You are on page 1of 1

Fake news

Sa pangunguna ni Senador Grace Poe, itinalakay ng Senate Committee on Public


Information and Mass Media ang patungkol sa mga kumakalat na maling balita o fake news. Sa
ngayon, hindi pa ito na suslosyunan. Sa ating mundong kinagagalawan ngayon ay napakabilis at
napakadali na lamang kumalap o magkalat ng mga ipormasyon. Balita? Mga napapanahong
isyu? Mga impormasyon? Hindi na lamang sa dyaryo o tabloid makakakuha ang mga ito dahil
madali nalang itong makikita sa internet o mga social media sites.
Ang pagkakaroon ng koneksyon sa mundong makabago o sa mga social media sites ay
hindi lang nagbibigay aliw at saya kundi mas pinadadali nito ang pagsagap natin ng mga
impormasyon. Sa kabilang banda, hindi sa lahat nang pagkakataon ay dapat nating paniwalaan o
pagkatiwalaan ng ating mga nababasasa mula sa internet dahil may mga pagkakataong mali o
kulang ang mga impormasyong nakikita online.
Hindi lamang mga normal na mamamayan ang nakakaranas ng suliraning ito kundi pati
ang mga gobyerno at maging ang mga artista ay nakakaranas rin nito. Sa ngayon, marami rami
na ang umaalma dahil nabibiktima ng fake news. Pero Paano ba ito masusolusyunan? Ano nga ba
ang dapat gawin? Dapat bang pagkatiwalaan ang mga balitang kumakalat online?
Upang masulosyunan ang problemang kinakaharap nating ito dapat lang na iwasan ang
pagbabasa at pagkakalat ng mga impormasyong mula sa mga websites na walang sapat na
ebidensya o patunay. Maging responsableng mamamayan, maling balita ay iwasan.

You might also like