You are on page 1of 3

Halimbawa ng

Paglalahad/Ekspositori

Ang Makabagong Teknolohiya

Tayo ay nasa makabagong hinerasyon na maraming makabagong


imbensiyon. Hindi maaaring itigil ang patuloy na pagbabago sa buhay,dahil ang
pagbabago na ito ay nagbibigay ng maayos at makabagong  imbensyon. Isa sa
makbagong imbensiyon ay ang technolohiya. Napapaoob dito ang Internet, ang
internet ay gumaganap na libangan, Kumonikasyon, at impormasyon!.  Ito ay
talagang kahanga-hangang  pagbabago na naimbento lalong lao nasa
pangangailangan ng dagdag na kaalaman.

Malaking bahagi ang teknolohiya upang maayos na maipakita ang mga


aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami nang mga naimbentong teknolohiya
simula pa noong mga nakalipasna taon.naging magandang imbensyon ay ang
makinalya na nagbigay daan para sa hustong pagbabago ng sistema ng pagtuturo
kung saan mas napabilis at epektibo ang pagbuo ng mga basahin.

Ito ay isang malaking tulong para sa ikaka-unlad ng edukasyon dahil


sapamamagitan ng internet, maaari mong madaling gawin ang ilang mga
pananaliksik nang walang anumang mgagatos. Nakakatulong iyo na gumawa
ng malakas na pag-iisip dahil  maraming impormasyon na maaaring maibigay sa
iyo.

Halimbawa nalang ang imbensyong nagawa saa huling kalahati ng ika-20 na


siglo, ang simpleng makinarya o prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum
upang magaral. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga litrato upang mas
maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ngunit sa
makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at pangunahing instrumento na
ginagamit sa edukasyon ay ang internet na mapagkukunan ng mga impormasyon.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad sa aspeto


ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating
gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang
teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag
ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.
Halimbawa ng Paglalarawan (deskriptiv)

Sa mga bulubundukin ng Timog Cotabato ay naninirahan ang isang pangkat


etnikong kung tawagin ay T’boli. Mapayapa sila at di mapaghinala sa mga
dayuhan. Sila ay may sariling kalinangan at paraan ng pamumuhay. Mapalamuti at
makulay ang kanilang kasuotan. Ang hikaw, kuwintas, at makulay na make-up ay
pahiyas ng kanilang katauhan. Sa lahat ng mga tribu sa Pilipinas, ang T’boli ay
maaring hirangin bilang isa sa may pinakamakulay sa kasuotan at hiyas sa
katawan.

Halimbawa ng Pagsasalaysay (narativ)

Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas


Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz.
Mas kilala siya sa Kalye Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na
anak nina Julio at Vina Cruz.
Nagtatrabaho sa isang pagawaan ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas
samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina.
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka
ito. “Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin
ng papa mo ng bago?” tanong ng ina sa bata.
Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na
maghahatid sa kanya sa paaralan. Humalik ito sa mama niya at dali-daling
tumakbo palabas ng bahay.
“Leon, bilisan mo nariyan na iyong school bus,” sabi ni Kulas sa nakababatang
kapatid habang tumatakbo siya palabas.
Halimbawa ng Pangangatwiran (argumentativ)

“Pagtatapon ng sariling atin”


Malaki ang nagawa ng wikang Filipino sa ating kasaysayan. Ngunit sa
pagpasok ng modernisasyon, unti-unting nawawala ang kahalagahan nito. Kasabay
ng pagpapalabas ng bagong sistema ng edukasyon na K to 12, maisasapapatupad
ang isang kautusan na may ngalang CMO No. 20 S2013. Ayon sa nasabing
kautusan, tatanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Ang ibig sabihin nito
ay wikang Ingles ang sumisimbolo sa katalinuhan at kataasan? Hindi.
Isang malakas na wika ang Ingles ngunit hindi ito sapat na dahilan upang
palitan ang ating sariling wika. Maaaring may mga ilang trabaho ang naaapektuhan
ng kakulangan sa kaalaman ng wikang Ingles ngunit hindi ang pag-alis ng wikang
Filipino ang solusyon sa mga ito.

You might also like