You are on page 1of 1

TANGING YAMAN

Bb. Rejie Mae G. Demeterio, mga kaklase, kaibigan, kapatid, mga magulang, at sa lahat
ng kaakibat ko sa pag-aaral, magandang hapon.

Ayoko nang pumasok!, Pagod na akong mag-aral!, Gusto ko nang tumigil sa pag-
aaral., yan ang mga linya na madalas nating sabihin kapag masyado nang marami at mabigat ang ating
mga alintuntunin sa paaralan. Nawawala ang ating gana sa pag-aaral. Marahil ay napapagod na tayo dahil
napakaraming pagsubok ang ating hinaharap sa pag-aaral. Ngunit, minsan ba ay natanong niyo na ang
inyong sarili Bakit ba ako nandito?, Bakit ba ako nag-aaral?, Ano ba ang maidudulot ng aking
paghihirap?.

Edukasyon. Edukasyon ang susi sa magandang buhay. Edukasyon ang magdadala sa atin
sa tagumpay. Edukasyon ang tanging yaman na ating paghihirapan upang makamit ngunit kailanmay
hindi maaagaw at mawawala sa atin. Isipin natin ang lahat nang pwedeng mangyari kapag tayo ay
magpursigi sa pag-aaral. Isipin natin ang lahat nang ating makakamit kapag tayo ay makapagtapos. Isipin
natin ang mararamdamang kaligayahan nang ating mga magulang at nang lahat ng taong tumulong at
sumuporta sa ating pag-aaral.

Sa katunayan nga, ang edukasyon ay isang daan para mabigyan ng solusyon ang pinaka
problema nang ating lipunan ngayon, ang kahirapan. Tayong mga estudyante, kapag nagsipag sa pag-
aaral, malaki ang posibilidad na magkakaroon tayo ng maliwanag at magandang kinabukasan. Dahil kung
anuman ang ating matatapos, madali nalang para sa atin ang paghahanap ng marangal at mabenepisyong
trabaho. Kung umabot na tayo sa panahong ito, lahat nang mga pangangailangan, hindi lang yung sa ating
sarili, kundi pati na rin yung sa ating pamilya, ay makakamtan na natin ng buong-buo.

Ang edukasyon ay hindi mawawala sa ating sarili at puso, at pwede rin natin itong ipasa
sa iba. Lahat nang ating mga kaalaman ay hindi limitado sa ating sarili lamang. Dahil ang edukasyon ay
hindi ipinagdadamot. At dahil rin sa ating mga natuklasan na mga kaalaman, makakatulong rin tayo para
magkaroon ng malaki at magandang pagbabago at umunlad ang ating lipunan. Hindi lang ang ating
lipunan ang ating matutulungan kundi pati na rin ang ating kapwa tao. Marahil ay marami tayong mga
kaalaman na may espesipikong tulong sa lahat nang nangangailangan sa ating lipunan.

Edukasyon ang tanging yaman na hindi mawawala sa ating sarili, hindi ito
ipinagdadamot, at makakatulong pa ito sa ibang tao at sa ating lipunan. Kaya mga kapwa kong mag-aaral,
tayo na at mag-aral nang mabuti. Tayo na at magpursigi. Tayo na at mahalin ang edukasyon.

You might also like