You are on page 1of 1

ISANG TALUMPATI PATUNGKOL SA PAG-AARAL SA GITNA

NG PANDEMYA

Isa sa kayamanan na ating natatamasa ay ang edukasyon na mayroon tayo. Ngunit


marami ang nabago ng maranasan natin ang pandemya na halos dalawang taon na
tayong pinapahirapan. May mga pamilyang hirap sa pang-araw-araw na gastusin,
nawalan rin ng trabaho ang karamihan bunga ng pagsasara ng iba’t ibang kumpanya.
Pero ang mas nakababahala ay ang mga estudyante na kinailangang ipagpatuloy ang
pag-aaral sa gitna ng pandemya na ito.

Maraming na-apektuhang estudyante sa nangyaring pagbabago sa sistema ng ating


edukasyon. Dahil sa biglaang transisyon mula sa face to face classes mula sa blended
learning—gamit ang mga modyuls at online classes na kina-kailangan pa minsan ng
‘gadget’ at ‘internet’ para lamang makasabay at hindi mapag-iwanan sa diskusyon,
nagbigay ito ng turo at aral hindi lamang sa mga mag-aaral kung hindi sa buong
sistemang pang-edukasyon sa bansa. Mayroong mga huminto sa pag-aaral, may mga
natuwa dahil nasa bahay lamang, at mayroon ding mga nahihirapan at patuloy na
lumalaban parang lamang mairaos at makapag-tapos. Saludo rin ako sa pagsisikap at
hirap rin ang ating mga magulang kung paano tayo sinu-suportahan para lamang natin
makamit ang ating mga pangarap.

Bago ko ito wakasan, maraming aral ang ibinigay ng pandemya at bagong sistema ng
edukasyon sa bansa sa ating lahat. Dapat laging maging handa at laging ibigay ang
kahusayan sa edukasyon, may pandemya man o wala. Hinihiling ko na sana ang
talumpati na ito ay maging daan upang magkaroon kayo ng bukas na puso at isipan
upang lalo niyong maintindihan ang nilalaman ng talumpati na ito patungkol sa
sitwasyon ng pag-aaral ng mga estudyante sa gitna ng pandemya. Isa lamang itong
daan upang maipahayag ko ang saloobin ng halos lahat ng estudyante sa kanilang
nararanasan at aking sariling karanasan. Naniniwala ako na isang araw, lahat ay
babalik na sa normal at lahat tayo ay makakapasok ng muli, makakapa-kinig na sa
diskusyon, at magiging masaya na ang lahat sa loob ng silid-aralan.

You might also like