You are on page 1of 4

Kontemporaryong Panradyo at Telebisyon Quiz

1. Kulturang Popular
- Ito ay kinakatawan ng iba't ibang uri ng midyum
- Ginagawa para sa kita
- Maaring tumukoy sa mga bagay na maganda at ginagawang batayan sa pagtanggap
sa lipunan
- Ay nanggagaling sa sentro o sa capital ng isang bansa
- Napapalaganap sa pamamagitan ng teknrolohiya

2. Panitikang Popular
- Tinatawag rin na 'Print Media'
- May apat na uri ito
> Pahayagan
> Komiks
> Magasin
> Kontemporaryong Dagli

3.Pahayagan
- Ito ay isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular
- Ito ay nagbabalita ng mga napapanahon at mahahalagang pangyayaring naganap sa
isang lugar o bansa
- Ang pangunahing uri nita na laganap sa bansa ay ang BROADSHEET at TABLOID

4.Broadsheet
- Isang uri ng Pahayagan
- Sinasabing para sa taong mataas sa lipunan ang target na mambabasa
- Ito ay malaki at malapad
> Phillipine Daily Inquirer at The Daily Tribune

5. Mali
TAMA O MALI?
Ang tabloid ay mas madaming nilalamang balita at impormasyon kaysa sa broadsheet.
Tabloid
- Isang uri ng Pahayagan
- Sinasabing pahayagan ng masa
> PhilStar at Bandera

6. Komiks
- Isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular
- Layunin nitong maghatid ng isang salaysay o kuwento na naglalaman ng kulturang
Pilipino
- May mga grapiko o iginuhit na mga larawan na naglalaman ng diyalogo o komedya
7. Tama
TAMA O MALI?
Dati ang karaniwang tema ng komiks ay katatawanan o komedya bago ito napalawak
ang mga paksang sinasaklaw nito.
Dr. Jose Rizal
- Siya ang kauna-unahang Pilipino na lumikha ng komiks sa Pilipinas
- Ang pabulang "Pagong at Matsing" ay nainilathala sa "Trubner's Records"

8.Kahon ng Salaysay
- Bahagi ito ng Komiks
- Pinagsusulatan ng maikling salaysay tungkol sa tagpo

9.Kuwadrado
- Bahagi ito ng Komiks
- Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame)

10.Lobo ng Usapan
- Bahagi ito ng Komiks
- Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan
- Ito ay may iba't ibang anyo batay sa inilalarawan ng dibuhista

11.Magasin
- Isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular
- Isang uri ng PERYODIKONG PUBLIKASYON
- Naglalaman ng iba't ibang artikulo
- Naglalayong magbigay ng impormasyon at mapalawak ang kaalaman ng mga
mambabasa
- Ito ay kalimitang pinopondohan ng mga patalastas ng mga produkto o kompanya na
nais higit na makilala sa merkado
- Noon, isa ang Liwayway sa mga kilala at pangunahing magasin sa Pilipinas

12.Liwayway
- Ito ang isa sa mga kilala at pangunahing magasin sa Pilipinas noon
- Ito ay naglalaman ng mga artikulo o mga patalastas ng produkto
- Ito rin ay naglalaman mga maiikling kuwento na may kinapupulutang aral

13.Kontemporaryong Dagli
- Isang anyo ng Print Media o Panitikang Popular
- Maituturing na higit pang maiksi kaysa sa maikling kuwento
- Inihahambing ito sa tulang tuluyan at proto-fiction o micro-fiction
- Ito ay madalas napagkakamalang katulad ng isang flash fiction o sudden fiction.
14.Mali
TAMA O MALI?
Ang kontemporaryong dagli ay puwede lumampas o umabot sa haba ng isang maikling
kuwento.

15. Broadcast Media


- Halimbawa ng mga programa ay ang nasa radyo, telebisyon, pelikula at social media
- May tatlong uri ito
> Komentaryong Panradyo
> Dokumentaryong Pantelebisyon
> Dokumentaryong Pampelikula

16. Komentaryong Panradyo


- Isang anyo ng Broadcast Media
- May layuning maipahayag ang opinyon at saloobin ng komentarista at ang mga
tagapakinig
- Mahalaga sa ganitong programa ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa
pagsulat ng isang sanaysay

17.Mali
TAMA O MALI?
Hindi malaki ang naitutulong ng pag-aanyaya o pakikipagpanayam ng mga eksperto sa
paksa o isyong pinag-uusapan upang makapagbahagi ng kanilang kaalaman,
karanasan at opinyon tungkol sa usapin.

18.Dokumentaryong Pantelebisyon
- Isang anyo ng Broadcast Media
- Ito ay mga palabas o programang pantelebisyon
- Naglalayong magkuwento upang maipakita o masalamin ang realidad ng buhay
- Madalas itong tumatalakay sa kultura, pamumuhay, at iba pang isyung panlipunan
- Sinasabing naiimpluwensiyahan ang mga manonood sa kanilang pag-iisip, pag-uugali,
pananaw, at saloobin

19. Tama
TAMA O MALI?
Ang dokumentaryong pantelebisyon ay sinasabing gumigising sa isip at damdamin ng
mga manonood upang kumilos at lumikha ng pagbabago.

20. Mali
TAMA O MALI?
Hindi itinuturing na makapangyarihan ang Dokumentaryong Pantelebisyon dahil wala
itong nagagawang impluwemsiya nito sa katauhan ng
isang indibidwal.
21.Dokumentaryong Pampelikula
- Isang anyo ng Braodcast Media
- Layunin nitong magkuwento at masalamin ang katotohanan o realidad gamit ang
pelikula
- Gumaganap ang mga artista sa pelikula
- Ginagamit ito noon para labanan ang maling pamamahala noon sa sistema ng politika
sa bansa

22. Brillante Mendoza


Ayon kay _________ _______, ang dokumentaryong pampelikula ay isang sining
biswal na malaya sa tema at pamamaraan ng pagsasagawa o pag-atake sa pelikula.
Pangunahing layunin nito ang makapagbigay ng impormasyon, makapanghikayat,
makapagpamulat ng mga kaisipan at makapagpabago ng lipunan.
Independent o Indie Films, Short Films at mga Video Advocacies
Nakilala ang itong mga uri ng Dokumentaryong Pampelikula bilang bahagi ng kultura at
panitikang popular sa Pilipinas.

You might also like