You are on page 1of 2

Pagpapakilala sa guro

1. Kamusta ano masasabi mo Maam April sa new normal na edukasyon?


Malaki ang epekto sa pamumuhay ang pandemya. Lahat tayo
nahihirapan sa sitwasyon, subalit ang pag -aaral o pagkatuto ay hindi dapat
isawalang bahala. Bilang guro, naniniwala akong kailangang ipagpatuloy
ang edukasyon kahit may pandemya dahil isa itong epektibong paraan
upang maiparamdam sa mga bata na hindi sila nakakalimutan ng lipunan.
Iba-iba man ang mga karanasan nila sa loob ng kani-kanilang bahay, alam
kong marami ang nami-miss na ang paaralan at ang mga bagay na madalas
nilang gawin kasama ang mga kaklase at mga guro. Kaya kahit anong
hirap ng sitwasyon natin ngayon, marami namang paraan upang
matugunan ang pag-aaral ng mga bata. Ang mahalaga ay hindi
masasayang ang dalawang taon sa buhay ng mga mag –aaral. Upang
matagumpayan ito kailangan magtulong-tulong ang bawat isa.
2. Ano ang hamon ng pandemya sa ating mga guro?
Sa pagkakataong ito ang pagiging Guro at ang pagtuturo ay parang
paghahanap ng karayom sa gitna ng talahiban. Suntok sa buwan ang
pagsasakatuparan ng misyon, sapagkat ang balakid ay distansya. Tunay
nga, distansya ang naghihiwalay sa pagkakabuo ng koneksyon sa ating
bilang Guro at mga mag-aaral- ang koneksyon ng kalidad na edukasyon.”
3. Paano mo ito nasosolusyunan?
Ang pandemyang ito ay sumubok sa katatagan natin bilang mga tao.
Dahil sa pangyayaring ito, maraming mga pagkakatanto at reyalisasyon
ang tumatak sa aking puso at isipan; na hindi natin hawak ang ihahanda ng
bukas para sa ating lahat. Anu’t-ano pa man, kinakailangan nating maging
matatatag, magtulungan, magkaisa at higit sa lahat manalig sa Diyos para
lumaban at suungin ang hampas ng mga along sumasalubong sa atin sa
kasalukuyan upang maitawid at maiparanas sa mga mag-aaral ang
pagtuturong mayroong kalidad at kalinangan — patungo sa pagpaslang sa
kamangmangan na magdudulot sa mas magandang kinabukasan sa
kanilang lahat.
4.Anu-ano ang mga stratehiya sa pagtuturo na iyong ginamit sa ngayong
pandemya?
Katulad nga ng sabi ko kanina kelangan natin suungin ang hamon na
dulot ng pandemya. Kung dati ang mag aaral ay siyang pumupunta sa
skwelahan para matuto sa ngayon binabahay bahay ko na ang paghahatid
ng edukasyon para di sila mapag iwanan ng panahon. Gaano man sila
kalayo tinitiyak kong maihatid ko mismo sa mga bata ang mga kanilang
learning modules.
Maging bukas din tayo sa mga bagong kaalam at handang matuto.
Dahil napakalaki ang ambag ng teknolohiya sa ngayon kelangan mong
maging techie para masubaybayan at magabayan ang mga mag aaral
gumamit ng teknolohiniga tulad viber, FB at ‘private chats’.
5.Bakit pinili mong manatili sa iyong propesyon at ipagpatuloy ang
misyon sa kabila ng may kumakalat na virus?hindi ka ba natatakot bakit?
Nananatiling hamon ang pandemya sa pagtuturo ngayon, ngunit mas
maalab ang hangarin ko na buhayin ang dagitab ng pag-asa sa puso ng
bawat mag-aaral. Marami mang balakid ay maari pa din na itaguyod ang
pag-aaral lalo’t higit ang pangangailangan sa mga inpormasyong lilinang
sa kanilang kaalaman sa bansa, akademiko, kalikasan at sarili.” Hindi ito
ang oras upang magpalaganap ng takot, pag-aalinlangan at poot dahil ito
ang panahon upang magkaloob ng pag-unawa at pagmamahal.

You might also like