You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – Northern Mindanao
Schools Division of Misamis Oriental
TINGALAN INTEGRATED SCHOOL

Pangalan: ______________________________ Petsa: ___________

Baitang: Grade 9 - CHARITY

TAYAHIN
I. Isulat sa kahon ang denotatibo o konotatibo ayon sa pagkakagamit ng salita sa pangungusap.

1. Nagbunga rin ang kanyang pagsisikap sa kanyang pag-aaral sapagkat siya’y nakapagtapos.

2. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya dahil sa galling niyang mangbola.

3. Ang lion ay isa sa mabangis na hayop na matatagpuan sa kagubatan.

4. Walang kasiguraduhan kung ano ang naghihintay sa palad ng isang tao.

5. Mabilis ang tibok ng kanyang puso sa tuwing nasisilayan niya ang kanyang iniibig.

6. Hugis bola ang kanyang dala-dalang baunan sa klase.

7. Mahalimuyak ang bango ng rosas na itinanim ng kanyang ina sa harapan ng kanilang bahay.

8. Kinaiinggitan siya sapagkat siya ang bituin sa klase.

9. Gumuho ang kanyang mundo ng mawalay sa kanila ang ilaw ng tahanan.

10. Iniiwasan siya sapagkat kulay itim ang kanyang puso.

11. Dinidiligan ng kanyang ina tuwing umaga ang kanilang mga bulaklak sa harapan ng kanilang bahay.

12. Mahigpit na ipinagbabawal ng kanilang mga magulang na sila’y magkaroon ng kasitahan sapagkat sila’y
may gatas pa sa labi.

13. Iba’t ibang kulay ng mga ilaw ang masisilayan tuwing papalapit na ang pasko.

14. Kulay itim ang suot niyang damit kahapon.

15. Nagsusunog ng kilay Ana upang makakuha ng matataas na marka.

16. May nakita silang napakalaking buwaya sa ilog.

17. Karamihan sa mga taong ating nakakasalamuha ay ahas kung maituturing na handa kang tuklawin ano
mang oras.

18. Masyadong mahangin ang aming kapitbahay.

19. Lumaki ang bata na may gintong kutsara.

20. Si Leo ang haligi ng tahanan.

You might also like