You are on page 1of 1

Ano ang uunahin?

(Impormal)

Ang prayoridad ay ang pag-una sa isang bagay na mas mahalaga kaysa sa


iba. Dahil sa kasalukuyan nating sitwasyon ngayon, marami ang nagbago at isa na
dito ang Sistema ng ating edukasyon, ang lahat ay birtwal na.

Maraming mag-aaral ang ngayon ay nahihirapan sa modyul at mga takdang


aralin na napakarami, at dahil dito ay nais nilang magkaroon ng academic freeze.
Maraming mag-aaral ang nagpupuyat upang matapos lamang nila ang kanilang
Gawain sa oras na itinalagang pasahan nito, ngunit kadalasan sa mga mag-aaral
na ito ay hindi alam ang salitang prayoridad, kung kaya’t nagkakaroon sila ng
suliranin sa pagtapos ng kanilang mga Gawain.

Ang pagkakaroon ng prayoridad, ay ang pagkakaroon ng malinaw na


layunin at mas mabilis mong matatapos ang iyong mga Gawain kung mayroon
kang mga prayoridad na naiplano na dapat mong unahin at gawin. Mas makikita
at magiging malinaw ang iyong mga dapat unahin Kung mayroon kang pagpaplano
sa mga ito, at mas magiging matiwasay ang iyong pag-aara at maiiwasan ang
pagkacram o procrastination sa wikang ingles.

Mahalagang malaman natin ang ating mga prayoridad sa buhay lalo na sa


pag-aaral upang mas maging matiwasay, payapa at maayos ang magiging takbo
nito at maiwasan ang mga suliranin at komplikasyon.

You might also like