You are on page 1of 8

9 Araling Panlipunan 9

Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto


sa Araling Panlipunan
Quarter 1 – Week 4
Iba’t Ibang Uri Ng Sistemang Pang-
Ekonomiya

Olongapo City National High School


SDO – Olongapo City
Araling Panlipunan 9
Gawaing Pampagkatuto 1
Quarter 1 – Week 3
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Olongapo City National High School
SDO Olongapo City – Region III

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling
Panlipunan na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan na ito ang
maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Olongapo City National High School.

Bumuo sa Pagsulat ng Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto


sa Araling Panlipunan

Manunulat: Arlene G. Mercado


Taga-guhit:
Editor:
Taga-suri: Nita V. Mago EdD
Tagapamahala:

Leilani S. Cunanan CESO V


Maylene M. Minimo EdD, CESE
Ariel C. Lansang
Jose C. Tala EdD
Edwina S. Espiritu
Soledad E. Pozon EdD
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 sa Pinatnubayang Gawaing Pampagkatuto sa
Kahalagahan ng Ekonomiks !
Ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula Olongapo City National High School at Schools Division of Olongapo City sa
pamamagitan ng Learning Resource Management System (LRMDS) Office upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga
gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa Tagapagpadaloy:

Inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling
Panlipunan na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob dito.

Para sa Mag-aaral:

Ang Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling


Panlipunan na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Suplemental na Instruksiyong Pampagkatuto sa Araling Panlipunan
Araling Panlipunan 9 (Ekonomiks)
Quarter 1 – Week 4

PANGALAN: BAITANG AT SEKSIYON:

PETSA: KWARTER: LINGGO

I. Kasanayang Pampagkatuto
Quarter 1 – MELCs: Nasusuri ang iba’t -ibang sistemang pang- ekonomiya.
a. Naiisa isa ang mga konsepto ng sistemang pang ekonomiya
b. Natutukoy ang mga katangian ng traditional, market, command at mixed economy.
c. Napapahalagahan ang pagkakaroon ng sistema sa ekonomiya
II. Susing Konsepto

SISTEMANG PANG EKONOMIYA

 Isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at
paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
 Ang paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang
lipunan.
 Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung
paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa.
 Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na paglikha ng mga kalakal at serbisyo at maiwasan ang kakulangan ng
mga ito

Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa
produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
.

Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at


paniniwala ng lipunan.
TRADITIONAL Umiikot lamang sa pangunahing
ECONOMY pangangailangan ng tao tulad ng damit,
pagkain at tirahan

Ang produksyon ng mga kalakal at serbisyo


MARKET ay nagaganap sa malayang pamilihan
ECONOMY Ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod
sa kanyang pansariling interest
Ang ekonomiya ay nasa kontrol at
regulasyon ng pamahalaan
COMMAND Ang pamahalaan ay may ganap na
ECONOMY kapangyarihan na gamitin ng husto ang
lupa, paggawa at kapital upang makamit
ang mga layuning pang-ekonomiya

Pinaghalong sistema ng Market at


Command economy.

MIXED Hinahayaan ang malayang pagkilos ng


ECONOMY pamilihan subalit maaring manghimasok
ang pamahalaan sa presyo at kaligtasan
ng mamimili.

TANDAAN:
Apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko sa sistemang pang ekonomiya

Una, ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?


Pangalawa, papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
Pangatlo, para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
Panghuli, gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

III. Mga Gawain:


Gawain 1: Saliksikin Mo!
Panuto: Magsaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pang ekonomiya na nasa ilalim na bahagi ng tsart.
Magbigay ng tatlo hanggang limang bansa.

TRADITIONAL ECONOMY MARKET ECONOMY COMMAND ECONOMY MIXED ECONOMY


1. 1. 1. 1
2. 2. 2 2
3 3. 3 3
4. 4. 4 4
5. 5. 5 5

Gawain 2: Pag isipan Mo!


Panuto: Basahin ang mga sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang kasagutan.

1. Sa ilalim ng Command Economy, sino ang nagpapasya kung anong produkto at


serbisyo ang dapat na likhain? a. pamilihan b. prodyuser c. konsyumer

2. Bakit ang bawat pamahalaan ay mag sinusunod na sistemang ekonomiya?


a. upang maipagmalaki sa iba ang kanilang ekonomiya
b. upang matuwa ang mga mamamayan at mabuhay ng mapayapa at maunlad
c. upang matugunan ang kagustuhan ng mga mamamayan at makatulong

3.Ano ang tawag sa aspekto ng bansa kung saan ay tinutugunan ang


pangangailangan at kagustuhan ng tao?
a. kultura b. alokasyon c. pamahalaan d. sistemang pang-ekonomiya
4. Ang bansang Pilipinas ay mayroong magkahalo na sistemang pang – ekonomiya,
alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?
a. Tanging ang pamahalaan lamang ang may hawak ng pamilihan.
b. Ang pamilihan ay magulo at hindi gaanong napamamahalaan ng pamahalaan.
c. Ang mamamayan ang may hawak at kalayaan sa pagnenegosyo at pagtugon sa pangangailangan.
d. May kapangyarihan ang pamahalaan na magkaroon ng kontrol sa mga pampublikong institusyon at may kalayaan din ang
pampribadong indibidwal na mag negosyo.

5. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang Command Economy, alin sa sumusunod ang


HINDI nagpapakita ng gampanin ng kasapi ng sistemang ito?
a. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano.
b. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang pakikialam ng
pamahalaan.
c. Sama-samang isinasagawa ang mga gawain at pakinabang sa
pinagkukunang-yaman.
d. May kalayaan ang mamamayan ngunit may kontrol pa rin ang pamahalaan sa ilang gawain.

Gawain 3 : Pangatwiranan mo!


1.Anong uri ng sistemang pang ekonomiya ang nakikita ninyo na nagaganap dito sa Olongapo? Ipaliwanag ang inyong
kasagutan.

2. Sa inyong palagay, paano kaya naapektuhan ang ekonomiya ng bansa ngayon dulot ng nagaganap na Covid 19 Pandemic?

IV. Repleksiyon
Itala ang mga bagay at impormasyon na iyong natutunan sa aralin. Isulat sa ibabang bahagi para mabasa at mabigyan puntos
ng guro.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Inihanda ni:

ARLENE G. MERCADO
MT-I, Social Studies
Mungkahing Pagtibayin:

NITA V. MAGO, EdD


SSHT-VI, Social Studies

Pinagtibay:

SOLEDAD E. POZON, EdD


Principal IV

Key Answer

Gawain 2:

1. B
2. D
3. D
4. B
5. D

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015


• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
• .
Umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan ng tao tulad ng damit, pagkain at tirahan

You might also like