You are on page 1of 2

FILIPINO 8

IKALAWANG KWARTER
QUIZ #3

I. Punan ang mga patlang ng tamang sagot.


1. Isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may
mga tugma sa huli. _________________
2. Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat ng manunulat para alalahanin
ang kapanganakan ni ________________.
3. Naimbento ng mga Ilokano ang bukanegan bilang pagkilala kay ______________, isang Ilokanong makata.
4. Samantala, nagkaroon naman ng ___________ ang mga Kapampangan na hinango nila mula sa manunula at dramatistang
si Juan Crisostomo Soto.
5. Itinanghal na Unang Hari ng Balagtasan. ____________________
6. Siya ang tagapagpakilala ng paksang paglalabanan sa tulaan ng dalawang mambabalagtas. Siya rin ang tagapamagitan o
taga pagbigay hatol ayon sa katuwirang inilahad tungkol sa paksa, tikas, tinig at kakayahang umakit sa mga nakikinig.
________________
7. Ang ___________ ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan o entablado. Nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo.
8. Ang ____________ ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
9. Ang dula ay mayroon ding bahagi. Ito ay ____________, ____________, at _____________.
10. Isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng
mga Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. _______________________
11. Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula. ______________________
12. Panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula. _______________

II. Banghayin ang mga sumusunod na pandiwa sa iba’t-ibang aspekto.


Perpektibo Perpektibong Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo

nanood
kaiinom
naglalakad
maliligo
nagdala

III. Isulat sa patlang ang titik L kung ang pang-uri ay nasa lantay na antas, PH kung ito ay nasa pahambing na antas, at PS
kung ito ay nasa pasukdol na antas.
_____ 1. Napakaganda ng mga palamuti sa mga bahay tuwing Pista ng Pahiyas!
_____ 2. Magandang asal ang paggamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda sa iyo.
_____ 3. Ang buhok ni Katrina ay mas mahaba sa buhok ni Sarah.
_____ 4. Di-gaanong mabigat ang dalang bag ni Joshua.
_____ 5. Ang galing-galing ng mga mananayaw na napanood namin!
_____ 6. Huwag kayong pumunta sa lugar na mapanganib.
_____ 7. Ubod ng hirap ang trabaho ng isang manggagawa sa pabrikang ito.
_____ 8. Magsintanda ang lolo ni Jose at lolo ni Pedro.
_____ 9. Ang pamayanan sa tabing-dagat ay payapa.
_____ 10. Si Jason ang pinakamatangkad na anak ni Ginang Rosario.
_____ 11. Ibigay mo ang makapal na aklat kay Ginoong Reyes.
_____ 12. Ang dalawang sanggol ay magkatimbang.
_____ 13. Kay bait-bait ng mga kasambahay ni Ginang Raymundo!
_____ 14. Si Juan ay singkupad ng pagong.
_____ 15. Bukod-tangi ang talento ni Juan Luna.
Test IV. Suriing mabuti ang kilos at gampanin ng mga taong kasama sa balagtasan.

You might also like