o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng mga hayop, isports, agham o siyensiya,
kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba pa.
13
_____14. Karaniwang makikita ang mga tekstong impormatibo sa mga pahayagan o balita, sa mga
magasin, aklatan, sa mga pangkalahatang sanggunian tulad ng encyclopedia at sa ibat’
ibang websites sa internet.
_____15. Walang matatawag na iba’t ibang uri ang tekstong impormatibo.

Modyul 2
PANIMULANG PAGTATAYA
PANUTO: Tama o Mali. Batay sa sariling paghihinuha, tukuyin kung ang pahayag ay tama o mali.
Isulat sa inilaang patlang ang salitang MATA kung ito ay tama, at LIMA naman kung ang pahayag ay
mali.
_____ 1. Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o
iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Gumagamit ang manunulat ng mga salita upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
_____ 3. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo ay ipakita at iparamdam
sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan.
_____ 4. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais na bigyang- buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring karaniwan o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng teksto lalong-lalo na ng
tekstong naratibo.
_____ 7. Ang maikling kwento ay isang direktang halimbawa ng tekstong deskriptibo.
_____ 8. Ang paningin, na isa sa mga limang pandama ay isa lamang sa mahalagang pumupukaw sa paglalarawan.
_____ 9. Ang malikhaing paglalarawan ay ginagamitan ng mga matalinghagang salita.
_____ 10. Sa karaniwang paglalarawan, subhektibo ang paglalahad ng kongkretong katangiang inilalarawan.
_____ 11. Simpleng salita lamang ang kailangan sa malikhaing paglalarawan.
_____ 12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama ang tekstong deskriptibo.
_____ 13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng karaniwang paglalarawan sa tekstong
deskriptibo.
_____ 14. Ang paggamitng mga tayutay ay isang paraan ng karaniwang paglalarawan.
_____ 15. Ang karaniwang paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mga mambabasa upang
maipakita ang larawan ayon sa limang pandama.

Gamit ang Venn Diagram, tukuyin ang pagkakaiba at pagkakapareho ng mga uri at paraan ng
paglalarawan batay sa iyong naunawaan sa bagong aralin tungkol sa tekstong deskriptibo.
SUBHEKTIB OBHEKTIBO
O

KARANIWAN MALIKHAIN
LIK

Muling balikan ang tekstong binasa, sumipi ng bahagi ng sanaysay na sa tingin mo ay Karaniwan o
Malikhain ang paraan ng paglalarawan. Magbigay lamang ng isang halimbawa na may 1-3 pangungusap
lamang.

KARANIWAN MALIKHAIN
__________________________________________________
____________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

______________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________
____________________________________________________________

__________________________________________

TAYAHIN

PANUTO:Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem. Pumili ng sagot mula sa kahon sa ibaba
at isulat ang katumbas na titik sa patlang bago ang bilang ng bawat aytem. Maaaring ulitin ang sagot
kung kinakailangan.
A. Deskriptibo B. Karaniwan C. Pang-uri D. Tama
E. Pang-abay F. Naratibo G. Malikhain H. Layunin

I. Obhektibo J. Subhektibo K. Impormatibo L. Mali

_____ 1. Ang tekstong ______ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit


kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na
pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Ang _____ at pang-abay ay mga uri ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan.

_____ 3. Ang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o anumang


paksa na inilalarawan ang siyang pangunahing _____ ng tekstong deskriptibo.
_____ 4. Mga pang-uri at ______ ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang
mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais bigyang-buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring ____ o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng
iba pang uri ng teksto lalong-lalo na ng ____.
_____ 7. Ang talaarawan ay isang direktang halimbawa ng tekstong
deskriptibo. Tama o Mali?
_____ 8. Mahalagang mapukaw ang limang pandama sa paglalarawan.Tama o Mali?

_____ 9. Sa ____ paglalarawan, ginagamit ang mga matalinghagang mga salita.


_____10. Sa karaniwang paglalarawan, ____ uri ang paglalahad ng
kongkretong katangian ng nilalarawan.
_____11. Simpleng salita lang ang kailangan sa _____ paglalarawan.
_____12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama
ang tekstong _____.
_____13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa
ng____ paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

_____14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng ____paglalarawan.


_____15. Ang ____ paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang

guniguni ng mga mambabasa upang maipakita ang larawan ayon sa limang


pandama.

You might also like