You are on page 1of 2

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8 NO.

2
Pangalan:____________________________ Petsa:_____________________
Pangkat:_____________________________ Guro: MYLINE M. UMALI
MELC:Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag)
F8WG-Ia-c-17

Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang patlang upang mabuo ang diwa ng salawikain at
kasabihan. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ang tunay na kaibigan sa buhay ay kapilas, totoong mahalaga___________________.

A. katulad ng isang ginto B. katulad ng isang hiyas C. katulad ng isang pilak D. katulad ng isang diyamante

2. Ang pag-aasawa ay hindi biro, _______________________, na iluluwa kong mapaso.

A. tulad ng kanin B. tulad ng sabaw C. hindi tulad ng kanin D. hindi tulad ng sabaw

3. Ang batang matapat ay _________________ng lahat kaysa sa batang mapagpaimbabaw.

A. lalong kinaiinggitan B. lalong kinagagalitan C. lalong kinagigiliwan D. lalong pinagtitiwalaan

4. ____________________ ang taong sa hirap nagmula kaysa sa mga taong sa ginhawa nagmula.

A. Higit na umaani ng salat B. Higit na umaani ng tuwa C. Higit na umaani ng lungkot D. Higit na umaani ng pighati

5. _________________ ang pag-asang manalo ng umaayaw kaysa sa mga taong hindi umaayaw.

A. Lalong mataas B. Higit na mataas C. Di-gaanong mataas D. Di-gasinong mataas

6. _________________ ng kalusugan ay ang kayamanan.

A. Ang kabilang B. Ang kakambal C. Ang kapareha D. Ang kapares

7. Ang pagkakaibigan ay paghahanap ng ____________________.

A. kasama na kadugo B. kaanak na kadugo C. kaanak ngunit hindi kadugo D. katrabaho ngunit hindi kadugo

8. Ang tunay na kaibigan ay _________________________ ang masasakit na katotohanan sa iyong harapan at kayang
sabihin sa iba ang magaganda mong katangian.

A. lalong sasabihin B. mas kayang sabihin C. kapwa kayang sabihin D. di-hamak na kayang sabihin

9. __________________ ang maglakad sa kawalan kasama ang kaibigan, kaysa maglakbay nang mag-isa sa liwanag at
karangyaan.

A. Mas magaan sa pakiramdam B. Mas mabigat sa pakiramdam

C. Parehong mabigat sa pakiramdam D. Di-gaanong mabigat sa pakiramdam

10. Ang batang walang pinag-aralan ay ____________na di-makalipad.

A. kapares ng ibon B. kapares ng tutubi C. kapares ng paro-paro D. kapares ng eroplano


MELC: Nakikinig nang may pag-unawa upang: mailahad ang layunin ng napakinggan  maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng
mga pangyayari F8PN-Ig-h-22

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa “ Alamat ng Daragang Magayon” gamit ang letrang A-J

______ 1. May isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming kalalakihan ang
nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis.

______ 2. Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t niligawan niya ang dalaga. 

______ 3. Si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang hindi
matuloy ang kasal.

______4. Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, bigla siyang nadulas at nahulog sa malalim
na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni
Panganoron at iniligtas ang dalaga.

______ 5. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian.

______ 6.  Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito
pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang
kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.

______ 7. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng
Mayon mula sa kanilang magandang prinsesang si Magayon.
______ 8. Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si
Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito.

______ 9. Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay
Panganoron at pinaslang ito.

______ 10. Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng Rajah ang walang buhay na katawan nila
Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan.

Tukuyin ang mga layuning nakapaloob sa bawatprogramang nasa ibaba. Ipaliwanag kung bakit
nabibilang sa napiling layunin ang bawat isang programa. Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

Programa Layunin Ipaliwanag


1.
Jesica Soho

Sing-Galing

24 Oras

You might also like