You are on page 1of 5

NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL Araling

OF SAN AGUSTIN, INC. Panlipunan 9

ARALIN 4:
ANG SISTEMANG PANG EKONOMIYA
Targeted Most Essential Learning Competency (MELC)
 Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
Lesson Objectives
 Nalalaman ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya
 Natutukoy ang mahahalagang konsepto sa Ekonomiks gaya ng traditional, market, command at mixed
economy

SUBUKIN (INITIAL TASK)

Panuto: Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat larawan. Isulat ito sa kahon sa ilalim ng
bawat larawan.

Tradisyonal na Ekonomiya Mixed Economy

Command Economy Market Economy

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.

For Inquiries,Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 1
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL Araling
OF SAN AGUSTIN, INC. Panlipunan 9

TALAKAYAN (DISCUSSION)

Ang Sistemang Pang-ekonomiya

Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang

maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng
gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko.
Una, ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? Pangalawa, papaano gagawin ang naturang produkto at
serbisyo? Pangatlo, para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Panghuli, gaano karami ang gagawing
produkto at serbisyo?

Iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya

A. Tradisyunal na Ekonomiya
Ang ganitong uri ng ekonomiya ay sinasagot ang mga suliraning pang-ekonomiya sa pamamagitan ng mga
tradisyon, paniniwala, kagawian at patakaran ng lipunan. Ang bawat tao sa ekonomiyang ito ay batid ang kanyang
gampanin at tungkulin sa lipunan. Ngunit wala silang karapatan na magdesisyon sa mga uri ng mga produkto at
serbisyo na gusto nilang matamo.
Ang lipunan ang nagdedesisyon sa mga produkto at serbisyo na gagawin at ipamamahagi batay sa kanilang
tradisyon at kinagawian. Halimbawa, kung ikaw ay taga-Marikina, inaasahang magaling kang gumawa ng sapatos.
Kung ikaw naman ay Kapampangan, bihisa ka sa paggawa ng tosino at iba pang iniimbak na karne. Kung ang
magulang mo ay mga negosyante, malaki ang posibilidad na ikaw ay papakuhain nila ng kursong may kinalaman sa
negosyo upang sumunod sa kanilang yapak. Sa sistemang ito, ang pagsagot sa mga katanungang pang-ekonomiya
ay nakabatay sa kultura, paniniwala, at tradisyon.

B. Market Economy
Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng
mekanismo ng malayang pamilihan o free market. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at
prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang
market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
presyo, at pangangasiwa ng mga gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta
ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo
ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan.

*Konsyumer- taong bumibili at gumagamit ng mga produkto at serbisyo upang matamo ang kasiyahan; mamimili
ang ibang tawag dito.

*Prodyuser- ang tagagawa ng mga produkto at serbisyo na kailangan ng ekonomiya.

C. Command Economy
Sa command economy, ang pamahalaan ang pangunahing nagmamay-ari ng karamihan sa mga
pinagkukunang-yaman. Sa pangkalahatan, ang ekonomiya ay pinangangasiwaan ng pamahalaan sa
pamamagitan ng mga sentralisadong ahensiya.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.

Angorpamahalaan din ang(Globe)
nagmamay-ari ng karamihan
(Smart) sa mga bahay-kalakal at lumilikha ng mga produkto at
For Inquiries,Call Text 09534157933 / 09982614449 2
serbisiyo alinsunod sa mga nagawang plano. Ang lupang sakahan, pabrika, bangko, pamilihan, at iba pang
establisimyentong pangkabuhayan ay pinamamahalaan ng mga empleyado ng pamahalaan alinsunod sa direktiba mula
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL Araling
OF SAN AGUSTIN, INC. Panlipunan 9

GAWAIN I:
Panuto: Isulat sa patlang ang mga salitang tinutukoy sa bawat pangungusap. Pumili ng sagot sa kahon.

Tradisyonal na Ekonomiya Market Economy

Command Economy Mixed Economy

____________________ 1. Sa sistemang ito ay may kalayaan ang bawat tao na gumawa ng kanyang nais at hindi nais at hindi
nanghihimasok ang pamahalaan sa mga aktibidad ng ekonomiya.
____________________ 2. Sa sistemang ito ay kontrolado ng pamahalaan ang malaking bahagi ng ekonomiya upang mapalakas at
mapaunlad ang mga benepisyong panlipunan ng bansa.
____________________ 3. Sa sistemang ito ng lipunan ay nakagagawa ng tamang pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman
batay
sa kaugalian at gawi na impluwensya ng mga sinaunang pamamaraan ng tao na ipinapasa sa bawat
henerasyon at nagiging bahagi ng buhay ng isang lipunan.
____________________ 4. Sa sistemang ito ay may regulasyon sa kapital at kapitalista, at ang trabaho, talino, paggawa, at
kakayahan
ay may katumbas na kita.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.

For Inquiries,Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 3
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL Araling
OF SAN AGUSTIN, INC. Panlipunan 9

GAWAIN II: DIALOGUE BOX

Panuto: Sa ibaba ay may tsart tungkol sa paghahambing ng mga sistemang pang-ekonomiya. Punan ito ng impormasyon ayon sa
iyong natutunan.

Sistemang Pang- Katangian Kabutihan Kahinaan

ekonomiya

Tradisyunal

Market

Command

Mixed

GAWAIN III: PANGANGATWIRAN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

1. Ang inyong barangay ay kilala sa galing sa paglililok. Ikaw rin ay may kasanayan dito ngunit napansin mo na ang kailangan ng
inyong lugar ay istasyon ng malinis na tubig na inumin at laundry shop. Kung sakali ay ikaw palang ang magtatayo ng ganitong
negosyo. Ano ang iyong gagawin?
__________________________________________________________________________________________________________

2. Sa inyong pamilya, kontrolado lamang ng iyong ama ang paghahati-hati ng kanyang kita para sa mga gastusin. Nagtataka siya sa
mabilis na pagkaubos ng mga pagkain at mataas na bayarin sa kuryente at tubig. Paano mo ipaliliwanag sa kanya ang
kinapupuntahan ng kanyang kita?
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
Mungkahing Pagmamarka

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.

For Inquiries,Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 4
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL Araling
OF SAN AGUSTIN, INC. Panlipunan 9

Kraytirya Kabuuang Iskor Nakuhang Iskor

Organisasyon ng mga datos at ideya 1-5
Kaangkupan ng mga salita 1-5
Kalinawan ng katwiran 1-5
Kabuuan 15

REPLEKSYON
1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-ekonomiya na paiiralin sa ating bansa, anong sistema ang
iyong pipiliin? Bakit?

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
2. Batay sa iyong napag-aralan, paano mo iuugnay sa Mission, Vision at Pilosopiya ng paaralan sa mga iba’t ibang sistemang
pang-ekonomiya?

For Inquiries,Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 5

You might also like