You are on page 1of 3

Ano ang Kontemporaryong Isyu?

Ang kontemporaryong isyu ay mga isyu ng kasalukuyang panahon. Karamihan sa


mga ito ay mga isyu na hindi naranasan ng mga ninuno natin sa mga nakaraang
panahon at sa kasalukuyan lamang naging malaking usapin ang mga ito. Ilan sa
halimbawa nito ay ang climate change, globalisasyon at mabilis na pag- usad ng
teknolohiya.

Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu


Ang anumang pangyayari, ideya, opinyon at paksa kaugnay ng isang
pangkasalukuyang usapin o suliranin na nakakaapekto sa mga tao ngayon ay
maaaring ituring na kontemporaryong isyu. Mula sa mga isyu pangkapaligiran,
edukasyon at kalusugan, ang kontemporaryong isyu ay makikita sa iba’t ibang
aspeto ng ating pamumuhay.

Kasama rin sa kontemporaryong isyu ang mga perenyal na problema sa lipunan.


Ito ay mga isyu na mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa
nabibigyan ng karampatang solusyon at nanatiling bahagi ng mga usapin ng
modernong lipunan. Ang ilan sa mga halimbawa naman nito ay ang kahirapan,
kurapsyon ng pamahalaan, diskrmisnasyon, at paglabag sa karapatan pantao.

Ilan Pangunahing Kontemporaryong Isyu sa


Daigdig Ngayon
Climate Change
Ang mabilis na pagkasira ng kapaligiran, mabilis na pagtaas ng lebel ng tubig,
global warming, at patuloy na paglakas ng mga bagyo ay ang ilan lamang usapin
na kaugnay ng climate change.
Ito ay may malaking epekto pamumuhay ng mga tao kaya ninanais ng United
Nation na mapabagal ang mga epekto nito sa tulong ng mga miyembrong bansa
sa pamamagitan ng pagbabawas ng carbon emissions.

Ang Pilipinas, bilang isang archipelago na bansa, ay higit na naaapektuhan nito.


Bawat taon ay mas lumalakas ang mga bagyo tumatama sa atin at mas
humahaba ang tag-init na ating nararanasan. Hindi rin nakakatulong na malaking
bahagdan pa din ng produksyon ng kuryente ay nanggagaling pa din sa
pagsunog ng uling at langis. Ang kakulangan sa disiplina sa pagtatapon ng
basura ay isang malaking usapin pa din sa ma

Pagbabago sa Teknolohiya
Sa nakalipas na mga dekada, hindi ipagkakaila ang mabilis na paghusay ng ating
teknolohiya. Ito ay nagdulot ng maraming pagbabago sa paraan kung paano
nakikipag-ugnay ang bawat tao sa isa’t isa at ito rin ay nagkaroon ng mga epekto
sa mga tradisyon, pagpapahalaga, at pananaw ng mga tao sa kasalukuyan. Ang
mga tao ay nakadepende sa internet para sa pang-araw-araw na pagkonsumo ng
impormasyon at pakikisalamuha sa mga mahal sa buhay.

Sa susunod na mga taon, magiging mas mabilis, mas maliit ang mga teknolohiya
na ito at kasabay nito ang mga malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao. Isa
lamang sa mga kontemporaryong isyu na dulot ng teknolohiya ay naging mas
madali ang pagkamit ng impormasyon ngunit ang mga bata at ilang
nakakatanda ay hindi natutong salain ang katotohanan at mga kasinungalingan
sa internet.

Diskriminasyon at Pagbabago sa Lipunan


Ang hindi patas na pagtrato dahil sa lahi, kulay ng balat, edad at kasarian ay
patuloy pa din na nagkinakaharap ng daigdig. Kahit natapos na ang panahon ng
kolonyalismo at segregasyon sa maraming bansa sa daigdig, may mga bakas pa
rin ang naiwan sa mga bansang nakaranas nito.

Sa Pilipinas, malaking usapin pa din ang karapatan pantao, pagbibigay ng patas


na karapatan para sa iba’t ibang kasarian, at wastong distribusyon ng lupa sa
magsasaka at yaman sa higit na nangangailanag.

Kalusugan
Malaking usapin pa din ang kalusugan sa iba’t ibang bansa(lalo sa pagkalat ng
NCOV-19 global pandemic). Naging paksa ang kahandaan ng mga bansa na ito
sa pagharap sa mga sakit at pagtuklas ng paraan para sugpuin ito. Kasabay nito
ang mga debate sa pagpapatupad ng universal healthcare.
Sa atin bansa, ang malaking kinakaharap na isyu ng kalusugan ay ang budget na
nakalaan sa kalusagan ng mga tao. Kasama na din dito ang antas ng sweldo ng
mga pampubliko health workers. May mga sakit na isang dekada na nasugpo ng
Pilipinas tulad ng polio ay bumabalik dahil sa takot at mga misimpormasyon na
nakakarating sa mga magulang na kung saan pinipinta na masama ang bakuna.
Ito ay ilan lamang sa kontemporaryong isyu kaugnay sa kalusugan.

Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu


Ang pag-aaral kontemporaryong isyu ay nakakatulong at nagbubuklod ng mga
tao upang pag-usapan at unawain ang mga suliranin na kinahaharap ng lipunan
at bigyan ng solusyon ang mga problema na ito na nakakaapekto sa lahat ng
miyembro ng pamayanan.

You might also like