You are on page 1of 5

TUKURAN TECHNICAL – VOCATIONAL HIGH SCHOOL

TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SUR


LEARNING ACTIVITY SHEETS NG ARALING PANLIPUNAN GRADE 9
Unang Markahan – IKATLONG LINGGO

Name of Learner: _________________________________Grade Level:__________________________


Section: _______________________ Date: _________________Contact Number :__________________

I. Nilalaman: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya


II. Panimula o Susing Konsepto:

ANG SISTEMANG PANG- EKONOMIYA


Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos
ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-
ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin
ng kakapusan at kung paano epesyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. Bawat lipunan ay may
sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon
ng mga produkto at serbisyo. Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungan
Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Traditional Economy
Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Traditional Economy.  Ang kasagutan sa pangunahing
katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing
produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing
pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple
lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda
sapagkat sa Traditional Economy, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa
ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Market Economy
Ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng
mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob
ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-
aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga
pribadong indibidwal

Command Economy
Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
Katunayan ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng
pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng kapital. Samantala,
madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang
uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga
ng mga produktong nagmumula rito.

Mixed Economy
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga sa kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng
estado. Ang sistemang Mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga
kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang
karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

III. Kasanayang Pampagkatuto at koda: Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang ekonomiya.

IV. Panuto: Basahing mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat Gawain. Isulat ang inyong sagot sa isang
malinis na sagutang papel.

V. Gawain:
Gawain 1: Sagutin Mo!
Gamit ang Retrieval Chart. Suriin ang ibat-ibang katangian ng Sistemang Pang-Ekonomiya na umiiral sa
daigdig at magbigay ng mga halimbawa ng bansa nag nagpapatupad ng Sistema. Isulat sa sagutang papel
ang kasagutan.

MGA BANSANG
SISTEMANG PANG-
KATANGIAN NAGPAPATUPAD NG URI NG
EKONOMIYA
PANG-EKONOMIYA
Traditional Economy

Market Economy

Command Economy

Mixed Economy

Gawain 2: Paste it!


Gumupit ng isang artikulo o pedi ring kumuha sa internet ng isang artikulo tungkol sa ekonomiya ng ating
bansa. Gamit ang napiling artikulo sagutan ang mga katanungan sa ibaba.
Pamprosesong tanong:
1. Suriin ang Sistemang pang-ekonomiya ang ipinapakita ng artikulo?
2. Anong kalagayang pang ekonomiko ang napag-uusapan sa artikulo?
3. Anong bansa ang nakasaad sa Artikulo?
Gawain 3: Travel Log!
Ikaw ay isang Marketing Analyst ng isang kompanya sa ating bansa. Naatasan kang pag-aaralan ang mga
sistemang pang ekonomiya na pinanatutupad sa mga bansa sa Asia para sa planong pagpapalago ng inyong
negosyo. Gamit ang Chart Kailangan mong sagutan o punan ang datos na kinakailangan para mapag-aralan
ang possibling hakbang na kompanya.
Bansa Uri ng Nagmamay-ari ng Gampanin ng Uri ng Ekonomiya
hanapbuhay/Pamu mga pribadong Pamahalaan sa kanilang
muhay pamilihan ekonomiya

VI: Pamprosesong Tanong:


1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-ekonomiya na pairalin sa ating
bansa, anong sistema ang iyong pipiliin? Bakit?
2. Paano nagkakaiba ang Market economy sa Mixed econmy?
3. Bakit mahalagang pag-aralan ang sistemang pang-ekonomiya ng isang bansa?

VII. Rubrik sa Pagpupuntos:

Pagpuntos sa Gawain 1,2 at 3

Kaalaman sa Paksa: 10
Organisasyon: 5
Kalinisan: 5

Kabuuan puntos: 20

VIII. Pangwakas:

1. Bakit mahala ang gampanin ng pamahalaan sa pagpaplanong pang-ekonomiya.

IX. Mga Sanggunian:


Modyul: Balitao, B., et al., (2015). Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral. Pasig City,
Philippines: Vibal Group, Inc. 1st Edition; pp 50-59.
Inihanda ni: JOANNIE T. DUARTE
Teacher - I
Naitala ni: Inaprobahan ni:

MERCEDITA I. FRIAS LUTHER D. CASTELO, EdD


Head Teacher – I Secondary School Principal – IV
TUKURAN TECHNICAL – VOCATIONAL HIGH SCHOOL
TUKURAN, ZAMBOANGA DEL SUR
LEARNING ACTIVITY SHEETS NG ARALING PANLIPUNAN GRADE 9
Unang Markahan – IKA-APAT NA LINGGO

Name of Learner: ______________________________________Grade:__________________________


Section: _______________________ Date: _________________Contact Number:__________________

I. Nilalaman: Mga Salik ng Produksiyon at ang Implikasyon Nito sa Pang-araw-araw na Pamumuhay ng Tao

II. Panimula o Susing Konsepto:

MGA SALIK NG PRODUKSIYON

Lupa Bilang Salik ng Produksiyon


Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o
pinagtatayuan ng bahay. Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed
o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat
nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.
Paggawa Bilang Salik ng Produksiyon
Ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap ay hindi magiging kapaki-pakinabang kung hindi
gagamitin at gagawing produkto. Nangangahulugan ito na kailangan ang mga manggagawa sa
transpormasyon ng mga hilaw na materyales sa pagbuo ng tapos na produkto o serbisyo. Ang lakas- paggawa
ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo.
Kapital Bilang Salik ng Produksiyon
Ang kapital ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto. Mas magiging mabilis ang
paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Ang mga kagamitang
ito na gawa ng tao sa paglikha ng panibagong kalakal ay matatawag na halimbawa ng kapital. Ang kapitaL ay
maaari ring iugnay sa salapi at imprastraktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.
Entrepreneurship Bilang Salik ng Produksiyon
Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng
produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa
mga bagay na maka-aapekto sa produksiyon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian na dapat
taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur:  
1. kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo 
2. matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan
3. may lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng negosyo

III. Kasanayang Pampagkatuto at koda:


Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-araw-araw na pamumuhay.
IV. Panuto:
Basahing mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat Gawain. Isulat ang inyong sagot sa isang malinis
na sagutang papel.

V. Gawain:
Gawain 1: Buuin Natin-Mga Salik ng Produksiyon
Panuto: Sagutin ang graphic organizer tungkol sa mga salik ng produksiyon. Isulat sa loob ng mga biluhaba
ang mga salik ng produksiyon at ang kahalagahan nito.

_________
_

Mga Salik
ng __________
__________ Produksiyo
n

__________
P R O D U K S IY O N
Gawain 2 : ISULAT MO !
Gamit ang Trinomial chart itala ang mga salik ng produsiyon ang katangian ng bawat salik at ang implikasyon
nito sa pamumuhay ng bawat Pilipino lalo na sa Pandemaya na ating kinakaharap.

SALIK NG
PRODUKSIYON

KATANGIAN

IMPLIKASYON

Gawain 3: Talakayan!
Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutan ang mga pamprosesong tanong.
Huling na-update Hulyo 13, 2021 sa 7:00 PM
Mahalagang lakas-paggawa

Huling na-update Hulyo 13, 2021 sa 7:00 PM

Noong Marso 19, 2020, ipinatupad ni Gobernador Newsom ang Ehekutibong Kautusan N-33-20 na nag-aatas sa lahat ng
residente na agad na sundin ang mga kasalukuyang direktiba tungkol sa pambublikong kalusugan ng Estado na manatili sa
bahay, maliban kung kinakailangan upang mapanatili ang pagpapatuloy ng mga operasyon ng mahahalagang kritikal na
sektor ng imprastraktura at karagdagang sektor na posibleng italaga ng Opisyal ng Pampublikong Kalusugan ng Estado
bilang kritikal upang maprotektahan ang kalusugan at kapakanan ng lahat ng taga-California.
VII: Pamprosesong Tanong:
1. Suriin
Alinsunod ang salik
sa kautusang ito,ng produksiyon
itinalaga angngipinapahiwatig
ng Opisyal Pampublikong sa artikulo.ng Estado ang sumusunod na listahan
Kalusugan
ng Mahahalagang Manggagawa ng Kritikal na Imprastraktura upangpaglaganan
2. Anong mga salik ng produksiyon ang naapekktohan sa matulungan ngangCOVID-19 sa buong
mga pang-estado, mundo?
lokal, pantribu,
at pang-industriya na katuwang habang nagsisikap sila na protektahan ang mga komunidad, habang tinitiyak ang
pagpapatuloy
VII. Rubrikngsamga tungkuling kritikal sa pampublikong kalusugan at kaligtasan, gayundin sa seguridad ng ekonomiya at
Pagpupuntos:
buong bansa.
Pagpuntos sa Gawain 1,2 3 at sa pamprosesong tanong:

Kaalaman sa Paksa: 10
Pagpapahiwatig ng nilalaman 10
Organisasyon: 5
Kalinisan: 5
Kabuuan puntos: 20

VIII. Pangwakas:

Bilang mag-aaral, bakit mahalaga sa iyo ang pag-uugnay-ugnay ng mga salik sa pang-araw-araw na
buhay?

IX. Mga Sanggunian:

1. Balitao, B. (2015). Ekonomiks. Philippines: DepEd-IMCS.


2. https://covid19.ca.gov/tl/essential-workforce

Inihanda ni: JOANNIE T. DUARTE


Teacher - I

Naitala ni: Inaprobahan ni:

MERCEDITA I. FRIAS LUTHER D. CASTELO, EdD


Head Teacher – I Secondary School Principal – IV

You might also like