You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
CARAGA Administrative Region
Division of Surigao del Sur
Cantilan I District
CABANGAHAN INTEGRATED SCHOOL
Cabangahan, Cantilan, Surigao del Sur
SUMMATIVE TEST
FILIPINO 8

Pangalan:_________________________________________ Petsa:__________
Baitang & Seksyon:__________________________________ Iskor:_________
Multiple Choice:
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.Ang salawikain ay _____________________.


A.Isang uri ng bugtong C.Kasabihang pamana ng mga ninunong Pilipino
B.Isang uri ng idyoma D.Birong may katotohanan
2.Alin sa mga ito ang salawikain?
A.Nagsaulian ng kandila C. Mabulaklak na dila
B.May krus ang dila D. Daig ng maagap ang masipag
3.Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng salawikain?
A.Kung ano ang puno, siya ang bunga.
B.Nasa diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
C.Kung ano ang itinanim, siyang aanihin.
D.Ang paalala ay mabisang gamut sa taong nakalilimot.
4.Ito ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan.
A.Bugtong C. Salawikain
B.Kasabihan D.Kuwentong-Bayan
5.Bakit mahalagang pag-aralan ang karunungang-bayan?
A.Nakaaaliw ang mga ito.
B.Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
C.Ang mga ito ang nagpapaalala sa atin tungkol sa mayamang tradisyon ng lahing Pilipino
D.Upang tatalino ang mag-aaral
6.Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at
bulong.
A.Kuwentong-Bayan C.Karunungang-Bayan
B.Salawikain D.Sawikain
7.Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang-asal.
A.Karunungang-Bayan C. Kasabihan
B.Sawikain D. Salawikain
8.Ito ay mga matatalinhagang salita na galing sa mga ninuno natin na nagbibigay ng moral o aral sa mga kabataan.
A.Bugtong C. Salawikain
B.Kasabihan D.Kuwentong-Bayan
9.Alin sa sumusunod ang salawikain?
A.Walang lihim na hindi nabubunyag, walang totoo na hindi nahahayag.
B.Ang tunay na kaibigan sa ligaya at kalungkutan, ikaw ay sasamahan.
C.Ang buhay ay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim.
D.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
10.Ang salawikaing “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda” ay nabanggit ni
_________.
A. Andres Bonifacio C. Jose Rizal
B.Apolinario Mabini D. Emilio Aguinaldo
11.“Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo?” Ito ay isang halimbawa ng __________.
A.Sawikain C.Kasabihan
B.Salawikain D. Kuwentong-bayan
12.Pag-aralan mong mabuti ang ugali ng isang tao. Hindi dahil mabait ito sa una ninyong pagkikita ay talagang mabait
na ito. Anong salawikain ang angkop sa sitwasyon?
A.Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
B.Hindi lahat ng kumikinang ay ginto sapagkat may sariling kinang ang tanso.
C.Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
D.Saan mang gubat ay may ahas.
13.Sinabi ng lalaki ang totoo sa kanyang asawa na magbabago na siya at hindi na niya gagawin pang muli ang kanyang
maling gawain.
A.Matalino man ang matsing, napaglalamangan din.
B.Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
C.Saan mang gubat ay may ahas.
D.Ang pagsasabi ng tapat, pagsasama ng maluwat.
14.Piliin ang hindi angkop sa pahayag. Ang karunungang-bayan ay _____________.
A.bahagi ng katutubong panitikan ng mga Pilipino
B.nagpapamalas ng talas at tayog ng kaisipan ng ating mga ninuno
C.sinasabing ito ay pinag-ugatan ng panulaang Pilipino
D.nagbibigay daan upang maipahayag ang kaisipang nakabilang sa bawat kultura ng isang tribo
15.Paano makakatulong ang salawikain sa pagbibigay ng mabuting aral?
I-Ang mga salawikain ay mga mabisang linya na nagpapalago ng intelektwal na aspeto ng mga kabataan.
II-Ang salawikain ay kapupulutan ng mga kaalaman tungkol sa matatandang kaugalian, paniniwala, gawa at asal.
III-Makakakuha tayo ng mga payo tungkol sa ating pakikipagrelasyon sa ibang tao.
IV- Magsisilbing inspirasyon sa buhay upang makayanan ang lahat ng pagsubok at karahasan sa buhay.
V-Walang magandang naidudulot ang salawikain lalo na sa mga batang hindi nagbabasa nito.
A. I, II, III at IV
B.II, III, IV at V
C.III, IV, at V
D.I, III, IV at V
16.Namamangka sa dalawang ilog ay nangangahulugang?
A.Pagtataksil ng isang tao sa kanyang minamahal
B.sumakay ng bangka patungo sa dalawang ilog.
C.nangisda sa ilog gamit ang bangka
D.pagpapahangin sa ilog sakay ng bangka
17.Si Lito ay naging krus sa balikat ng kanyang mga magulang.
A.tagapasan ng krus ng pamilya
B.may guhit na krus sa balikat ni Lito.
C.taong pabigat o pasanin ng pamilya
D.taong Malaki ang pagtitiwala sa Diyos
18.Umiyak si Aling Maria nang lumagay sa tahimik ang kanyang panganay na anak.
A.nanahimik sa gilid C. yumao na
B.matamlay ang pangangatawan D. magkasintahan na magpapakasal na
19.Nasaktan ng labis si Rhea ng sinabi ng kanyang kaibigan na panakipbutas lang siya ng kanyang nobyo.
A.niloloko lang si Rhea ng kanyang nobyo
B.ginamit lamang si Rhea o ginawang kahalili sa isang tao
C.Tinatakpan ang butas sa kanilang relasyon
D.magaling magtago ang lalaki
20.Kumukulo na ang tiyan ni Inay sa paghihintay ng pagdating ni ate mula Maynila.
A.busog na busog C. nagugutom
B.nasusuka D. nahihilo
21.Pantay na ang paa ni Glenn ng maabutan namin sa ospital.
A.Gising pa C. yumao o patay
B.humihinga pa D. nakahiga kaya pantay ang pa
22.Biglang bumulusok ang manlalangoy sa pinakamalalim na bahagi ng languyan sa Bogac Cold Spring at Beto Lagoon
na matatagpuan sa Barobo, Surigao del Sur.
A.tumayo C. lumusong
B.sumisid D. lumangoy
23.Alin sa sumusunod ang salitang magkasalungat?
A.matanto--malaman C. mapagmahal--manloloko
B.marangal--kagalang-galang D. maglalathala—magpapahayag
24.Maraming buhay ang nasawi dulot ng corona virus subalit walang tigil ang ating gobyerno, doktors, siyentipiko at iba
pang pribadong ahensiya sa paghahanap ng makaapula ng sakit na ito.
A.makalason C. makapigil
B.makatingin D. makalunas
25.Ang Taj Mahal na matatagpuan sa India ay mahirap mapaknit sa bawat isipan ng mga muslim sapagkat batid nilang
lahat na ito ay simbolo ng wagas na pag-ibig. Ano ang kasalungat ng mapaknit?
A.mawala C.manatili
B.magtagal D.makintal
26.Maraming ikinukubling misteryo ang bawat “Nature Wonder” o tanawing kababalaghang matatagpuan sa kontinente
ng Asya.
A.kamangha-mangha C.itinatago
B.kahanga-hanga D.kinatatakutan
27.Maraming kababaihan ngayon lalo na ang mga bata ang iginupo ang puri ng mga salbahing tao.
A.ginahasa C.pinag-aral
B.tinulungan D. inaapi
28.“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan! Kayong nakamamalas sa kanya, batiin
ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nag-abulid sa dilim ng gabi.”
A.paglubog ng araw C. mahal na araw
B.pagsikat ng araw D. mahalagang araw
29.Ano-anong mga gintong aral ang napulot mo sa Alamat ng Durian?
A.Panatilihin ang kalinisan at kalusugan ng pangangatawan
B.Sumunod sa payo ng mga magulang.
C.Huwag husgahan ang panlabas na kaanyuan
D.Lahat ng nabanggit.
30.Bakit mahalagang pag-aralan ang matatalinghagang salita o pahayag?
A.Nagkakaroon tayo ng mas malalim na pang-unawa at pag aaral sa mga salita na ang akala natin ay simple lamang.
B.upang mas maunawaan pa ang ibig ipahiwatig ng mga akda.
C.Dito nahuhubog ang ating intelektuwal na kaisipan.
D.lahat ng nabanggit

You might also like