You are on page 1of 10

Mga Teoryang Pampanitikan

Teoryang Klasismo/Klasisismo

v Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa
buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa
paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Teoryang Humanismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon ang
kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Imahismo

v Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin,
kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling maunawaan kaysa
gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen
na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Teoryang Realismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan.
Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-
alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Teoryang Feminismo

v Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang
pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo
sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

Teoryang Arkitaypal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga
simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin
muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa
akda ay magkaugnay sa isat isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong
ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Formalismo/Formalistiko

v Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang
nais niyang ipaabot sa mambabasa walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusurit pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa


pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang
akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may
nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Teoryang Eksistensyalismo

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang
sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).

Teoryang Romantisismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-
aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan.

Teoryang Markismo/Marxismo

v Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na
umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa
mga mambabasa.

Teoryang Sosyolohikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan
ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng
lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Moralistiko

v Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang ibat ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao
ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa
pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Teoryang Bayograpikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.


Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga pinaka na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Teoryang Queer

v Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung
ang mga babae ay mayfeminismo ang mga homosexual naman ay queer.

Teoryang Historikal

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa
kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng
buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural

v Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakakaalam. Ibinabahagi ng
may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi.
Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

Teoryang Feminismo-Markismo

v Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang ibat ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning
kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na itoy kasamaan at suliranin ng lipunan.

Teoryang Dekonstruksyon

v Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang ibat ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok sa
may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng
pagtao at mundo.
POSTED BY KADIPAN

Teoryang Pampanitikan
1. TEORYANG PAMPANITIKAN G. Merland Alvarez Mabait Philippine Science High School-Main Campus
2. T E O R Y A pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng
malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
3. TEORYANG PAMPANITIKAN Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating binabasa.
4. MGA PAGDULOG -saan ito nagmula? -ano ang layunin nito? -ano ang mga halimbawa? -ano ang mga
katangian? -mahalaga bang pag-aralan ito?
5. BAYOGRAPIKAL Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga pinaka na inaasahang magsilbing
katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
6. Kondisyon Kaakibat ng Teoryang Bayograpikal: 1. Ang tanging tugon ng pagsusuri ay akda mismo na
siyang binabasa at sinusuri kung kayat kailanman ay hindi ito ipinapalit sa buhay ng makata o
manunulat. 2. Ang kahinaan at kapintasan ng may-akda sa kanyang akda ay hindi dapat maging
kapasyahan ng sinumang bumabasa ng akda.
7. Mga Halimbawa: Si Boy Nicolas ni Pedro L. Ricarte Utos ng Hari ni Jun Cruz Reyes Reseta at
Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat ni Dr. Luis Gatmaitan Florante at Laura: Kay Selya ni
Francisco Balagtas Mga Gunita ni Matute Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes
8. HISTORIKAL -Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan
ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
9. HISTORIKAL -Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon, may malaking papel na ginagampanan ang
institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang dapat sulatin ng may-akda. -ang wika at
panitikan ay hindi maaaring paghiwalayin.
10. Panuntunan sa paggamit ng Teoryang Historikal: ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng
kasaysayan na maipaliliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong kinasangkutan ng pag-
aaral.
11. Mga Halimbawa: Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal Ang Tatlong Panahon
ng Tulang Tagalog ni Julian Cruz Balmaceda Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog ni Inigo Ed
Regalado
12. KLASISMO -Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng
estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili
sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Grecia bago isinilang si Kristo.
13. KLASISMO Nakasentro sa mga dulang itinatanghal Komedya at Trahedya; bilang dalawang
pinakatanyag na uri ng dula. Gintong Panahon (80 B.C) nakilala ang panulaan bilang pinakamahalagang
genre sa pagsulat at pagsusuri (epiko, satiriko, tulang liriko at pastoral)
14. KLASISMO Panahon ng Pilak Paglaganap ng prosa at bagong komedya. Talambuhay, liham-
gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan. Paniniwala: kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa
bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain.
15. KLASISMO Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan sa isang
dakilang katawan. Pananaw: sa itaas matatagpuan ang kapangyarihan at ito ang lundayan ng klasismo.
Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal.
Hindi rin angkop ang labis na emosyon.
16. KLASISMO Katangian ng Akdang Klasiko Pagkamalinaw Pagkamarangal Pagkapayak
Pagkamatimpi Pagkaobhetibo Pagkakasunud-sunod Pagkakaroon ng hangganan
17. Halimbawa: Florante at Laura ni Francisco Balagtas
18. HUMANISMO Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp. Renacimiento o Muling
Pagsilang sa Italya
19. HUMANISMO Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng
pag-aaral na kumikilala sa kultura. Humanismo ang humuhubog at lumilinang sa tao Tao bilang
sukatan ng lahat ng bagay kung kayat mahalagang maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.
20. HUMANISMO Nakasulat ang panitikan ng mga humanista sa wikang angkop sa akdang susulatin.
(magkakaugnay at nagkakaisang balangkas, may buong kaisipan, nakaaliw at pagpapahalaga sa
katotohanan)
21. ROMANTISISMO Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang ibat ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang
kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan. Europa (ikalawang hati ng ikalabinwalong dantaon)
22. ROMANTISISMO DALAWANG URI: 1. Romantisimong Tradisyunal nagpapahalaga sa halagang
pantao. 2. Romantisismong Rebolusyonaryo pagkamakasariling karakter ng isang tauhan.
ROMANTIKO tawag sa pamaraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa Panahon ng
Romantisismo.
23. ROMANTISISMO naniniwala ang mga romantiko sa lipunang makatao, demokratiko at patuloy sa
pag-unlad. Inspirasyon + Imahinasyon = natatanging instrumento ng mga romantiko para matuklasan
ang nakakubling katotohanan/ bumubuo sa pagiging totoo, maganda. Kapangyarihang rebolusyonaryo
at damdamin. Pagpapahalaga sa kalikasang personal, kahalagahang kombensyunal, katotohanan,
kabutihan at kagandahan.
24. Makatang Romantiko: Panulaang Pilipino Jose Corazon de Jesus Lope K. Santos Ildefonso
Santiago Florentino Collantes Inigo Ed Regalado Teodoro Gener Maikling Kwento at Nobela
Macario Pineda Jose Esperanza Faustino Galauran
25. REALISMO Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
Rebolusyong Industriya: Ika-19 na siglo
26. REALISMO Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan. Ayon sa mga realista, ang sinumang
tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o
paglalahad. PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng
katarungan, prostitusyon, atb.
27. Mga Halimbawa: Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose P. Rizal Banaag at Sikat ni
Lope K. Santos Santanas sa Lupa ni Celso Carunungan Laro sa Baga ni Edgar Reyes Ito Pala ang
Inyo ni Federico Sebastian (dula) May Isang Sundalo at Nana ni Rene Villanueva (dula)
28. PORMALISTIKO Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit
ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan
ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at
hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusurit pang-unawa.
29. PORMALISTIKO tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito.
Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng
akda. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at pag- uugnayan ng mga
salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.
30. SIKO-ANALITIKO -tanging ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. nasa paghahanapbuhay
ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay. -nagkakaroon lamang ng maturidad ang isang tao bunga
ng kanyang kamalayan sa kahirapan. Bago ipanganak si Kristo
31. EKSISTENSYALISMO Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence). Huling bahagi ng ikalawang dekada ng nakaraang dantaon

32. EKSISTENSYALISMO ang teoryang eksistensyalismo ay walang simulain. Maihahalintulad ito sa


dalawang teorya: romantisismo dahil mahilig sa paghanap ng tunay na paraan ng pagpapahayag o
ekspresyon; modernismo dahil nagpipilit itong magwasak ng kasaysayan.
33. Halimbawa: Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla Aanhin Nino Yan? Panitikang Thai Salin ni
Lualhati Bautista
34. ISTRUKTURALISMO -Wika ang mahalaga dahil bukod sa hinuhubog nito ang kamalayang panlipunan
ipinalalagay ng maraming teorista na napakahalaga ng diskurso sa paghubog ng kamalayang
panlipunan. -di-makatao Unang dekada ng ika- 20 dantaon
35. DEKONSTRUKSYON Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang ibat ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-
udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuuan ng pagtao at mundo. Dekada 60: ipinakilala ni Jacques Derrida
36. DEKONSTRUKSYON Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay
di matatag at nagbabago. Higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng
kahulugan ng teksto. Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakaslungat na kahulugan o
implikasyon ng teksto at ng mga salita at pangungusap.
37. Halimbawa: Tata Selo ni Rogelio Sicat Kay Estella Zeehandelaar salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
38. FEMINISMO Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay
feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.
39. FEMINISMO Apat na Panahon ng Feminismo 1) Mga aklat nina Kate Millen, Germaine Greer, at Eva
Figes. 2) Pagkakalathala ng mga aklat nina Showalter, Gilbert at Gubar 3) Ang tuwirang pakikipag-
ugnayan ng feminismo sa post-istrukturalismo 4) Ang feminismong may kaugnayan sa post- modernismo
40. FEMINISMO ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat bilang mahina,
marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan at masama. Ito ang sistemang
pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan.
41. Mga Halimbawa: Sa ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwatat Paraluman ni Lilia Quindoza Santiago
(tula) Sandaang Damit ni Fanny Garcia (maikling kwento) Sumpa ni Rowena Festin (tula) Paano
Tumutula ang Isang Ina ni Ligaya G. Tiamson-Rubin (tula)
42. Gawain : Mag-isip/gumawa ng sariling Teorya/Pagdulog na maaaring magamit sa pagsusuri ng isang
akda. Ibatay ito sa sariling pag-uugali, gawi, kilos, kinalakihang tradisyon. Isulat/Ilagay sa Short bond
paper/makulay na papel at ipapasa sa susunod na pagkikita.
43. Pangalan 3 Pagpapaliwanag 5 Presentasyon 2 Kabuuan: 10 /1.00

TEORYANG PAMPANITIKAN
Ang teoriyang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa
pagaaral ng panitikan. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at
lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap
sa katotohanan o realidad. Tulad sa akda, totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigayng
kayamanan. Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan
at siya ay nawala sa sarili. Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa
tao.

Uri nito:

1. MORALISTIKO
sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at
kaayusang nakapaloob sa akda
2. SOSYOLOHIKAL.
mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan
3. SIKOLOHIKAL
makikita ang takbo ng isip ng may katha antas ng buhay, paninindigan, pinaniniwalaan,
pinahahalaganahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may-akda.
4. FORMALISMO
Pinagtutuunan ng pansin sa ang mga istruktura o pagkabuo kabisaan ng pagkakagamit ng
matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda
5. IMAHISMO
Umusbong noong 1900 Nagpapatalas sa pandama ng mga mambabasa larawang-diwa o imahe sa
ikagaganda ng akda mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa
isipan ng mambabasa
6. HUMANISMO
Ang tao ang sentro ng daigdig. Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming
bagay
7. MARXISMO
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa malakas at mahina
mayaman at mahirap Kapangyarihan at naaapi
8. ARKETIPO / ARKITAYPAL
gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda nangangailangan ng masusing
pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin dito ay mga simbolismong ginamit upang
maipabatid ang pinakamensahe ng akda
9. FEMINISMO
maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at gawain ng mga babae sa loob ng akda at
maaring ilantad din ang mga de kahong mga imahen ng mga babae sa akda layon nitong labanan ang
anumang diskriminasyon, exploitation , at operasyon sa kababaihan Lualhati Bautista, Genoveva Edroza
Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo
10. EKSISTENSYALISMO
Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan Ang tao
ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at
sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan
11. KLASISISMO
Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri Layon ay katotohanan, kabutihan at kagandahan Malinaw,
marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan
12. ROMANTISISMO
Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas Pagtakas mula sa realidad o
katotohanan nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa, bayan at iba pa mga sanaysay na
nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang
nakakatawa ngunit kung ito'y titignan ng mabuti ay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan
13. REALISMO
Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon Madalas
din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno

TEORYANG PAMPANITIKAN
1. Teoryang Humanismo
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay-halaga sa tao dahil ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatan
ng bagay at panginoon ng kanyang kapalaran
b. Pananaw Humanismo
1) Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang pangunahing paksa rito.
2) Pinahahalagahan ang kalayaan ng isipan, ang mga natatanging talino kakayahan at kalikasan ng
tao.
3) Para sa humanista ang literature ay kailangang
1. Isulat nang mahusay sa isang lenggwaheng angkop lamang sa genre nito
2. May magkakaugnay na balangkas at may kagandahan ng anyo
3. Nakawiwili at nagbibigay-kasiyahan sa mambabasa
4. Nagpapahalaga sa katotohanan ng tula (poetic truth)
5. May pagkamatimpi at hindi dapat lumabag sa batas ng kalikasan (pisikal, moral, sikolohikal)
2. Teoryang Formalistiko
a. Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda.
b. Pananaw Formalistiko
1) Nasa porma o kaanyuan ng akda ang kasiningan nito.
2) Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan.
3) May mga elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay kaugnay ng iba pang
elemento; magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang maging mahusay ang akda.
3. Teoryang Imahismo
a. Ang tuon ng pananaw na ito ay sa imahen. Pinaniniwalaang ang imahen ang nagsasabi ng
kahulugan. Kinikilala ng teoryang ito ang kabuluhang pangkaisipan at pandamdamin ng mga imaheng
nakapaloob sa akda.
b. Pananaw Imahismo
1) Malaya ang manunulat/makata na pumili ng anumang nais na paksa sa kanyang akda/tula.
2) Gumagamit ng salitang pangkaraniwan o tiyak ang mga salita.
3) Malinaw ang mga epekto nito.
4) Kung may aral ang akda/tula, hindi ito esensyal sa akda/tula.
4. Teoryang Realismo
a. Ito ang teorya ng makatotohanang panitikan. Ito ay naglalarawan ng makatotohanang pangyayari
sa buhay. Ang mga tauhan ay nagtataglay ng ordinaryong suliranin sa buhay at ang usapan ng mga
tauhan ay parang natural.
b. Pananaw Realismo
1) Higit na mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan para sa realismo.
2) Ang paraan ng paglalarawan ang susi at hindi ang uri ng paksa.
3) Tumutukoy ito sa suliranin ng lipunan (sosyal, political, atbp)
4) Naniniwala ang realismo na ang pagbabago ay walang hinto.
5) Tumatalakay sa salungatan ng kapital at paggawa.
6) Optimistiko ang pananalig na lalaya ng masa sa pagkakalugmok nito.
5. Teoryang Feminismo
a. Ang pananaw na ito ay naglalayong malabanan ang operasyon ng sistemang patriarchal sa
kababaihan.
b. Pananaw Feminismo
1) Naglalayon itong mawala ang de-kahong imaheng ibinibigay sa babae.
2) Sa paksa, makatotohanang inilalarawan ang mga karanasan ng kababaihan sa matapat na
pamamaraan.
3) Sa estilo, Malaya ito at karaniwan ang ginagamit na pananalita.
4) Sa porma, mabisa ang monologong dramatiko at realistiko.
5) Sa tauhan, hindi na de-kahon ang mga kababaihan kundi aktibo na.
6. Teoryang Sosyolohikal
a. Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao, dahil dito ang tao ang sentro ng
daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran.
b. Sa pananaw na itoy mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda.
c. Pananaw Sosyolohikal
1) Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang
namamatitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan.
2) Ang tao at ang kanyang mga saloobin at damdamin ang naging pangunahing paksa rito.
3) Pinahahalagahan ang kalayaan at isipan, ang ganap na kagalingan ng henyo, at mga natatanging
talino at kakayahan ng tao at kalikasan.
7. Teoryang Eksistensyalismo
a. Kung babasahin ang isang akda sa pananaw ng ito, maaring pagtuunan ng pansin ang kalagayan ng
tauhan na ang pokus ay nasa pagbuo niya ng paninindigan. Sinusuri ng akda batay sa lakas ng
paninindigan ng tauhan na nagpapakita ng pagbalikwas sa kanyang kalagayan. Mahalaga na Makita ang
pagtanggap niya sa nagging bunga ng pansariling pagsisikap.
b. Pananaw Eksistensyalismo
1) Malaya ang tao siya lamang ang maaring magdesisyon kung paano niya gugugulin ang panahon
niya habang siya ay buhay.
2) Responsible ang tao siya lamang ang responsible sa kanyang buhay kahit pa ang desisyon niya ay
para sa kanyang kabutihan o kasamaan.
3) Indibidwal ang tao walang isang tao na kaparehas niya. Ang kanyang pag-iisip, damdamin,
kaalaman at kamatayan ay kanya lamang.
4) Walang makapagsasabi ng kung alin ang tama o mali maliban sa taong nakaranas sa pinag-usapan.
5) Personal lamang ang batayan ng bawat tao sa pakikipag-ugnayan sa lipunan at sa mundo.
6) Sinusuri ang akda batay sa lakas ng paninindigan ng tao at ng pagtanggap niya sa naging bunga ng
pagpapasya.
8. Teoryang Romantisismo
a. Ang namamayani sa pananaw na ito ay emosyon o likas-kalayaan. Piniiral ditto ang
sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan diot ang damdamin kaysa ideyang siyentipiko.
Sa pagdulog na ito, matutuklasan ang pagtinging moral, intelektwal at espiritwal. Ang teoryang
romantisismo ay karaniwang naglalarawan ng mga sitwasyong nagaganap sa pang-araw-araw sa buhay.
Inaasahang ang lahat ng tauhan ay magiging huwaran, maharlika at pawang mabubuti ang inilalalrawan.
b. Pananaw Romantisismo
1) Nananalig sa Diyos, sa katwiran at kalikasan ang teoryang ito.
2) Inspirasyon ang pangunahing kasangkapan upang mabatid ang katotohanan, ang kabutihan at ang
kagandahan.
3) Makatao, demokratiko at mapagsulong sa ikagagaling ng lipunan ang paniniwala ng mga
romantiko.
4) Tampok ang mga sumusunod bilang nilalaman ng panitikan.
1. Karakter na sobrenatural o romantiko
2. Sitwasyong pang-araw-araw o karaniwang pamunuhay
3. Mababa o kanayunang buhay
4. Mga paksang kinuha sa matandang Gresya at Roma, Panggitnang Panahon
9. Teoryang Naturalismo
a. Tinangka niro ang mas matapat, di pinipiling representasyon ng realidad.
b. Pananaw Naturalismo
1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangin at walang awing kagubatan.
2) Ipinakikita ng manunulat ang mga kasuklam-suklam na mga detalye.
3) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
4) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa lamang.
5) Nagbibigay-diin ito sa namamana at pisikal na katangiang moral.
6) Ang akda ay nagbibigay-diin na namamana at pisikal na katangiang likas sa tao kaysa katangiang
moral.
7) Itoy may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.
10. Teoryang Dekonstruksyon
a. Ang pananaw na ito ay tinatawag na post-instrakturalismo. Ibig sabihin, hindi lamang wika ang
binubusisi nito ngunit pati na rin ang teorya ng realidad o pilosopiya at ang pagkakahubog nito sa
kamalayang panlipunan. Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamitsa teksto at
hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nitoy nasa kamalayan ng
manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa
mambabasa na.
Posted by jose ranie ili at 3:31 PM

You might also like