You are on page 1of 2

Lagumang Pagsusulit sa Filipino

Pangalan:_____________________________ Seksyon:_______________________________

I. Sagutin ng tama o mali ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa pagsulat.

______1. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing na


akademikong pagsulat.
______2. Ang pagsulat ng balita, pananaliksik at iba pang korespondensiya ay bahagi ng
pagsulat at pakikipag-ugnayan sa tao at sa lipunan.
______3. Ang Wikang Filipino ay isang wika ng intelektuwalisasyon.
______4. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula sa elementarya hanggang
high school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat.
______5. Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ay isa sa mga opisyal na wikang
panturo sa mga paaralan.
______6. Ang sanaysay, maikling kuwento, awit at dula ay hindi kabilang o maituturing na isang
akademikong pagsulat.
______7. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa at layunin sa anumang uring pagsulat.
______8. Ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal ay mahalagang bigyang-pansin sa pormal
na pagsulat ng pagsasaliksik.
______9. Ang mga guro, manunulat, at mag-aaral lamang ang dapat na matuto ng propesyonal
na pagsulat.
_____10. Layunin ng reperensiyal na pagsulat na bigyang-pagkilala at rekomendasyon ang mga
sangguniang maaaring mapagkunan ng kaalaman.

II. Kilalanin ang uri ng sulating inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa linya.

1. Ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto ang pangunahing layunin ng pagsulat


na ito.______________________________
2. Ang paraang argumentatibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo, at ekspresibo ay nakapa-
loob sa pangangailangang ito._____________________________
3. Anyo ito ng pagsulat na ang layunin ay maghatid ng aliw at makapukaw ng damdamin at
makaantig ng imahinasyon.______________________________
4. Isang gamit sa pagsulat kung saan pangkalahatang umiikot ang pangunahing ideyang dapat
Nakapaloob sa sinusulat._________________________
5. Ito ay anyo ng pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyunal gaya ng mga doctor, nars
Inhenyero, at iba pa.________________________
6. Ito ay nagsisilbing midyum o behikulo upang maisatitik ang pagsulat.___________________
7. Ito ay nagsisilbing giya sa pagbuo ng mga kaalaman at nilalaman ng pagsulat._____________
8. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama
Gaya ng tula, dula, awit at iba pang katulad._______________________
9. Sulatin ito na may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita, editorial, lathalain
At iba pa. _______________________
10. Ito ay institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na
Kasanayan at karunungan._________________________
III. Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang concept
Map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.

Katangian ng Akademikong

Pagsulat

You might also like