You are on page 1of 15

KAGAMITANG PANTEKNOLOHIYA: Pagtuturo ng Filipino sa mga Piling

Estudyante, Guro at Mataas na Opisyal sa Mataas na Antas ng


Paaralan ng Father Saturnino Urios University.

S.Y. 2020-2021

Isang suliraning pananaliksik

na iniharap sa Faculty ng

Teacher Education Program

Father Saturnino Urios University

Butuan City

Isang bahagyang katuparan

Bilang pangangailangan ng asignaturang

PED 307- The Teacher and the School Curriculum

Ni:

Denneth Amoro

Quennie May Blanco


Iris Bonghanoy

Andrew Borrico

Charmeyn Joy Cemine

Mariel Cillo

Rhea Joy Labial

Mitchie Militares

Christille Dawn Nakila

Tiffany Salino

Glenn Selorio

Zennebeth Tompong

Ma. Leona Theresa Turla

Mrs. Rheomie Opiasa-Hallazgo

Instructor

December 2020
Abstrak

Malawakan ang paggamit ng teknolohiya sa panahon ngayon. Sa


pamamagitan nito napapaunlad ang estilo sa pagsasagawa ng mga
bagay-bagay. Kadalasang gumagamit nito ay ang mga kabataan na
siyang nagpapatunay na malaki ang naiambag nito sa lipunan sa
pagpapaunlad ng kaalaman. Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa
pagtuturo ng Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.
Ang pangunahing kaugnay na literatura ay tumutukoy sa
pangangailangan ng guro na gamitin ang makabagong kagamitang
dulot ng teknolohiya upang makapagturo sa mga kabataan at
matugunan ang pangangailangan ng mga estudyante na mabigyan ng
pansin ang mga gawain na mahirap maunawaan sa pamamagitan ng
teknolohiya. Ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong kagamitan
ay nagpapakita ng panibagong ideya para mapakinabangan ang
kagamitang panteknolohiya. Naging layunin nito ang mapalawak ang
kaisipan ng mga estudyante na nag-uugnay kung paano makakatulong
ang mga guro. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito ay makakakuha ng
panibagong kaalaman at kaisipan. Ang naging resulta sa pag-aaral
na ang paggamit ng kompyuter sa pag-aaral ay nakakatulong sa mga
estudyante dahilan na ang mga guro ay nakadiskubre na ang mag-
aaral ay madaling maturuan at higit pa nito ay nakakakuha sila ng
malalim na pag-unawa tungkol sa pinag-aaralan. Dahil dito,
napapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at kasangga ang mga
guro sa pagkatuto ng mga estudyante dahilan na nakakatulong ang
teknolohiya sa mga guro sa pamamagitan ng bagong pagtuturo at
hindi sila nahihirapan kung papaano tuturuan ang mag-aaral at sa
kasalukuyan ay bumalik ang sigla ng mga estudyante sa pag-aaral
dahilan na ang kaisipan nila ay mabigyan ng bagong kaalaman.

Panimula
Napakarami na ng mga pagbabago ang makikita natin sa
kasalukuyang panahon partikular na sa mga kagamitan. Isa sa
nagdulot ng mga pagbabagong ito ay ang teknolohiya. Malaki ang
naging epekto ng mabilis na pag-usbong nito sa pamumuhay ng mga
tao sa kadahilanang nakatutulong ito sa kanila sa pang-araw-araw.
Ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa maraming aspekto sa
lipunan at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan
(Castrodes et al., 2012). Patunay lamang ito na malaki ang
maiaambag ng teknolohiya upang mapaunlad ang kaalamn ng mga
kabataan. Kasabay ng pag-unlad na ito ay marami na ring mga
kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng mga teknolohiya kagaya
ng “cellphone”, kompyuters at iba pa. Ang edukasyon ay ang
pinakamahalagang tungkuling ginagampanan tungo sa pag-unlad ng
isang bansa ngunit ito ay naapektuhan ng pabago-bagong panahon,
kapaligiran at kaugalian ng mga tao (Bracero, et. Al., 2007).
Ayon pa sa libro nina Sampath et. Al., (2007) “Learning usually
involves both student and a teacher”. But in some of the recent
innovations of the educational system, the teacher needs not be
physically present to teach.” Kung kaya’t gumagamit na rin ang
mga guro ng mga makabagong kagamitan na bunga ng teknolohiya
bilang kagamitang pampagtuturo. Kabilang sa mga kagamitang
pantulong sa pagtuturo ang paggamit ng LCD projector, kompyuter,
lapel at marami pang iba. Ngunit hindi na rin maiaalis na may
malaking gampanin pa rin ang mga guro sa mabilis na pagkatuto ng
mga mag-aaral. Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga
kagamitang panturo, tulad ng midyang instruksyonal ay nagbibigay
ng konkretong pundasyon sa pagkatuto. Nagbubunga ito ng wastong
gawa sa pag-aaral, nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral
sapagkat higit na napapasigla at napagagaan ang proseso ng
pagtuturo at pagkatuto, at nagdudulot ito ng maayos, madali,
makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto. Sa mabilis na
pagsulong ng teknolohiya ay maaari na ring mapabilis ang paraan
ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang dating
kumbensiyunal na pagtuturo na nakasentro palagi sa guro (teacher-
centered) ay unti-unting napapalitan ng pagtuturo na nakasentro
naman sa mga mag-aaral (student-centered). Ang mga tradisyunal na
nilalaman ng mga aralin ay maaaring mapaunlad sa mas
interaktibong pamamaraan. Ang pagsasama ng teknolohiya sa
pagtuturo at pagkatuto ay may hangaring mabago ang estratehiya sa
mga institusyong pang-edukasyunal. Ayon kay Hidalgo (2000), sa
modernong pagtuturo teknolohikal na pagbabago sa ika-21 siglo,
nakatuon sa kumpetisyon ang mga paaralan ngayon. Kaya naman
maraming paaralan at institusyon ang gumagamit ng mga makabagong
kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng yeso at pisara noon
ng mga guro sa pagtuturo ay napapalitan ng kompyuter at LCD
projector sa pagtalakay sa kanilang paksa.

Ang iba’t ibang makabagong mga kagamitang teknolohiya ay


ginagamit ng mga guro sa Filipino sa kanilang pagtuturo. Ito ay
nag-udyok sa mga mananaliksik na pag-aralan ang paksang ito.
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy kung gaano ka epektibo ang
paggamit ng mga kagamitang panteknolohiya sa pagtuturo ng mga
guro sa Filipino at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Kaugnay na mga Pag-aaral

Bunsod ng modernisasyon at globalisasyon, umusbong din ang


teknolohiya na nagbigay-daan upang mas umunlad at mas maging
makabuluhan ang pagkatuto at pagtuturo sa kasalukuyang panahon.
Buhat nito’y mas nabigyang pagkakataon na palawakin at paunlarin
ang pagtuturo sa larangan ng asignaturang Filipino. Nagbigay si
Francisco (2008) ng anim na pananalig ng pampagtuturo na nabago
ng modernong panahon sa kanyang pag-aaral na Ang Wikang Filipino
sa Edukasyong Panteknolohiya: Isang Teknolingguwal na
Pagtalakay. Una, ang ‘linyar tungo sa Hypermedia na Pagkakatuto’
o pagpapakita ito ng kumbensyunal na pamamaraan ng pagtuturo
gamit ang mga libro at iba pang tradisyonal na parapernalya
bilang mga pangunahing instrumento ng pagtuturo. Samantala, ang
hypermedia na paraan ng pagkatuto ay tumutukoy naman sa gamit ng
telebisyon, iba’t ibang larong panteknolohiya gayundin ang gamit
ng Internet sa loob ng klasrum. Kung gayon, mahihinuha na sa
pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya sa kagamitang pagtuturo,
mas madaling maituturo ng mga guro sa Filipino ang mga aralin at
mas madali ring mauunawaan ng mga mag-aaral dahil mayroong
interaksyon na magaganap sa klase. Pangalawa, ‘Simpleng
Intruksiyon Tungo sa Pagtuklas ng Kaalaman’ na ipinapakita naman
dito ang magkatuwang na debelopment ng pagtuturo at pagkatuto. Sa
kasalukuyang mga pananalig ng pagtuturo, mas ninanais na ngayon
ng mga estudyante na matuto sila mula sa sarili nilang mga
karanasan at mga pagtuklas. Dahil dito, mas nagiging mabisa at
episyente ang kanilang pagkatuto sapagkat awtentiko ang bawat
karanasan nila. Bilang isang 21st century na mag-aaral, mas
kawili-wili para sa mga estudyante kung sarili mismo ang tutuklas
ng mga kaalaman kaysa sa simpleng pakikinig lamang ng aralin mula
sa mga guro. Bukod pa, ayon kay Weimer (2013), more than twenty
years of research evidence supports learner-centered teaching
methods as a path to better student outcomes when compared to
traditional, teacher-centric methods. A few of these better
student outcomes are: Meaningful and long term understanding;
Engaging in deep learning approaches rather than superficial
attempts; Independent, lifelong learning; Increased motivation to
learn; and better assessment outcomes, especially with conceptual
understanding tests. Pangatlo, ‘Pagtutuong Nakapokus sa Titser
tungo sa Pagkatutong Nakasentro sa Estudyante’ na gamit ang mga
makabagong teknolohiya, magaganap ang pagtuturong nakasentro sa
estudyante dahil sa kanila nagmulumula ang aksyon o inisyatibo.
Subalit, hindi nangangahulugang kaunti na lamang ang papel ng
titser sa loob ng klasrum, bagkus, mas magiging malawak pa ito
dahil siya ang magsisilbing gabay ng kabuuang talakayang ilalahad
ng mga estudyante. Pang-apat, mula Paaralan tungo sa
Panghabambuhay na Pagkatuto’ na dito ay binibuwag ang
paniniwalang sa paaralan lamang magsisimula at magtatapos ang
pagkatuto, bagkus, gamit ang mga makabagong teknolohiya, dulot
ang panghabambuhay na pagkatamo ng mga kaalaman sa mundo.
Nagsisilbi rin itong hamon sa mga estudyante gayundin naman sa
mga titser upang patuloy na tumuklas ng mga bagong kaalaman sa
kanilang paligid. Panglima, ‘Tortyur na Paraan ng Pagkatuto tungo
sa Pangkasiyahang Pagkakatuto’ na kung saan isa sa mga makabagong
inobasyon na isinasagawa ng mga paaralan sa kasalukuyang panahon
ay kung paano matututo ang mga estudyante sa paraang
napapahalagahan nila ang bawat sandaling pananatili nila sa loob
o labas man ng klarum. Sabi nga, “teachers are also
entertainers.” Ang entertainment ay malaki ang naitutulong upang
ma-motivate sa pag-aaral ang mga estudyante. Panghuli, ang
‘Paniniwalang Titser bilang Tagapaghatid ng Impormasyon tungo sa
pagiging Facilitator’ bilang sa panahon ng impormasyon, nararapat
na malinaw ang papel ng titser na siya ay hindi lamang simpleng
tagapaghatid ng impormasyon sa mga estudyante. Nararapat niyang
panghawakan na siya ay facilitator na gagabay at magsisilbing
konsultant ng kaalaman sa klarum. Bagkus, batay sa mga pahayag ni
Francisco (2008), mahihinuha na ang paggamit ng teknolohiya sa
loob ng klasrum ay tiyak mahalaga sapagkat nililinang nito ang
pagka-indepente ng mag-aaral sa pagkatuto ng mga kaalaman at
nagbibigay pagkakaton upang maipamalas nang mahusay ang kanilang
mga natutunan sa loob ng klasrum. Nakakatulong din ang
teknolohiya upang maging interaktibo ang klase na makakatulong
upang mapaigting ang ugnayan ng guro at mag-aaral at bukod pa,
nakakapagbigay-aliw at motibasyon din ito sa mga estudyante na
aktibong makilahok sa klase at nagbibigay daan din para sa mga
guro na mas mapalawak pa ang mga estratrehiya, dulog o pamamaraan
sa pagtuturo.

Sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay maaari na ring


mapabilis ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral.
Ang dating kumbensiyonal na pagtuturo na nakasentro palagi sa
guro (teacher-centered) ay unti-unti nang napapalitan ng
pagtuturo na nakasentro naman sa mg amag-aaral (student-
centered). Ang tradsyunal na nilalaman ng mga aralin ay maaaring
mapaunlad sa mas interaktibong pamamaraan. Ang pagsasama ng
teknolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ay may hangaring mabago
ang estratehiya sa mga institusyong pang-edukasyonal.

Sa kasalukuyang lagay ng edukasyon sa Pilipinas, maraming mga


paaralan at institusyon ang gumagamit ng mga makabagong
kagamitan sa pagtuturo at pag-aaral. Ang tradisyonal na
pamamaraan sa pagtuturo, bagama’t buhay pa rin ay unti-unti
nang napapalitan ng modernong pamamaraan. Ayon nga kay Hidalgo
(2000), sa modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa
ika-21 siglo, nakatuon sa kumpetisyon ang mga paaralan ngayon.
Kaya naman maraming paaralan at institusyon ang gumagamit na ng
mga makabagong kagamitan sa kanilang pagtuturo. Ang simpleng yeso
at pisara na gamit noon ng mga guro sa pagtuturo ay napapalitan
na ng kompyuter at LCD projector sa pagtalakay ng kanilang paksa.

Kaugnay pa rin nito, ang kurikulum pang-edukasyon ng


Pilipinas ay muling nabago. Ayon sa Enhanced K-12 Educational
program paper ng DepEd, “the new curriculum would give students
more time to master competencies and skills as well as time for
other learning opportunities beyond the classroom, thus allowing
for a more holistic development.” At dahil sa mga pagbabagong
ito, ninais ng mga mananaliksik na malaman ang kaugnayan ng antas
ng paggamit ng mga makabagong kagamitang pangturo at ang antas ng
epekto nito sa pagtuturo ng mga guro sa Father Saturnino Urios
University.

Metodolohiya
Ang napili ng aming grupo para sa aming metodolohiya ay:

1. Questionnaire- Ang questionnaire ay isang instrumento sa


pananaliksik na binubuo ng kalipunan ng mga katanungan para sa
layuning makakalap ng impormasyon mula sa mga taga-sagot. Ang mga
mananaliksik ay gagawa ng mga tanong ukol sa pagtuturo ng
Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya at ito’y
papasagutan sa mga estudyante, guro, at mataas na opisyal sa
mataas na antas ng Paaralan ng Father Saturnino Urios University.
Ito ay binubuo ng dalawang tanong para sa mga estudyante at
dalawang tanong para sa mga guro at mataas ng opisyal.

2. Panayam- Ang panayam ay pagkuha ng impormasyon o detalye sa


pamamagitan ng pagtatanong. Isa rin itong instrumento na maaaring
gamitin sa pananaliksik upang makuha ang sagot na nais mahanap
ukol sa pagtuturo ng Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng
teknolohiya. Ang mga mananaliksik ay magtatanong sa mga napiling
estudyante, guro at mataas na opisyal sa mataas na antas ng
paaralan ng Father Saturnino Urios University. Ito ay kanilang
gagawin upang mas makakuha ng konkretong sagot o opinyon ukol sa
suliranin na kanilang nais masagot.

Resulta at Diskusyon
Ang kabanatang ito natutungkol sa paglalahad at pagsusuri ng
mga datos na nakalap upang malaman ang suliraning hinaharap sa
faculty ng Teacher Education Program.

Batay sa datos na nakalap, ang mga guro sa Father Saturnino


Urios University ay malaki talaga ang naging papel ng paggamit ng
mga makabagong teknolohiya lalo na sa kagamitang pangturo dahil
maging ang mga estudyante ay madali nang natuto dahil sa isang
pindot na lamang at nariyan na ang sagot o artikulo. Ang nagging
epekto nito ay mabuti lalo na sa panahon ng pandemya ay online
class ang sistema sa pagtuturo. Ang ilan estudyante ay wala mang
kompyuter o laptop ngunit mayroon naming cellphone o tablet na
ginagamit nila sa online class. Ang kagamitang pantulong sa
pagtuturo katulad ng LCD, Projector, Computer, Lapel at iba’t
ibang midyang instruksyunal ay malaki ang naitulong sa mga guro
sa pagtuturo ng Filipino bilang midyum instruksyon. Madali na sa
mga estudyante ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga ito dahil sa
mga bagong teknolohiya.

Konklusyon
Batay sa resulta ng pag-aaral, natuklasan ng mga
mananaliksik na ang kagamitang pantulong sa pagtuturo ang
paggamit ng LCD projector, kompyuter, lapel at iba’t ibang
midyang instruksyunal ay nakakatulong sa mga guro sa pagtuturo ng
Filipino bilang midyum instruksyon upang mapaunlad ang kasanayan
at kaalaman ng mga kabataan.

Malaki ang ginagampanang papel ng teknolohiya sa larangan ng


pagtuturo ng Filipino. Gayun paman, nakasalalay pa rin sa guro
ang pagpasya kung sa anong paraan ito gagamitin na angkop sa
kakayahan at sitwasyon ng mag-aaral at paksang tatalakayin ng
guro.

Rekomendasyon
Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, iminumungkahi ang mga
sumusunod:

Kapwa Mag-aaral.- makakatulong ang pag-aaral na ito upang maging


bukas sa isipan ng mga mag-aaral ang importansya!

Katuturan at kaugnayan ng mgakagamitang pampagtuturo na ginagamit


ng kanilang mga guro.

Mga Guro/Tagapayo- Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay


makakatulong sa mga guro/mentor na ang paggamit nang teknolohiya
sa pagtuturo ng Filipino ay isang kasanayan upang mapaunlad ang
kaalaman ng mga kabataan at magbigay ng wastong gabay sa mga mag-
aaral.

Magulang- makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga magulang


upangmaunawaan at masuportahan ang mga pangangailangan ng
kanilang mga anak sa pagkatuto sa loob ng paaralan.

Mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang mga resulta ng pag-aaral na


ito ay magsisilbing isang sanggunian materyal at isang gabay para
sa hinaharap na mga mananaliksik na nais na magsagawa ng parehong
pag-aaral o anumang pag-aaral na nauugnay sa kagamitang
panteknolohiya at pagtuturo ng Filipino.

Talasanggunian
Gime, John. (2018). Ang Wikang Filipino sa Edukasyong
Panteknolohiya. Retrieved mula sa
https://dokumen.site/download/ang-wikang-filipino-sa-edukasyong-
panteknolohiya-a5b39ef8f1b804?
fbclid=IwAR3CS13HYCSSg1GPj136Eajs_zbRPO2r42ss1LG2STmQfTZkgP8NQNyP
ojw

Weimer, Maryellen. (2013). A Summary Learner-centered Teaching:


Five Key Changes to Practice. Retrieved mula sa
https://cte.tamu.edu/getattachment/Faculty-Teaching-
Resource/Program-ReDesign/Orientation-and-Team-Formation/Book-
Summary-Learner-Centered-Teaching-by-Maryellen-Weimer.pdf.aspx

Peralta, Precious Mae. (n.d). Antas ng Paggamit ng mga


Makabagong Kagamitang Pagtuturo at ng Antas ng Epekto nito sa
Pagtuturo ng mga Guro. Retrieved mula sa
https://www.academia.edu/28402119/THESIS_FINAL_1

You might also like