You are on page 1of 38

Filipino 204:

Pagsusuring
pampanitikan
TAGAPAG-ULAT: SARAH S. COMPETENTE
FRANCIS TENORIO
ENERO 31, 2021 11:30 N.U-3:00 N.H
A. MGA
PANANALIG SA
PAGSUSURI
HUMANISMO
o Nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa tao
sa paniniwalang ang tao ay sentro ng daigdig,
ang sukatan at panginoon ng kanyang kapalaran.
o Kinikilala ang tao bilang panukatan ng
maraming bagay at pangyayari.
Layunin ng Humanismo:
o Naglalayong maipakita ang mga
karanasan ng tao, masaya man o
kalungkutan, ang bumubuo sa kanyang
katauhan, ang talino, talento, katayuan sa
buhay at lahat ng may kinalaman sa isang
indibidwal.
Istilo ng Humanismo:
o Inilalarawan kung paanong ang tao ay nakikibaka sa
buhay at mga karanasan sa mundo.
o Itinatanghal ang kalagayan ng tao bilang isang
indibidwal na may pananaw sa buhay at malayang
ekspresyon ng kakayahang intelekwal ng tao ang higit
na mahalaga.
Sa pagsusuri ng akdang Humanismo
o Maaring ilapat sa maraming
paniniwala, pamamaraan at
pilosopiyang nagbibigay-tugon sa
kalagayan at karanasan ng tao.
KLASISISMO
o Itinuturing ang isang akdang pampanitikan bilang bukal
ng mga kaisipang batayan ng wastong pamumuhay at
pakikipagkapwa.
o Tumatalakay ito sa mga paksang pang alinmang
panahon. Kinikilala ang katwiran, kadakilaan at
kaganapan ng mga bagay.
Layunin ng Klasisismo:
o Maglahad ng mga pangyayaring payak,
ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.
Istilo ng Klasisismo:
o Ilan sa mga katangiang taglay ng akda ay payak
ngunit masining, matimpi ngunit makahulugan,
may kaayusang alinsunod sa itinakdang
kumbensyong mahigpit at di nababago, dakila,
marangal at matapat sa estilo na kagigiliwan ng
mga mapagmahal sa katotohanan.
Istilo ng Klasisismo:

o Katangian ng Akdang Klasiko


- Pagkamalinaw, Pagkamarangal,
Pagkapayak, Pagkamatimpi,
Pagkaobhetibo, Pagkakasunud-sunod,
Pagkakaroon ng hangganan
Sa pagsusuri ng akdang klasisismo:
o Bigyang-pansin ang mga tauhan sa akda – ang
kanilang kilos, kung paano sila mag-isip, kung
paano nila harapin ang mga sitwasyon, ang
kanilang mga salitang ginagamit, at ang kanilang
mga desisyon.
ROMANTISISMO
• Sa likod ng kasamaan at kaguluhan ay may
bagay o pangyayaring magpapatingkad sa
angking kabutihan ng tao at laging
mangingibabaw ang pag-ibig.
• Ang daigdig sa pananaw na romantisismo ay
maganda at mabuti anuman ang bigat ng
suliranin o higpit ng pagsubok na
dumadating.
o MAY DALAWANG URI:

1. Romantisimong Tradisyunal –
nagpapahalaga sa halagang pantao
2. Romantisismong Rebolusyonaryo –
pagkamakasariling karakter ng isang
tauhan
Layunin ng Romantisismo:
o Ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-alay ng kanyang pag-
ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
o Gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig
sa tao o bayang napupusuan.
Istilo ng Romantisismo:
o Ang tema ay umiikot sa wagas na pag-ibig ng magsing-irog.
Ang pag-ibig na ito ay dumaranas ng mga pagsubok o
balakid.
o Mas may diin sa imahinasyon at kutob kaysa lohika.
o Gumagamit ng mabulaklak na pagpapahayag, sabjektiv o
tuwirang nangangaral.
o Higit na pinahahalagahan ang damdamin, kung gaano ang
higpit ng klasisismo ay gayon ang kalayaan ng
romantisismo.
Sa pagsusuri ng akdang Romantisismo:
o Bigyang-tuon ang mga karakter at ang kanilang
damdamin sapagkat ang romantisismo ay nakapokus sa
kalayaan ng damdamin kaysa sa kaisipan.
o Hindi lamang ito nakapokus sa pag-iibigan ng dalawang
magsing-irog kundi pati sa pampamilya, magkaibigan
atbp
IMAHISMO
o Ang panitikan ay pagpipinta at eskultura.
o Sa imahismong pananaw, ang kalinawan ng
isang akda ay naipahahayag sa pamamagitan ng
mga tiyak na imaheng biswal.
o Taglay nito ang esensya ng sining ng panulaan.
Layunin ng Imahismo:
o Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga
imahen na higit na maghahayag sa mga
damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang
nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng
karaniwang salita.
Istilo ng Imahismo:
o Ang pahayag ay nagiging matulain sapagkat ginagamitan ng
mga eksaktong paglalarawan at pagbibigay-anyo sa mga ideya.
o Imahen ang nagbibigay kahulugan sa akda.
o Ang akda ay nagtataglay ng mga salitang karaniwan ngunit
mayaman sa matayog na kaisipan.
o Kadalasan, higit na nakikita ang indibidwalidad ng makata sa
kanyang malayang taludturan at malaya ang awtor sa pagpili ng
paksa.
Sa pagsusuri ng akdang Imahismo:
o Basahin at unawaing mabuti ang akda.
o Sa imahismo, bigyang-tuon ang mga imaheng
ginamit sa akda.
o Kunin ang kahulugan ng mga imahe na ginamit sa
akda batay sa pagkakagamit at paglalarawan nito.
EKSISTENSYALISM
O
• Kumikilala sa esensya ng tao na walang iba
kundi kung ano ang kanyang nililikha sa
kanyang sarili depende sa lawak ng kanyang
kakayahan at limistasyon o hangganan.
• Pananagutan ng tao ang kanyang sarili at
walang kaugnayan ang kapaligiran at
minanang katangian sa kanyang hangarin at
pagkilos.
Layunin ng Eksistensyalismo:
o Ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang
pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).
Istilo ng Eksistensyalismo:
o Ang tauhan sa akda ay malayang pumipili at magpasya sa
sariling kahihinatnan o kapalaran.
o Nagpapahayag ito ng mahalagang paksain: ang konkretong
buhay at pakikihamok ng indibidwal
Sa pagsusuri ng akdang Eksistensyalismo:
o Sa mga akdang pampanitikan, tulad ng nobela, ang
Eksistensyalismo ay nakikita sa mga tauhan o karakter
na may kalayaang pumili para sa kanilang sarili. Taglay
ng mga tauhang ito ang katatagan o kung minsan ay
kahinaan, upang hamunin o tanggapin ang resulta ng
kanilang kalayaang pinili.
REALISMO
o Makatotohanan ang panitikan. Ito ay gising,
mulat at matapat.
o Objektiv ang paglalarawan sa tao at
lipunan at sa mga puwersang
nakapangyayari sa buhay.
Layunin ng Realismo:
o Ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda
sa kanyang lipunan.
o Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang
ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng
kanyang sinulat.
Istilo ng Realismo:
o Ang teksto ay tumatalakay sa mga suliranin sa
mundo at ang kanilang pinag-ugatan.
o Inilalantad ang mga katotohanan sa
pamamagitan ng mga paksa at salitang
karaniwan ngunit gumagamit ng matapang kung
hindi man mapangahas na paraan.
Sa pagsusuri ng akdang Realismo:
o Sinusuri ang akda batay sa mga pangyayaring
hango sa realidad tulad na lamang ng mga
suliranin sa lipunan, pagnanakaw, kahirapan,
pangungurakot, mga pangyayaring kahindik-
hindik, masaya, malungkot at lahat ng realidad sa
buhay ng tao.
MARXISMO
o May magagawa ang panitikan.
o Ang panitikan ay tumutugon sa nagtataguyod ng pagbabago.
o Hinahamon nito ang mga istruktura ng kapangyarihan sa
lipunan, nagtatangkang buwagin ang mga mapaniil na
puwersa at inilalantad ang mga tunggaliang pang-uri na nag-
ugat sa kalagayang pang-ekonomiya.
Layunin ng Marxismo:
o Ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika.
Istilo ng Marxismo:
o Ang epekto ng kabuhayan ng tao sa kanyang
pagtingin sa buhay, pakikitungo sa kapwa, mga
hangarin at pangarap, pagtanggap sa mga karanasan
ay mababasa sa mga karakter.
Sa pagsusuri ng akdang Marxismo:
o Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging
tiyakang nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina;
mayaman at mahirap.
o Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas,
ang mahirap at ang mayaman.
o Bigyang-pansin din kung paano natalo ng mahina ang malakas
at kung ano ang naging bunga nito na maaaring
makapagpamulat sa lipunan.
NATURALISMO
o Isang malaking ekspresyon ang panitikan. Ito ay
ekspresyon ng buhay at lipunang taglay ang mga pangit
at madilim na realidad.
o Teoryang nag-uugnay ng siyentipikong pamamaraan sa
pilosopiya sa pamamagitan ng paniniwalang lahat ng
nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay natural.
Layunin ng Naturalismo:
o Sa larangan ng panitikan, layon na ipakita nang walang
paghuhusga ang isang bahagi ng buhay.
o Ipinakikita kung ano ang ibubunga ng kapaligiran at mga
namamanang katangian sa kapalaran ng tao.

Istilo ng Naturalismo:
o Inilalarawan dito ang isang simpleng tauhan na may di
mapigil na damdamin.
o Ipinakikita ng teoryang ito ang mga kasuklam-suklam na
detalye ng buhay.
Sa pagsusuri ng akdang Naturalismo:
o Huwag agad husgahan ang karakter sa kanyang ginawa
bagkus alamin muna kung ano ang mga nangyari sa kanyang
kapaligiran na nakapagbago sa kanyang pananaw.

o Bigyang-pansin din ang mga natural na nangyayari

sa tauhan, halimbawa ang kahirapan, sakuna,


pagkamatay at maging ang katangian ng isang tao
dulot ng kanyang kapaligiran.
B. SINING NG PANUNURI
•SINING- NAGMULA SA
SALITANG LATIN NA
NANGANGAHULUGANG
KAKAYAHAN O KASANAYAN.
1. PANGKALAHATANG PANGANGAILANGAN
SA PAMAMAGITAN NG SINING:
 NAGAGAWA NG TAONG MAILAHAD ANG
KANYANG MGA NAIISIP AT NADARAMA
 ANG KANYANG MGA PANGARAP AT GUNIGUNI
 ANG KANYANG MGA PANINIWALA AT
PANANAW
 ANG KANYANG MGA HANGAD NA MAKAISA
ANG KANYANG TAGAPAGLIKHA
2. KAHULUGAN NG
Panunuring Pampanitikan
• Ito ay isang malalim na paghihimay
sa mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing
manunulat at katha.
•ITO AY ISANG MASUSING PAG-
AARAL NA MAY LAYUNING
MABUO AT MAITAAS ANG URI NG
PANITIKAN PARA SA
KAPAKANAN NG MAMBABASA,
NG MANUNULAT AT NG SINING.
SALAMAT
SA
PAKIKINIG!!!

You might also like