You are on page 1of 2

1st Assessment

3rd Quarter

Name: _______________________________________ Date: ____________

Grade level/Section: __________________

PAGBASA AT PAGSURI

Panuto: Tukuyin kung sa anong uri ng tekstong impormatibo nabibilang ang binabasa ng
tauhan sa bawat sitwasyon sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa kahon at isulat
ito sa inilaang patlang.

a. Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Pangkasaysayan


b. Pag-uulat Pang-impormasyon
c. Pagpapaliwanag

____1. Mahilig sa mga insekto si Tony. Nais niya ngayong malaman kung paano at bakit
nagbabagong anyo ang mga ito. Hawak niya ang isang tekstong may pamagat na
“Ang Pagbabagong Anyo ng Salagubang.”

____2. Patuloy na nararanasan ng mga bansa sa daigidig ang matinding tag-init at


napakalakas na bagyong nagreresulta sa malawakang pagkasira. Nais ni Rodel na magkaroon
ng mas maraming impormasyon ukol dito kaya’t hawak niya ngayon ang tekstong may
pamagat na “Mga Epekto ng Global Warming sa Kapaligiran.”

____3. Maraming pag-aaklas ang naganap sa ating bansa laban sa mananakop. Iba’t iba rin
ang dahilan sa mga pag-aaklas na ito. Gustong malaman ni Donna ang istorya sa likod ng
pinakahabang pag-aaklas sa kasaysayan ng Pilipinas - Ang Pag-aaklas ni Dagohoy sa Bohol.

____4. Nagbabasa ng balita si Jean. Makikita sa hawak niyang pahayagan ang balitang
ito: “51st International Eucharistic Congress, Ginanap sa Cebu noong Enero 24-31, 2016.”

____5. Masayang-masaya si Gng. Cruz nang mabasa ang balitang nasa pahayagang hawak
niya. Sinasabi ritong “Si Pia Wurtzbach ay nagwagi bilang Ms. Universe 2015.”

Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi ng bawat aytem. Pumili ng sagot mula sa kahon sa ibaba at
isulat ang katumbas na titik sa patlang bago ang bilang ng bawat aytem. Maaaring ulitin ang sagot
kung kinakailangan.
A. Deskriptibo B. Karaniwan C. Pang-uri D. Tama
E. Pang-abay F. Naratibo G. Malikhain H. Layunin
I. Obhektibo J. Subhektibo K. Impormatibo L. Mali
_____ 1. Ang tekstong ______ ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o iginuhit kung saan
kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
_____ 2. Ang _____ at pang-abay ay mga uri ng pananalita na ginagamit sa paglalarawan.
_____ 3. Ang ipakita at iparamdam sa mga mambabasa ang bagay o anumang paksa na inilalarawan
ang siyang pangunahing _____ ng tekstong deskriptibo.
_____ 4. Mga pang-uri at ______ ang karaniwang ginagamit ng manunulat upang mailarawan ang
bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na nais bigyang-buhay.
_____ 5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring ____ o malikhain.
_____ 6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba pang uri ng teskto
lalong-lalo na ng ____.
_____ 7. Ang talaarawan ay isang direktang halimbawa ng tekstong deskriptibo. Tama o Mali?
_____ 8. Mahalagang mapukaw ang limang pandama sa paglalarawan. Tama o Mali?
_____ 9. Sa ____ paglalarawan, ginagamit ang mga matalinghagang mga salita.
_____ 10.Sa karaniwang paglalarawan, ____ uri ang paglalahad ng kongkretong katangian ng
nilalarawan.
_____ 11. Simpleng salita lang ang kailangan sa _____ paglalarawan.
_____ 12. Nagbibigay ng impormasyong may kinalaman sa limang pandama ang tekstong _____.
_____ 13. Kay tangkad mo na animo’y isang kapre. Ito ay isang halimbawa ng ____ paglalarawan sa
tekstong deskriptibo.
_____ 14. Ang paggamit ng mga tayutay ay isang paraan ng ____ paglalarawan.
_____ 15. Ang ____ paraan ng paglalarawan ay naglalayong mapagalaw ang guniguni ng mga
mambabasa upang maipakita ang larawan aron sa limang pandama.

You might also like