You are on page 1of 10

EKONOMIKS

 Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman.
 Ang Ekonomiks ang nagmula sa salitang Griyego na OIKONOMIA, ang OIKOS ay nangangahulugang
Bahay, at NOMOS ay pamamahala (Viloria, 2000).
 Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw, 1997). Ang sambahayan, tulad ng
lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-
hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang limitadong resources sa maraming
pangangailangan at kagustuhan. Ang pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano
ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng
kasiyahan sa pamilya.
KONSEPTO NG EKONOMIKS
 Trade-Off - Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay. Mahalaga ang Trade-off, sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga
pagpipilian sa pagbuo ng pinakamainam sa pasya.
 Opportunity Cost - Ang halaga ng bagay o nang best alternative na isinakripisyo o ipinalit
sa bawat paggawa ng desisyon.
 
 Marginal Thinking- Pagsusuri ng karagdagang halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon.
 
 Incentives - Pagbabago ng desisyon dahil sa pag-aalok ng mas mura at magandang serbisyo
at pagbibigay ng mas maraming pakinanabang sa pagkunsomo ng produkto o serbisyo.
KAHALAGAHAN NG
EKONOMIKS
 Mahalaga ang pag-aaral ng ekonomiks sapagkat
makakatulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng
matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa bawat
mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.
UGNAYAN NG KAKAPUSAN AT
ALOKASYON
 Alokasyon - tumutukoy sa paglalaan at pamamahagi o distribution ng limitadong
pinagkukunang yaman upang matugunan ang mga di-limitadong pangangailangan at
kagustuhan ng isang ekonomiya.
 Dahil sa kakapusan ng mga likas na yaman, mahalagang pag-isipang mabuti ng bawat
ekonomiya kung paano ang episyenteng gagamitin ang mga ito nang sa gayon ay matugunan
ang mga pangangailangan at kagustuhan ng bawat ng miyembro ng lipunan.
 Bilang gabay upang maisagawa ang episyenteng alokasyon ng mga kapos na pinagkukunang
yaman, kinakailangang masuring mabuti ng bawat ekonomiya ang mga sumusunod katanungan:

1. Ano ang produkto o serbisyong lilikhain?


Mahalagang pag-isipin ng isang ekonomiya kung ano-ano ang mga
produkto o serbisyo na nais nitong likhain dahil kailangan isaalang-alang
dito kung ano ang mga pinagkukunang yaman na mayroon ang ekonomiya.

2. Paano lilikhain ang mga produkto o serbisyo?


Dapat pag-isipan ng ekonomiya ang paraan ng paglikha ng produkto o
serbisyo kung saan ito magiging labor intensive o kaya ay capital intensive.

3. Para kanino ang produkto o serbisyong lilikhain?


- Kailangang matukoy ng ekonomiya ang mga makikinabang sa lilikhain na
produkto o serbisyo.
ALOKASYON SA IBA’T-IBANG
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
1. Tradisyonal na Ekonomiya
 Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing
katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.

2. Market Economy
 Sa Market Economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan.

3. Command Economy
 Sa Command Economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

4. Mixed Economy
 Ang Mixed Economy ay isang Sistema na kinapapalooban ng elemento ng Market Economy at Command Economy.
Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy dahil ito ay kinapapalooban ng katangian ng dalawang
Sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol
ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.
MGA PAMANTAYAN SA PAGTUKOY SA
MABISANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

 Kasaganahan (Abundance)

Kailangang matamasa ng mga mamamayan ang karangyaan sa buhay: may sariling bahay at
lupa at mayroon ding sariling sasakyan ang bawat pamilya. May sapat na pagkain sa hapag-
kainan kaya malusog at masaya ang mga indibidwal.

 Kaligtasan (Security)

Dapat masiguro ng pamahalaan ang kaligtasan ng bawat indibidwal sa lipunan. Mahalagang


matiyak na lahat ng naipundar ng mga sambahayan at bahay-kalakal ay protektado ng
pamahalaan.
 Paglaki at Pag-unlad (Growth and Development)

May mga ekonomista na nagsasabing hindi lang dapat lumalaki ang populasyon ng isang bansa.
Kalinsabay dapat ang paglaki ng populasyon ang pag-unlad ng kakayahan ng tao. Sa malalaking
bansa, mahalagang mapataas ang antas ng tinatawag “Human Development Index” upang
masiguro ang paglaki at pag-unlad ng bansa.

 Kahusayan (Efficiency or Productivity)

kung gusto ng bansa na umunlad, dapat maging mahusay at magaling ang mga miyembro ng
lipunan upang de-kalidadlahat ang trabahong kanilang gagawin.
 Kalayaang Ekonomiko (Economic Freedom)

isang mahalagang aspeto ng epektibong pamamahala ang pagbibigay ng sapat na kalayaan sa


mga sambahayan at bahay-kalakal.

 Katarungan at Pagkakapantay-pantay (Justice and Equity)

ang panghuli ay ang pagtiyak na mayroong katarungan at pagkakapantay-pantay sa lipunan. Ika


nga, lahat ay pantay-pantay sa mata ng batas.

You might also like