0% found this document useful (0 votes)
227 views11 pages

Summative Test

Ang dokumento ay tungkol sa pagsusulit sa Filipino-8 sa Junior high school department ng Fair Gems Academy Inc. sa Catubig N. Samar. Naglalaman ito ng mga pangunahing panuto para sa pagsusulit tungkol sa pagbabawal ng pagkopya, pagtugma ng sagot, at pagbawal ng pagbura. Naghahanap din ito ng mga sagot mula sa mga halimbawa ng salawikain at kasabihan, pagsasalin ng mga pahayag sa mas magandang wika, pagpili ng tamang sagot mula sa iba't ibang uri ng panitikang Pilipino, at pagsagot sa mga tanong tungkol sa klima at kalikasan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
227 views11 pages

Summative Test

Ang dokumento ay tungkol sa pagsusulit sa Filipino-8 sa Junior high school department ng Fair Gems Academy Inc. sa Catubig N. Samar. Naglalaman ito ng mga pangunahing panuto para sa pagsusulit tungkol sa pagbabawal ng pagkopya, pagtugma ng sagot, at pagbawal ng pagbura. Naghahanap din ito ng mga sagot mula sa mga halimbawa ng salawikain at kasabihan, pagsasalin ng mga pahayag sa mas magandang wika, pagpili ng tamang sagot mula sa iba't ibang uri ng panitikang Pilipino, at pagsagot sa mga tanong tungkol sa klima at kalikasan.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Fair Gems Academy Inc.

Catubig N. Samar
Junior high school department
Unang Paagsusulit sa Filipino-8

Pangalan____________________ Grade/seksyon____________Petsa_________Iskor_________
Mga Pangunahing Panuto:
Bawal ang mangopya at magpakopya: Inuulit ko, ang sagot ni’yo sa exam, isipin ni’yong jowa ni’yo
yan, hindi pinamimigay. Ngunit, kung kaya ni’yo namang ipamigay, e di isipin niyo ulit, yung sagot
niyo parang utot, ‘pag nagtanong kaklase mo, ‘wag kang aamin.
Isulat nang malinaw ang sagot: Dapat malinaw! Kung kayo, e di kayo! Kung hindi, e di hindi! ‘Wag
paasa at wag ng umasa pa kung wala na. Dami na ng problema sa mundo, ‘wag niyo ng dagdagan.
Ang sakit niyo sa Bangs!
Bawal magbura?: ‘Wag na, naniniwala kasi ako na lahat tayo, we deserve a second chance. ‘Wag
lang bura nang bura, abuso ka na, sapak, you want?

Panuto: Sa bilang 1 hanggang 10 Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng salawikain at kasabihan.
Tukuyin ang mahalagang kaisipang napapaloob sa sa mga karunungang-bayang nabanggit mula sa
kolum B. Isulat ang titik ng tamang sagot. .

HANAY A HANAY B
_____1. Kaya matibay ang walis palibhasa’y A. Paninindigan at pagsasakripisyo sasarili at
nabibigkis. pamilya ay makatatanggap ngbiyaya at magandang
_____2. Ang mabuting halimbawa,ay higit na kinabukasan.
mabisa kaysapahayag na dakila. B. Ang lakas ay nakukuha sa pagsasama o
_____3. Sa panahon ng kagipitan,nakikita ang pagkakaisa.
kaibigan. C. Sasamahan ka sa pait at ligaya.Tutulungan kang
_____4. Ang magalang na sagot ay nakapapawi ng malagpasan ang lahat ng pagsubok na darating sa
poot. buhay.
_____5. Kung may tiyaga, maynilaga. D. Ang paggawa ng mabuti ay dapat hindi lang sa
_____6. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop salita kundi sa gawa.
ang nawala. E. Paninindigan at pagsasakripisyo sa sarili at
_____7. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. pamilya ay makatatanggap ng biyaya at magandang
_____8. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman. kinabukasan.
_____9. Aanhin ang bahay nabato kung ang F. Ang lakas ay nakukuha sa pagsasama o
nakatira ay kuwago, buti pa ang kubo na ang pagkakaisa.
nakatira ay tao. G. Sasamahan ka sa pait at ligaya.Tutulungan kang
_____10. Ang lumalakad ngmatulin, kung matinik malagpasan anglahat ng pagsubok na darating sa
aymalalim. Ang lumalakad nangmabagal kung buhay.
matinik ay mababaw. H. Ang paggawa ng mabuti ay dapat hindi lang sa
salita kundi sa gawa.
I. Pag-isipang mabuti ang bawat desisyon sa buhay
kung makasasama o makabubuti sa iyo upang hindi
magsisi sa huli.
J. Ang paghahangad nang sobra-sobra o kasakiman
ay naghahatid sa kawalan.
K. Ang Diyos ay maawain, mahabagin at
mapagmahal. Tiyak na hindi na pababayaan ang tao
sa mundo ngunit kailangan din ng tao na
magsumikap at kumilos upang mabuhay ang sarili.
L. Ang tao kapag tatamad-tamad at hindi

Panuto: Ibigay ang eupemistikong pahayag sa mga salitang bulgar na may guhit na ginamit sa
pangungusap.
11.Nalasing ang binata sa magdamag na inuman.
A. nalunod sa bote B. nababad sa bote C.nadaganan ng bote D. nasagasaan ng bote
12. Sa hindi inaasahan, siya ay nabuntis na wala sa panahon.
A.nagdadalang-tao B.nagdadalang-poot C.nagdadalang-habag D. nagdadala ng buhay
13. Huwag maniwala sa tsismis.
A.kuwentong- tubero B. kuwentong-barbero C. kuwentong-bangkero D. kuwentong- karpentero
14. Mag-ingat sa magnanakaw.
A.mabilis ang kamay B. manipis ang kamay C. mabagal ang kamay D. makapal ang kamay
15. Presinto ang hantungan ng mga taong luko-luko.
A. basag ang pula B. basag ang tinig C. basag ang bungo D. basag ang pinggan

Panuto: Sagutin mo ang pagsasanay sa ibaba upang malaman kung gaano kalawak ang iyong kaalaman
tungkol sa Panitikang Pilipino. Basahin ang bawat pahayag at isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.

16. Bahagi ng katutubong panitikan ng mga Pilipino. Nagpapamalas ito ng talas at tayog ng kaisipan ng ating
mga ninuno noong unang panahon. Nagpatibay rin ito ng pagpapahalaga sa kultura at tradisyong Pilipino.
A. alamat B. karunungang-bayan C. tula D. bugtong
17. Tinatawag ding idyoma. Karaniwang binubuo ito ng salita o parirala na.Nagbibigay ng malalim na
kahulugan.
A. kasabihan B. salawikain C. sawikain D. tula
18. Nagpapahiwatig ng malalim na kahulugan. Hindi ito gumagamit ng talinghaga. Nagtataglay rin ito ng aral
sa buhay.
A. tula B. kasabihan C. salawikain D. sawikain
19. Ito ay pangungusap na may pinapahulaang kahulugan.
A. bugtong B. haiku C. tanaga D. tula
20. Pahayag na sinasabing pinag-ugatan ng panulaang Pilipino. Kadalasang nagtataglay ito ng sukat at tugma.
Ito ang mga butil ng karunungang nagsilbing batas o tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno.
A. awit B. kundiman C. salawikain D. tula

Panuto: Punan ng angkop na pariralang may paghahambing ang patlang upang mabuo ang diwa ng
salawikain at kasabihan. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

21. Ang tunay na kaibigan sa buhay ay kapilas, totoong mahalaga___________________


A. katulad ng isang ginto B. katulad ng isang hiyas C. katulad ng isang pilak D.katulad ng isang diyamante
22. Ang pag-aasawa ay hindi biro, _______________________, na iluluwa kong mapaso.
A. tulad ng kanin B. tulad ng sabaw C. hindi tulad ng kanin D. hindi tulad ng sabaw
23. Ang batang matapat ay _________________ng lahat kaysa sa batang mapagpaimbabaw.
A. lalong kinaiinggitan B. lalong kinagagalitan C. lalong kinagigiliwan D. lalong pinagtitiwalaan
24. ____________________ ang taong sa hirap nagmula kaysa sa mga taong sa ginhawa nagmula.
A. Higit na umaani ng salat B. Higit na umaani ng tuwa
C. Higit na umaani ng lungkot D. Higit na umaani ng pighati
25. _________________ ang pag-asang manalo ng umaayaw kaysa sa mga taong hindi umaayaw.
A. Lalong mataas B. Higit na mataas C. Di-gaanong mataas D. Di-gasinong mataas
26. _________________ ng kalusugan ay ang kayamanan.
A. Ang kabilang B. Ang kakambal C. Ang kapareha D. Ang kapares
27. Ang pagkakaibigan ay paghahanap ng ____________________.
A. kasama na kadugo B. kaanak na kadugo
C. kaanak ngunit hindi kadugo D. katrabaho ngunit hindi kadugo
28. Ang tunay na kaibigan ay __________________ ang masasakit na katotohanan sa iyong harapan at kayang
sabihin sa iba ang magaganda mong katangian.
A. lalong sasabihin B. mas kayang sabihin C. kapwa kayang sabihin D. di-hamak na kayang sabihin
29. __________ ang maglakad sa kawalan kasama ang kaibigan, kaysa maglakbay nang mag-isa sa liwanag
at karangyaan.
A. Mas magaan sa pakiramdam B. Mas mabigat sa pakiramdam
C. Parehong mabigat sa pakiramdam D. Di-gaanong mabigat sa pakiramdam
30. Ang batang walang pinag-aralan ay ____________na di makalipad.
A. kapares ng ibon B. kapares ng tutubi C. kapares ng paro-paro D. kapares ng eroplano

Panuto: Piliin mula sa kahon ang karunungang bayan batay sa sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Kasabihan salawikain at kasabihan sawikain salawikain at bugtong

Bugtong

31. Higit na nangangailangan ng paglalarawan ang __________ upang mahulaan ang sagot kaysa sa
sawikain.
32. Kapwa nabubuo ang pagsulat ng __________ batay sa pang-araw-araw na pamumuhay na naghahatid
ng aral sa buhay.
33. Di-gaanong mahirap sumulat ng sariling __________ kaysa sariling salawikain dahil ito ay tahasan at
payak di-tulad ng salawikain na nangangailangn ng matalinghagang salita.
34. Parehong nagtataglay ng sukat at tugma ang __________.
35. Di-hamak na hindi nakasasakit ng damdamin ang __________ kaysa sa mga salitang bulgar.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

36. Alin sa sumusunod ang nagsasabi tungkol sa Global warning.


A. Ito ay resulta ng pagsunog ng kagubatan. B. Ito ay makabagong bersyon ng klima ng bansa.
C. Ito ay pagtaas ng carbon monoxide at iba pang greenhouse gases.
D. Ito ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperature.
37. Kung patuloy na tataas ang temperatura, alin ang kalalabasan nito.
A. Malalakas na bagyo ang mabubuo sa karagatan. B. Masusunog ang kalawakan.
C. Mamatay ang lahat ng may buhay sa mundo. D. Magkaroon ng kakulangan sa pagkain.
38 Ang mga nabanggit ay paraan upang maibsan ang pag-init ng mundo maliban sa isa.
A. Iwasan ang paggamit ng petrolyo. B. Magtipid ng paggamit ng enerhiya.
C. Kontrolin ang paggamit ng teknolohiya. D. Huwag ugaliing magsunog ng mga bagay.
39. Sa anong paraan pinalawak ang paksa?
A. pagliliwanag B. pagsusuri C. pagbibigay-depinisyon D. paghahawig o Pagtutulad
40. Ano ang pinakapaksa ng sanaysay?
A. Ozone Layer B. Global Warming C. Infrared Waves D. Carbon Emission

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyong nasa ibaba at sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Ang pamahalaan ng Pilipinas a y naglabas ng kautusang stay at homesimula noong kalagitnaan ng buwan ng
Marso. Ang pananatili sa bahay sa panahong ito ay isang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng Corona
Virus. Mahigpit ang bilin lalo na sa mga kabataang nasa edad 20 pababa at nasa edad 60 taong gulang pataas
o kilala sa tawag na mga senior citizens mas madaling mahawaan ng sakit na ito. Isang tao lamang ang
maaraing lumabas upang bumili ng mga mahahalagang pangangailangan katulad ng pagkain at gamot. Sa
paglabas ng bahay, kinakailangang magsuot ng face mask at sundin ang physical distancingmagkaroon ng
isang metrong layo upang mabawasan ang pakikisalamuha sa mga taong posibleng may Covid19. Narito ang
ulat tungkol sa Covid19 case sa Pilipinas. Ang datos na iyo ay hango mula sa WHO (World Helath
Organization) na inilabas nonng Abril 20, 2020. Tatlong rehiyon ang may mataas na kaso ng Covid19.
NCR - 70.9%
CALABARZON - 15.6%
Central Luzon - 5.6%

41. Batay sa sitwasyon, paano binigyang kahulugan ang stay at home?


A. Huwag lumabas ng bahay para hindi makulong.
B. Pananatili sa bahay upang di mapagalitan ng magulang.
C. Pananatili sa tahanan upang gampanan ang mga gawaing bahay.
D. Pananatili sa bahay dahil ito ay alinsunod sa batas na ipinatupad dahil sa pandemyang Covid19.
42. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng makabuluhang kalagayan sa panahon ng pandemya?
A. Nakalulungkot isipin na hindi na nakakalabas ng bahay nang malaya gaya ng dati.
B. Mas maganda ang buhay ngayon dahil makapaglalaro na ng computer games buong araw.
C. Nakakainip manatili sa bahay dahil bawal nang lumabas at hindi na pwedeng gumala kasama ang barkada.
D. Nagkaroon ng opurtunidad upang makatulong sa mga gawaing bahay at nakagagawa ng mga bagay na
hindi pa nagagawa noong wala pang pandemya.
43. May tatlong rehiyong may mataas na kaso ng Covid19 sa Pilipinas ayon sa WHO na inilabas noong ika-
20 ng Abril, 2020. Batay sa datos, anong rehiyon ang may pinakamataas na kaso ng Covid19?
A. NCR B. CALABARZON C. Central Luzon D. Central Luzon at NCR
44. Batay sa kasalukuyang pangyayari, nasusunod ba ng mga mamamayan ang physical distancing na
ipinatutupad ng batas?
A. Hindi, dahil matitigas ang ulo ng mga tao. B. Oo, dahil ayaw nilang mahuli at makulong.
C. Oo, dahil alinsunod ito sa batas para maiwasan ang pagkahawa sa sakit.
D. Hindi, dahil sanay silang magkatabi.
45. Bilang isang mag-aaral sa ikawalong baitang, may magagawa ka ba upang maiwasan ang pandemya?
Paano?
A. Oo, sa pamamagitan ng pananatili sa bahay
B. Oo, sa pamamagitan ng pagsali sa mga gawaing pangkalusugan sa barangay.
C. Oo. sa pamamagitan ng paglalako ng mga gulay upang matulungan nag mga magulang na nawalan ng
trabaho dahil sa pandemya.
D. Oo, sa pamamagitan ng paglilinis sa kapaligid upang maiwasan ang pagkalat ng corona virus.

Panuto: Gamit ang iyong natutuhan sa naunang aralin, basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at
isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

46. Ito ang tawag sa mga mahihinay na salita o pahayag na ipinapalit upang maiwasan ang makasakit ng
damdamin.
A. Eupemismo B. Metapora C. Hyperbole D. Personipikasyon
47. Ang eupemismo ay gumagamit ng _________ para di-tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong
upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
A. mabilis na salita B. mahirap na salita C. malalim na salita D. matalinghagang salita
48. Sa halip na sabihing “namatay”, gamitin ang ________________.
A. nagpantay ang paa B. sumakabilang buhay C. sumakabilang bahay D. a at b
49. Siya ay isang maamong kordero. Ito ay nangangahulugang ___________
A. Siya ay amo. B. Siya ay maawain. C. Siya ay mabait na tao . D. Siya ay tagapagbantay.
50. Ang dalagang anak ni Aling Sara ay di-makabasag pinggan, ang pahayag na ito ay nangangahulugang
_________.
A. Ang dalaga ay maalaga. B. Ang dalaga ay mahinhin.
C. Ang dalaga ay naghuhugas ng pinggan. D. Ang dalaga ay tagapag-alaga ng kanyang kapatid.

Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:


BB. MARIA LUCIA E. ULTRA Bb.Andyline Lupas
Guro Junior High Coordinator

Inaprobahan ni:
GINOONG EMERSON H. ANGELES
PUNONG GURO
_______________________________
Lagda ng magulang
Fair Gems Academy Inc.
Catubig N. Samar
Junior high school department
Unang Paagsusulit sa Filipino-8

Pangalan____________________ Grade/seksyon____________Petsa_________Iskor_________

Mga Pangunahing Panuto:

Bawal ang mangopya at magpakopya: Inuulit ko, ang sagot ni’yo sa exam, isipin ni’yong jowa ni’yo
yan, hindi pinamimigay. Ngunit, kung kaya ni’yo namang ipamigay, e di isipin niyo ulit, yung sagot
niyo parang utot, ‘pag nagtanong kaklase mo, ‘wag kang aamin.
Isulat nang malinaw ang sagot: Dapat malinaw! Kung kayo, e di kayo! Kung hindi, e di hindi! ‘Wag
paasa at wag ng umasa pa kung wala na. Dami na ng problema sa mundo, ‘wag niyo ng dagdagan.
Ang sakit niyo sa Bangs!
Bawal magbura?: ‘Wag na, naniniwala kasi ako na lahat tayo, we deserve a second chance. ‘Wag
lang bura nang bura, abuso ka na, sapak, you want?

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titik o letra ng
mapipiling sagot at ilagay sa patlang bago ang bilang..

___ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang
wikang kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal c. Lingua Franca d.Wikang Panturo
___ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa gobyerno,
pasulat man o pasalita, gamit ito bilang____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo
___ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr. c. Charles Darwin d. Lope K. Santos
___4.Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.
a. Filipino b. Ilokano c. Bisaya d.Waray
___5.Ayon kay____, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill c. Gleason d. Hutch
___6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa
Pilipinas ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII c. XIV d.XVI
___7. .Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles b. Ilocano c. Tagalog d. Filipino
___8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro c. Quezon d. Hemphill
___9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pang-sekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila
___10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo b. Wikang Pambansa C. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig.
____11. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
a. Pareho lang sila b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda d. Wala sa nabanggit
____12. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog, siya ba ay isang Monolingguwal?
a. Oo b. Hindi c. Pareho lang d. Tama
____13. Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika d. Ito ay ang tawag sa wika

____14. Ano ang Bilingguwal?


a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto

____15. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng dalawang
wika o dayalekto nang may _________?
a. kaalaman b. katatasan c. kahusayan d. kababawan
____16. Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika

____17. Sinong bayani nating mga Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal

____18. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!" b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!" d. "O kay grande ng iyong kasuotan!

____19. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino

____20. Ano ang tagalog ng "oyster"?


a. taluba b. kangkong c.talaba d. taho

____21. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag
sinasabi niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek c. Sosyolek d. Idyolek

____22. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga
taga- Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek c. Idyolek d. Etnolek

____23. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah,
ha, ha! Okey! Darla! Halika!”
a.Sosyolek b. Idyolek c. Etnolek d. Dayalek

____24. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man
dumating ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang
walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a.Idyolek b. Etnolek c. Pidgin d. Creole

____25. Ang ilan sa mga Tsinong nakipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang
taga-Binondo. Ang wikang kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang nagging
unang wika ng mga naging anak nila.
a. Creole b. Pidgin c. Dayalek d. Sosyolek

____26. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at ng kaibigan niya si Danilo a.k.a. “Dana” ang mga
salitang charot, bigalou at iba pa.
a. Register b. Idyolek c. Etnolek d. Sosyolek
____27. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan.
Narinig niya sa usapan ang mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang
mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
a. Coño b. Jejemon c. Sosyolek d. Register

____28. Habang nakahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang
ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa
harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal na paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek c. Register d. Idyolek

____29. Natutuhan ni Joven ang salitang vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa Batanes.
Saanman siya mapunta ngayon, kapag narinig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng
mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit nilang pananggalang sa init at ulan.
a.Dayalek b. Etnolek c. Sosyolek d. Idyolek

____30. “Handa na ba kayo?” ito ang pamosong linyang binibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang
programang Rated K.
a.Idyolek b. Register c. Pidgin d. Creole

____31. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang
pumunta sa Silid-aklatan upang magsaliksik.
a. INSTRUMENTAL b. HEURISTIK c. IMAHINATIBO d. REGULATORI

____32. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan
upang malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
a. PERSONAL b. IMAHINATIBO c. REGULATORI d. HEURISTIK

____33. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan ang mga
aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
a. INTERAKSYONAL b. INSTRUMENTAL c. PERSONAL d. REGULATORI

____34. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning masugpo ang
kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. HEURISTIK b. IMPORMATIB c. IMAHINATIBO d. INSTRUMENTAL

____35. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang
magsulat ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
a. INTERAKSYONAL b. HEURISTIK c. PERSONAL d. REGULATORI

____36. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng Dinagsa Festival sa
Cadiz.
a. IMPORMATIBO b. INTERAKSYONAL c. INSTRUMENTAL d. IMAHINATIBO

____37. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang
luto dahil matamang sinunod niya ang pamaraan ngpagluto nito.
a. PERSONAL b. HEURISTIK c. IMAHINATIBO d. REGULATORI

____38. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng Makabagong Tula dahil sa mga
matatalinhaga at masining na pagpapahayag.
a. IMAHINATIBO b. INTERAKSYONAL c. REGULATORI d.INSTRUMENTAL

____39. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating nabagyo sa ating bansa.
a. HEURISTIK b.IMPORMATIBO c. PERSONAL d.INSTRUMENTAL
____40.Nahumaling si Nathaniel sa nakita niyang patalastas na may tagline na "Wala pa ring tatalo sa Alaska!"
kaya bumili siya nito.
a. IMAHINATIBO b. REGULATORI c. INSTRUMENTAL d.INTERAKSYONAL

____41. Panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangalan sa unahan


a. anapora b. katapora c. kohesyong gramatikal d.pananggi

____42. Panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananada sa pinalitang pangalan sa hulihan


a. kohesyong gramatikal b. anapora c. pamanahon d.katapora

____43. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang bawat isa.


a. wika b. text message c. social media d. sign language

____44. Sa aling sitwasyon makikita ang higit na kahalagahan ng Wikang Pambansa?


a. kausap ang ina sa telepono b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan d. nanonood ng balita

____45. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya. Anong wika ang iyong gagamitin?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino c. Wikang Ingles d.Unang Wika

____46. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang istasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori

____47. Itinuro mo sa kanya kung ano’ng ruta ng dyip ang kanyang sasakyan, kung saan siya bababa at
kung ano ang pinakamadaling daan patungo sa istasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori

____48. Lumiham si Bernie sa kanyang kaibigang nasa Japan.


a. Interaksiyon b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori

____49. Inutusan ni Olive ang kanilang katulong na ipaghanda siya at ang mga bisita niya ng maiinom.
a.Instrumental b. Personal c. Heuristiko d. Regulatori

____50. Naanyayahan si Atty. Acopra na magsalita sa harap ng lahat ng magsisipagtapos sa Araullo


College. Tinalakay niya ang mga pangangailangan at hakbang tungo sa tagumpay.
a. Interaksiyon b.Personal c. Heuristiko d. Regulatori

Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:


BB. MARIA LUCIA E. ULTRA Ginoong. Gino C. Talenjale
Guro Senior High Coordinator

Inaprobahan ni:
GINOONG EMERSON H. ANGELES
PUNONG GURO
_______________________________
Lagda ng magulang
Fair Gems Academy Inc.
Catubig N. Samar
Junior high school department
Unang Paagsusulit sa Filipino-8

Pangalan____________________ Grade/seksyon____________Petsa_________Iskor_________

Mga Pangunahing Panuto:

Bawal ang mangopya at magpakopya: Inuulit ko, ang sagot ni’yo sa exam, isipin ni’yong jowa ni’yo
yan, hindi pinamimigay. Ngunit, kung kaya ni’yo namang ipamigay, e di isipin niyo ulit, yung sagot
niyo parang utot, ‘pag nagtanong kaklase mo, ‘wag kang aamin.
Isulat nang malinaw ang sagot: Dapat malinaw! Kung kayo, e di kayo! Kung hindi, e di hindi! ‘Wag
paasa at wag ng umasa pa kung wala na. Dami na ng problema sa mundo, ‘wag niyo ng dagdagan.
Ang sakit niyo sa Bangs!
Bawal magbura?: ‘Wag na, naniniwala kasi ako na lahat tayo, we deserve a second chance. ‘Wag
lang bura nang bura, abuso ka na, sapak, you want?

Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.
____1.Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang indibidwal na
gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
A.Pakikinig B.Pagbabasa, C.Panonood D.Pagsulat
____2.Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga sulating ito
taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa
lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng transakyonal?
A.kwento B.pananaliksik C.sulating panteknikal D.balita
____3.Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng
isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang
resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
A.Malikhain B.Teknikal C.Akademiko D.Reperensyal
____4.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito
hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan ,
paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars paggawa ng medical report , narrative report
tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.
A.Malikhain B. Propesyonal C.Dyornalistik D.Teknikal
____5Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang simula dahil
dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang
maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
A.Paksa B Wika C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat
____6.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na mahalaga o hindi
na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng
malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
A.Paksa B Wika C.Layunin D.Kasanayang Pampagiisip
____7.Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
A.Naratibo B.Ekspresibo C.Impormatibo D.Argumentatibo
____8.Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito’y maaaring obhitibo
at subhetibo.
A.Argumentatibo B.Naratibo C.Ekspresibo D.Deskriptibo
____9.Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang
pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat ang
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis ,panunuring kritikal , pananaliksik , at
eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
A.opisina B.akademiya C.librari D.entablado
____10.Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga pahayag na
batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
A.Obhetibo B.Pormal C.Maliwanag at Organisado D.May Paninindigan
____11.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panunuod , pagsasalita, pakikinig
at pagsusulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.library
____12. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
____13.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
____14. Sa pagbubuod, basahin, panuorin o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
____15. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
____16.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis na
ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
____17. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
____18.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya
mahalagang basahing mabuti ang kabuuan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
____19. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming naghahari sa akda ay malungkot
dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
____20. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang makamtan ang layuning
makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma
____21. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay
sa isang partikular na paksa __________.
a. sanaysay b. talumpati c. debate d. pagpapahayag
____22. Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol
sa isang paksa, isyu o pangyayari.
a. pagbibigay-galang b. panlibang c. panghikayat d. kabatiran
____23. Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga tagapakinig
na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pammaagitan ng pagbibigay-katwiran
at mga patunay.
a. panghikayat b. pampasigla c. papuri d. pagbibigay-galang.
____24. Ang layunin ng talumpating ito ay na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan___________.
a. pampasigla b. papuri c. panghikayat d. panlibang
____25. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
a. pagbibigay-galang b. kabatiran c. pampasigla d. papuri
____26. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
a. pampasigla b. panghikayat c. kabatiran d. pagbibigay-galang
____27. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda nagbibigay
ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan __________.
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati
____28. Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati
____29. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag- aralan itong
mabuti at dapat na nakasulat___.
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati
____30. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na kaagad
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita__________.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati

Panuto: Gumawa ng talumpati na may pamagat na “ HALALAN 2022: IBOTO TAMANG KANDIDATO”
. 20pts.

Pamantayan:

1. Orinalihidad -----10
2. Kaugnayan sa paksa ----5
3. Kawastuhan ng mga pahayag ----5

Inihanda ni: Binigyan Pansin ni:


BB. MARIA LUCIA E. ULTRA Ginoong. Gino C. Talenjale
Guro Senior High Coordinator

Inaprobahan ni:
GINOONG EMERSON H. ANGELES
PUNONG GURO
_______________________________
Lagda ng magulang

You might also like