You are on page 1of 1

TIPAS NATIONAL HIGH SCHOOL

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT


FILIPINO 8

Pangalan: ___________________________________________ Antas at Pangkat: ______________________

KARUNUNGANG-BAYAN
A. PANUTO: TUKUYIN KUNG ANONG KARUNUNGANG-BAYAN ANG SUMUSUNOD NA PAHAYAG. PILIIN SA KAHON ANG TITIK NG
TAMANG SAGOT.

A. Salawikain B. Sawikain C. Kasabihan D. Bugtong


_____1. Kaibigan kung mayroon, kung wala'y sitsaron.
_____2. Parang di makabasag pinggan ang kapatid niya.
_____3. Ang ina ay gumagapang pa, ang anak ay nakaupo na.
_____4. Ang tunay na kaibigan, nasusubok sa kagipitan.
_____5. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna.
_____6. Takbo dito, Takbo doon, di makaalis sa tayong ito.
_____7. Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabaitan.
_____8. Ang aming ilaw ng tahanan ay may pusong mamon.
_____9. Puri sa harap, sa likod palibak.
_____10. Kung maikli ang kumot, matuto kang mamaluktot.

PAGHAHAMBING
A. Panuto: Suriin ang uri ng paghahambing na ginamit sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa ibaba ang pinakaangkop na
sagot.
A. MAGKATULAD NA PAGHAHAMBING B. DI-MAGKATULAD NA PAGHAHAMBING
_____11. Gusto kong manatili sa loob ng bahay kaysa lumabas ng bahay
_____12. Si Pangulong Duterte at ang aming Mayor ay magsinghusay sapamumuno kaya’t iniidolo sila ng marami.
_____13. Magsintayog ang panananaw naming magkapatid sa buhay kung kaya’tnatulungan naming ang aming
mga magulang.
_____14. Ang dalawang kapatid ko ay parehong nababahala dahil hindi akonakauwi ng probinsya.
_____15. Lalo tayong mag-ingat sa panahon ngayon na higit pa sa pag-iingat natinnoong nagsisimula pa lamang
ang pandemya.
B. Panuto: Alamin ang tinutukoy ng mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____16. Ito ay paghahambing ng dalawang bagay na may pareho o patas nakatangian.
a. pasahol b. palamang c. magkatulad d. di-magkatulad
_____17. Isang paraan ng paglalahad na nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawangbagay.
a. paghahambing b. paglalarawan c. pag-iisa-isa d. paglalahad
_____18. Paghahambing na di-magkatulad na kung saan kulang sa katangian ng isa sa dalawang pinaghahambing.
a. pasahol b. palamang c. magkatulad d. di-magkatulad
_____19. Ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay magkaiba ng katangian.
a. pasahol b. palamang c. magkatulad d. di-magkatulad
_____20. Paghahambing na di-magkatulad na kung saan mas higit sa katangianang isa sa dalawang bagay
na pinaghahambing.
a. pasahol b. palamang c. magkatulad d. di-magkatulad
ALAMAT
A. Panuto: Alamin ang tinutukoy ng mga sumusunod. Isulat ang titik ng tamang sagot.Piliin sa loob ng kahon
ang titik ng tamang sagot.
a. simula b. gitna c. wakas d. kakalasan

_____21. Kabilang naman sa bahaging ito ang kakalasan at katapusan.


_____22. Saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan ng kuwento.
_____23. Bahaging nagsasabi kung magtatagumpay o hindi ang tauhan.
_____24. Inilalarawan ang mga tauhan sa kuwento.
_____25. Ang tunggalian ay nagsasaad ng pakikipahtunggali o pakikipagsapalaran ng tauhan.
B. Piliin ang titik ng tamang sagot
_____26. Ito ang bahaging paglalahad na magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o malungkot, pagkapanalo o
pagkalungkot. A. suliranin B. Kakalasan C. Kasukdulan D. Saglit na kasiglahan
_____27. Ito ang protagonista at antagonista ng kuwento. A. Tauhan B. Tagpuan C. Suliranin D. Kasukdulan
_____28. Nagsasaad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan na kasangkot sa suliranin.
A. Kakalasan B. Tunggalian C. Kasukdulan D. Saglit na Kasiglahan
____29. Nagsasaad ng lugar ng pangyayari , gayundin ng aksyon at panahon kung kailan naganap ang kuwento.
A. Tauhan B. Tagpuan C. Suliranin D. Kakalasan
_____30. Uri ng tauhan ng kung saan ay nagkakaroon ng pagbabago sa kanyang karakter.
A. Tauhang bilog B. Tauhang Lapad C. Antagonista D. Protagonista
EPIKO
PAG-IISA-ISA AT PAGPAPALIWANAG
A. Magbigay ng kahit 3 uri ng elemento ng epiko at kung ano ang kahulugan nito. Ilahad sa ibaba ang sagot.
(2 puntos kada uri at paliwanag)
B. Ilahad ang mga katangian ng Epiko ( 2 Puntos )
C. Magbigay ng mga ilang kahiwagaan sa Epiko ni " Matabagka". (2 puntos)

You might also like