You are on page 1of 1

Ano ang mga Uri ng Ekonomiks?

Microeconomics
Ang microeconomics ay nagbibigay-pansin sa kung paano bumubuo ng
pagpapasya ang mga indibdwal na consumer at mga kompanya. Ang
mga desisyon na ito ay maaaring gawa ng mga indibidwal, sambahayan,
mga negosyo at mga ahensya ng gobyerno.

Pinag-aaralan dito ang mga nagiging reaksyon ng mga tao sa pagbabago


ng presyo at nais nito unawain kung bakit ninanais ng isang tao ang
isang partikyular na presyo. Nais nito bigyan ng paliwanag kung paano
natin binibigyan ng katumbas na halaga ang isang produkto o serbisyo
at kung paano natin binubuo ang ating mga pagpapasya kaugnay ng
kalakalan.

Ilan sa pangunahing pinag-aaralan dito ay ang relasyon ng suplay at


demand kaugnay sa produksyon at pagkonsumo ng produkto at
serbisyo.

Macroeconomics
Ang macroeconomics ay ang pag-aaral sa mga aspekto na nakakaapekto
sa Pambansa at Internasyonal na ekonomiya sa pamamagitan ng pag-
aaral sa mga nalikom na mga datos na magagamit sa pagsuri sa
paggalaw ng ekonomiya.

Ang pokus ng macroeconomics ay higit na mas malawak kumpara sa


microeconomiks. Ito ay nakatutok sa isang rehiyon, bansa o minsan ay
sa ekonomiya ng mundo.

Ang pag-aaral ng pagtaas ng implasyon at ang mga epekto nito ay bahagi


ng macroeconomics. Pinag-aaralan din dito ang Gross domestic Product
(GDP), unemployment rate, implasyon at iba pa.

You might also like