You are on page 1of 28

PAUL JOHN A.

MARIANO, LPT
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
TALUMPATI
Ang talumpati ay isang pormal na
pagpapahayag na binibigkas sa harap
ng manonood o tagapakinig. Pormal
ito dahil ito ay pinaghahandaan,
gumagamit ng piling wika, at may tiyak
na layunin. Ito ay binibigkas bagaman
madalas itong nagsisimula sa nakasulat
na anyo.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
TALUMPATI
Madalas, iniuugnay ang talumpati
sa mga politikong nagpapahayag ng
kanilang plataporma sa isang malaking
pagtitipon, sa panauhing pandangal na
nagbibigay ng mensahe sa seremonya
ng pagtatapos ng isang paaralan, o sa
Pangulo ng Pilipinas na nag-uulat sa
bayan.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
TATLONG YUGTO
SA PAGSULAT NG
TALUMPATI

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PAGHAHANDA
1. Layunin ng Okasyon
2. Layunin ng
Tagapagtalumpati
3. Manonood
4. Tagpuan ng Talumpati

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang
layunin ng pagdaraos ng okasyon. Maaring ito
ay upang magbigay ng inspirasyon sa mga
estudyante, magpaliwanag tungkol sa isang isyu
sa isang komunidad, magkuwento tungkol sa
karanasan at ibapa. Kung may itinakdang paksa
o tema ang mga nag-organisa ng okasyon,
dapat ding alamin at unawain ng
tagapagtalumpati para maiayon ang kaniyang
talumpati.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Bukod sa layunin ng okasyon, dapat
ding tiyakin ng tagapagtalumpati sa
kaniyang sarili kung ano ang kaniyang
magiging layunin sa pagtatalumpati. Kung
siya ay magpapakilala sa panauhing
pandangal o pangunahing tapagsalita
upang matiyak ang haba ng talumpati.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig.
Pangunahing salik din sila sa nilalaman at estilo ng
talumpati. Kung maliit na grupo lang ang manonood,
maaaring mas maging malaman at malalim ang
talumpati. Kung maraming manonood, malamang na
kailangang maikli ang talumpati at lahukan ng
maraming kwento at biro. Bukod sa dami, kailangan
ding alamin ang ilang bagay tungkol sa katangian nila—
ang kanilang pinag-aralan, ekonomikong estado, edad,
kasarian, o kulturang pinagmulan. Dapat isaalang-alang
ang mga salik na ito para makabuo ng talumpating
mabisa at makakaugnay sa tagapakinig.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Tumutukoy ito sa lugar, sa kagamitan, sa
oras, at sa daloy ng programang kapapalooban
ng talumpati. Bago ang mismong
pagtatalumpati, mahalagang makita o mausisa
man lamang ang kondisyon ng lugar na
pangyayarihan ng pagtatalumpati at tanungin
din kung may kagamitan. Alamin din hindi
lamang ang eksaktong araw at oras ng
pagtatalumpati, kundi maging ang oras ng
buong programa.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


PANANALIKSIK
1. Pagbuo ng Plano
2. Pagtitipon ng Materyal
3. Pagsulat ng Balangkas

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Sa simula, kailangang pag-aralang
mabuti ang paksa o tema, at/o papel ng
tagapagtalumpati sa okasyon. Isaisip na
maraming iba’t ibang paraan o estratehiya
ng pagdebelop ng isang paksa o tema. Ilista
ang mga ito at piliin ang pinakaangkop sa
okasyon, sa layunin, sa manonood, at
tagpuan. Maaari ring sumangguni sa iba
para mapahusay pa ang plano.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Tipunin ang mga materyal na kailangan
ayon sa nabuong plano. Batay sa karanasan ng
maraming manunulat, madali ang mismong
pagsulat kung ang lahat ng materyal ay nandiyan
sa mismong oras ng pagsulat. Ito ay maaaring
nakalimbag tulad ng aklat, artikulo; maaari ding
di-nakalimbag tulad ng panayam o kuwento; at
maaaring materyal na audio-visual tulad ng
pelikula, musika at larawan.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Matapos matipon ang mga metryal,
huwag agad dumiretso sa pagsulat ng
talumpati. Mahalaga paring maklasipika o
mapagpangkat-pangkat ang mga natipong
materyal. Ang balangkas ang magbibigay
ng direksiyon sa pagsulat. Sa pagbuo ng
balangkas, maaari ring makita kung ano
pang bahagi ang kulang sa datos, at kung
gayon, kailangan pa ng dagdag na
materyal. PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
PAGSULAT
Simulang sulatin ang
talumpati ayon sa
nabuong balangkas.
Narito ang ilang
pangkalahatang gabay sa
pagsulat.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
1. Sumulat gamit ang wikang pabigkas. Ang
talumpatin ay sinusulat hindi para basahin
kundi para bigkasin. Dapat, isaalang-alang
ang kakayahan ng mga tagapakinig na
unawain ang talumpati kahit pinapakinggan
lamang ito. Dahil dito, pinakamabisa ang
estilong natural; ibig sabihin, ang talumpati
ay parang nakikipag-usap lamang sa
tagapakinig.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


2. Sumulat sa simpleng estilo. Iwasan ang
mahahabang salita . Hangga’t maaari. Huwag
ding gumamit ng teknikal na salita. Sa halip
na gumamit ng mga abstraktong salita, mas
gamitin ang mga kongkretong salita, o iyong
lumilikha ng mental na imahen sa
tagapakinig. Iwasan din ang mahahaba at
komplikadong pangungusap. Putulin at
paikliin ang mahahabang pangungusap, at
bumuo ng mga pangungusap na may iisang
paksa at komentaryo lamang.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
3. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at
kumbensiyon ng pagpapahayag na pagbigkas.
a. Paggamit ng matalinghagang pahayag o
tayutay
b. Paggamit ng kuwento
c. Pagbibiro
d. Paggamit ng mga kongkretong halimbawa

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


e. paggamit ng paralelismo
f. paggamit ng mga salitang pantransisyon sa mga
talata
g. pagbibigay ng tatlong halimbawa para
maipaliwanag ang isang ideya

Huwag isipin na ang mga estratehiyang ito ay


mga palamuti lamang. Sa halip, dapat ituring ito
bilang mga pamamaraan para mas madaling
mapakinggan at maunawaan ng mga tagapakinig
ang talumpati.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
4. Gumamit ng angkop na mga salitang
pantransisyon. Ang pagbabago ng mga talata
na hudyat ng pagbabago rin ng ideya ay
makikita sa paggamit ng mga espasyo at
indensiyon sa mga pahina. Ngunit ang
talumpati ay minsan lang mapakikinggan.
Kaya naman dapat gabayan ang tagapakinig
sa pamamagitan ng pagbibigay hudyat gamit
ang mga salita.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
5. Huwag piliting isulat agad ang simula at katapusan
ng talumpati. Karaniwan, mas madali kung
magsisimula sa katawan ng talumpati. Pagkasulat ng
katawan, mas madali nang isulat ang introduksiyon at
kongklusyon. Ang introduksiyon ay maaaring
maglaman ng alinman sa sumusunod:
a. sipi mula sa isang akdang pampanitikan;
b. anekdota;
c. pagbanggit ng paksa o tema at pagpapaliwanag ng
mga susing konsepto nito;
d. pag-iisa-isa sa mga layunin; at
e. pagtatanong sa tagapakinig.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


Ang kongklusyon naman ay maaaring
maglaman ng alinman sa sumusunod:
a. sipi mula sa isang akdang pampanitikan o
anekdota na magbibigay diin sa nilinang na
ideya;
b. paglalagom sa mga pangunahing ideyang
dinevelop;
c. pagrerebyu sa mga layunin at kung paano
ito natamo; at
d. panawagan sa tagapakinig na gumawa ng
pagkilos.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
PAGREREBISA NG
TALUMPATI

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


1. Paulit-ulit na pagbasa. Kapag nasulat na ang
unang draft o burador, hindi ito nangangahulugang
ganap ng tapos ang talumpati. Kailangan itong
rebisahin. Isang mahalagang hakbang sa
pagrerebisa ang paulit-ulit na pagbasa nang
malakas sa draft. Kailangang matiyak ng
tagapagtalumpati na madulas ang pagbigkas ng mga
salita at pangungusap. Kung may problema sa
pagbigkas ang tagapagtalumpati, iwasan ang mga
salitang gumagamit ng mga letrang ito upang hindi
mahirapan sa pagpapahayag ng talumpati.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
2. Pag-ayon sa estilo ng nakasulat na talumpati
sa paraang pabigkas. Pakinggan kung may
musika o ritmo ang bagsak ng mga pahayag.
Nagagawa ito kung napag-iiba-iba sa talumpati
ang mahahaba at maiikling pangungusap.
Sikapin ding ilagay sa dulo ng pangungusap ang
mga makabuluhang salita o mga salitang
gustong bigyang-diin.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


3. Pag-aangkop ng haba ng talumpati sa
ibinigay na oras. Bahagi rin ng
pagrerebisa ang pagtiyak na ang haba o
tagal ng pagbabasa o pagbigkas ng
talumpati ay umaayon sa ibinigay na oras.
Huwag gawing eksakto sa oras. Magbigay ng
kaunting palugit; ibig sabihin, dapat ay mas
maikli nang kaunti ang talumpati sa
itinakdang tagal nito.

PAUL JOHN A. MARIANO, LPT


URI NG TALUMPATI KARANIWANG TAGAL
Panayam o lektura 45–50 minuto
Presentasyon ng papel sa isang 20–25 minuto
kumperensiya
Susing panayam 18–22 minuto
Pagpapakilala sa panauhing pandangal 3–4 minuto
Talumpati para sa isang seremonya 5–7 minuto

Tandaan na walang tagapakinig ang gustong maupo at


makinig sa isang napakahabang talumpati, gaano man kahusay
ang tagapagtalumpati. May mga pag-aaral na sumukat na sa
attention span o tagal ng kakayahang makinig at magpokus ng
isang tao sa iba’t ibang sitwasyon. Kailangang isaalang-alang ito
upang maiwasang mabagot ang mga tagapakinig.
PAUL JOHN A. MARIANO, LPT
Mahalagang Tandaan:
Ang pagbigkas ng talumpati sa harap ng publiko sa
isang pormal na konteksto ang ikinatatangi nito sa maraming
anyo ng pagpapahayag. Dahil binibigkas ito sa harap ng
madla, mahalagang isaisip na ang talumpati ay dapat na may
kabuluhan sa buhay ng mga makikinig. Ang paksa ay
napapanahon at may kaugnayan sa lipunan; ang nilalaman
ay mapagkukunan ng mga ideya para makapamuhay nang
mabuti sa lipunang ito. Ang iba’t ibang pamamaraan at
estratehiya namang ipinaliwanag sa araling ito ay tutulong
para higit na mabisang maipaabot sa mga tagapakinig ang
nais na ipahayag na mga idea.

You might also like